Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

What's Real?


HAPPY READING!!

Today is one of the typical days of my life. Iisa lang ang routine. Bahay - School - Bahay. Magbabago lang kung mag aya ng gala ang kaibigan ko or naubos na ang stock ng pagkain ko. Nakatira pala ako sa dating bahay namin. Ang family ko ay nasa malayo at ako ang naiwan dito... dahil gusto ko. Gusto lang maiwan, bakit ba?

Hindi naman ako anti-social. I like crowds and attention. Pero hindi ko alam bakit sobrang boring ng buhay ko. I excel at school. Teachers praises me. Pero hindi ako ganun kagaling to be our batch topnotcher.

"Uuwi ka na?" Tanong ng kaibigan ko. Tumango lang naman ako

S'ya nga pala, Si Tiffany. Maganda, matalino, mabait, pero medyo pabaya sa sarili. Ang ganda-ganda nitong kaibigan ko pero hindi marunong pumorma! College na bihis nanay parin! Hourglass shape ang body, medyo porselana, bilugan ang mata, medyo matangos ang ilong, natural na mapulang labi at wavy ang brunette na buhok. Pero laging may eyebag, suot lagi ay baggy clothes, mukhang nanay, laging naka bun or ponytail, hindi marunong mag ayos sa sarili.

"Ano na naman 'yang suot mo?" Grey na printed oversized shirt at black slacks at crocs na red ang kulay. Tapos naka bun siya. Mukha tuloy siyang bagong gising... o baka bagong gising talaga siya. Okay na sana kung medyo naka tucked in 'yung shirt nya eh...

"Ah, basta. As long as I am comfortable, that's okay. " that's her defense.

Childhood friend ko siya at isa siya sa mga dahilan bakit pinili ko mag paiwan dito sa siyudad na ito. Tapos pinili kong bumalik dito dahil ayaw ko sa doon. I did not know na same course kami ng kinuha. Nalaman ko na lang noong first day of school. I intentionally did not tell her na uuwi ako at dito mag aaral pero mas nagulat ako dahil same kami ng degree course kahit hindi naman kami nag usap. Soulmate ko talaga s'ya! Siguro kung lalaki lang ako hindi ko s'ya pakakawalan eh!

"May bibilhin ka ba sa palengke?" Tanong ko. We do not talk to much sa labas dahil medyo mahiyain si Tiffany. I respect that pero pagdating sa bahay ang daldal...

"Yes, bibili ako ng kilo ng french fries dahil naubos na natin noong nakaraang linggo..." Medyo natawa lang ako, nakakahiya naman kay tita hehe..

Nakakita ako ng matangkad na cactus. Ito ang landmark ng tawiran malapit sa palengke. Tatawid na kami. Hinawakan niya ang kamay ko. Napangiti ako, she's older pero takot siya tumawid. Siguro dahil sa nangyari sa amin noong mga bata pa kami. Nag Go signal na kaya naglalakad na kami sa pedestrian.

"Umiwas kayo!"

"Walang preno!"

Nagkakagulo ang lahat. Tumatakbo na kami ni Tiffany. Pero nakita ko na papalapit na samin ang jeep. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa paligid ko. Para akong nag slow motion. Inalis ko ang sobrang higpit na hawak ni Tiffany sa kamay ko. Tinulak ko siya papalayo sa akin. Imbis na tumakbo, napahinto ako sa gitna. Hindi ko magalaw ang katawan ko. Parang pang teleserye noh? But it felt so real and vivid.

Beep... Beep... Beep...

Phone? Asan na phone ko? Hindi ko maabot... baka tumatawag si mama...

I started to feel uncomfortable at my chest. Para siyang dinadag-anan ng paulit-ulit. It hurts like hell...

"Lily!"

Narinig ko na mga bumagsak na mga salamin sa akin. Dugong umaagos. Sigawan ng mga tao. Iyak ni Tiffany.

Iyak ni Tiffany.... Umiiyak s'ya?

"Ah! Shit!" Napabalikwas ako ng bangon sa pagkakahiga. Another vivid and realistic dream. Lumingon ako sa table clock ko. Nakita kong 8AM na.

"Ahh! Shit! Late na ako!" Dali dali akong umalis sa higaan at dumiretso sa banyo at nag hilamos. Hindi ko na iniisip ang panaginip ko kanina. It's too scary. At isa pa late na ako. Final exam ko pa naman today!

"Miss, your cactus..."

"Palapag na lang po sa higaan ko!" Sigaw ko nang narinig ko si Tiffany. She's my lady-in-waiting yet she's also my childhood friend. Her circumstances made her accept the job but we don't have a slave and boss relationship. Sumagi sa utak ko ang panaginip ko kanina. I never heard her cry before but I heard her in my dreams. It's too realistic...

I used my magic to dry myself. I let Tiffany choose what will I wear today. Inaayos ko lahat ng dadalhin ko sa academy today. Na asikaso ko na siya kahapon pero may mga nawala. I think I used my magic while sleeping again.

"The scroll..." inabot sakin ni Tiffany ang isang maliit na scroll. This is a teleportation scroll. I really need this because I'm late!

"Okay..." huminto ako sa paggalaw at tumingin sa paligid. Wala naman na ata akong nakalimutan... " Yeah, I'm ready! Bye Tif!" Kinuha ko ang mga gamit ko at pinunit and teleportation scroll.

Narinig ko naman ang buntong hininga ni Tiffany bago ako tuluyang nakaalis. Bakit kaya?

Beep... Beep... Beep...

Alarm? Asan na alarm ko? Umalis na ako sa bahay ah??? Ah shit.. panaginip na naman ito.

"Gumising ka!" Sigaw ko sabay suntok sa sarili.

"Lily!" sigaw ni Tiffany habang sinasampal ako. Another peaceful but weird dream. Magic and butterflies.

"Alam mo naman bawal matulog! Huwag kang matulog!" Sigaw ni Tiffany, halos paiyak na..

"Kung ayaw mo mahuli tayo... huwag kang sumigaw. " Sabi ko sabay inat. Kinuha ko ang metallic bat with spikes sa tabi ko at tumayo.

"Ah tang– takbo!" Sigaw naman ni Cactus. I actually don't know his name. Ayaw nya sabihin kaya Cactus ang tawag namin sa kanya. Nakita kasi namin siyang sugatan near a cactus so..

We live where people keep killing each other. Edukado naman lahat ng tao pero bigla na lang naging ganito ang sitwasyon.

"May dala silang baril!" Sigaw naman ni Tiffany. Habang tumatakbo nakakita ako ng unused grande. Kinuha ko 'yun at hinala ang safety pin at hinagis sa mga humahabol sa amin. Kitang kita ang casualties na natamo ng mga humahabol samin. Pero patuloy parin kami sa pagtakbo.

"Doon!" Sigaw ni Cactus habang tinuturo ang isang abandonadong bahay. Sa sobrang tagal namin na ganito ang sitwasyon buti hindi kami nasisiraan ng bait at ng lalamunan. Pumasok kami sa bahay at dali dali namang hinarangan ang pinto. Tahimik lang akong sumunod sa kanila.

"Thank God nakahanap ka ng granada!" Sabi ni Tiffany sabay upo sa sofa. Wow... kahit papaano malinis.

"Sa lagay nating ito? Sa tingin mo may diyos pa?" Pabalang na sagot ni Cactus. Tumayo siya at naglibot sa loob ng bahay.

"Sus... pasalamat ka na lang buhay ka pa dahil sa granada na napulot ni Lily." Sabay irap ni Tiffany. Siguro kung maayos lang ang sitwasyon namin baka magkatuluyan itong dalawa.

"Maayos at may malinis na tubig dito. Maglinis muna kayo... lalo na ikaw." Itinuro ako ni Cactus. Gusto ko malaman ng ibig sabihin ng expression ni Cactus pero pagod na ang utak ko. Well... ilang buwan na ba kaming walang ligo? Nakakita ako ng malabong salamin. Kitang kita kung gaano ka gutay-gutay at pinagtagpi-tagpi ang damit ko. Marami din akong sugat sa katawan. May malaking sugat sa bandang braso. At napansin kong namumutla ako. Mauubusan na ba ako ng dugo?

"I'll look for clothes..." mahinahong sabi ni Tiffany habang nakatingin sakin. Sa grupo namin ako ang itinuturing nilang leader. Minsan nag bibiro pa sila at tinatawag akong nanay. Pero malaking pasasalamat ko na kung hindi ako niligtas ng mga kaibigan ko baka matagal na akong patay.

"May nakita akong first aid kit. Maligo ka na para malinis natin ang mga sugat mo."

Pumasok ako sa banyo, maalikabok pero ito ang pinaka malinis na nakita ko since nagsimula ang walang awang sitwasyon namin. Hinubad ko ang damit ako at tinanggal ang mga kapritso ng tela na nakabalot sa mga sugat ko. Napansin ko na may malaki din akong sugat sa binti at hiwa sa tagiliran. Napansin ko din na kulay violet na ang kuko ko at halos papel na ang kulay ng palad ko.Ano bang nangyari bago ako nakatulog?

Pinihit ko ang gripo. "Ah! Syete! Tang– Argh!" Ang hapdi!

"Okay ka lang?!" Biglang binuksan ni Cactus ang pinto kaya kitang kita nya ang hubad kong katawan.

"Shit! Sorry sorry!" At tumakbo pa alis.

"Tiffany! Puntahan mo si Lily!" Rinig kong sigaw ni Cactus.

"Bakit parang ang ingay mo ata ngayon?!" Sigaw naman pabalik ni Tiffany.

"Huwag kayong sumigaw! Pag narinig tayo at nahuli ako ang papatay sa inyo!" Sigaw ko. Biglang natahimik ang bahay. Ito lang ang time na ginagamit ko ang authority ko laban sa kanilang dalawa. Mapapahamak kami sa ginagawa nila eh... Bigla akong nahilo kaya napasandal ako sa pader ng banyo.

Dahan dahan akong nagpatuloy sa paglinis sa katawan ko kahit sobrang hapdi. Pero hindi ako nagtagal sa tubig dahil sa hiwa sa aking tagiliran... naubusan na ata ako ng dugo.

Lumabas akong nakatapis lang ng kumot na pinunit. Walang mahanap na tuwalya si Tiffany kaya ito ang binigay nya.

"Doon tayo." Sabi ni Tiffany at inalalayan akong makapasok sa isang kwarto. Binigyan niya ako ng undergarments. Hindi muna ako nag suot ng damit dahil tatahiin pa ni Cactus ang mga sugat ko. Pinahiga niya ako sa kama. Nilinis na ata ni Tiffany at wala akong nalanghap na alikabok.

"Pumasok ka na Cactus..." Nakita ko naman na pumasok si Cactus dala ang first aid kit.

"Dapat hinayaan mo na lang ako na matamaan... " umiiyak na si Tiffany sa tabi ko. Si Cactus naman ay nililinis ang sugat ko.

"Tapos hayaan kang mamatay?"

"Oo! Pabigat lang– edi sana hindi na kita hinila at sinama noong una pa lamang na nangyari itong nakakaputang sitwasyon natin." Putol ko sa kanya. Natahimik naman si Tiffany.

"Walang numbing cream dito sa kit pero kailangan nating tahiin 'yung malalaking sugat... kaya mo ba?"

"Bahala na.."

"Sisimulan ko na ... sabihin mo lang kung ihihinto natin ang pagtatahi." Tumango lang ako. Naramdaman ko ang pag tusok ng karayom sa sobrang sakit ay unti unti akong nawalan ng malay.

"Miss Lily!" Sigaw ng isang matanda na nakatayo sa gitna ng... podium?

"Sorry po Sir!"

"Anyway, let's continue..." Tumingin ako sa paligid ko. Sobrang layo ko sa podium. Nasa tuktok ata ako pero kita at rinig ko siya. Halos 5 inches lang ang laki nya according sa nakikita ko. Ibig sabihin sobrang layo ko.

Bigla namang may sumulpot na small cactus at isang white baby bird. 'Yung baby bird ay umupo sa tuktok ng cactus. Nagulat ako dahil baka matusok siya pero lumipad ang ibon papunta sa kamay ko. Umupo siya sa palad ko at natulog. Weird.

"Miss Lily! I told you not to summon anything!" Sigaw ng professor. He looked concerned. Why?

I suddenly gasped for air then the cactus and the baby bird disappeared. Everyone began to panic kasi bigla akong nag float.

"Miss Lily! Someone call the head of the healing department!"

"Yes Sir!" Nakita ko may nag disappear ang ilang students. What's happening?? Did I ... I saw an elder wearing a cloak. He was surprised to see me floating. He flicked his wand then a bubble wrapped my body. Pero hindi pa rin ako makahinga.

"I told you not to summon something because ever since you were involved in an accident your body cannot bear the side effects of summoning..."

What accident? Ah .. the time I was in the teleportation dimension... I punched myself thinking I was still asleep. Then ano 'yung narinig ko?

I saw students in the hallway with surprised faces. Mom, I'm famous! But still, I can't breathe. Parang tinatanggalan ako ng hininga. The elder that I saw put me on a bed then popped the bubble around me. He kept chanting words I cannot comprehend. Advanced enchantations I guess. Medyo nakahinga ako pero bigla akong nakaramdam ng sakit sa loob ng bunganga ko.

"Miss Lily! Don't repel my chants!"

Hindi ako makapagsalita pero umiling ako bilang sagot. The pain kept thrusting in my mouth up to my throat. It hurt. I am already crying and I feel my eyes will pop anytime. I want to grab the elderly for help but my strength is leaving my body... I can't breathe... help... me ...

"Don't fall asleep! Wake up!" I heard the elderly shouting.

"Wake up!" Napabalikwas ako ng marinig ko si mama na sumisigaw.

"Pag hindi ka pa bumangon bubuhusan kita ng tubig!"

"Opo babangon na! Ito na po! Nakatayo na!" Sigaw ko pabalik. What a weird dream. Lagi akong namamatay. Una aksidente, sumunod nasa magic world na ako tapos nag shift sa murder action world then magic world ulit then die. Funny. Cactus, Tiffany, Lolo, and Mister Luna were present in my dream. Weird.

"Kumain ka na tapos maligo para hindi ka malate sa final exams mo."

"Yes, ma'am!" My mom is a professor sa university na pinapasukan namin nina Cactus at Tiffany.

"Tao po! Nandyan pa po ba si Lily?" Sigaw ng pamilyar na boses.

"Cactus!" Sigaw ko. Dali dali kong sinubo ang sandwich at takbo pabalik ng kwarto. Naligo ako ng mabilisan at nagbihis. Siguro mga 20 minutes lang ang tinagal ko.

"Iba talaga pag si Christopher ang nagsundo. Mabilis gumalaw. " Natawa lang si mama. Nakita ko si Christopher kumakain ng sandwich.

"Hi Cactus! Matagal ba?" Tanong ko sabay halik sa labi n'ya. Tasty.

"Nope. Tara na baka malate pa tayo." Humalik naman siya sa noo. Sweet. " Sabi nga pala ni Tiffany nasa campus na daw sya."

"Then let's go! Bye Ma! Love 'ya!"

"Bye po ma." Wahhh kinikilig ako.

"Sige ingat kayo! Magkita na lang tayo sa cafeteria mamaya." Kumaway ako bagi namin isara ang pinto.

Meet Christopher. My cactus. My lover. Four years na din noong naging kami. Supportive naman si mama dahil may tiwala daw siya sa akin. And I am not making any rash decisions to break that trust. Cactus also respect my mom and my decisions that's why humaba ang pagsasama namin.

Binuksan niya ang pinto ng sasakyan. "After you my lady.. " Alam ko na nag iinit at namumula na ang pisngi ko ngayon. Kainis. Bakit ang sweet sweet nitong cactus ko?

Umupo ako at sinundan siya ng tingin habang makapasok sa loob ng sasakyan. I saw how he smirked and giggled.

I wear my seatbelt and nagsimula siyang paandarin ang sasakyan.

"Bakit kaya traffic?" Nastuck kami ng ilang minuto sa kalsada. Hindi naman normal na ma traffic dito dahil hindi naman rush hour.

"I heard na may aksidente daw..." sabi ni Cactus. Napa Oh na lang ako. May dumating na traffic enforcer kaya maayos na ang daloy ng sasakyan. Nadaanan namin ang scene at nakita ko ang isang babae na nakahilata sa sahig at duguan. May babae din umiiyak malapit sa nakahandusay na babae. Siguro magkasing edad lang ata sila.

"Kawawa naman..." I suddenly remembered the first scenario in my dream... Weird. 

Natapos ko ang exam ko and nagkita kami lahat sa cafeteria.

"Mom!" kaway ko noong matanaw ko si mama sa loob ng cafeteria.

"Hi, ma." kaway din naman ni Cactus nang naka pwesto na kami sa lamesa.

"Hello po tita!" masiglang bati naman ni Tiffany.

"Maupo na kayo." Naglabas siya ng samu't saring tupperware.

"Wow sarap.." pagkatapos tumikim ng ulam. I suddenly can't remember the name of the dish...

Cactus and Tiffany kept giggling and laughing with my mom. Ako itong kain lang ng kain at hindi makasabay sa pinag uusapan nila. Food is life. Tiffany looks like a model while my Cactus looks like an actor, while me? I look like... I don't know what I look like. It's been so long since nakita ko ang sarili ko ng maayos sa salamin. It's not that I hate my physique though.

"I'm full..." I rubbed my belly. "Good for you." Tiffany said while rubbing her tummy as well.

"Uuwi na kayo?" Tanong ni mama pagkatapos mag ligpit.

"Nope, We will go somewhere first." sabi ni Cactus while helping mom.

"Sure, just don't be late." Then she left.

"Saan tayo?" Excited na tanong ni Tiffany.

"Actually I don't know..." napakamot sa ulo si Cactus. Cute... "Ah! Road trip? Full tank ako today." Nakangising sabi naman ni Cactus.

"Really? Kaya mo?" nakangising sabi ni Tiffany.

"Ako pa." Natawa kami ni Tiffany. Tumayo kami at umalis sa cafeteria at diretso sa parking lot.

Beep... Beep... Beep...

Napa-kunot ang noo ko nang marinig iyon. Paulit ulit ko itong naririnig kanina sa panaginip ko...

"Ah wait! Someone's calling me.." sabi ni Tiffany. She answered the call.

"Sorry guys. Hindi ako makakasama... family meeting." And pout. She's so cute...

"Lucky..."

"I heard that Christopher." Tiffany rolled her eyes. "Gusto mo lang masolo si Lily eh!" Sabay irap. Bigla naman siyang lumapit sakin at hinawakan ang kamay ko.

"I'll make it up to you, Lily. I promise." Then she kissed the back of my hand... "Tayong dalawa lang at hindi kasama yang Christopher na yan!" Hinintay muna namin ang sundo ni Tiffany bago kami ni Cactus umalis ng campus.

"Where do you want to go?" Tanong ni Cactus habang binuksan ang aircon ng sasakyan.

"I don't know..."

"Restaurant, arcade... or a motel b–" I immediately put my hand in his mouth. Then he licked my palm. I felt tingles sa tip ng mga daliri at toes ko. Tinanggal ko ang kamay ko at nakita ang laway na naiwan sa palad ko.

"Ah let's go to a carnival first before a motel– okay okay.." I felt my cheeks burn. The window suddenly opened. Tumingin ako kay Cactus at nakita ko siyang nakangisi. Nginitian ko siya pabalik.

I like how the wind brushes against my skin and how it ruffles my short hair. I feel sleepy...

"Matulog ka muna, medyo malayo pa ang carnival." I closed my eyes and drift to sleep.

Beep... Beep... Beep...

"Lily!"

"Asan ka?!" Rinig kong hinangos ni Tiffany

"Dito!" Hinila ko siya papasok sa isang dark room.

"Lily... natatakot ako..." iyak niya. Niyakap ko siya at tinapik-tapik ang kanyang likod.

"Shh... I'll protect you."

"Patay na silang lahat! Tara alis na tayo dito!"

Bigla na lang na uso ang mga patayan dito. Hindi ko alam kung gawa ito ng terorista o mga wala lang magawa sa buhay. Edukado naman siguro pero bakit ganito ang ina-asal nila. Mas masahol pa sa hayop.

Pinakiramdaman ko muna ang mga kaluskos sa paligid. Kahit ako natatakot, pero kung walang gagawa ng paraan sa aming dalawa... pareho kaming mamamatay...

Tumahimik na ang paligid.. " Tara." Sabi ko at inalalayan tumayo si Tiffany.

"Tiffany, pumikit ka lang at yumakap sa braso ko..." I don't want her to see gruesome scenes... lalo na't paniguradong sariwa pa ang mga bangkay sa labas...

"No. I can handle this .." I mumbled under my breath and gave her a nod. Naglakad na kami papalabas.

Bangkay. Dugo. Laman-loob. Bala. Kutsilyo at mga baril. Nagkalat sa sahig. Mabaho, malansa at nakakasuka. Naramdaman ko naman na humigpit ang yakap ni Tiffany. Nakita ko ang mga katawan ng classmate ko, nakahilata at wala nang buhay. Nang makalabas kami sa campus at dali dali kaming tumakbo para makauwi.

"Ma? Ma!" Sigaw ko.

Nakita ko ang duguang katawan ni mama sa bakuran. Kasama ni katawan ni lolo...

"Lily..." gusto kong umiyak... pero hindi ko kaya. Walang lumalabas na boses o luha.

Nilibing namin sila kung saan namin natagpuan ang mga bangkay nila.

"Lily..."

"It's okay. It is bound to happen anyway." Kumuha ako ng tubig. Hindi kami makakain kahit may pagkain naman dito sa bahay. "Dito ka muna magstay, puntahan natin sila Tita bukas. Magpahinga muna tayo."

Tumango si Tiffany. Dumiretso kami sa kwarto ko. Pina una ko muna siyang mag linis ng katawan. Naglabas ako ng mga damit na pwede nyang magamit. Lumabas siya sa banyo at ako naman ang pumasok. Nakita ko ang sarili ko sa malabong salamin. Kitang kita ang lungkot sa mga mata ko at pagod. Nagbihis ako at lumabas ng banyo. Nakita ko si Tiffany na tulog na sa kama ko. Tumabi ako sa kanya at natulog na din.

"Lily..."

"Hmm...?"

"Lily... gising na.. baka hanapin natayo ng mama mo..."

"Five more minutes..." naramdaman ko naman ang dampi ng labi sa labi ko. Dumampi na naman ang labi nya. Gusto ko pa... Minulat ko ang mata ko at nakita si Cactus na nakangisi. Nilapit nya ang mukha niya at ginawaran niya ako ng halik. Lumalim ito at naramdaman ko ang pagpasok ng dila niya.

"Enough... hahanapin na tayo ni mama." Putol ko.

"Fine..." ngumiti si Cactus at tumayo. Kinuha niya ang mga damit namin at inayos ito sa higaan.

"Let's clean up." Binuhat niya ako papunta sa banyo. Sabay kaming nag linis ng katawan. Binuhat niya ako ulit palabas. Siya na mismo ang ang punas sa katawan ko at ako naman ang nag punas sa kanya. Nagbihis kami at nag check out.

"Sige na pumasok ka na at mag pahinga." Pinag-bukasan ako ni Cactus ng pinto. Mabilis lang ang biyahe kaya nakauwi kami agad sa bahay. Pero tulog na si mama noong nakarating kami.

"See you tomorrow." Niyakap ako ni Cactus.

"Yeah... see you tomorrow." Dahil nakapag linis naman na ako ng katawan, dumiretso na lang ako ng higa. Everything feel so weird... My dreams... It felt so real. The physical and emotional pain... I pinched myself... It didn't hurt..

"Wait... bakit hindi ko maramdaman? " Kinurot ko ulit ang sarili ko sa may braso. Naramdaman ko naman iyon. Medyo masakit, parang tinusok...I need to check whether I am dreaming or not. Kasi my dreams are so vivid I am getting confused between my reality and dreams. First, I became a boring person na walang ibang place na pinupuntahan kundi bahay at school. Walang Christopher at si Tiffany ay laos kung manamit. Next, that magic something world. That's definitely not real. Magic don't exist. Lastly, the gore and action dimension. That is definitely not real too.

I can't even tell if my reality is real or not. I'm getting confused... "This is real. I can feel pain." I reassured myself and fell asleep.

Minulat ko ang mga mata ko. Tahimik ang paligid. Sobrang bigat pati ng pakiramdam ko. Lumingon-lingon ako sa palig at nakita si Tiffany sa aking kanan at si Cactus naman sa kaliwa. Pareho silang tulog. Malinis ang mga damit nila pero halata ang mga galos at pagod sa muka nila.

Dahan dahan akong tumayo para hindi ko sila magising.

"Lily?" Umangat ang ulo ni Cactus at kita sa kanyang mukha ang gulat.

"Lily..." paiyak niyang sambit. Tumayo ito at niyakap ako.

"Akala namin... akala namin..."

"Shh... Gising na ako at buhay pa. Huwag mo muna akong patayin." Pabiro kong sabi at tumawa. Kumalas naman siyia sa yakap at humarap sakin at nakakunot ang noo.

"Don't joke like that..." napansin kong may tumulong luha sa mata niya kaya na guilty ako.

"Okay, I'm sorry..."

"Hayaan mo muna matulog si Tiffany. Gagawa lang ako ng makakain."

"Salamat..."

Don't wake up ... just don't... not yet...

I heard it loud and clear. Pamilyar ang boses pero hindi ko maalala kung kanino ito galing... Tumingin naman ako kay Tiffany pero tulog pa ito.

Don't wake up? No yet? Pero gising naman ako... what's happening? Am I hallucinating? Hindi pa ata ako nakaka-recover ng maayos kaya kung ano-ano ang naririnig ko.

Habang hinihintay si Cactus, bumalik ako ng tulog. Sa sobrang vivid ng mga panaginip ko, hindi ko na alam kung ano ba ang totoo. Dito, totooo akong nasusugatan at nakakaramdam ng sakit o kirot sa pisikal katawan. At sa mga panaginip ko... ganun din. Nakakaramdam ako ng lungkot, sakit o saya. This is really weird and confusing. I'm totally lost. I fell asleep then woke up in a different scenario or world or dimension again and again! I don't know what's happening... I don't know what's real anymore... If this reality is a dream... I would gladly accept that because I'm tired of fighting and running from death. Nakakapagod.

I opened my eyes again. Sinalubong ako ng katahimikan at kadiliman. Hindi ko makita ang itsura ko. Kinapa ko ang mukha ko at naramdaman na basa ang pisngi ko. Umiiyak ba ako?

"Tiffany...?" Biglang may liwanag at nakita ko ang mukha ni Tiffany. Bata pa ito... 7 years old I think...

"Lily! I found you!" She hugged me... "You hid so well it took me hours to find you!" I couldn't find a mirror but I think I am 6 years old this time... small hands, small frame ... is this another dream?

"W-what's t-time– The clock says nine!"

"But w-we started playing at o-one..." Naramdaman ko ang takot sa buong katawan ko.

"Tiffany! Nahanap mo na si Lily?!" I heard his father shout.

"Yes dad! " Bumitaw naman sakin si Tiffany at tumakbo palabas ng kwarto. I can feel my body trembling. Why?

"Lily! Your grandfather is looking for you. You made your family worried sick, my dear... I'll send you home." Tiffany's mother told me while caressing my head. Binuhat niya ako at bumaba. Nakita ko ang reflection ko. Maliit, naka puting dress, pulang pulang ang mukha lalo na ang mata.

"Lily!"

"Thank God..." Mom and Dad hugged me.

"Nag laro daw sila ni Tiffany ng hide-and-seek and hindi daw siya makita ni Tiffany kaya ilang oras din kami naghanap." Paliwanag ng tatay ni Tiffany

"Salamat, Theodore."

Binuhat ako ulit pero si dad naman ngayon. Pumasok kami sa bahay. Nang nakita ko si lolo sa sofa ay nanigas ang katawan ko.

"Lily." bati ni Lolo.

"Dad..." 

"Lily. Go to my office right now." Binaba ako ni dad. Tingnan ko ulit sila. Naglakad naman ako papunta sa office ni lolo.

Umupo lang ako sa sofa sa office ni Lolo. Naghihintay lang ako doon.

"Lily.." Nakita ko si Lolo. Natatakot ako but at the same time I am calm.

"I know you didn't intend to hide that long. I advise you to stop befriending that brat." He sat beside me.

"But lolo... She is..." I trailed off and kept fidgeting.

"Fine. It's your own decision."

"Starting next month, tutors will come into the house. Make sure to be prepared."

"Yes, lolo..."

"Now, wash up and go to bed." Lolo said. Tumayo siya at humarap sakin. Lumuhod siya at hinalikan ako sa noo. It was sweet and gentle.

Lumabas ako sa office at nakasalubong ko si Mommy.

"Mommy, I want to rest. I'm tired.." I tugged her skirt. "Sure baby."

Pumasok kami sa kwarto ko. Hinilamusan ako ni Mommy. Ako na ang nagbihis sa sarili ko. Humiga ako at diretsong natulog.

I opened my eyes and the first thing I saw was a picture of a fairy inside a bubble... a picture book? Tumingin ako sa paligid. Nasa damuhan ako. Tanaw ko ang mansyon pero sobrang liit nito.

"Tapos ka na magbasa?" Tanong ng isang batang lalaki.

"No... Do you want to read this?" Inangat ko ang libro.

"Pwede ba?" Tanong niya. Kita ang kinang ng mga mata niya noong inabot ko ang libro.

"Tatapusin ko din agad. Saglit lang ha..." sabi niya sabay buklat ng libro. Tama nga ang sinabi niya. Mabilis siyang natapos sa pagbabasa.

"Heto. Salamat ha. Huwag mo sabihin sa lolo mo na nandito ako... magagalit iyon sayo...." Why? Bakit magagalit si lolo sakin?

"Binasa mo ba talaga?" Pataray kong sabi.

"Oo naman!" Mayabang niyang sabi. "You said so..." humiga ako sa damo. Matingkad ang araw kaya napapikit ako, nakakasilaw. Pero hindi ko ito nararamdaman... panaginip ata ito...

Minulat ko ang mga mata ko. Nasa pamilyar akong kwarto. Tumayo ako sa pagkaka-higa, naligo at nag bihis at lumabas sa kwarto ko. Dumiretso ako sa kusina para mag almusal.

"Hey beautiful..." I saw some boys smirking at me. I am on my way to school. I am a transfer highschool student. I am in America right now. Lolo ordered my family to throw me here. The reason? Experience. But for some unfortunate events... Tiffany was sent here years before me.

Tiffany... She fitted in naturally....and became a bully. One of her targets was me. She chose to be like that. But I keep choosing to be calm and understanding... For all these years, she's like a sister to me. Nothing will ever change that.

Normal ordinary day. Classes went well. May mga assignment and projects na binigay. Napadaan ako sa room ng nakarining ako ng putok at sigawan ng mga bata.

"Killer with a gun!"

"Where?!"

"Outside!" Sigaw ng isang bata.

Nagtatakbuhan sila . May nagkakabanggan pa. The hallway was cleared after some minutes. Nagtago ako sa janitor's room dahil iyon ang pinakamalapit na pwede ko pag taguan.

"Tiffany.." bulong ko.. I'm worried...

"Lily!"

"Asan ka?!" Rinig kong hinangos ni Tiffany

"Dito!" Hinila ko siya papasok sa loob. Medyo madilim ang room pero kita ko na namumula ang kanyang mukha lalo na ang kanyang mata.

"Lily... natatakot ako..." iyak niya. Niyakap ko siya at tinapik-tapik ang kanyang likod.

"Shh... I'll protect you." Pumikit ako. Pagmulat ng mata ko ay napansin ko na wala na ako sa madilim na kwarto. Ngunit nasa isang red-dimmed na kwarto kung saan hindi ko maintindihan ang nakikita ko.

Kita ang gulat sa mukha nilang dalawa. "Lily..." mahinahong sambit ni Christopher.

'I love you so much...' I heard him. A memory of us in the same situation...

" Oh god..." I clutch my chest... It hurts as hell. I can hear my heart and my trust being shattered. Want to know what I saw? Tiffany and Christopher being naked. His private part inside her private part.

I thought of them as family. I love him... them so much I decided to defy my family. All of my grandfather's warnings throughout the years... Lumayo sila sa isa't isa. Si Tiffany... I couldn't even see the guilt in her face. Unlike Christopher, I can see guilt. But it's too late. This betrayal is enough... natauhan na ako.

I want to hurt them para maramdaman din nila ang nararamdaman ko. Pero, hindi ko kaya eh. Na stuck lang ako sa kinatatayuan ko. Hindi kasi ako ganoon. Nararamdaman ko ang pag bilis ng pag hinga ko. Galit, inis at lungkot... I felt betrayed.

Hinawakan ako ni Christopher sa kamay ko. Umiwas ako agad bago niya pa ako mahawakan tila ba may nakakahawang sakit siya... "You... y-you..." I can't even say hurtful words to them. That's how I love them! How could they do this to me?! I treasure them! Then this is what I get! A betrayal!

Tumakbo ako palabas ng kwarto. Sumakay ako agad sa aking kotse at umalis sa lugar na iyon. Ang bigat ng nararamdaman ko. Umiiyak lang ako. Wala akong ibang magawa kundi umiyak. Nag mamaneho ako pero ang isip ko at naiwan sa kwartong iyon.

"Huwag kang ma-attach sa kanila. Kung maari lang ay huwag mo na sila lapitan.." sabi ni lolo. Nasa loob na naman ako ng opisina niya.

"But... she's my only friend. And she also needs a friend in the US. I can guide her." I plead. Pinalayas si Tiffany dahil sa mababa niyang grado.

"Does she consider you as a friend?" Isa sa mga tanong ni lolo na hindi ko masagot. Pero masasagot ko na ito ngayon. Lolo, you are correct. I shouldn't attach myself to them. She doesn't consider me as a friend but as a rival. I know it for so long and I still decided to stick dahil naawa ako sa kanya. 

"Why? Bakit siya pa ang naging boyfriend mo? Andaming lalaki dyan– Lolo!" I shouted at him. This is the first time I shouted at him. "I love him despite his status! Don't judge him like that!"

"You are blinded! Blinded by love! He's an asshole!" He shouted back at me. I walked out and slammed the door. But, Lolo... you are right again.... He is an asshole. Telling me that I am the only girl he loves while loving her. My bad, I did fall.

"Read this." Lolo gave me an envelope. The contents were troubling.

"Did you really exert effort to edit this to rile me up?" I chuckled while browsing among the pictures.

"Do you think I am that petty?" I shrugged as an answer.

"Go to this motel. You will see them there." He gave me a piece of paper. The name of the motel was so familiar I already knew where it was. It was a motel far from the city... but famous for its beautiful view of the dazzling bustling city.

"Call me if I am right." He stood up and exited the place.

"I hope you're not..."

I'm sorry lolo... I didn't listen.

Dahil sa mga luha ko at dilim ng paligid ay wala akong makita sa paligid. Napahinto lang ako sa pagmamaneho noong nabunggo ko ang isang poste. Wala akong nararamdaman na sakit. Siguro na manhid na ako dahil sa mga nasaksihan ko kanina... Naramdaman ko na lang ang mainit na likido sa ulo ko na humahalo sa luha ko. Hindi ako tumawag ng saklolo. Mabuti na siguro ito... kasi kahit anong mabuti at pagmamahal ang ipinakikita ko... binabalewala lang nila ako. Mas mabuti na ito. Tahimik. Walang nakakaalam.

Beep... Beep... beep...

Nagising ako sa nakakairitang paulit-ulit na matining na tunog. Pero madilim ang paligid pero nakikita ko ang sarili ko. I feel like I am seeing a reflection of myself. A ton of reflection of myself. I can see a child version of me, a teen, an adult, and my current self.

"Ano 'to? A metamorphosis???" I chuckled. Patay na ba ako?

"Nope but just so you know... You're barely alive." Said the adult. The teen chuckled. "Sasabihin ko sana you're alive and kicking pero hindi ka pa pala gising..." Natawa naman silang dalawa.

"Sino kayo?" Tanong ko. Isa-isa ko silang kinilatis. Ang bata ay may magaang aura, tila ba may soft spotlight na nakatutok sa kanya kahit wala naman. She wore a soft baby blue dress and a white sparkly doll shoes. She was cute and she felt like an good and innocent person. Just like a child.

The teen looks... dark. Her uniform– the uniform I used to wear in an all girl school–was neat. But she looked disheveled.

The adult looks fine. Too fine as if she followed so many instructions to keep her appearance. It felt... robotic.

Then I saw a reflection of myself. I was in a gray dress, barefoot. My hair was messy as if I suddenly woke up. But somehow it felt that it wasn't me somehow...

"What do you think?" The adult asked.

"I dont know ..." is this another... dream?

"You are somewhat correct." The child commented.

So all this time... I am just dreaming?

"Umm dear... you were traveling inside your conscience. Everything that you see are your unconscious decisions. " The adult explained.

"We really can't tell you kung purely panaginip lang ba o halong fragments of your memory." Sabi ng bata. "or not.." dagdag ng teen.

"Your very own choice to live in a fantasy, a tragic dimension, a simple life, and even reliving your simplest to darkest memory. " The teen added.

So that last part was... real? I felt anger and a feeling of betrayal surge inside me. Napabagsak ako sa kinatatayuan ko. I can't hear what I was thinking. I can only feel... Then suddenly they took one step backward. I saw my gray dress became a mix of yellow- reddish black dress.

"Oh... you feel complicated." The adult commented while caressing her chin. I saw my reflection... there's pink spots in my dress...

"Gusto niyang may masamang nangyari sa kanila..." the child said while hugging herself. She looks scared...

"But she still loves them... you are really something." The teen said while looking at the child. The child shrugged.

"Please... calm down." The adult said. I tried to calm down. I saw my dress slowly became gray.

"That's good and please don't address us because of our looks. " Lumapit sila at napa-upo kung saan ako naka salampak. Napakunot naman ako ng noo.

"Everyone you see here is a part of yourself. We are you." Sabi ng bata. Wala akong maisip.

"Accept it. Don't repel it or try to forget it..." hinawakan ako ng matanda sa kaliwa kong balikat.

"Because if you do... mawawala kami... mawawala ka." At hinawakan naman ng teen ang kanan.

Pero ano ang panaginip ko sa totoo kong alaala?

"Remember and... wake up." Sabi ng bata hinaplos niya ang aking mata.

Beep ... beep... beep...

May isang babae na nakaratay sa ICU. Maraming aparato ang nakapalibot sa kanya.

"Kailan kaya siya magigising Doc..." tanong ng isang makisig na lalaki. Medyo may katandaan na din ang hitsura pero maayos at masigla parin siya kung tingnan.

"She was already stable unlike the past few weeks. Let's just hope she'll wake up soon Mr. Afello..." Sabi naman ng Doctor.

"Kasalanan nila ito dapat noong simula pa lang nilayo ko na si Lily!"

"Desisyon n'ya iyon Edward... Wala tayong magagawa doon." Napatayo naman ang isang matandang lalaki. Lumapit siya sa nakahigang dalaga at hinaplos ang kamay.

"She's just too stubborn and kind for her own sake..." napabuntong hininga lang ito.

"Dad ..."

"I know. It's also my fault. Kung hindi ko siya pinapunta doon... hindi sana nangyari ito." Maamo niyang tiningnan ang dalaga. Kitang kita sa kanyang mukha ang pagsisi.

"I hope you wake up soon... Lily."

Dahan-dahang dumilat ang mga mata ng dalaga. Nagulat ang mag-ama. "Lily!" Kitang kita sa mata ng mag-ama ang taranta at saya nang makita nilang nakamulat ang mata ng dalaga. "Anak..." hinawakan ng ama ang kamay ni Lily at biglang umiyak.

"Doc!" Takbo naman ng matanda palabas ng kwarto.

Kitang-kita sa mukha ng dalaga ang gulat at pag-kalito.

"Mom.." Natigilan naman si Edward at napaluha.

"Lily... I'm sorry..."

Beep ... beep... beep...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro