CHAPTER 4
Pinilit ni Jay ang sarili na kumatok sa pinto, bahagyang kinakabahan. Nang tumingala si Marla mula sa trabaho, nagtagpo ang kanilang mga mata at parang tumigil ang oras sa kanilang pagitan.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Marla, halatang pagod pero nagtataka. "Hindi ka pa required na mag-overtime. Kapapasok mo pa lang naman."
"I saw you working late," sagot niya, pumasok at sinarado ang pinto. "You haven't changed. Workaholic pa rin."
Bumalik si Marla sa kanyang ginagawa, parang ayaw maapektuhan ng presensya ni Jay. "Kung wala kang sasabihin na mahalaga, baka gusto mo nang umuwi. Hindi lahat may luxury na magpahinga."
Hindi napigilan ni Jay ang mapangiti. Ang sharp na ugali ni Marla ay tila mas naging malakas habang nagkakaedad. Pero sa kabila nito, lalong lumalim ang paghanga niya. "You also told me the same thing, before you rejected me."
"Oo sasabihin ko talaga 'yon, kasi hindi naman ako umasenso," bwelta naman ni Marla saka ibinalik ang tingin sa desktop computer.
"Alam mo, hindi ko inaasahang dito pa tayo magtatagpo," sabi niya. "After all these years, it's funny how life works."
Hindi tumingin si Marla. "Hindi ito coincidence, Jay. Dinala ka rito ng pamilya mo, at ako, nandito dahil sa trabaho ko. Walang kinalaman ang 'destiny' sa nangyayari."
Napabuntong-hininga si Jay at ngumiti nang bahagya. Alam niyang hindi madaling makuha muli ang tiwala ni Marla, lalo na't mukhang galit pa rin ito sa kanya o baka may duda sa pagbabago niya.
***
Alas-otso ng gabi nang lumabas si Marla sa opisina. Bitbit niya ang kanyang shoulder bag at ilang folders na tila hindi pa rin natatapos ang trabaho. Tahimik na ang paligid ng warehouse, at ang tanging nasa isip niya ay kung paano makakauwi nang mabilis para makakapagpahinga.
Pagdating niya sa bandang parking lot, nagulat siya nang makita si Jay na nakasandal sa kotse nito. His eyes only looked at her with a sense of admiration, just exactly when he saw her.
"Bakit nandito ka pa?" tanong niya.
Ngumiti si Jay, pero halatang iritado ang tono niya. "Of course, I thought I'd offer to take you home or grab dinner. You've been working hard."
Itinaas ni Marla ang isang kilay at huminto ng ilang hakbang mula sa kanya. "May pambili ako ng pagkain, mayro'n din akong pamasahe."
Tumawa nang mapait si Jay. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang trato ni Marla sa kanya. Parang ang lagay, sobrang laki ng kasalanan niya rito kahit kabaligtaran naman ang nangyari. She's so elusive. Pero nang maalala ang sinabi ni Mang Nestor sa kanya tungkol kay Marla, naiintindihan na niya kung bakit.
'Kasi may asawa't anak na siya.' Parang tinutusok-tusok ng karayom ang puso niya.
"Sige, mag-iingat ka, Ms. Francisco." Binigyang diin niya pa ang apelyido nito. "Ms. or Mrs.?"
Tumango lang sa kanya si Marla at umiwas ng tingin. "Mauuna na ako, Mr. Guillermo."
Naiwan si Jay na nagtataka habang pinagmamasdan si Marla na naglalakad palayo at pumara ng jeep sa 'di kalayuan. Parang may mainit na bagay na bumalot sa dibdib niya, magkahalong inis at lungkot.
'Kung hindi lang ako pinapunta sa France dati, eh 'di sana nagawa ko pang patunayan kung sino ako. Hindi sana siya mapupunta sa ibang lalaki. I hope she's fine and always happy with her married life.'
Habang nagmamaneho pauwi, hindi niya maiwasang magmuni-muni at timbangin ang mga nararamdaman niya.
"Gwapo ako, mayaman, at matalino—nang kaunti. There are lot of girls out there who would do anything just to get my attention at hindi ko tatawaging 'ate'," bulong niya sa sarili habang hinihigpitan ang kapit sa manibela.
Naalala niya ang mga babaeng nakaulayaw na niya sa France—gorgeous, wild, liberated, and very straightforward. Pero kahit gaano sila kaganda o kahusay magdala ng usapan, wala sa kanila ang nagpatibok ng puso niya. Isang gabi lang niya sa mga ito, mawawalan na agad siya ng interes.
"Akala ko pa man din, hindi na ako maguguluhan sa nararamdaman ko. Ang tagal na no'n. Bata pa ako noong una ko siyang maging crush. This isn't right."
***
Habang nasa biyahe pauwi, hindi mapigilan ni Marla ang pagbalik ng isip niya kay Jay. Sa totoo lang, hindi niya maitatangging nagbago ito. The once lanky and somewhat careless teenager became a tall, confident, and undeniably attractive man. Ang defined jawline nito, ang ganda ng postura, at kahit ang paraan ng pagngiti ay mas nagpatindi pa ng appeal nito. She can't blame her female colleagues for wanting to be in her position. Sila na ang willing na mag-mentor kay Jay. Ngunit sa kabila ng physical transformation ni Jay, nariyan pa rin ang inis niya rito.
"Iyong gano'ng itsura, paniguradong marami na rin 'yong napaglaruan. Pero in fairness, maganda yata ang hangin sa France para maging gano'n siya kagwapo," naisip niya habang nagpipigil ng antok dahil sa pag-aalala na baka lumampas na naman siya ng bababaan.
Pagkarating niya sa munting tirahan nila sa Pasig, binuksan niya ang pinto at agad na bumungad ang lola niyang si Aling Carmen, nakaupo sa sofa at nanonood ng drama series. Nakataas ang salamin nito at hawak ang remote control.
"Sinasabi ko na nga ba, talagang may gusto siya kay Golda, ayaw pa kasing umamin!" sigaw ng matanda habang nakatutok sa TV. She's obviously referring to the drama that she's watching. Sa sobrang focused, hindi na namalayan ang pagdating ng apo.
"Lola, nandito na po ako sa bahay," sabi niya nang tuluyan siyang makapasok sa loob.
"Oh, nandito ka na pala, apo," bati nito, sabay turn off sa TV. "Ang tagal mong umuwi. Overtime na naman ba?"
Tumango si Marla habang tinatanggal ang kanyang sapatos. "Opo, 'la. Ang daming kailangang tapusin sa opisina. Tapos may tinuturuan akong bago sa'min."
Ngumiti si Lola Carmen, pero agad na nagsalita ng paborito nitong paksa, na paulit-ulit na lang. "Alam mo, dapat hindi puro trabaho ang inaatupag mo. Maghanap ka na ng mapapangasawa habang may oras ka pa. Hindi ka na bumabata, Marla."
Napabuntong-hininga si Marla. "'Lolaa, ilang beses ko na pong sinabi, hindi ko pa priority 'yan. Marami pa akong kailangang gawin sa buhay saka sa field ko, napapatunayan kong nakakainis ang mga lalaki.."
Pero hindi nagpapigil si Lola Carmen. "Eh 'di hanggang kailan ka pa maghihintay? Hindi mo na kailangan ng perpekto. Kahit sinong matinong lalaki na puwedeng mag-alaga sa'yo, ayos na 'yon basta hindi ka tatandang mag-isa."
Umupo si Marla sa tabi ng lola niya, ipinakita niya ang pagod sa kanilang pag-uusap. "'La, hindi po lalaki ang hinahanap ko—pera po."
"E, 'di maghanap ka ng lalaking mapera," hirit pa ni Lola Carmen. "Biro lang apo. Naiintindihan naman kita. Naniniwala ka pa rin na pag-ibig ang hahanap sa'yo. Pero, kailan ba? Kasi 32 ka na."
"Lola naman," hagikhik ni Marla. "Hindi ko na kasalanan kung walang nagkakagusto sa'kin."
Bigla niyang naisip si Jay. Sa lahat ng lalaki, bakit ito pa ang sumagi sa isip niya? Pero bago pa niya maituloy ang iniisip, nagsalita ulit ang kanyang lola.
"Kung hindi ka pa magdedesisyon, baka ako na ang pumili para sa'yo," biro nito, pero halata sa tono na may halong katotohanan. "May bubunutin na ako."
"Ginawa n'yo pang pa-raffle ang paghahanap sa mapapangasawa ko," biro ni Marla.
Habang humihiga sa kama ng gabing iyon, muling bumalik sa isip niya ang mukha ni Jay sa labas ng opisina. Ang seryoso nitong tingin, ang 'di maikakailang kayabangan sa pagtindig, at ang paraan nitong ngumiti na parang alam niyang kayang kaya nitong magpasaya ng sinuman. Sa kabila ng lahat, may isang bagay siyang kinikimkim na hindi niya gustong aminin kahit kanino—hindi na maitatanggi na mas kaakit-akit si Jay ngayon kaysa dati.
"Yuck! Seven years ang age gap namin!" Napatakip siya ng kumot at iwinaksi nang tuluyan ang pag-iisip sa binatang may hatid na delubyo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro