CHAPTER 21
The next morning, Marla woke up to the smell of coffee and bacon from the kitchen. Kumulo ang sikmura niya, reminding her na hindi siya masyadong nakakain dahil mas inuna niyang makipagmatigasan kay Jay.
She found Jay, standing at the kitchen counter, flipping pancakes with a surprising level of focus. Suot nito ang plain gray shirt at pajama pants, at basa pa ang buhok mula sa shower. He looked so different from the confident yet arrogant version of him while working at Hauling Coach. This Jay that she's seeing right now seemed—almost domestic.
"Good morning," pagbati nito nang hindi lumilingon. Ang talas ng pandinig nito para malamang nakatayo na siya kanina pa. "Nandiyan ang coffee. Bacon and pancakes will be ready."
"Good morning din," Marla replied awkwardly habang nagbubuhos ng kape sa tasa. She sat at the counter, watching him work. "Hindi ko alam na marunong kang magluto."
Jay smirked, finally glancing at her. "Marami kang hindi alam tungkol sa'kin, Manang Marla. But I don't blame you. Lagi ka namang umiiwas, eh. Pinaniniwalaan mo lang 'yong mga bagay na gusto mong paniwalaan."
She rolled her eyes but didn't respond. Instead, she sipped her coffee and tried not to let her gaze linger on him for too long. Nakalimutan niyang naiinis pa rin siya sa naging pagtatalo nila kagabi.
"So, ano ang plano mo ngayon?" Jay asked as he placed the food and set it on the table. "Magpapaliwanag ba tayo kay Tito William kung sabay tayong papasok sa Laguna branch?"
"Ang kapal mo," Marla muttered, but there was no malice in her tone. She picked at her pancake, avoiding his gaze. "Hindi ako pwedeng makita ng mga officemates natin na kasama kita. Alam mo naman, kahit saan, mabilis kumalat ang tsismis. Hindi tayo magsasabay na pumasok."
Jay chuckled. "Seryoso ka? Magpapakahirap kang bumyahe habang masama pa rin ang panahon kaysa sumabay sa'kin? Mukhang takot ka talaga sa iniisip ng iba."
Marla didn't respond. Instead, she stood up and carried her plate to the sink. She didn't know what scared her more—Jay's proposal or the fact that, deep down, she was starting to believe him.
"Hindi pa ako pumapayag, loko." Iyon lang ang masasabi niya sa ngayon. But deep within her, being married to someone like Carlo Jay Guillermo was like a blessing from above. Hindi na siya lugi. Evident pa nga na ito ang lugi sa kanya kung matutuloy talaga nila ang 'trip' nilang ito.
"Manang, you don't have to worry about such things. Pumayag ka na kaya kagabi sa kasal." Bahagya itong natawa na may bahid ng panunukso. "Normal naman na nagsasabay sa pagpasok ang mag-asawa. I mean, mag-fiancé."
"Hindi pa ako pumapayag. Alis na 'ko," Marla insisted. But she just stopped when she heard Jay laughing out loud at the counter.
"Manang, you're still wearing my shirt. Lalabas ka nang ganyan? Titingnan ka agad ng ibang tao bilang asawa ko na, okay lang sa'yo?" mapanuksong tanong ni Jay.
Marla gasped and realized that Jay was right. Napatakip siya ng mukha at nagmadaling pumunta sa restroom, pero mabilis itong kumilos para harangin siya. "Hindi dyan, doon."
Pinamulahan siya ng pisngi dahil itinuro ni Jay ang tamang daan sa pupuntahan niya, habang naglalaro pa rin ang nakakalokong ngiti sa mga labi nito.
Naiiling si Jay habang sinusundan ng tingin si Marla. She was still the same Marla in his eyes, the one who seemed flustered when caught in awkward situations, especially when trying to hold back when receiving a compliment or denying a hint of excitement.
***
Nagpatuloy si Marla sa kanyang desisyon na umalis. Matigas ang kanyang loob, ngunit pilit niyang inaayos ang magulong emosyon. Ngunit hindi pa man siya nakakalayo, na-realize niyang napakalaki pala ng problema niya—hindi gano'n kadali ang mag-commute sa BGC.
Nakarating siya sa Market Market, ngunit doon ay sinalubong siya ng mas malaking hamon. Ang dami niyang kaagaw na pasahero sa masikip na terminal, at hindi pa rin siya makakuha ng masasakyan. Male-late na siya, at iniisip niya kung paano niya ito ipapaliwanag kay Sir William, lalo na't bago lang siya sa pabor na ipinagkaloob nito sa kanya.
"Kung hindi lang kasi ganito kahirap mag-commute." Napapailing siya habang pinipilit niyang makipagsiksikan sa mga pasahero. Ngunit kahit anong pilit niya, wala pa rin siyang mahanap na paraan para makasingit sa anumang bus.
Doon niya nakita si Jay, nakatayo malapit sa terminal, tila hinihintay siya. Nasa tabi nito ang kotse na tila handang-handa na siyang sunduin. Napangiti ito nang makita siya, ngunit halata rin ang paghahalo ng inis at pasensya sa mukha nito. That was the time she knew that she must give up. Ngayon lang naman ito mangyayari.
"Ang dami-dami mong drama, pero look where you are now," biro ni Jay nang makalapit siya rito at agad namang pinagbuksan siya ng pintuan ng kotse. "Papasok ka pa ba, o dito ka na hanggang gabi?"
Napabuntong-hininga si Marla. Alam niyang wala na siyang ibang mapagpipilian, lalo pa't hindi pa rin tapos ang sigalot sa lilipatan niyang dorm sa Laguna.
"Tara na," sagot niya, ngunit hindi niya nagawang tingnan si Jay sa mata. "Pero huwag kang magsalita. Wala akong energy makipagtalo. Doon na lang ulit sa work."
Ngumisi si Jay, ngunit pinili nitong manahimik. Tahimik lang ang biyahe nila papuntang Laguna, ngunit kapwa nila ramdam ang tensyon sa pagitan nila. Hindi makapaniwala si Marla na muli siyang napilitang sumandal kay Jay para sa tulong, at lalong hindi niya maintindihan kung bakit parang hindi ito nagrereklamo kahit paulit-ulit niyang tinatanggihan ito.
'Hanggang kailan ka magiging ganito, Jay? Tactics mo lang ba 'to para tuluyan mo akong mapasunod?'
***
Pagdating sa Laguna, naging maingat si Marla sa pagbaba mula sa kotse ni Jay. Sinilip muna niya ang paligid, siniguradong walang nakakakita sa kanila. Ayaw niyang magkaroon ng tsismis, lalo na't hindi pa niya kayang harapin ang mga intriga sa opisina. Ngunit kahit anong ingat niya, hindi niya namalayang may ilang empleyado ng Hauling Coach ang nakakita sa kanya.
"Si Marla ba 'yon?" bulong ng isang kasamahan habang papasok sa building. "Kasama si Sir Jay? Ang close nila, ah."
"Eh, baka naman may nilalakad lang na project," sagot ng isa, pero halata sa tono nito ang paghuhusga.
"Project? Eh, di ba sabi nila may something daw talaga sina Sir Jay at si Marla kahit sa Antipolo branch? Naku, totoo nga yata!"
Habang papasok si Marla sa opisina, hindi niya napansin ang maliliit na usapan na nagsisimula sa paligid. Ngunit naramdaman niya ang kakaibang tingin ng iilan.
Samantala, si Jay naman ay nanatili pa rin sa parking lot, tila iniisip kung tama ba ang ginagawa niyang pagpupursigi kay Marla. Ngunit sa kabila ng lahat, alam niyang hindi siya susuko. He didn't care what others might say, as long as he could fix Marla's situation and make her feel that he wasn't playing games.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro