CHAPTER 2
Pasado alas singko na rin ng umaga nang umuwi si Jay sa condo niya matapos ang walang katapusang party sa isang upscale bar sa BGC. Nagkaroon kasi ng welcome party sa kanya, na organized ng mga rich Filipino kid na nakasabayan niya sa France. Ang mga ilaw ng siyudad ay tila umiikot pa rin sa kanyang paningin, at ang amoy ng alak ay nananatili sa kanyang damit. Totally wasted, hindi lang siya, pati na rin ang kanyang buhay.
Pagbagsak niya sa kama, akala niya ay magkakaroon siya ng sapat na oras para matulog at magpahinga. Ngunit hindi pa man umaabot ng tatlong oras, isang malakas na tunog ng phone niya ang bumulabog sa kanya.
"Sino ba 'to?" daing niya habang dinudukot ang phone niya mula sa tabi ng kama. Hindi niya maiwasang maningkit ang mga mata dahil sa liwanag ng screen, pero natanaw niya ang pangalan ng tumatawag: Si Mr. Sandy Pineda, ang executive assistant ng kanyang tiyuhin. Na-phonebook na niya kasi ang numero ng mahahalagang tao sa papasukan niyang kompanya ng Guillermo Group, pero hindi naman niya inaasahan na ngayon siya makakatawag ng isa sa mga ito.
Pinilit niyang sagutin ang tawag kahit pa masakit pa rin ang ulo niya. "Hello?"
"Mr. Guillermo, good morning," sagot ni Sandy, ang boses nito ay pormal at malamig. "Pinapatawag po kayo ni Mr. William sa logistics warehouse natin sa Antipolo. He wants you there by 9:00 AM sharp."
Napatingin si Jay sa orasan. 8:15 AM na.
"What? Hindi ba pwedeng... mamaya na lang? Like, after lunch?" tanong niya, umaasang makakaiwas sa upcoming responsibility.
"No, sir. This is non-negotiable. If you don't show up, Mr. William Guillermo will personally inform your parents about this matter."
Napatakip si Jay sa mukha. Ang lagay ba, ganito na kaaga ang sermon ng tiyuhin niya? "Fine, fine. I'll be there."
Pagkababa ng tawag, bumagsak siya muli sa kama, pero alam niyang wala na siyang oras para magtamad-tamaran.
Nang makarating siya sa Hauling Coach Express, ang logistics warehouse sa Antipolo, halos hindi pa siya maayos tingnan. Suot niya ang simpleng button-down shirt na hindi man lang plantsado, at ang buhok niya ay tila hindi nakatikim ng suklay. Pati ang mga mata niya, halatang hindi man lang nakapagpahinga sa puyat. Isang oras pa siyang late.
Pagpasok niya sa warehouse, ang amoy ng kahon, bakal, at langis ay tumama agad ang sumalubong sa kanya, parang hindi niya kayang tagalan na manatili doon. Nakita niya si Sandy na nakatayo sa tabi ng mga empleyadong abala sa kani-kanilang gawain. At nang makita siya ng striktong executive assistant ng kanyang tiyuhin, tumalim agad ang tingin nito sa kanya.
"You're late, Mr. Guillermo," sabi nito habang nakataas ang kilay.
"Yeah, yeah. Traffic kasi from BGC," palusot niya, sabay hilamos ng kamay sa mukha. "Where's my uncle?"
Biglang bumukas ang pinto ng pinakamalaking opisina sa warehouse, at lumabas si William na mukhang mas presko kaysa sa kanya.
"Ah, look who finally decided to show up," sabi ni William na may halong sarcasm. "How's the party, Carlo Jay? I'm sure it was 'productive'."
Wala nang nasabi si Jay kundi isang pilit na ngiti. Hindi na siya makakapagsinungaling sa kanyang tiyuhin. Palibhasa, pareho naman sila ng gawi, kaya lang ay matanda na ito. "What do you need me here for, Tito?"
Tumikhim si William at itinuro ang paligid ng warehouse. "Welcome to the logistics division, Jay. Dito ka magsisimula. You need to understand this place from the ground up kung gusto mong maging CEO."
'Hindi ko naman 'to gusto,' were words he couldn't say at that moment.
Napatingin si Jay sa malalaking kahon, sa mga empleyado na nagbubuhat, at sa mga dokumentong tila tambak na tambak sa mga mesa. Hindi ito ang klase ng trabaho na ini-expect niya. Ang nae-envision niya ay 'yong katulad sa France, may enclosed office na hindi siya maiistorbo at malayo sa alikabok. And their uniforms? Simpleng T-shirt at pants lang, napakasimple. Kunsabagay, napakainit din naman kasi sa lugar na 'yon para magsuot siya ng polo na suot niya ngayon.
"Nakakainis, ang init nga," bulong niya sa sarili. Kumuha muna siya ng lakas ng loob para kwestyunin ang kanyang tiyuhin.
"But, wait. You're kidding, right?" tanong niya habang pilit na tumatawa. "You want me to handle all this? Like, right now?"
Lumapit si William at seryosong tumingin sa kanya. "No, Carlo Jay Guillermo. I don't just want you to handle this. I expect you to. You think being a CEO is just about signing papers and attending parties? Start here, nang makita mo ang hinahanap mo."
Sinapo ni Jay ang kanyang mukha, tila iniisip kung paano niya malalampasan ang araw na iyon nang hindi nasusuka sa kanyang hangover. Habang naglalakad si William papalayo, narinig niya ang tiyuhin niyang tumatawa.
"Good luck, nephew. Don't embarrass the family too much. Kota na ang mga Guillermo ngayong taon."
Pinangunahan ni Sandy si Jay papasok sa conference room kung saan naghihintay ang ilang miyembro ng management team ng logistics division. Ang hangover ay parang patuloy na tumatama sa ulo ni Jay habang naglalakad siya. Baka bumigay na siya nang walang oras. Iniisip niya pa rin kung paano niya malalampasan ang araw na iyon nang hindi bumabagsak sa hiya. At the very least, kailangan pa rin niyang magpakitang gilas.
Pagbukas ng pinto, bumungad ang anim na tao na mukhang abala sa kani-kanilang mga laptop at dokumento. Tumayo sila nang makita si Jay, pero ang atensyon niya ay napako sa isang pamilyar na mukha sa dulong bahagi ng mesa.
"Marla?" tanong niya, halos hindi makapaniwala sa nakikita. Marla wasn't just a woman in his heart, she's a real deal. She used to be his emotional support, kahit hindi naman naging sila.
Napatingin si Marla sa kay Jay, at parang may mabilis na bahid ng pagkagulat sa mukha nito bago ito agad nagpakatatag. Tumayo lamang si Marla, at pinagkrus ang braso, saka tumingin nang diretso sa binata pero hindi ito ngumingiti, parang hindi natutuwa sa kanyang pagdating.
Parang sinampal ng realidad si Jay. Ang dating online romance novelist hinahangaan niya, ang babaeng dating nagpatibok ng kanyang puso, ay nakatayo ngayon sa harap niya. Pero sa halip na kilig, purong tensyon ang bumabalot sa hangin. Tila nawawala ang hangover sa tuwing nagtatama ang kanilang mga mata.
Agad na nagsalita si Sandy, at halatang gustong alisin ang awkwardness. "Everyone, this is Mr. Jay Guillermo. He'll be working with us as part of his training program under the leadership of Mr. William Guillermo."
Bumaling naman si Sandy kay Marla. "And this is Ms. Maria Lala Francisco, or simply Marla, ang team leader ng dispatching team. She will be your mentor starting today."
Nanlaki ang mga mata ni Jay. "Mentor?"
Si Marla naman, na parang gusto na mag-object, ay napigilan naman ang sarili. "Yes. As instructed by Mr. William."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro