CHAPTER 19
Sa sobrang gulat ni Marla, sinampal niya si Jay at galit na lumabas ng restaurant. Hindi niya kayang tanggapin ang imbitasyong iyon—ang alok ni Jay na parang hindi pinag-isipan at higit sa lahat, isang alok na parang pagtrato lang sa mahalagang bagay bilang joke. Of course, the idea of getting married was still with her, pero hindi sa ganitong paraan na walang malinaw na feelings. Besides, Jay was too young for her at alam niyang hindi siya nadadala sa pang-aasar nito sa kanya. She knows that Jay was just playing around. Alam niya ang image ng binata na easy-go-lucky o yolo. Idagdag pa ang paglalaro nito ng apoy, because he has means to do that. Maisip pa lang na tatabihan niya ang gano'ng lalaki, kinikilabutan na siya.
The only thing she could do as of now is to walk faster, na sa sobrang bilis ay hindi siya maaabutan ni Jay. Pero nabigo siya dahil napakabilis siya nitong habulin at hinatak siya papasok sa sasakyan nito. There's a compulsion with his approach, na ngayon lang nito ginamit.
"Gago ka ba? Pababain mo ako rito o magsusumbong ako sa mga pulis?" pagbabanta ni Marla.
"Magsumbong ka," kibit-balikat ni Jay at sinimulan ang pagmamaneho ng sasakyan. Iuuwi na lang niya si Marla sa condo niya sa BGC dahil sa tingin niya, mas makakapag-usap sila doon nang maayos. Masyadong scandalous na ang image niya dahil sa bar incident kaya walang pwedeng makakita na nag-aaway sila nang gano'n. Hindi na rin siya makapag-isip nang maayos dahil kahit siya, nabigla sa sinabi niyang alok. He meant it, but the timing isn't right. Deserved niyang kamuhian ni Marla, pero hindi naman pwedeng hindi nito marinig ang panig niya.
"Saan mo ako dadalhin?" matapang na tanong ni Marla. Hindi niya kayang pigilin ang pagmamaneho ni Jay dahil natatakot din silang maaksidente. She's just controlling the rage within her, like she always does when life stresses her out. Sumabay ang pagbuhos ng ulan sa matindi niyang galit at mas lalong tumindi iyon dahil sa buhol buhol na trapiko sa expressway.
"Hindi mo pwedeng tratuhing biro ang pagpapakasal, Jay. Kung may pakakasalan ka, dapat sa taong nararapat sa'yo at sa taong mahal mo. Kaya hindi ko makuha ang point kung bakit biglang lumabas 'yon sa bibig mo!" singhal ni Marla sa backseat.
'That's why I'm asking you to marry me. Mahal kita, that's the main point.'
Humigpit lang ang kapit ni Jay sa manibela at sumulyap kay Marla na talagang sasabog na sa inis mula sa rear view mirror. "Sige sabihin na nating hindi kita mahal, but I owe my life to you, manang."
Nag-iba ang vibe sa espasyo nila sa mga sandaling iyon. Marla couldn't grasp what Jay said.
"Owe your life? To me? Hindi naman kita anak o kadugo," iritable niyang sagot.
Hindi na sumagot si Jay, kaya lalong nagngitngit si Marla. It took them two hours to arrive at the high rise tower in BGC, kung saan located ang condo unit ni Jay.
Marla was still fuming as she got out of Jay's car. She slammed the door with all the frustration she felt. Kung pwede lang basagin na niya ang side mirror, baka nagawa na rin niya.
Hindi niya hinintay si Jay na lumabas sa kotse. Sa halip, hinanap niya ang tamang daan papunta sa public transportation area para makabalik sa Pasig dahil hindi pa okay ang uupahan niyang dorm na malapit sa Laguna. She didn't mind the downpour, mas mahalaga sa kanya na makalayo sa binata.
But Jay remained patient with her. He used his dominance to get her even though he didn't like to do it. Hinatak niya si Marla pabalik at tinakluban ito ng jacket niya. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa pulsuhan nito hangga't sa umakyat sila sa condo nito gamit ang elevator. The tension was getting stronger than it was.
"Hindi kita kailangang sundin sa gusto mo, Jay! Anong tingin mo sa sarili mo, tagapagligtas ko?" sigaw ni Marla nang eksaktong nasa harap na sila ng unit ni Jay.
Hindi muna umimik si Jay. Binuksan niya ang unit niya at itinulak nang marahan papasok si Marla. He also locked the door so she wouldn't be able to run away from him, until she hears him out.
"Tapos dinala mo ako rito? Para ano? Para magkaroon ng justification ang gagawin mo?" singhal ni Marla. Though she accused him of such a horrible assumption, she couldn't really feel that Jay would do any harm.
"Marla, hindi ko sinasabing tagapagligtas ako. I just want to help you—kahit na ganito ang paraan." His voice remained firm but with a hint of leniency.
"Help? Ang tawag mo bang 'help' sa ginagawa mong pagdala sa'kin dito? Sa pagbabayad ng lupa ni Lola Carmen para gawing huling alas na hawak mo laban sa'kin? Alam mo kung ano ka, Jay? Laro laro lang sa'yo ang lahat! Nakikita ko na kung paano ka maging manipulative na tao!"
Her words struck him like a slap, but Jay refused to back down. Hindi niya alintana ang nabasang damit at ang patak ng ulan na matutuyo na sa kanyang mukha dahil sa lakas ng air-conditioner sa unit niya.
"I'm manipulative? Then fine, I'll take that. Pero alam mo kung bakit ginagawa ko 'to? Kasi alam kong hindi mo hahayaang tulungan kita kung hindi kita pipilitin! You're too damn proud, Marla. Pati buhay ng nanay mo, isasama mo sa pride mo?"
Napatigil si Marla at aminado siyang parang sinaksak siya sa bwelta ni Jay. He could see the flash of pain and guilt in her eyes, but she quickly masked it with anger. "Wala kang alam sa hirap ko, Jay. Hindi mo kailanman mauunawaan ang ginagawa ko para sa pamilya ko. Hindi lahat ng tao katulad mo—may pera, at may privilege!"
He laughed bitterly, shaking his head. "Privilege? Akala mo ba gusto kong lumaki sa mundo na lahat binibilang ng pera? Marla, kung may bagay na natutuhan ako sa buhay na 'to after kong bumalik from France, it's that money doesn't solve everything. Pero, it will always give you options. At option ang gusto kong ibigay sa'yo. Para hindi ka na nahihirapang mag-isip kung saan ka kukuha ng pambayad para sa ospital ng nanay mo o kung kailan ka makakapagpahinga!"
"So option ako para sa'yo? Like, ano bang makukuha mong pakinabang sa'kin? Worthless ang tulad ko, at charitable case pa. Wala akong kayang ibalik sa'yo! Pinoproblema ko pa nga 'yong utang sa lupa, eh!"
'Kailan man hindi ka naging option, Marla. Dahil ikaw lang ang pinipili ko.'
Jay shook his head. Naiinis na rin siyang ipaliwanag ang sarili niya kay Marla. Kahit kailan, hindi nito makita na may sinseridad pa rin sa mga kilos niya. Kahit naman siguro sabihin niya kung gaano niya ito kamahal noon pa man, hindi pa rin ito maniniwala at magugulo lang ang sitwasyon. Malapit na niyang isipin na hindi talaga issue ang agwat ng edad nilang dalawa. So if Marla was sticking to what she believes, then be it. Ang mahalaga na lang ay ayaw niya itong mawala sa buhay niya.
"Okay. Charitable case ka nga. Hindi ka ba mao-offend?" aroganteng tanong ni Jay saka huminga nang malalim. "Nakakaawa ka. Masyado kang hardworking. Ang bait mo sa ibang tao. Nagso-sorry ka kapag may naaabala kang iba. Pero pagdating sa'kin, parang ako na 'yong pinakamasamang damo na dumating sa buhay mo. Ganyan? Are you ready to hear such sarcastic and insulting words from me?"
Marla felt her resolve crumbling, but she couldn't let him win. Not like this. "At anong kapalit, Jay? Kasal? Para ano? Para may legal na dahilan kang hawakan ang buhay ko? Paano kung hindi ko magawa ang gusto mo? Ano, huhulihin mo ako sa kung anong prenup o kontrata na itatakda mo? Parang loan shark na ibabaon ako sa utang?"
Jay paused and exhaled once again. Iniisip na lang niya na si Marla talaga ang pinadala sa kanya ng Diyos para humaba ang kanyang pasensiya.
"Wala akong pakialam sa prenup o sa kung anumang bagay," Jay said, his voice softer now, but still firm. "Ang gusto ko lang, Marla, ay siguraduhin na hindi ka mawawala. Hindi ka mapapahamak. Kung ayaw mo ng kasal, fine. But let me help you, dammit! Just let me in. Hindi ko na kaya makita kang nahihirapan nang ganito."
Marla stared at him, and couldn't speak any word. For the first time, Jay paused his arrogance. Now he was raw, vulnerable, almost desperate. Naiinis siyang matagpuan ang sarili na kakailanganin niya ito at dapat niya itong paniwalaan.
But she quickly shook her head when she realized that she was almost trapped by his gaze. "Hindi ko kailangan ng savior, Jay. Lalo na ng savior na nagpapanggap na walang hinihinging kapalit."
"Fine," he said, throwing his hands up in frustration. "Then let me be the devil instead. Hate me all you want, pero alam mong kailangan mo ng tulong. And like I said, hindi ako titigil. Magalit ka na sa'kin, pero hindi kita pababayaan, Ms. Marla, manang, Maria, Lala, or Maria Lala. Marriage lang ang kapalit, wala nang iba. Ngayon din, magtakda na tayo ng kasunduan."
Hindi na makasagot si Marla. Hinayaan niya si Jay na lampasan siya at may kinuhang bagay sa room nito. Paglabas niya ng ilang minuto, may dala na itong towel, at oversized shirt. Hinagis nito ang lahat sa kanya.
"Magpalit ka muna; mamaya na tayo mag-usap. Saka pahupain mo rin muna ang galit mo."
Marla did what Jay told her. Baka kailangan niya lang na maging mahinahon pa. Baka kailangan niyang unawain ito at alisin na ang anumang panghuhusga. She hated herself for being hostile towards him. But most of all, she hated that a part of her was starting to believe him.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro