Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Fifty

Hades's POV

"Oy Tathia wait!" Habol ko kay Tasia na papunta ng dorm. Tumigil siya sa paglalakad at lumingon sa gawi ko na tumatakbo papunta sa direksyon niya.

"Baklang 'to! Ang bilith mo maglakad!" ani ko nang maabutan ko siya.

"Ako pa talaga bakla, ha?" Tinaasan niya ako ng kilay,

Napa-irap ako,"Oh thige na thige na, parehath na tayong bakla. Pero may itatanong ako." ani ko habang hinihingal pa.

Napa-irap ito at pinag-cross ang braso niya. "Oo, wala pa akong partner. At kung tatanungin mo kung pwede akong maging partner mo. Sige pumapayag na ako, baka mawalan pa ako ng partner, eh." ani niya at nanlaki ang mata ko. Napakunot din ang noo ko habang tinitingnan siya.

"Pano mo nalaman na 'yon ang itatanong ko?" Taka kong tanong.

Napatawa ito, "Halos lahat 'yan ang problema. May mga babae na ayaw gumawa ng first move gaya ko. Tapos si Athena naman may partner na, si Cairo. Kaya kung gusto mo akong maging partner, sige lang." ani niya aT tumango ako.

"Thige, thalamat! Galingan mo tha cotillion, ha?" ani ko bago siya iniwan doon at naglakad na patungo sa dorm.

Pumirma na ako ng attendance at pumunta sa snack box area para kumuha ng pagkain at saka ito isinilid sa bag ko at ipinuslit pataas.

Dali-dali akong nagtatakbo sa ramp at pumasok ng dorm room namin. Naglakad ako papunta sa kama ko at doon ay humilita ng ilang minuto at kumain na rin.

Hawak-hawak ko ang cellphone ko at nag s-scroll sa Facebook news feed ko nang may biglang may chat.

From Cairo:
Hoy! Asan ka? Andito kami sa garden, sama mo jowa mo!

Napabuntong hininga ako bago bumangon at isinuot ang aking tsinelas. Pumunta ako sa kwarto nila at hinananap siya sa kaniyang kama pero wala siya doon. Maski sa banyo ay hinahanap ko siya pero wala siya sa kwarto nila. Maski si Lukas at Code ay wala roon.

Habang naglalakad sa ramp ay tumitipa ako sa cellphone ko para i-message si Yago.

Ayun sa group chat ng classroom namin may band practice pa raw sila Yago. Tutugtog nga pala sila sa ball. Kaya hinayaan ko na at dumiretso na sa garden.

"Oh, jowa mo?" Bungad sa akin ni Cairo pagkadating ko ng garden.

Napa-ismid ako at umupo sa pagitan nila ni Grey. Aktong kukuha sana ako ng fries sa cup ni Grey nang bigla niya itong inilayo.

"Bumili ka!" Pag-tataray nito, napa-ismid ako at umiling nalang.

"So lima lang tayo. Asan ba si Yago?" tanong ni Cairo.

Napabuntong hininga ako, "Banda," Sagot ko,

"Oh, eh bakit parang malungkot ka?" tanong ni Lukas.

Muli akong umiling, "Oh sige na, so sinong may partner na?" tanong ni Cairo at lahat kami nagtaas ng kamay.

"Perfect! Si Yago kaya?" tanong niya at tumingin sa akin.

Umiling ako, "Awan." Maikili kong sagot,

Biglang sumingap si Lukas. "Naku! LQ 'yang mag jowa na 'yan. Tingnan niyo, saka-saka mag bre-break 'yan." ani ni Lukas na agad namang nahampas ni Cairo sa braso.

"Tumigil ka Lukas! Hindi nakakatulong yun." saway ni Cairo dito,

"'Wag ka makinig sa lalaking 'yan, Hades. Kulang sa tulog 'yan." ani ni Cairo at natawa ako nang bahagya.

"Kailan daw ba practice ng cotillion?" tanong ni Cairo. Dinampot ko ang cellphone ko at doon ay hinanap ang schedule na nakapost sa bulletin board.

"Oh." Ini-abot ko kay Cairo ang cellphone ko.

"Ah okay, from Wednesday this week, until a day before ball. Wow, so lagi tayong busy sa practice?" tanong ni Cairo at tumango kami.

"Okay nga yun, kaysa naman klase." ani ni Grey habang nagbubunot ng damo.

"Yown! Tama! 'Yun nga!" ani ni Code habang pumapalkpak pa.

Binatukan ni Cairo si Lukas, "Maka 'yown' ka! Gustong-gusto na hindi nagkaklase." ani ni Cairo at umirap. Napatawa naman kami ni Lukas na parehas nakita ang pag-irap ni Cairo.

"May damit na kayo?" tanong ko, tumango si Code, nagkibit-balikat si Lukas. At utay-utay tumango si Grey.

Nilingon ko si Cairo, "Ikaw, Cai?" tanong ko sa kaniya. Napa-ismid ito bago umiling.

"Wala pa, wala pa ring budget." ani niya at napasimangot ako.

Inakbayan ni Code si Lukas, "Oh par, wala pa raw. Baka naman gusto mong bilhan nalang si Cairo." Pang-aasar ni Code,

"Hoy' tumigil ka nga Code! Hindi 'no! Hindi na kailangan, I'm sure naman sa sususnod meron na. Matagal pa naman pati." Saway ni Cairo at tumango kami,

Bigla nalang ay may dumating sa harap namin na humaharipas ng takbo.

"What's up mga chong?" ani ni Yago bago umupo sa pagitan ni Lukas at Code.

"Ano pinag-uusapan niyo?" tanong niya habang ibinababa ang bag.

"Ikaw..." sagot ni Cairo na nakapatong ang baba sa kamay niya na nakatukod sa hita niya.

"Luh! Bakit?" tanong ni Yago, napatawa kami nang bahagya at umiling.

"May partner kana?" tanong ni cairo at bigla itong pumitik ng daliri at inilabas ang cellphone niya na may picture sa screen.

"Oo naman par! Ako pa!"aAni niya habang ipinapakita sa amin ang picture/selfie nila kanina ng mga kabanda niya. Si Marga na partner niya ay nakapatong ang kamay sa balikat niya.

Napatango lang kami at binawi na niya ang cellphone niya.

"Ako pa ba mga chong! Magaling yata 'to!" Mayabang niyan turan. Napa-irap naman ako at humarap sa gawi ni Cairo.

Pero mukhang nakita ni Cairo ang pag-irap ko.

"Oo, Yago! Tuloy mo lang 'yang mga sinasabi mo. Wala dito si Hades, oo." Sarkastikong usal ni Cairo. Ibinalik ko ang tingin sa kanila at pinagmasdan ang gulat na ekspresyon ni Yago.

Pinag-taasan ko siya ng kilay. "Bakit?" tanong ko at umiling ito.

"Wala, bakit? Selos ka?" tanong niya at nanlaki ang mata ko at umiling.

"Gaga! Hindi 'no! Partner ko na thi Tathia. Pake ko kay Marga mo?!" Inis kong turan,

Nabalot naman ng kantyaw ang paligid. "Tapos tayo d'yan Yago! Suyuin mo!" Pang-aasar ni Lukas.

"Bumalik kay Yago yung pang-aasar niya kay Lukas nung nasa Town Center tayo!" ani ni Code at napahagalpak kami ng tawa.

Tumikhim si Yago, "Babe?" Napapikit ako nang mariin nang mabalot ng kantyaw ang paligid. Nakakadiri! Nakakainis! Ganito pala yung nararamdaman ni Cairo noong kinakantyawan namin siya.

Natapos kaming mag-usap at umuwi na si Cairo at Grey. Kumain na rin kaming mga dormers bago umuwi na sa dorm.

Naglinis na ako ng katawan at nagpalit ng pantulog. Umupo ako sa kama ko at doon ay ginawa ang iilan na assignment at mga notes na hindi ko tinapos sa room.

Pero habang nagsusulat ay hindi mawala sa isip ko ang picture na pinakita ni Yago. Yung kamay ni Marga. 'Yun ang bumabagabag sa akin.

Picture lang 'yon, kasama pa nga nila mga ka banda nila. Pero ganito na agad epekto sa akin. Paano pa pa kaya sa ball? Yung cotillion?

Kakayanin ko kaya?

Bawat araw na lumilipas at dumadaan ay papalapit nang papalapit ang ball. Mga bayaran, tapos puno ng practice. Mga kailangang madaliin na school works.

Mga pag-aayos ng gamit dahil pagkatapos naman ng ball ay finals na tapos graduation na kami.

Kaya puspusan sa lahat ng bagay. Minsan nga ay nakakaiyak dahil kahit sanay ako mag-cram ay parang nawala ang skills ko ngayon. Hindi ko kinakaya ang limang gagawin sa isang gabi.

Mabuti nalang at mabilis natatapos si Yago at tinutulungan ako sa mga gagawin ko.

-

"Hades, bilisan mo baka nagpa-practice na sila sa taas!" Pagmamadali ni Yago habang tumatakbo kami sa ramp.

Nagpasa kasi ako ng project ko na kakatapos ko lang gawin kaninang almusal kaya medyo nahuli kami sa practice.

Pagdating namin sa third floor kung saan kami nag pa-practice ay nakahanay na sila. Agad akong napatakbo sa gawi ni Tasia.

"Ang tagal niyo." Bulong ni Tasia habang sumasayaw kami.

"Thorry naman! Hinanap pa namin thi thir." sagot ko at umirap. Pero hindi ko namalayan na papalapit the na pala kami sa isa naming kaklase dahilan ng banggaan namin na ikinagulo ng practice. 

"Villamor! Ayusin mo nga!" Sigaw ng instructor namin. Napakamot ako sa ulo at tumango nalang. Nilingon ko ang nakabannggan ko at doon ko lang napagtanto kung sino ito. "Drake.." Bulong ko,

Blanko lang ang ekspresyon ni Drake habang tumatayo ako.

Isang taon na rin. Isang taon na ang nakalipas nang mangyari ang nangyari. Hindi kami nag-uusap dahil nasasakto rin na hindi kami magkaklase at walang dahilan para mag-usap kami.

Muli nagsimula ang practice na tumagal hanggang recess. Pero hindi ko na inabalang kumain dahil nagmadali akong pumunta sa computer lab para sa susunod namin na subject.

May assignment kami doon at tatlong tanong pa ang hindi ko nasasagutan. May 15 minutes nalang ako.

Tatlong minuto nalang ang natitira pero iisa palang ang nasasagutan ko. Kaya tutok na tutok ako. Kaya nang may notebook na bumagsak sa harap ko ay napa-igtad ako.

"Andyan na ang sagot, kopyahin mo nalang." ani ni Drake. Napatango ako bago dinampot ang notebook niya at kinopya ang sagot niya.

Saktong nagsimula ang klase at natapos na ako. Akala ko ay hindi ako aabot at masesermonan pa.

Nang matapos ang klase ay lumabas na kami ng computer lab. Balik practice kami dahil iilang araw nalang ay ball na.

Habang naglalakad sa hallway ay nakita ko ang pamilyar na likod ni Drake.

"Drake!" Tawag ko, agad naman siyang tumigil at nilingon ako.

"Thalamat kanina, ha?" ani ko at tumango lang siya bago naglakad na papalayo.

Napa-ismid ako at dumiretso na rin sa practice.

-

"Uy, ayos na ba 'to?" tanong ko kay Yago habang inaayos ang belt ng pantalon ko.

"Yes, you look good. Tara na? Maiiwan na tayo." Pag-aaya ni Yago, tumango ako bago dinampot ang gamit ko at umalis na kami.

Pagbaba namin ay andon sina Code at Grey, Lukas at cairo.

Mga nakaputi at itim sila, kay Grey at Lukas lang ang may touch of gold habang kami ay black and white lang. Si Code naman ang pure gold ang suot. Mula pantalon hanggang coat. 

"Akala ko hindi na kayo bababa." Pagsusungit ni Cairo na ikinatawa ko.

"Grabe ka, tara na nga!" Pag-aaya ko, naglakad na kami papunta sa jeep na sasakyan namin papunta ng venue.

Namumuti at nangigitim ang jeep na sinasakyan namin. Maliban lang kay Code na pure gold nga ang suot. Nang makita namin ang venue ay nagsimula kaming mag hiyawan. Lahat kami ay excited para sa ball.

Bumaba na kamit gaya ng bilin ng tatay ko ay dapat daw matikas akong tingnan. Kaya ko naman yun. Kahit naman malambot akong gumalaw ay kaya ko pa rin subukan.

"Ready?" tanong ni Cairo at tumango ako.

Bigla kong napansin si Grey, "Bagay thayo 'yang ganiyan na naka-tuxthedo. Actually tayong lahat." ani niya at bahagya akong natawa sa sinabi niya.

Hindi ko mapigilan ang mamangha pagpasok. Para akong nasa birthday ng isang elite family. Tinapik ko si Lukas, tapos si Code ay Grey.

"Tha birthday niyo, ganito ha! Tapoth invite niyo kami." ani ko at natawa ang tatlo.

Na-upo na kami sa table namin. Kasama ko si Cairo at Lukas. Kaya naman si Athena, Tasia, at Lora ay andito.

Mahina kong hinampas sa balikat si Lora, "Oy atih gurl! Bet ko damit mo!" ani ko rito at ngumiti siya, "Salamat." Maikli niyang sagot,

Maya-maya ay tinawag na kami para sa pagpasok.

Excited talaga ako sa part na 'to. Feeling ko mga artista kami na papasok sa isang Star Magic Ball. Namumuti ang mga lalaki, tapos pangbasag ang mga naka-otim. At kitang-kita naman si Code na nag-iisang naiiba ang kulay.

Ginawa namin ang itinuro sa amin na paglakad. At siyempre, kahit lambutin ay nagpakalalaki ako. Kaya naman napapansin ko ang mga prof na nakatingin sa akin at mga nakangiti.

Akala niyo, ha! Kaya ko rin naman pakiligin mga babae niyo!

Sunod ay ang mga babae na nagmodel. Talagang patalbugan. Kembot dito, kembot doon, kahit hindi naman sumasayaw. 

Pero nang pumasok si Elora ay nagkahiyawan kami. Sa lahat ng gown na suot ng mga babae ay siya lang ang kinareer lahat ng color. From head to toe, Black, gold, and white. Tapos yung ngiti niya, yung size ng gown niya na malaki pero hindi ganun kalaki para mahirapan siyang maglakad.

Natapos ang entrance at cotillion niya. Tumayo na kami mula sa mga kaniya-kaniya naming table at luminya na sa gitna.

Nang tumugtog ay sabay-sabay kaming lahat. Nagbubukahan ang mga damit ng kakalse kong babae sa tuwing iikot sila. Pero walang sinabi ang mga damit nila sa damit na Elora na nagmimistulang malaking kumot na bumubuka tuwing iikot siya.

Natapos ang mga 'yon ay pina-upo na kami. Nakakagulat na kinayanan pa ni Elora na umupo sa sukat ng damit niya. Ang sikip siguro sa jeep ng mga babae.

"Elora, nag jeep ka?" tanong ko at umiling siya.

"May sarili akong sasakyan." sagot niya at tumango lang ako.

Tinawag ang banda ni Yago at nagsimula silang tumugtog. Mabuti nalang at hindi bokalista si Marga at si Mia naman na partner ni Yago ay hindi gumagawa ng kakaibang galaw na ikakaselos ko kaya na enjoy namin ang performance nila.

Pagkatapos ng performance nila ay may mga nagsalita pa sa harap. Nag-ala-ala naman kaming mga nakikinig kahit ang totoo ay pasok sa kaliwang tenga at labas sa kabila ang mga sinasabi nila. Pagkatapos nilang magsalita ay saka naman na nag-serve ng dinner at kumain na kami. 

Pero nang biglang tumugtog nang malakas ang party music mula sa sound system ay nagsihiyawan kami at lalo na nang mag-iba ang kulay ng ilaw.

Mukha na tuloy bar ang venue, sayaw dito, sayaw doon. Si Lora na malaki ang gown ay sige ang budots pa sa gitna.

"Ohhh!"

"Ay, tangina!"

"Upo na tayo!"

Sigaw ng marami nang biglang tumogtog ang love song. May mga ilang mag-jowa na pumunta sa unahan para sumayaw. Kaya naman nabalot ng kantyawan ang venue.

Napa-ismid nalang ako sa upuan ko at napa-inom ng tubig. Nakakapagod din yung budots kanina, ha! Mga 13 minutes kami sa gitna na nagsasayaw kaya naman pagod na pagod talaga.

Laking gulat ko nang may biglang tumapik sa balikat ko.

"Tara? Mga mag-jowa sa gitna, eh." ani ni Yago habang nakalahad ang kamay niya.

Nanlaki ang mata ko at saka ko lang napagtanto na magkasama na si Grey at Code tapos si Lukas at Cairo nakatayo na rin sa likod ni Yago.

Wala akong ibang nagawa kundi ang abutin ang kamay niya.

Kaming anim, magkakahawak ng kamay sa sari-sarili naming boyfriend ay pumunta sa gitna at doon sumayaw. Halos mabingi kami sa kantyaw.

Mabuti nalang ay walang mga over protective na magulang dito. Ang ikinakatakot ko lang ay yung mga nagvi-video na prof sa amin ngayon.

Pero wala pa naman akong nababalitan na ichini-chismis ng mga prof ang pinaggagawa ng nga estudyante sa magulang nila, maliban lang kung seryoso ito.

Ang dalawang kamay ko ay nakapulupot sa leeg ni Yago habang ang dalawang niyang kamay ay nasa beywang ko. Ang katawan namin ay isinasabay lang namin sa tugtog.

"Ang gwapo mo naman." Seryosong turan ni Yago. Natawa ako bago siya hinampas sa balikat.

"Para kang thira!" Nahihiya kong turan,

Umiling si Yago. "Hindi, totoo, ang gwapo mo. Bagay sayo 'yang suot mo. Tapos 'yang damit mo." ani niya at naramdaman ko naman ang pag-init ng mukha ko.

"Thalamat, ikaw rin, gwapo ka rin tha thuot mo." ani ko at natawa siya.

Tumingin ako sa paligid, nakita ko sila Code at Grey na sumasayaw. Halatang-halata na nahihiya ang dalawa. Lalo na si Cairo at Lukas na naglolokohan pa sa gitna.

Natapos ang tugtog at umupo na kami, habang naglalakad pabalik sa bangko ay naghihiyawan pa rin ang iba at pinapalakpakan pa kami.

Maya-maya ay lumapit ang MC sa mic, "Good evening everyone! Oras na para malaman ang ating prom king and queen! Ready na ba kayo?!" Sigaw ng MC at naghiyawan kami.

"Ang aming napili ay ang dalawa na nagstand out sa gabing ito." ani ng MC at kinuha ang result sa envelope.

Tinapik ko si Lora, "Ikaw yung prom queen, tapoth thi Code yung king." ani ko at umiling si Lora.

"Gaga, hindi ang pangit ko!" ani ni Lora aa napairap ako.

"For our prom king.... Nicodemus Ace Costa" Nagsigawan kami at nabalot ng palakpakan ang venue.

Lalo na nang tumayo si Code at naglakad papunta ng stage. Binigyan siya ng award at isinuot na ang crown at saka siya umupo sa trono.

"Ready na kayo sa ating queen?!" Sigaw ng MC at nagsimula sila ng sumigaw ng mga pangalan.


"Jessie!"

"Michelle!!"

"Catherine"

"Fatima!!"

"Matilda!"

"Si Grey Chua!"

Nanlaki ang mata ko at napatingin kay Cairo na sumigaw nun.

"Oh sige, tingnan na natin, ang ating prom queen na nagstand out ngayong gabi sa malaki niyang gown ay si... Victorias Elora Neisse!"

Agad kong nilingon si Elora, pero napahagalpak ako ng tawa nang bumungad sa akin ang malaking mata ni Elora.

"Hoy gaga, ikaw nga! Umakyat ka dun!" ani ko bago siya hinigit patayo.

"Gaga, bakit ako?! Kumakain lang ako dito, bwiset!" Usal ni Elora bago tumayo at naglakad na rin papunta ng stage.

Ibinagay sa kaniya ang crown at award at picture pa siyempre. Tapos saka siya umupo sa trono.

Nakakatawa dahil hindi maintindihan ang hitsura ni Elora, gulat pa rin na siya anhg nanalo.. Pinayuhan sila na manatili doon pero ang dalawa, tumayo pagkatapos kuhaan ng picture at bumaba.

"Tanggaris par! Kumakain pa ako ng hotdog dito!" ani ni Elora bago umupo at inilapag ang award niya.

"Tumigil ka nga, pakipot ka pa! Gusto mo rin naman niyan." ani ni Tasia, napa-ngisi si Elora.

"Oo nga, hehe." sagot ni Elora bago sumubo ng hotdog.




Cairo's POV

Nag-excuse ako sa kanila para pumunta ng banyo. Habang naglalakad sa hallway ay nakasalubong ko si Athena.

Gumuhit ang gulat sa mukha niya, "Oh, andito ka pala." maiksi niyang turan bago aktong maglalakad paalis nang hawakan ko siya sa braso.

"Pwede ba tayong mag-usap? Kapatid sa kapatid?" ani ko, nakita ko ang gulat sa mukha niya bago siya uaty-utay tumango.

Lumabas muna kami ng venue at pumunta sa garden. Maganda rito mag-usap dahil tahimik at malamig ang simoy ng hangin.

Huminga ako nang malalim, "Kamusta siya? Si papa?" Tanong ko,

Gulat siya sa tanong at nag-parte ang mga labi, "Ayon, ayos lang, alang trabaho. Buti nga naka-afford pa si mama ng damit." sagot niya at tumango ako.

"Tuluyan nang naging batugan ang ama natin." Biro ko na ikinatawa namin parehas.

"Oo nga," Pagsang-ayon niya,

Huminga muna ako nang malalim bago ko sabihin ang matagal ko nang gustong sabihin.

"Sorry," Bulong ko, lumingon siya sa gawi ko at nagtagpo ang paningin namin.

Kunot noo niya akong tiningnan, "Saan?" Taka niyang tanong.

"Lumaki ka ng walang tatay, 18 years ng buhay mo wala siya. At andon sa akin, sa amin." Sagot ko, naramdaman ko ang pagsikip ng lalamunan ko.

"Sana naging close na tayo noong una palang. Gusto ko rin kasi ng kapatid. Kaya noong malaman ko na kapatid ko, hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi." Namasa na ang mga mata ko at kalaunan ay agad pumatak ang ilang luha sa pisnge ko.

Inabot ni Athena ang likod ko at hinimas-himas ito, "Sus! Wala yun, 'wag mo nang isipin yun." ani niya pero umiling ako.

"Hindi eh, 18 years ka na walang tatay. At 'yung mama mo, mag-isa kang pinalaki. Mahirap yun!" ani ko at pinahid ang luha sa pisnge ko, pero patuloy ang pag-agos ng mga iyon.

"Sus! Hindi mo naman kasalanan na may gamot pala sa inumin ni mama nung gabing yun." ani niya at napakunot ang noo ko.

"Gamot? Anong ibig mong sabihin." Taka kong tanong, inalis niya ang kamay niya sa likod ko.

Napabuntong hininga ito. "Nagkwento si mama, noong gabi raw na nabuo ako. Kasalan daw yung pinuntahan ni mama. Tapos andun din si papa tsaka mga ka-trabaho niya." Tumigil muna siya nang ilang segundo, 

"Then someone gave her a juice. Akala ni mama okay lang yun kasi juice. Hanggang sa nang maubos niya ang juice ay nagsuka siya sa banyo. Tapos nahilo siya... tapos, ang huli niyang natatandaan ay mukha ni papa." Nakita ko ang mga pagpatak ng luha muli sa mata ni Athena. Kaya ngayon ay ako naman ang humahagod sa likod niya.

"Then... nagising siya... sa isang kwarto. Wala na siyang damit. Then andito na ako." Hagulgol niya. Isang bagay ang pumasok sa isip kong gawin.

At yung ay ang yakapin ang kapatid ko. "Ang sakit nun Cai... yung nalaman ko na nabuo ako ng isang kahayupan. Na pakiramdam ko... sinira ko ang buhay ng nanay ko. Kung hindi ako dumating... mas maganda ang buhay niya ngayon."

"Ssh~ 'wag mo sabihin 'yan." Putol ko sa kaniya pero umiling siya.

"Parang.... naging pabigat ako kay mama. Kung wala ako edi sana hindi siya nag-hihirap sa buhay. Edi sana wala kang ka-agaw kay papa." ani niya na ikinaluha ko.

Hinawakan ko ang ulo niya at hinaplos-haplos iyon. "Edi wala naman akong kapatid, diba?" ani ko at napangiti siya.

"Salamat, kuya." Nanlaki ang mata ko at napahagalpak ng tawa.

"Please don't... we're month apart." ani ko at natawa kami.

"Simula ngayon... itutring na kitang kapatid talaga. Pero 'wag kang manghihingi ng baon sa akin, ha?" ani ko ag natawa kami parehas.

"Tara na sa loob?" Aya ko at tumango siya.

"Sige, utol." ani niya at napangiti ako.

Kapatid ko siya, kahit ano pang mangyari kapatid ko pa rin siya. Magkadugo kami kahit sa ama lang.


Grey's POV

I was walking through the hallway of the venue to find the restroom when I suddenly heard people talking from the staircase.

"You're partner with Grey, right?"

"Nag usap na ba kayo?"

"Dapat siguro makipag usap kayo sa kaniya. Para may mga informations tayong makuha."

"Pero boyfriend niya si Code. Isa siya sa mga target-"


"Okay what the fuck are you talking about?!" I went out on from the place I was hiding from.  All of them three looked so shocked the moment they saw me.

I was surprised and shocked too, what are these three doing here?

What are they talking about?!

"G-Grey... anong ginagawa mo drito?!" Trixie asked, panicking.

My brows furrowed, "What target?! Ano bang plano niyong tatlo! Ha?!" I almost shouted.

I pointed at Genesis, "Ikaw Genesis... ang dami mo nang sinisiraan sa Free Wall ng USV . Either younger or older. Sino pa Gene?! Sino pa?!" I screamed, but Gene just stood there, looking at me coldly.

"Lahat ng mga baho niyo, ilalabas ko." She replied, and my jaw dropped.

I clicked my tongue. "No Gene, hindi yun mga 'baho' Gene! It's personal life!" I said emphasizing 'personal life'.

"Shut up you don't know my stor-"

"That's the thing! Hindi mo rin naman alam ang story and other sides ng ibang tao! Kaya bakit mo ginagawa ang mga dark rumors mo?!" I cut her off, shouting, I felt like I would pop a vein in my neck.

"It's not dark rumors if it's the truth!" she shouted back,

I rolled my eyes, brushing my hair with my fingers. "Whatever! Do your things! Basta 'wag mo lang kaming idadamay!" I said as I turn my back to them, I was about to walk away when  she spoke.

"Too late! You guys are our next target." My brows furrowed.

"Trixie tell him..." I faced them again,

Trixie looked at Genesis with wide eyes.

"H-Huh? Seryoso ka?" tanong niya at tumango lang si Genesis.

I raised my eyebrow. "Tell me what?"



-----

a/n: aaaaa! three updates for today HAHAHAHAH! at least nahabol, diba? mention the errors or "huh" moments pls!!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro