Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Eleven

Hades's POV
"Bakit ba ang hirap stha inyong intindihin na sthi Marian ang mahal ko at hindi sthi Belle?!" bigkas ng aking mga labi, pero ang mga bwiset kong kaklase ay sigaw nang sigaw, lalo na 'yang lalaking nag ngangalang Ariyago.

Gusto ko lang naman mag practice. Kakaiba rin pala dito sa St. Villa, may pa-roleplay ang college students. Edi sana nag artista nalang kami diba? Marami na kaming napagdaanan na role-playing noong high school. Noong grade seven ay Ibong Adarna, grade eight ay Florante at Laura at kung ano-ano pa sa mga sumunod na grade level. Dapat talaga nag-artista nalang ako.

"Drake, lagyan mo pa ng tape doon." Rinig na rinig ko ang boses Yago. Nagtakip ako ng aking tainga upang hindi ko pa marinig ang kanyang boses.

Hanggang ngayon ay may sama pa rin ako sa kaniya ng loob. Simula noong araw na iyon ay once in a blue moon ko nalang halos pansinin si Yago. Kung kinakailangan lang at kahit kami ay magkita sa dorm ay hindi ko siya pinapansin.

Napapansin din naman na niya ang mga ginagawa ko na pag-iwas sa kanya dahil minsan ay pilit nito akong kinukulit, inaasar minsan ay sinusubukan pa ako nitong yakapin. Nasanay na yata siya. Ganon kasi ako ka-clingy noon. Noon 'yon, noong hindi pa ako umamin at hindi pa nagbabago ang pakiramdam ng hangin sa paligid namin.

"Yago, 'wag ka ngang malikot!"

"Tumahimik nga kayo!!" sigaw ko pabalik, kitang-kita ko ang pagkagulat ni Drake sa kaniyang mukha, si Yago naman ay takang nakatingin sa akin.

"'Wag nga maingay at may mga nag mememorya ng linesth! Yago, 'wag mo nga galawin 'yang hagdan! Ang harot-harot mo!" sigaw ko na naka-agaw ng atensyon ng nakararami, natahimik ang buong classroom, ako naman ay muli nagtuon ng pansin sa aking script.

Napabuga ako ng hangin, napakaraming sasabihin ng character ko, bakit ko pa kasi pinili 'tong role na to? Main character pa talaga? Pero may dahilan talaga ako. At iyon ay sa kadahilanan na sa storya na ito ay maraming babae ang main character. At nagbabakasakali lang naman ako na magselos si Yago sa mga kaklase namin na magiging ka-partner ko.

Baka sa tatlong babaeng makakasalamuha ko lalo na sa kaklase namin na gaganap katambal ko ay mag selos siya at kausapin ako. Kinakausap naman nga pala niya ako.

Ang mas lalo kong ikina-iinis ay parang hindi niya alam at napapansin na galit ako sa kanya. Nakakainis na rin, gusto ko ay sinusuyo niya ako, iyong alam niya kung bakit ako galit. Hindi 'yong parang nagpapataasan kami ng pride.

Pero ako itong tanga na hindi magawang mapatawad ng ganun-ganun lang.

"Hayst, pagod na ako." I snapped out of reality as I hear Yago's tired voice. He lay down beside me closing his eyes while his hands are on his forehead.

"Bakit hindi ka mag pahinga!?" Pag susungit ko dito. Ang dami niyang sinasabi, mag pahinga siya kung pagod na siya.

"Pagod ka pala! Ano gustho mo gawin ko?!" dagdag ko pa,

Narinig ko siyang bumuntong hininga, pinilit ko na ituon ang aking atensyon sa aking script at hindi sa kaniya na nakahiga.

"Hades..." tawag niya sa pangalan ko sa malambing na tono.

Hindi ko manlang ito tiningnan, "Uyy..." Kahit sarado ang mga mata niya ay pilit niyang tinatapik ang aking hita. Pero patuloy lang ang pag tingin ko sa aking script at hindi siya pinsansin.

"Uyy, Hades..." Ngayon ay seryoso na ang tono ng boses niya, siya rin ay naka mulat at naka upo na.

"Huy, galit ka ba?" tanong niya, hindi ko siya pinansin at nanatili na nakatingin sa script.

"Huy,sumagot ka." Pero hindi ako sumagot.

"Sumagot ka." Nanatili akong tahimik.

"Hades.." Niyugyog-yugyog pa niya ang braso ko. "Hades Minuel-"

"Ano ba?! Nakakabwisthet na, ha! Akala mo hindi ako galit?! Eh hindi na nga kita halosth pansthinin, taposth magtatanong ka kung galit ako! Malamang! Hindi nga kita pinapansthin, eh! Sthino ba ang galit ang namamansthin?! Iharap mo muna sthakin ang galit na namamansthin tapos pwede mo akong kasuhan! May patanong-tanong kapa! Yakap! Lambing! At patawag-tawag, eh hindi mo naman pala sthigurado kung galit ako! Nag-aakit kapa na ililibre mo ako eh nanghihiram ka pa nga ng ballpen! Paano mo 'ko ililibre! Sthusthuyuin mo ako ehh hindi ka naman marunong! Oo galit ako!! Ngayon alam mo na! Manuyo ka na! Galit ako ehh!"

Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at napuno na ng inis. Sa lakas ng boses ko ay narinig na ito ng buong klase.

"'Wag nga og sumigaw." saway ni Marga pero sinamaan ko lang siya ng tingin. Si Yago ay halatang nagulat sa aking mga tinuran.

Napasinghap ako, "Bahala kayo!" singhal ako bago nag martsa palabas ng classroom at diretso sa CR ng lalaki, laking gulat ko nang makita si Cai na umiiyak at tila ay namamaga ang labi niya.

"Cai? A-Ayosth kalang ba?" Nag-aalinlangan kong tanong, hala! Anong nangyari?

Pagtingin niya sa akin ay mas lalo akong naguluhan... anong nangyari?

Cairo's POV

Isang malalim na hininga ang pumakawala sa aking labi. Napayapos ako sa aking sarili habang pinipigilan ang mga luha na kanina pa nagbabadyang umagos. Parang ang unfair na ng buhay sa akin. Deserve ko ba talaga 'to? Deserve ba namin ni mama 'to? Nagkakawatak-watak an kaming mag-anak, nagkakasakit pa si mama.

Saan kami kukuha ng pambili ng gamot? Saan kami kukuha ng pera na pampagamot?

"Ano nanaman! Ngayon ka nanaman lang umuwi!" sigaw ni mama, agad akong tumayo ng hapag kainan upang alalayan si mama. Baka lumala ang sakit niya at mapasama ito ngayon na nag-aaway sila.

"Ma... tama na po." awat ko, lumalala ang sakit ni mama. Hindi namin ito kaya ipagamot kaya sabi ng doktor ay hindi na malaki nag tiyansa ni mama na mabuhay. Hindi namin kayang lunasna ang sakit niya pero nagbabakasakali kami na tumagal pa ang buhay niya. Bakit ba kasi ang gastos ko na anak!

Pero sa mga pinaggagawa ni papa, na laging nalang silang nag-aaway, laging nagbabangayan, malabo na hindi lumala ang sakit ni mama.

"Hindi Cairo, kumain ka lang doon!" Utos ni mama pero umiling lamang ako. Hindi ko siya pwedeng iwan lalo na't alam kong mag-aaway nanaman lang sila ni papa.

"Hindi kana naawa sa amin?! Halos wala nang sweldo mo ang na pupunta sa amin! Tapos malalaman ko nalang na binenta mo na ang bahay!" Nanlaki ang mga mata ko sa aking narinig, ang bahay? Binenta ni papa?! Paano na kami?! Saan kami titira?!

"Wala kana doon! Ako ang nag patayo ng bahay na 'to! Kaya ako ang mag dedesisyon kung anong gagawin ko dito!" sigaw pabalik ni papa, ang mga luha ko ay patuloy ang pag-agos habang inaalalayan ko si mama. Ramdam ko na ang bigat ng kaniyang katawan kaya alam kong hindi ako pwedeng bumitaw kungdi ay bibigay siya.

"Kung ibebenta mo 'tong bahay! Saan tayo titira?!" tanong ni mama, oo nga naman, paano na kami?

"Kayo lang! Kayo lang ang titira sa lansangan!" sigaw ni papa, napkunot ang noo ko, anong ibig niyang sabihin?

"At ikaw?! Saan ka titira!?" sigaw ni mama..

Napatawa nang mapait si papa, "Sa iba kong pamilya!" Tila ay umalis ang kaluluwa ko sa aking katawan... si papa? May ibang pamilya?! Paano? Nangaliwa siya?

Narinig kong ang pagsinghap ni mama, "Lumayas ka! Umalis ka dito!" sigaw ni mama na pilit itinutulak si papa palabas ng bahay.

"Aalis talaga ako! Kayo rin! Ang iba lang ay may tutuluyan ako! Kayo wala!" Iyon ang huling sigaw ni papa bago umalis ng bahay.


"Uy, Cai! Ano daw ba ang gagawin dito sa pakpak?" Nag taas ako ng tingin mula sa aking pagkakayuko at tumingin kay Athena na hawak-hawak ang mga feathers.

Napangiti ako, "Ah, ididikit 'yan doon sa cut-out na pakpak, color organized dapat." sagot ko at tumango siya bago tumakbo papalayo.

Ilang minuto ay bumalik siya at tumabi sa akin, animo'y umugtol pa siya nang umupo sa tabi ko.

"Oh! Dahan-dahan," ani ko sa kaniya,

"Kwento..." May tono ng pag-uutos sa kaniyang boses. Hindi siya mukhang galit at normal na boses lang ang ginagamit nito.

Napakunot ang noo ko, "Huh?" taka kong tanong,

"Alam ko kasing may problema ka, so kwento! Baka kailangan mo ng pagsasabihan ng problema." ani niya sabay ngiti na halos wala na siyang mata.

Napabuntong hininga ako, "Basta 'wag mo sasabihin kahit kanino." tumango siya at huminga ako ng malalim.

Huminga ako ng malalim, "Ganito kasi 'yan, may ibang pamilya tatay ko. At ngayon binenta niya ang bahay wala na kaming titirhan tapos siya titira na sa iba niyang pamilya." Hindi ko na ginustong pahabain pa at magpaligoy-ligoy pa. Wala na rin naman na, sira na kami.

Hindi ko siya narinig na sumagot at nang mapatingin ako sa kaniya ay parang pino-process pa niya ang sinabi ko. "Sakit 'no?" Her faces softened.

"It is, ako nga I'm like a mistake thing, my father is married to another woman when I was made, then ayon, this past few months ay napapalagi siya sa amin, alam namin ni mama na may legal siyang pamilya. I feel sad to his real family, dapat siguro hindi nalang ako nabuhay sa mundong 'to para wala akong pamilya na nasira." I looked at her, I saw how she wiped her eyes na tumutulo ang kaniyang mga luha.

"Don't say that! Hindi ka mistake, 'wag mo nga sisihin ang sarili mo. You're innocent to what sin your mom and dad made, you are a blessing not a mistake." Pagpapatahan ko sa kaniya, I don't want her to feel like a mistake, no one deserve to feel like that. Everyone should feel loved, at least nga siya diba? Kahit hindi siya legal na anak minamahal pa rin siya, eh ako? Legal pero pinapabayaan, and now I think I no longer count as my father's child.

Nagpahid siya ng luha, "Ano ba pangalan ng papa mo?" Tanong niya.

"Carlo Veleasco..." I shortly replied and her eyes widened as if she's surprised.

"Carlo? Velasco?" Pag-uulit niya and I nodded, then it hit me. She stood up and was about to leave when I held her hand.

"Athena.." Tawag ko and I saw her crying...

"Cai... siya rin ang tatay ko."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro