Prologue
"Ali ! Bilisan mo naman!" Sigaw ni Diana, ang pinsan kong babae na bente - kuwatro anyos na.
"Sandali lang! Hindi pa ako tapos," ganti ko sa kanya.
Nahirapan akong ikabit iyong earring sa kanang tainga ko. Paano ba naman kasi, huling suot ko pa ata ng ganito ay iyong may reunion iyong family namin noong nakaraang taon. Nahirapan akong hanapin iyong butas ng pagkabitan. Nadikit na ata sa tagal ng hindi nalagyan ng hikaw.
Pupunta kasi kami ngayon sa basketball court. Inaya kasi ako ni Diana na lumabas. Gusto raw niya makisali roon sa bayle. Hindi pa raw niya kaya na pumunta roon nang mag - isa kasi raw hindi na niya nakilala iyong ibang taga - rito. Nahihiya raw siya. Nahiya tapos ako pa itong dinala niya na mabibilang palang sa daliri ko na nakasali ako sa mga ganyanan.
Narinig kong may papalapit na yapak sa pintuan. Napalingon ako roon nang mga biglang kumatok. Pagkatapos niyang kumatok ay pumasok na kaagad siya sa kwarto ko na hindi man lang humingi ng permiso. Binitawan ko iyong tainga ko nang magkaharap kami.
"Luh! Hindi man lang nagsalita ay. Paano kung napasukan mo akong nakahubad dito?" tanong ko pa sa bagong pasok.
"Paano kung nagsimula na iyong bayle roon? Ha? Ang tagal mo naman mag - ayos!" bagot na sabi ni Ate Diana. "Tutubuan na ako ng ugat doon sa kakahintay sa iyo."
Lumapit siya sa akin at tinulungan akong ikabit ang hikaw ko. "Parang hikaw lang, nahirapan ka pang ikabit."
"Hindi ko na alam kung saang banda iyong butas."
"Tsk. Kakatingga mo sa bukirin ayan ang napala mo."
Napansin kong lumayo siya nang kaunti sa akin." Ayan tapos na." Sinipat niya ang suot ko. "Ano iyan?" Sabay turo niya sa suot ko na puting t-shirt na v- neck tapos paldang puti. Hanggang tuhod ang tabas nito kaya natakpan ang hita ko.
Napatingin ako sa suot ko. " Suot ko."
Napatanga naman ito sa sagot ko. "Seryoso?" Pinaikot niya ako. "Ali naman."
"Eh ba't ba? Wala aking ibang damit. Saka basketball lang naman iyong pupuntahin natin."
"Aish," inis niyang tugon saka tumalikod.
Nilapitan niya ang tukador ko. Pagkabukas niya palang niyon ay kaagad na gumala ang paningin niya sa mga nakahanger. Binuklat at hinawi niya iyong mga nakahanger na damit na ang karamihan ay t- shirt lang. Napakamot ako sa ulo.
Mayamaya pa lang ay nagawi na siya sa ibabang parte ng tokador. Namilog ang mata ko. Nilapitan ko na kaagad siya kasi ayaw kong may makita siya roon. Sinubukan ko siyang pigilan pero nakita ko na siyang binuklat iyong isa sa mga whole dress na pinagtatago ko. Napabuntonghininga ko.
"Ito ang suotin mo," pinal na sabi niya.
Nilampasan niya ako. Sinundan ko nalang siya ng tingin pati iyong bitbit niya na whole dress. Nang ilatag niya iyon sa higaan ko ay napapikit nalang ako.
"Iyan! Bagay iyan sa'yo," masaya pa nitong sabi.
"Diana, ang dami mo namang gusto." Nakabusangot akong lumapit sa kanya. "Ito nalang. Bayle lang naman iyong pupuntahan natin."
"Bayle nga pero mukha ka namang lusyang." Sinipat niya pa ako. "Sinong makikipagsayaw sa iyo kung ganyan ang ayos mo."
"Wala akong pake kung walang makikipag - sayaw sa akin." Kinuha ko iyong dress saka binalik sa tokador. "Sasamahan lang kita. Iyon lang iyon."
"Nako! nako!" Lumapit siya sa akin at binuksan ulit ang tokador. "Ali! Huwag ng matigas ang ulo."
Kinuha niya ulit ang dress at binigay niya sa akin . Idiniin niya sa dibdib ko ang damit kaya napatingin ako roon.
"For once, magbihis ka naman ng parang tao." Marahas itong napakamot sa ulo. "Ay hindi! Nang parang dalaga! Jusko naman Ali kahit ngayon lang suotin mo naman iyan. Ang dami mong damit tapos hindi mo susuotin?"
"Eh kayo naman itong panay regalo sa akin ng ganito."
"Para magmukha ka namang presentable. Jusko! Puro ka nalang ba t-shirt? Magpapalda ka nga pero pang lola naman iyong nagustuhan mong isuot."
"Eh sa iyon lang ang hindi kita ang hita ko. Ayaw mo naman akong pasuotin ng pantalon."
"Nako talaga! Isa pa iyang pantalon na iyan!"
Napadabog siya. Nainis na ata siya ng husto sa akin kaya pinatalikod na niya ako.
"Kapag hindi mo iyan isinuot, susunugin ko ang lahat ng pantalon mo, Alejandra."
Napangiwi ako. Napakurap pa ako nang itinulak niya pa ako papunta sa banyo. Pinapasok niya ako roon saka isinara ang pintuan at pinadlock sa labas. Namilog ang mata ko.
"Hindi bale ng ma - late tayo sa Bayle. Basta hindi kita palalabasin kapag hindi mo isinuot iyan. Huwag mo na akong subukan. Alam mo ang ugali ko, Alejandra."
Narinig ko ang yapak ng high heels niya na parang lumalayo. Nabusangot akong sinipat ang kulay puti na dress na ipinasuot niya sa akin.
"Aantayin kita rito. Bilisan mo. Huwag mo akong bagutin," maotoridad at pinal pa nitong sabi.
Napahilamos ako sa mukha dahil sa inis. "Oo na oo na. Nagpasama ka na nga, ang dami mo pang arte."
"Isa."
"Tsk. Ito na nga eh."
Sinipat ko ulit ang pinili niyang damit para sa akin. Lukot ang mukha ko nang makita ang desinyo niyon na halos makita na ata ang dibdib ko. Kung tutuusin ay hindi naman masyadong kita ang kaluluwa ang napili niya. Long sleeve pa nga ito kung tutuusin at maluwang ang desinyo. Hindi ko lang talaga tipo iyong ganitong mga damit na parang kurtina iyong nasa bandang dibdib tapos parang tube ba. Parang anumang oras kung yuyuko ako ay makikita na iyong hindi dapat makita.
Buti nalang at medyo mataas din ang saya nito. Hindi bale ng flowy basta ang sa akin ay hindi masyadong maiksi iyong palda. Nasa three inches lang ata ang pagitan nito sa hita ko.
Pikit ang matang isinuot ko ang dress na ipinapasuot niya sa akin. Pagkasuot ko ay nahirapan ako sa bandang dibdib kasi stretchable pala ang parteng iyon. Ilang beses ko pang hinila iyon para maayos iyong nasa dibdib ko. Napabuntonghininga ako. Paano ko aayusin ito? Masikip sa bandang dibdib.
Napalitan ako lumabas pagkatapos kong suotin iyon. Napatingin kaagad sa akin si Diana. Na hindi ko naman alam kung bakit tahimik pa rin siya.
"Ate?" pukaw ko sa kanya.
"Wait," kaagad na anas nito. Hinimas - himas pa nito ang baba na tapos nag - iisip.
Mayamaya pa ay bigla itong tumayo at lumapit sa akin. Pinaikot niya ako. Ako naman habang umiikot ay panay naman adjust sa garter. Napansin iyon ni Ate Diana kaya tinulungan niya ako.
"Ganyan talaga iyan. Medyo malaki kasi iyang dede mo tapos ngayon tinambak mo roon sa lagyanan. Natural na masikip kasi hindi mo ginagamit. Luluwag din mamaya iyan."
"Ate naman. Hindi ako komportable."
"Sus! Ngayon lang iyan. Masanay kana." Tinitigan niya ako. "Halika. Ayusin natin iyang buhok mo."
Saka niya ako hinila palabas ng kuwarto ko. Akala ko sa bahay lang kami mag - aayos pero nagulat nalang ako nang lumabas kami ng bahay at lumipat kami sa bahay nila. Kami lang kasi ang naiwan sa bahay namin. Wala kasi sina Mama at Papa dahil inaasikaso nila iyong negosyo nila sa kabilang bayan. Si Nanay Tiring din umuwi muna sa bahay nila. Iyong kuya ko naman ay may lakad din kaya walang umawat sa ginawa niya. Nagulat pa nga iyong Nanay at Tatay niya pagkapasok namin sa bahay nila.
"Later na po! Busy pa us!" paalam niya kina Tita at Tito.
Hindi naman nakahuma ang mga ito. Ako naman ay panay niya pa rin hinihila. Hindi na lang ako nagsalita. Pumanhik kami sa itaas ng bahay nila. Pagkatingin ko sa likod ay nakita kong nasa paanan ng hagdan sina Tita at Tito. Nakatunghay samin.
Pagkapasok namin sa kuwarto niya ay kaagad niya ako pinaupo sa harap ng salamin. Hindi ko na alam kung ano mga abubot iyong pinaglalagay niya sa mukha at buhok ko. Lipstick lang ang alam ko sa mga iyon. Pinahiram niya pa ako ng choker na iyong desinyo ay iyong kapareho kay Caterine Zeta Zones noong nag - attend sila ng party. Iyong ipinares niya sa kulay pula niya na gown. Iyong sinuot niya sa pelikula na Zorro.
Napaatras pa ako nang sinubukan niyang kulutin iyong buhok ko.
"Ate! Dahan - dahan naman," reklamo ko nang hinawakan niya ang baba ko.
"Huwag ka kasing makulit nang matapos na tayo rito," sabi pa niya sa akin.
"Ang dami mo pa kasing arte! Ang dami mo ng nilagay sa akin."
"Para maayos ka nga tignan. Ano ba! Huwag ka na makulit."
Hindi na ako umimik. Napasimangot na lang ako. Kapag kasi siya na ang magdedesisyon ay mahihirapan ka nang humindi sa kanya.
"Oh! Tayo ka!" utos niya sa akin nang matapos siyang mag - ayos sa akin.
Napilitan akong tumayo. Unang kong hinarap iyong salamin pero hindi ko na natapos iyong pagtingin ko roon dahil hinala niya ako papunta sa full body mirror. Nang makita ko na ang itsura ko ay halos hindi ko na makilala ang sarili ko. Halos lumuwa iyong mata ko sa kakatitig sa sarili ko sa salamin.
Narinig kong may tumunog sa bandang pintuan. Nahagip ko sa salamin sina Tita at Tito. Napatingin sila sa aming dalawa.
"Ayan kasi. Hindi ka mahilig mag - ayos kaya hindi mo alam kung gaano ka kaganda. Tamo! Natalbugan mo pa ata ako." Pumalakpak pa nga ito tapos nakangiti. "Ano sa tingin ninyo Papsy?"
Pumasok na sina Tita sa kuwarto. Pagkaharap ko sa kanilang dalawa ay napalakpak ang Tita ko. Si Tito naman ay nakapameywang nang nakangiti.
"Sana makita ka namin na panay mag -ayos ng ganito, Alejandra". Hinawakan niya ang balikat mo nang nakangiti. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "Bagay na bagay sa iyo ang ayos na ganyan, hija."
Napangiti naman ako. Napahaplos ako sa mahabang side bangs ko na isa sa kinulot ni Ate Diana.
Tinali niya iyong nasa likod na buhok ko pero may iniwan siya na hibla sa harapan ko. Napansin kong pina V niya na pagkakatali niyon sa likod. Nilagyan niya rin ng bulaklak na clip iyong buhok ko sa likod.
Humarap ulit ako sa salamin. "Talaga po ba?" Inikot ko iyong sarili ko tapos tumingin ulit sa salamin.
"Nako! Mukhang mapapasama yata tayo nito, Constancia," sabi ni Tito. .
Napatingin naman ako sa kanya.
"Bakit naman Papsy? Sabi niyo po ayaw niyong pumunta kaya nga si Ali ang isinama ko." Nakahalukipkip si Ate Diana.
"Kung ikaw lang naman Diana ay hindi kami mag - alala ng Momsy mo." Napatingin siya sa akin.
"Tignan mo nga naman ang pinsan mo. Sa tingin mo, makakaupo pa iyan kung sasali iyan sa Bayle? Baka hindi niya matanggihan ang lahat ng umaalok sa kanya na makipag - sayaw."
"Ay! Oo nga ano?" Nakagat ni Ate Diana ang kuko niya. "Pero Papsy, nandito naman ako. Keribels na iyan."
Napailing si Tito. "Oo siya sige. Matona ka naman eh. Namana mo naman iyan sa Momsy mo kaya wala na siguro ako ipag - alala."
Pinalo ito ni Tita sa balikat. Napakislot si Tito. "Narinig ko iyon, Saturo!"
Ngumiti naman ng peke si Tito. Lumapit ito kay Tita at niyakap ito. Hinalikan niya pa ito sa sentido. "Nagbibiro lang, Honey. Ikaw naman oh!"
"Popsy! Nasa kabila po ang kuwarto ninyo!" Pinaikot pa ni Ate iyong mata niya. "Halika ka na nga!"
Biglang napahiwalay sina Tita nang dumaan kami sa gilid nila. "Aalis na kayo?" tanong pa niya.
"Oo, baka mamaya kung ano pa ang makita namin eh," sabi pa ni Ate.
"Ay sandali! Antayin niyo kami!" awat pani Tita Constancia sa amin.
Nang makarating na kami sa paanan nang pinto ay napabaling kami sa hagdanan. Paano ang lakas ng kalampag no'n nang bumaba sina Tita.
"Antayin niyo kami. Teka lang! Kukunin ko lang iyong bandana ko." Tumakbo pasi Tita papunta sa kanan. Nandoon kasi iyong kwarto nila.
"Hintayin niyo kami. Ihahanda ko lang iyong sasakyan," anunsiyo pa nito. "Tans! Dalhan mo ako nang pamalit!" Sigaw pa nito.
"Pero Paps! Mas lalo kaming matatagalan niyan," reklamo pa ni Ate.
"Hindi iyan. Sandali lang to."
Naiwan kami ni Ate Diana sa harapan ng bahay nila. Napatingin naman ako kay Ate. Nakita kong napabuntonghininga siya.
Baka kako gusto nani Ate magpunta roon. Hindi ko rin naman siya masisisi. Ang tagal niyang nawala rito sa bayan. Namimiss lang niya siguro iyong dati niyang gawain kaya naeexcite siya.
Mayamaya pa ay biglang bumusina ang sasakyan nila Tito na isang itim na ford ranger . Bumaba ang isang bintana nito at iniluwa roon Si Tita na nakamatyag sa amin.
"Ano pa hinihinitay ninyo? Dalian ni'yo na't riyan at sumakay na kayo rito," pagmamadali ni Tita sa amin.
"Nandiyan na po," magalang kong sagot sa kanila.
Nauna akong maglakad. Nang nilingon ko si Ate na nasa likod ko ay hindi pa ito kaagad gumalaw.
"Dale na, Ate. Akala ko ba nagmamadali ka?" takang tanong ko pa sa kanyya.
"Siya, Ito na. Susunod na." Saka ito naglakad na naging hudyat ko na rin na magpatuloy sa paggayak.
Nauna pang nakasakay si Ate kaysa sakin. Nakasalampak pa siya ng upo nang makapasok na siya sa kotse.
Napahawak na ako sa pintuan nang marining kong may umugong na isang sasakyan sa likod namin. Napatingin ako sa gawing iyon. Sinundan ko iyon nang tingin. Akala ko ay lalampas ito sa amin pero bigla itong huminto sa likod nang kotse ni Tito. Hindi natuloy ang pagpasok ko. Umandar na naman iyong kyuryosidad ko kung sino itong pabababa sa sasakyan.
Biglang ininiluwa roon ang isang lalaki na may matinong pangangatawan. Nakapantalon ito na asul at may suot ito na puting polo. Lantad na lantad ang matipunong dibdib nito dahil hindi niya binutones ang polo.
May kung ano sa akin na hindi ko matanggal ang paningin ko sa dibdib niya. Ayaw na ayaw ko sa mga lalaking may makapal na balahibo sa dibdib. Pakiramdam ko kapag dumantay iyong kamay ko sa dibdib nila ay parang humawak ako ng isang balahibo ng hayop.
Napalunok ako nang makita kong kulay itim ang mga balahibo nang mama. Kusa kong inalis iyong paningin ko sa kanya nang papalapit siya sa gawi ko. Saka ako umambang pumasok sa kotse.
"Miss?" pagtawag niya sa akin.
Napahinto ako sa ginagawa ko. Napaharap ako sa kanya.
"Yes?"
Pero hindi sumagot ang binata. Sa halip ay tinitigan lang niya ako. Napailang ako sa ginawa niya kaya napabaling ako kay Tito. Sakto namang pumalibot nasi si Tito nang kinakausap ako ng lalaking ito.
"Ricardo?" takang tanong ni Tita sa binata.
Napabaling tuloy ako sa kaharap namin. Alam ni Tito ang pangalan nito. Ibig sabihin ay kilala niya ito. Pero bakit hindi ko siya nakilala?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro