Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 09

Trigger Warning: Violence

Chapter 9

DAYS have passed and it's already the 29th of January, dumating na rin 'yong floormat na matagal na raw nilang hinihintay. Noong magka-homeroom meeting ay napag-usapan daw ito sabi ni tita, kaya sabi niya, dahil daw hindi ako nakabigay noon para sa contribution, bibili na lang sila ni papa ng electric fan na dinala ko pa talaga pagka-lunes.

Tulong-tulong kaming nag-set up noong flootmat sa classroom at nang mailagay na iyon ay iginilid na lang namin ang mga upuan at nahiga sa sahig upang makapagpahinga. Sakto kasing tree planting din namin ngayon kaya't nakakapagod na gumalaw.

Noong umaga ay naglinis kami ng area, at mamayang hapon ay tatapusin ang natirang kalat, saka itatanim na ang mga puno namin.

Mabilis lang na lumipas ang oras, pagkatanim namin ay nagpahinga muna kami sa classroom dahil sa sobrang init at umuwi rin kami kaagad. Hindi na sila nagyaya kung saan-saan dahil pare-parehong kaming pagod, ang iba ay masakit pa ang mga katawan.

Meanwhile, while I am resting on my bed, my phone suddenly vibrated. I looked it up and saw that it's a message from Daniel. I opened the conversation and my brows furrowed when I read his text.

urdannski_
Does that roger guy really has mood swings? qeez. Earlier, we received a text saying that we should come over but then when we did, he was raging like an asshole. What's wrong with him?

Napabangon ako sa aking pagkakahiga, anong ibig niyang sabihin? Mas'yadong pagod ang utak ko ngayon para isipin si Roger.

marlxxx._.
I don't knowww, mann. I'm too tired to even think. Maybe they fought or something, no one knowsss.

I sent my reply and turned my phone off. Bumalik ako sa pagkakahiga at ipinikit na ang mga mata. Sa tagal ko namang nakapikit, hindi ko na namalayan ang paglipas ng oras hanggang sa tuluyan nang makatulog ang diwa ko.

NAGISING ako dahil sa tunog ng alarm ko, hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog pero pakiramdam ko kulang ang tulog ko. Kinuha ko ang cellphone ko at sinaksak ito sa charger saka lumabas ng k'warto, natutulog pa si papa sa ibaba ng bunk bed. Katabi niya natutulog si Tito Eric.

Nang lumabas ako ng k'warto, maliwanag na sa sala at nagluluto na ng agahan si Tita Madeline. Hindi ko naman agad siya kinausap at dumiretso muna ako sa gripo upang linisin ang mukha ko.

"Ang aga niyo po yata magluto ngayon?" Saad ko habang nagpupunas ng mukha sa paper towel. Itinapon ko iyon sa basurahan at umupo sa upuan upang maghanda sa pag-kain.

"Aalis ang papa mo at si Tito Eric mo mamaya, pupunta naman sila doon sa kabilang niyogan upang asikasuhin iyon. Para hindi na sila mahirapan pa, pagbabaunin ko na lang," sambit ni Tita Madeline at napatango na lang ako.

Asawa ni Tita Madeline si Tito Eric, samantala kapati naman si papa si Tita Madeline. Sa lahat ng tiyahin ko ay sa kaniya lang ako naging close, maski noon pa. Nagpapadala siya ng regalo tuwing may okasyon.

Matapos kumain, kaagad na akong naghanda sa pagpasok. At mahigit alas sais na nang matapos akong magbihis. Suot-suot ko ang tshirt namin ngayon dahil ito ang napag-usapan namin tuwing biyernes. Magkakaroon kami ng Homeroom Guidance ngayon.

Dumaan pa ako ng tindahan upang bumili ng mga chitchirya na makakain namin. Magdala dahil kasi ng kahit anong pagkain para makain namin mamaya.

Mabilis namang lumipas ang oras at natapos na ag catch up friday namin. Nagbasa lang kami ng story at may ilang pa-games si Ma'am Jhe, medyo nabitin pa nga kami sa laro namin.

"Okay, Behabeh, itutuloy na natin ang hindi natapos na open forum noong nakaraan. Kaya form a big circle na, sa gitna ang mga pagkain," saad ni Ma'am Jhe na sinunod naman ng mga kaklase ko. "Spin the bottle na lang tayo para sa pagpili,"

Naglagay sila ng bote sa gitna at inikot iyon, nagsigawan naman sila nang tumapat iyon kay Angel. Pinatahimik naman silang lahat upang makapag-start na ang mags-share ng hardest battle nila sa buhay nila.

"Ano po, ito na lang 'yong ano, noong bata pa ako," hindi pa niya naik-kwento pero nakikita ko na ang panginginig ng kamay niya. "Kasi po noong bata pa po ako, nagt-trabaho po noon si papa sa Maynila, at si mama naman po ay nagp-practice teaching. So, iniiwan po nila ako sa bahay, may nag-aalaga lang po sa akin."

"Oh, tapos, anong nangyayari?" Tanong ni Maam Jhe habang marahang hinahagod ang balikat ni Angel.

"S-sinasaktan niya po a-ako..." Hindi na niya napigilan 'yong luha niya at tuluyan na 'yong tumulo. Halata na ring mas'yado 'yong panginginig ng kamay niya habang pinupunasan ang sarili niyang luha. "Pinapalo niya po ako dati, o minsan ikinukulong sa k'warto. Habang siya po m-minsan nagsusugal, umiinom, o nagsisigarilyo..."

"Ilang taon ka niyan, Angel?" Tanong ni Ma'am Jhe dahil pare-pareho kaming hindi expected ang is-share niya.

"Mga four or 5 years old po ako..." Sabi niya habang nakatakip ang tissue sa mukha. "Ayon po, masakit. Kasi bata pa ako noon eh, pinapalo niya po ako nong kahoy na ano... tapos nagsisigarilyo po sa noon sa harapan ko. M-may pagkakataon nga po na p-pinapaso niya po ako ng sigarilyo..."

"Oh, kaya may scars ka? Lalo na 'yong nasa may chest mo... Na-try mo bang sabihin sa parents mo?"

"N-nasabi ko po dati pero hindi naman po sila naniwala... Sa akin pa po ako nagagalit kasi laro daw po ako ng laro kaya nasusugatan ako..." Patuloy niya, at napuno ng katahimikan 'yong buong classroom. Lahat kami hindi inaasahan 'yong trauma na meron siya.

Umiyak nang umiyak si Angel hanggang sa nahawa na niya kami. Yakap-yakap ni Ma'am Jhe si Angel habang kitang-kita pa rin ang panginginig nito at ang tuloy-tuloy nitong paghikbi.

Nang maayos n nag pakiramdam niya, inikot na niya ang bote at nanlaki naman ang mga mata ko nang tumapat iyon sa akin. Hkndi kaagad ako nakapagsalita, bumuntonghininga pa ako at ibinaba ang tingin sa palad ko.

"Ano po, nitong nakaraan lang po ito... Naghiwalay po si mama at papa," kinagat ko ang labi ko. I am fidgeting my fingers as I try to construct the words that I am going to say. "S-si mama po, mayroon na po siyang iba. Like, even before pa po sila m-maghiwalay ni papa..." My voice broke, I don't even know if I could continue this.

"Recently lang talaga? Kailan?"

"Nito lang pong February, kaya nga po nag-transfer po ako rito..." Paliwanag ko na parang nagpaliwanag sa isip nila. "Nanghihinayang lang po kami kasi yong mga negosyo po namin, karamihan nakapangalan po kay mama... tapos 'yong kabit pa ni mama, ka-negosyo n-nila ni papa..."

"Hindi kasal sila mama mo?"

"Hindi po... Kaya nga po nahihirapan po si papa, ay. Tapos nalaman pa po namin na 'yong ano po... 'yong lupa po ni papa na mga ano, mga twenty hectares daw po, isinangla pala ni mama..." At tuluyan na ngang tumulo 'yong mga luha ko, mas naiiyak pa ako kasi nararamdaman ko 'yong awa nila sa akin. At ayaw ko no'n.

"Lupa ni papa mo? So, nakapangalan kay papa mo? Paano 'yon naisangla ni mama mo?"

"Ano po, akala raw po ni papa negosyo lang kaya pirma na lang daw po siya ng pirma. Tiwala naman daw po siya kay mama kasi noon po maayos pa po sila..." Saad ko at narinig ko naman ang mga side comments nila.

"Ah, mahal kasi ng papa niya,"

"Kaya po ayon, nahihirapan po ako kasi nakikita ko po si papa na nahihirapan din. Tapos isa pa po, 'yong mgakapatid ko, naiwan ko roon," pinunasan ko ang mga luha kong tumutulo kaagad din itong napapalitan. "Natatakot pa ako kasi 'yong mga kapatid ko, b-babae,"

"Ay, mahirap talaga 'yan. Lalo na if ikaw 'yong panganay 'di ba? Kasi salong-salo mo lahat, 'yong sisiguraduhin mong hindi masasaktan 'yong kapatid mo." Saadni Ma'am Jhe at napatango naman ako. "Nasaan nagtitita 'yong kapatid mo? Kasama ba nila mama mo?"

"Hkndi po... Nakatira po sila do'n sa isang bahay namin. Kami po kasing magkakapatid ay may tig-iisang bahay na nakapangalan sa amin..." Sabi ko naman at nakitang tahimik naman silang nakikinig sa akin. "Pero ang hirap po, ay. Kahit malayo naman sila doon, hindi pa rin po sigurado 'yong ano, kung lovtas sila kasi nandito ako..."

"Ayaw mong bumalik do'n?"

"Gusto po, gustong-gusto ko pong bumalik do'n. Kasi miss na miss ko na po 'yong mga kapatid ko, ay. Pero hindi ko po kaya... hindi ko po kaya kasi kapag nakita ko po si mama... baka m-masaktan ko lang s'ya..." Hindi ko mapigilan ang mga luha ko, tuloy-tuloy lang ang pagtulo nito na tila hindi matatapos.

"Pero huwag mo namang sasaktan ang mama mo, Marlo, ha? Kahit papaano, magulang mo pa rin siya,"

"Kaya nga po ang hirap ay... Sinasaktan niya po kami pero hindi ko siya kayang saktan. Hanggang salita lang po ako. Pero hindi ko po siya kayang saktan. Kahit na itulak niya ako. Kahit sabunutan niya 'yong mga kapatid ko. Hindi ko kaya, kaya ipon na ipon po 'yong galit ko sa kaniya," humigpit ang hawak ko sa sarili kong pantalon dahil ramdam ko ang panginginig nito.

"Galit ka sa mama mo, Marlo?"

"Opo, galit na galit po ako sa kaniya. Kaya nagawa niyang saktan 'yong mga kapatid ko. Tapos tuwing nakikita ko po si papang tahimik na umiiyak, hindi ko maiwasang isipin na, what if patayin ko na lang si mama? Kasi ang hirap po, ang hirap pong makita si papa na naghihirap, tapos pag nasa harap ko po tatawa si papa tapos ngingiti. Mas masakit po, kasi alam kong nasasaktan siya..." Napayuko ako at pinunasan ang mga luha ko.

"Mahirap 'yan kay Marlo, kasi salong-salo niya 'yong hirap na dala-dala ng parents niya. Siya 'yong sumasala ng lahat ng sakit para hindi makaabot sa kapatid niya. Panganay siya, eh, mahirap 'yan..."

"Kaya mas gugustuhin ko pa pong maging mahirap kaysa ganito, ay. Anong silbi niyang pera mo kung ganiyan naman ag pamilya mo? Magulang mo nag-aaway lang sa pera't megosyo. Anong silbi no'ng pera na 'yon? Eh, kung mahirap ka nga pero kumpleto naman ang pamilya mo..." I said, finally letting those thoughts out. "Kasi masakit na po, sobra. Ang bigat na. Pero hindi ako p'wedeng maging mahina, kasi 'pag naging mahina ako sinong kakapitan ng mga kapatid ko? Sinong po-protekta sa kanila?"

Hindi ko na kaya, hindi ko na naituloy pa 'yong ik-kwento ko dahil bumuhos na lahat ng iniipon kong luha. Halos maubos na ang luha ko pero 'yong sakit, nandito pa rin. 'Yong bigat, nandito pa rin.

"One day, mababawi niyo rin ang dapat sa inyo, Marlo. One day, makakatulog ka na nang mahimbing nang hindi iniisip kung ano ang mangyayari sa mga kapatid mo..." Sabi ni Ma'am Jhe at lumapit sa akin para lumapit. "Kung sa tingin mo, hindi mo na kaya, nandito kami. Kung natatakot kang magpahinga kasi baka walang sumalo sa 'yo, nandito ang Behave para sandalan mo."

Dahil sa salitang 'yon, lalong bumuhos ang mga luha ko. Wala pang sinuman ang nagsabi no'n sakin bukod kila Mona. And knowing that the one's who genuinely mean it is the strangers I met a few weeks ago.

"So Behabeh, kung feeling niyo, hindi niyo maramdaman ang 'tahanan' tuwing uuwi kayo, palagi niyong tatandaan na everyday, tuwing 7:15am hanggang 4:30pm, may tahanan kayo rito sa classroom na mapupuntahan," Ma'am Jhe said that dug deep into my heart. "Ano, isang group na ano, na san maiparamdam natin sa bawat isa nafamily tayo rito sa Grade 10 Behave, walang eme-eme rito, totoo 'yan, alam niyo 'yan."

We compressed closer and hugged each other tightly. I closed my eyes as I can actually the genuine 'home' that they are talking about. I could feel understood. I feel free.

"Sana naf-feel niyo 'yon, ha. 'Yong every Friday ito 'yong pahinga natin. At every day 'yong isa't isa ang pahinga natin," said Ma'am Jhe that I really pinned in my mind. "So, I am very proud of you behabeh, na kahit papaano, nai-release niyo ang sakit na nararamdaman. Alam kong mahirap, pero alam kong balang araw magg-grow din kayo mula sa mga challenges na 'yan."

And I wish I will. Because I don't want to be haunted by that for the rest of my life. But, I am so thankful that I got go experience this kind of bond, this kind of family, this kind of home. I wish I met them earlier, but creating this kind of bond between your classmate and teacher is very special. And I will treasure it, for the rest of eternity.

--

Note: Those happenings inside the classroom is real, and actually happened. That is their actual story, but in this case, we have kind of improvised it - but I do have prior permission from those people.

So, to the Angel and Marlo of our section, a bigggg hugg for you guyss! I know it's difficult but one day you will outgrow your traumas and be stronger than you are now.

Also, our homeroom adviser is actually like that, she's very generous, sweet, quirky, and a great teacher, she's a Gen Z too.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro