Case 42: Right Choice
Gage's POV
Medyo naka ramdam ako ng kaba ng inaya ako ni Cacey sa likod ng bahay nila, yung tono kasi ng pag-sasalita niya emotionless. Sana mali iniisip ko na makiki pag break siya sa akin.
"Why?"
"Alam mo ba yung sinabi sa akin ni Papa?" Lumapit siya sa akin at hinawakan yung batok ko, nose to nose kami onti na lang mag ki kiss na kami.
"What?"
"Sabi niya." Tumingin muna siya sa mata ko. Pag galing talaga sa loob ng katawan mainit katulad na lang ng paghinga niya mainit at amoy mint.
"We made the right choice." Ngumiti siya at binigyan niya ko ng dalawang segundong halik.
"What do you mean?" Takang tanong ko sa kanya na masaya.
"I actually don't know." Binigyan niya ulit ako ng isang segundong halik. "Gabi na traffic pa kailangan mo ng umuwi."
Pagka uwing uwi pagka uwi ko sa bahay nadatnan agad akong niyakap ni Mommy at may naramdaman akong luha sa balikat ko, kaya nilayo ko siya sa akin para matignan siya.
"Why Mommy?"
"Diba nung bata ka lagi mo tinatanong bakit hindi tayo magka mukha? Kahit magka hawig man lang?" Hindi ako nag response sa sinabi niya.
"Tinanong mo din kung nasaan yung ultrasound picture mo noon kasi sa mga pinsan mo meron sila. Sabi ko sayo hahanapin ko pero ang totoo hindi kasi wala naman sa akin." Napa awang ang bibig ko, may na se sense na ko sa sinasabi ni Mommy.
"Kahit hindi ka galing sa akin." Hindi pa nag pa process sa utak ko yung sinabi niya. "I made the right choice, na ikaw ang pinili ko maging anak."
"Who are my real parents?" Walang emotion na tanong ko sa kanya.
"Do you know Aaliyah the singer?" Yung sikat na singer na walang apelyido sa showbiz.
"She's your real mom. Yung tinuturing mong Papa kadugo mo talaga siya. Paano nangyari napunta ka sa akin?" Tumango ako and anytime nararamdaman kong tutulo ang luha ko. Hindi ko inexpect na may ganito pala sa totoong buhay sige sabihin na natin meron talaga kaso parang pang teleserye na ang buhay ko.
"Paano ako napunta sa inyo?"
"Ayaw masira ni Aaliyah yung career niya sa showbiz." Naka ramdam ako ng inis sa sinasabi na tunay na nanay ko. May mga nabubuntis naman sa showbiz na hindi naman kasal pero nakaka balik pa din sila.
"Walang ka alam alam ang mga tao na nabuntis siya may anak na siya, ang isang way niya lang na para hindi siya mahuli ay ibigay ka niya sa daddy mo. One night stand ang nangyari sa kanila." Nagpapa salamat ako sa nag imbento ng one night stand na yan dahil diyan nabuhay ako, kahit tinangka ko magpakamatay noon masasabi kong masarap mabuhay.
"Nung time na nalaman kong may anak na siya engaged pa kami noon. Hindi ko alam kung hihiwalayan ko ba siya or magpapa ka tanga ako. Kasi bago ko pa malaman na may anak na siya 3 years na kami at ikaw baby ka pa lang nun days old. Nung naisip ko na wag siya hiwalayan tanggapin kung anong meron siya ayun napamahal ka na din sa akin. Dahil din sayo kaya naging masaya ang buhay ko nung panahon na hindi ako pwede mabuntis."
"If you're happy with us. Then why did you leave us?"
"Sometimes things don't get work. Nagkalabuan na kami ng daddy mo wala na kaming time para sa isa't isa dahil sa mga trabaho namin. Sorry kung nangyari yung pinaka masakit na bagay na natanggap mo." Niyakap ulit ako ni Mommy ngayon mas mahigpit na ang yakap niya at hinalikan niya din ang pisngi ko.
"Tulog ka na. Bukas ihahatid sa kanya."
"Babalik niyo na ko sa kanya?"
"Na sayo ang choice kung gusto mo mag stay sa akin or sasama ka sa kanya."
"Pag pinili mo siya magkikita pa rin tayo, pag pinili mo ako hindi lang isang beses kayo magkikita. Yan ang kasunduan namin." Ngumiti siya at hinawakan ang pisngi ko. "You will always be my son. You're the only Gage Alexavier that I love."
Umakyat na ko sa kwarto ko at doon ko tinignan yung mga messages na kanina nag vibrate sa bulsa ko nung kausap ko ni Mommy.
Fr: Sam
Drive safe. :*
Text mo ko pag naka uwi ka na. :)
Nasa house ka na? <3
Tagal mo mag reply. Good night reply ka pag nabasa mo toh. :*
Mabilis ko siyang ni replayan.
To: Sam
Opo andito ako sa bahay. I love you goodnight.
Pagka gising ko nakita ko sa digital clock na 10:56 am na. Habang nagkukusot ako ng mata may bigla naman kumatok, si Mommy.
"Gising na po ako."
"Okay, mag shower ka na lang sa labas na tayo kakain. Mamayang 1 magkikita na kayo ni Aaliyah, traffic pa naman kaya maaga tayo aalis."
Kaya ka mapapabangon ng maaga dahil sa traffic, pero minsan din kailangan mong bumangon para hindi ka masabihan na tamad.
Yung kotse ni Mommy yung ginamit namin papunta ng SM Aura hindi na lang sa Megamall para mas malapit sa amin. Hindi ko pa nasasabi sa inyo na sa Mandaluyong naka tira sila Mommy tapos yung Papa ko sa dito din sa Mandaluyong magka ibang subdivision lang. Si Cacey naman sa Taguig kaya baka mamaya pumunta ako sa kanila.
20 minutes pa bago mag 1 at andito na kami ni Mommy sa SM Aura.
"Punta muna tayo sa Pylones bilhan ko ng brush si Avery." Bumababa ako sa Hovertrax ko at binuhat ito habang pasakay kami ng escalator para maka punta sa Pylones.
"Cute ba toh?" Tumango lang ako.
"Diyan lang po ako sa labas." Ngumiti sa akin si Mommy.
"Okay," sabi niya. Lumabas ako ng Pylones para mag Hovertrax kahit naka pili na si Mommy ng bibilhin niya magtatagal pa yan sa loob.
Sa gitna ng pag Ho Hovertrax ko naramdaman ko yung cellphone ko na may tumatawag, kinuha ko ito at muntikan na akong matumba mabuti na lang na balance ko ang sarili ko.
"Hello Sam?"
"Nood tayo sine!"
"Sorry, bukas na lang nasa SM Aura ako." Hindi ko pa sinasabi sa kanya yung issue ko saka na pag naka usap ko na si Aaliyah at ipapakilala ko rin si Cacey sa kanya. Sigurado akong matutuwa si Cacey pag na meet niya si Aaliyah, although hindi naman niya idol pero singer kasi.
"Sino kasama mo?"
"Si Mommy."
"Okay. Pag-usapan natin mamaya pag uwi mo yung papanoorin natin."
"Bye sorry." Binababa ko na yung tawag niya at nag pasya ng bumalik sa Pylones.
Na abutan ko si Mommy na nagbabayad na kaya sumenyas ako sa kanya na hihintayin ko na lang siya dito sa labas, ngumiti lang siya sa akin at nag thumbs up.
Pagka labas niya "Anak, hindi ako sasama sa inyo ni Aaliyah."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Why?"
"Kailangan niyo na kayo lang mag usap at isa pa ako na susundo kay Avery sa Megamall." Alam niyo naman na nag i Ice Skating si Avery kaya pupunta si Mommy sa Megamall. Natahimik na lang ako sa sinabi niya.
Hinawakan niya ang kaliwang balikat ko. "Don't worry. If there's a problem call me." Ngiti sa akin ni Mommy.
"Thanks, mom." Maglalakad na sana kami ng nag wait sign siya at kinuha ang phone sa bag.
"Andito na daw si Aaliyah, tara puntahan natin siya."
"Gage, saan mo gusto kumain?"
"Kahit sa food court na lang po." Nahihiya kong sagot
"Ayaw mo ba ng buffet?"
"Hindi na po. Baka sayang lang ho mabayad niyo."
"Mahina ka ba kumain?"
"Hindi naman po. Ayoko lang po talaga ng mga buffet nakaka food coma." Natawa naman si Aaliyah sa sinabi ko.
"I have to go, bye anak." Paalam sa akin ni Mommy at kiniss niya ko sa cheeks.
Nag punta naman kami ni Aaliyah sa Food on Four na tinatawag nilang food court at tinanong kung anong gusto ko, sabi ko 4 Fingers kaya ayun din inorder niya.
Akala ko pag sikat ka pagkaka guluhan ka hindi naman pala may tumitingin sa kanya pero hindi naman siya dinudumog. Umupo siya sa tapat ko ng naka orer siya
"Gage, anong year mo na?"
"2nd year college po."
"Ano tini take mong course?"
"Fine Arts po."
"Nahihiya ka ba sa akin? Hindi mo kasi ako tinatawag kinakalabit mo lang ako o kaya papatawag mo ako kay Faye."
"Slight lang po."
"You can call me mom, mama, nanay. It's up to you." Ngumiti siya sa akin. "Kunin ko lang yung order natin ha." Tumango ako at nag cellphone.
"Mama," tawag ko sa kanya pagka upo niya.
"Yes anak?"
"Tabi po tayo." Tinap ko yung upuan na katabi ko. Tahimik lang kaming kumakain hanggang sa nag papahinga na lang muna bago mag libot mamaya.
"May tanong ka ba sa akin?" Umiling ako ayoko na marinig ang importante naman ngayon.
"Sorry kung hindi pa ako handa noon, ngayon handa na ko. Pero hindi ibig sabihin noon kukunin kita sa kanya na sayo pa din ang decision kung kanino ka sasama." Hinalikan niya ang ulo ko.
Kay papa ako sasama dahil doon naman talaga ako naka tira at isa pa hindi naman ito ang huling beses na magkikita kami ni Mama. I think I made the right choice?
"May girlfriend ka na ba?" Tumango ako sa kanya at napa ngiti.
"Gaano na kayo katagal?"
"Mag 8 months na po sa September 30."
"Can I see a picture of her?" Pinakita ko sa kanya yung phone na ang wallpaper ay si Cacey.
"She's beautiful. Hawig niya si Julia Roberts pero mas kamukha niya yung Emma yung pamangkin. What is her name?"
"Samuela Cacey Foster"
"Ano naman endearment niyo?"
"Sam and Alex, galing po sa mga names namin."
"Kwento mo kung paano kayo nagka kilala at paano dumating sa point na naging kayo."
Kinwento ko sa kanya na una sinusumpa namin ang isa't isa pero hindi ko na kinwento yung una namin pagkikita mamaya sugurin siya ni mama hindi ko pa naman ganon ka kilala si mama. Hanggang sa nag damayan, nagligawan, naging kami, gusto na maki pag hiwalay at hanggang ngayon kami pa rin.
"I'm so proud of you, son. You never give up."
AN: Next epilogue na! Yay! Thanks for reading, Julie II loves you! XD
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro