Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Case 41: Cacey and Gage

Cacey's POV

Pinapunta kami ni Gage dito sa bahay nila Daddy, hindi ko alam kung bakit, hindi naman birthday ni Daddy or ni Avery.

"Birthday ba ng Mommy mo?" Tanong ko kay Gage habang nag da drive siya.

"Hindi." Iling niya.

"Bakit kaya tayo pinapapunta?" Tanong niya

"Hindi ba tayo pwede pumunta doon? Bahay yun ng Daddy ko, bahay yun ng Mommy mo."Pwede naman siguro kami pumunta doon kung kailan namin gusto yun nga lang kailangan muna namin sila tawagan baka kasi wala sila sa bahay.

"Baka may surprise sa atin!" Masayang sabi niya.

"Wag ka umasa, expect the unexpected."

"Ayun nga yun surprise, expect the unexpected." Oo nga noh.

"Sorry medyo wala lang sa sarili." Paliwanag ko kasi naman sumakit na yung ulo ko sa traffic imbis na 30 minutes lang ang biyahe namin mag to 2hrs na.

Pagka dating namin sa bahay nila wala naman sila Papa, nadatnan namin na naglalaro ng si Avery ng American Girl Doll niya na Mia ata ang pangalan, basta yung nag i Ice Skating, tiyaka yung yaya niya.

"Avery, where's mom?" Tanong sa kanya ni Gage.

"Gage." Napalingon siya kay Tita Faye namay dalang box na naka gift wrap. Kiniss naman siya ni tita sa cheeks.

"Cacey." Tawag sa akin ni Papa may dala din siyang box na naka gift wrap. Ano ba meron? May hindi ba kami alam? Wala pa namin kaming grade for the first semester. By the way 2nd year college na kami at mabuti naman pasado kami sa lahat ng subjects.

"What is going on?" I asked.

"Are we missing something?" Gage asked curiously.

Binigay sa akin ni Papa yung box at binigay din ni tita kay Gage yung box na hawak niya. Hinintay pa namin sila sumenyas bago namin buksan dahil hindi talaga namin alam kung ano meron.

"Go open it," sabi sa amin ni Papa at mabilis namin sinari yung balot nung box. Napa nga nga ako ng makita ko kung ano yung laman maging si Gage hindi maka paniwala.

"Hoverboard!" "Hovertrax!" sabi namin dalawa na sabay.

"Thank you po." sabay namin sabi.

"Tara gamitin na natin!" Aya ni Gage.

"I'll just talk to Cacey," sabi sa amin ni Papa binuksan muna ni Gage yung box mismo ng Hoverboard at color blue yung kanya.

Kinakabahan ako sasabihin ni Papa mamaya sabihin niya hiwalayan ko na si Gage kasi kahit pa okay na sa kanya pwede pa mag bago ang isip niya. Andito kami ngayon sa parang office niya.

Gage's POV

Dito ako sa garage nag ho Hovertrax wala naman yung sasakyan kaya dito na lang ako hindi ko naman kabisado yung subdivision dito first time ko maka punta dito.

Isa pa lang naka tapak umiikot na yung Hovertrax kaya pinahawak muna ako ni Mommy sa wall.

"Napaka daling umikot walang ka effort effort," sabi ko. Paano nung dalawa na yung naka tapak hinahanap ko muna yung balance ko biglang umikot hanggang ngayon umiikot nahihilo na nga ko. Nung pagka baba ko nadapa ako.

"Sa likod ka dapat baba," sabi sa akin ni Mommy at tumango lang ako tiyaka tumayo na para pag-aralin paano paandarin tong Hovertrax.

"I'll just go inside," sabi niya at tumango na lang ulit ako para simulan pag-aralan itong Hovertrax.

Hindi na ko umiikot na fo forward ko na siya yun nga lang ang bagal hanggang sa bumilis na ako at kaya ko na din patigilin. Ngayon naman backward yung ina aral ko.

Muntik naman ako matawa nung nakita ko yung kay Cacey color pink, yan pa naman yung pinaka ayaw niyang kulay, kaya hindi maipinta yung mukha niya.

"Ganda ng Hovertrax natin ah!" Pang-aasar ko sa kanya.

"Ge," sabi niya ng walang gana. "Galing mo na ah!" Bati niya sa akin.

"Ikaw naman try mo."

"Ang bigat pala nito akala ko kasing bigat lang ng mga skateboard, waveboard, penny board," sabi niya.

"Akala ko nga din magaan lang." Kung hindi ako nagkaka mali nasa 25 kg itong Hovertrax or mas mataas pa or pwede rin mababa, basta sa pagkaka alam ko nasa 25 kg ito.

Hindi naman kami inabot ng oras para matutunan kung paano mag balance sa Hovertrax, umikot, fumorward at bumackward.

"Maganda to pang grand entrance sa debut," sabi ko. "Pag nag debut ka next year ganito gawin mo."

"Naka gown tapos ganyan?" Tanong niya na iritado.

"Yung cocktail dress lang."

"Kahit na. Hindi rin naman ako mag de debut."

"Minsan ka lang naman maging babae." Pang-aasar ko sa kanya.

"Gusto mo ba ko mag debut o niloloko mo lang ako?" Magka dikit na yung noo niya sa inis.

Cacey's POV

Andito na kami ngayon sa bahay ko hanggang ngayon kinukulit niya pa din ako mag debut, pati si Mommy nahila niya sa pag pilit sa akin.

"Basta ako last dance mo ah," masayang sabi niya.

"Kung gusto mo gumawa ng sarili mong dance number." Suggestion ko sa kanya. Ang kulit naman nila sinabi ngang ayaw ko ng party, gusto ko travel na lang o kaya cash.

"Tapos yung theme mo pang rockstar," sabi ni Mommy.Napa isip tuloy ako kung mag pa party na ba ako or mag ta travel na lang kami.

"Yan tita mukhang napapa isip siya." Turo sa akin ni Gage. Kung kanina kasi naka dikit yung noo ko habang nag su suggest sila ngayon naging emotionless ako.

"Grand entrance mo naka Hovertrax ka at may hawak kang guitar, ikaw na ang tu tugtog tiyaka kakanta." Nag thumbs up naman si Mommy.

"Pa color natin yung hair mo na black na black pa short hair na din natin tiyaka palagyan ng bangs."

"Mag go gown pa ba ko?" Siguro naman kahit hindi na diba?

"Of course. Black cocktail dress and White Keds yan ang susuotin mo." Napa nganga ako sa kanila ang bilis naman nila mag plano hindi man lang sila tumingin sa internet.

"Ang cool ng debut mo paniguardo."

"Pwede ba pag 21 na lang ako?"

"Pag 21?" Sabay nilang tanong at tumango ako.

>>

Kagaya nga ng sinabi sa akin nila noon na yung ayos ko para sa debut ko ngayon 21 na ako ay nangyayari na. 5 years and counting na rin pala kami ni Gage at graduate na din nag ta trabaho na ako bilang voice teacher and harp teacher. Si Gage isa na siyang sikat na paintor. Well, birthday ko ngayon kaya ito muna tuunan natin ng pansin.

Andito ako sa backstage nag ho Hoverboard habang may hawak na guitar hinihintay ko na lang na may mag sign kung lalabas na ako.

"Cacey?" tawag sa akin ng event coordinator at inikot ko yung Hoverboard para malingon siya.

"The program will start once you hear your name, labas ka na. Okay?" Tumango lang ako sa kanya at nginitian ko siya.

"Let's welcome our celebrant, Samuela Cacey Foster!" Narinig ko ang mga hiyawan at palakpakan ng mga bisita ko. Nag simula na ako tumugtog at pagka labas ko may usok at doon na ko nag simulang kumanta.

"Time flies
When you're having fun
You wake up
Another year is gone
You're twenty-one"

"It's been a day or so
I know it's kinda late
But happy birthday."

Si Daddy ang first dance ko at si Gage naman ang last dance ko. Bago matapos ang birthday ko tumugtog ako ng Harp.

<<

"Para kaka iba," sagot ko.

"Ano ka lalaki?" Tanong ni Mommy.

"Mom, yung lalaki lang ba pwede mag debut ng 21?" Umupo ako sa tabi niya na naiinis.

"Okay fine okay you're going to have a party when you're 21." Yinakap ko siya sa sobrang tuwa ko.

Sinenyasan ko si Gage na pumunta kami sa likod ng bahay para may sabihin sa kanya. 

AN: Maybe 1 chapter more or 2 chapters more, then, epilogue na tayo, yay! Thanks for reading, Julie II loves you!

P.S. Uso pa ba Hovertrax sa 2020? Maybe and pwede din nag upgrade na yung Hoverboard.  Baka  nga din sa 2020 iba na ang definition ng sexy, ganon naman kasi nag i iba every 20's 30's. Pwede na rin na iba na yung i consider na beauty pag dating sa 2020.




Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro