Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Case 39: Fate

"Wag mong itigil hangga't may nararamdaman ka, kung mali hindi ibig sabihin kailangan mong itigil sinusubok lang kayo ng panahon. Basta gusto pa ng puso mo wag mong balakin na sumuko." Niyakap ko si papa sa sinabi niya, mabuti na lang naiintindihan niya ko.

"Pero bakit po yung iba sumusuko?"

"Napapagod, yung iba naman yung puso na nila yung sumuko."

"Akala ko kagaya ka rin ng ibang magulang na pag sa tingin nila hindi tama kailangan itigil."

"Nung pinanganak ka naisip ko na paano pag dumating yung panahon na ma in love ka? Pipigilan ba kita pag sa maling tao ka na in love? Noon sabi ko oo pero dumating yung time na sabi ko hindi kita pipigilan. Masakit sa magulang na makitang nasasaktan ang anak nila, pero kung yun ang ikakasaya nila pag bigyan mo, mawawala din yang sakit yung sacrifice magbubunga yan." Naramdaman kong hinalikan niya yung ulo ko.

"Kaya ikaw pag nagka anak ka mapa babae or mapa lalaki at may nagustuhan siya or napamahal siya sa tao or bagay na yun at kung sa tingin mo mali, masasaktan siya, pabayaan mo, kailangan muna kasi mahirapan ng isang tao bago niya makamit yung hinahanap niya. Pag nasasaktan ka hindi ibig sabihin nun na kailangan mong itigil, challenge lang yan tinitignan kung hanggang saan ang kaya mo. Pero dapat andyan ka pa din sa tabi nila para ipadama na hindi sila nag iisa."

"Thanks Pa, I love you."

"I love you too." Niyakap ako ni Papa ng sobrang higpit.

Nung uwian hinatid namin si Gage sa Psychiatric Ward first time malaman to ni Tita Faye kaya nalungkot siya sinisisi niya yung sarili niya isa daw kasi siya sa dahilan kung bakit napunta sa ganito yung anak niya. Niyakap siya ni Papa ako naman pumunta ako kay Gage, hindi ko siya pinuntahan sa visitor's room allowed naman daw akong pumasok kasi kilala nila ko. Kumatok ako ng isang beses sa pinto ng kwarto niya dito at binuksan naman niya.

"How are you?" Tanong ko pero hindi niya sinagot yung tanong ko.

"Pasok. Kamusta si mama?" Umupo ako sa kama niya at siya naman naka tayo sa harapan ko.

"Andoon naman si Papa." Nagkibit balikat na lang siya sa sinabi ko.

Gage's POV

Hindi na kami masyado nag usap ni Cacey pina tulog na niya ko, katabi ko siya nung natulog ako pag gising ko wala na siya pero may note siyang iniwan sa ibabaw ng drawer.

Things will get better maybe not now but soon, keep holding on. I love you. :*

- Sam

Tinawagan ko si Sean para pumunta dito sa Psychiatric Ward at sinabi kong gabi na lang siya pumunta para sabay na kami pumunta ng dorm.

"Parehas kayo ng kapatid ni Cacey?" Ulit ni Sean sa sinabi ko.

"Paano nangyari? Kailan nalaman?" Tanong niya.

"Yung Papa niya tiyaka Mama ko anak nila si Avery. Nung araw na nag kita na ulit si Cacey tiyaka yung Papa niya at alam mo ba ikakasal yung Mama ko sa Papa niya."

"Invited ba ko?" Binatukan ko siya sa tanong niya.

"Bakit close ba kayo ni Mama?"

"Hindi pero close tayo, yung iba nga na kamag-anak nag i invite ng ka close nila kahit bisita lang din naman sila sa event. Magugulat ka na nga lang sa party mo may invited na hindi kilala."

"Pinapagawa din ako ni Mama ng wedding portrait nila ni Tito."

"Kailan mo balak gawin?"

"Kung kailan sila pwede."

"Draw me like one of your French Girls." Pang gagaya niya kay Rose ng Titanic at akmang huhubarin niya pa yung jacket niya.

"What the hell!?" Yan na lang ang nasabi ko at tumawa naman siya ng malakas.

"Paano kung may gusto mag pa drawing sayo tapos gusto nila ng nude painting. Gagawin mo?"

"Oo naman." Ngumiti siya sa akin ng nakaka loko sinimangutan ko naman siya. "Pag mahal mo ang isang bagay kahit anong hirap pa yan gagawin mo. Para sa akin mahirap siya kahit naiisip ko pa lang nakaka ilang pag may naka hubad."

"Teka bakit ba tayo napunta sa nude painting?" tanong ko sa kanya.

"Inopen mo yung topic na gusto ng Mama mo ng wedding portrait."

"Paano na yan? Hindi ba weird sa ibang tao na ang mag step siblings may relation?"

"Hindi ako makiki pag hiwalay wala kong pake sa sinasabi ng iba kahit pa dalawa na lang kami sumusupporta sa relasyon namin."

"Paano kung gusto niya maki pag hiwalay sayo?"

"Mahirap isipin paano kaya pag totohanan na? Kung yun ang gusto niya papakawalan ko siya, ganon talaga pag mahal mo willing ka mag sacrifice para sa ikaka saya nila."

"Hindi ko na itutuloy panliligaw ko, mas masarap maging single." Kung hindi niyo alam kung sino nililigawan niya ako rin hindi ko alam wala na sila ni Seabyl. Oo naging sila pero mabilisan lang din. Basta ang alam ko sa ibang school nag aaral yung nililigawan niya ngayon.

"Hindi mo na siya mahal?"

"Mahal pa din pero mas mahal ko ang sarili ko."

Nag sisi ako sa tinanong ko sa kanya. "Maka sarili?"

"Hindi naman, kailangan ko muna kasi i improve yung sarili ko, tiyaka bata pa naman ako. Ikaw? Hahayaan mo lang siya mawala sayo?"

"Hindi sa ganon kung mahal ko pa din siya at wala na kami ipaparamdam ko sa kanya na mahal ko pa din siya kahit na hindi siya bumalik sa akin. Kung hindi talaga kami para sa isa't isa wala naman masama doon, para sa ikabubuti mo yun. Kung ano meron ka ngayon sigurado ako na yun ang magpapaka buti para sayo ganon din ang mawawala sayo."

"Naiiyak ako dude!" Umiiling na sabi niya at kunwaring nagpupunas pa ng luha.

Iniwan ko siyang nag e emote doon at naramdaman ko naman na sumunod siya. "Ganyan na ba pag may girlfriend iniiwan na yung best friend?"

"Minsan kailangan talaga iwan ng tao para mag bago siya."

"May mga taong malulungkot sa una pag ka naiwan sila pero darating din yung araw na mawawalan din sila ng pake sa nang iwan sa kanila at ipagpa patuloy ang buhay na gusto nila."

"Hintayin mo na lang ako diyan aayusin ko lang gamit ko para maka punta na tayo sa school."

*Phone bleeping*

Fr: Sam

Papunta na ko sa school. Ikaw?

To: Sam

Nag aayos pa lang ng gamit tapos papunta na din.

Kinuha ko yung backpack ko at narinig ko naman na tumunog yung cellphone ko.

Fr: Sam

Gusto mo sunduin kita diyan? :)

To: Sam

Hindi na, kasabay ko si Sean pinapunta ko siya kanina. Thank you, I love you.

Fr: Sam

Okay, I love you too.

Tuluyan ko ng inayos yung gamit na dadalhin ko sa school. 

Sabi ng doctor ko malapit na daw ako maka labas hindi pa alam kung kailan pero malapit na daw onti onti na daw akong gumagaling. Sa totoo lang magaling naman na ko nung nahulog ako kay Cacey, takot at galit ako sa babae lalo na pag nanakit kaya masasabi kong magaling na ko kahit papaano. Naisipan ko lang mag stay dito ng nalaman ko na dito siya natutulog pag weekend, lumipas yung araw magaling na siya at pwede na siyang umuwi gusto ko din sabihin na okay na ko. Pero kailangan kong panindigan yung kasinungalingan na ginawa ko, hindi naman kasinungalingan yung dahilan kaya ako napunta sa Psychiatric Ward may mga rason ako, pero isang iglap onti onti ng naghihilom ang sugat at nawawala ang galit sa puso ko dahil kay Cacey. 

AN: Sa mga readers ko sa loob ng 2015 mapa silent man yan or yung naging ka partner ko sa mga book clubs, kahit yung mga readers na hindi tinuloy ang pagbabasa ng story ko thank you sa inyong lahat. Kung hindi dahil sa inyo hindi aabot sa 4.22K ang reads ng story ko. Isa kayo sa naging inspiration ko para ipag patuloy ang storyang ito, kahit pa sabihin na masaya ako sa pag gawa ng storya kahit ako lang ang nakaka alam kung anong storya yung ginagawa ko, salamat pa din. Malapit na po matapos to, onting chapters na lang. After nito may kasunod na, may title na din, sasabihin ko po yung title sa Epilogue ng story na ito. Thanks for reading, Julie II loves you! Advance Happy New Year! 





















Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro