Case 38: Word of Wisdom
(Okay) Nawalan ng saya yung boses niya.
"I love you." Napa taas yung kilay ko ng marinig ko yung tawa niya. Mas mabuti pang masabihan ng thank you pag nag I love you kaysa pagtawanan ka.
(I love you too.)
"Good night." May iba kong gustong sabihin sa kanya pero hindi ko pa kaya.
(Good night.)
Pag ka end ko ng call tinawagan ko ulit si Hadlie, pang limang ring bago niya sinagot.
(Speaking)
"Biffle, tama ba tong gagawin ko? Gusto ko maki pag break sa kanya, nararamdaman ko kasing mali yung relasyon namin."
(Uhm. Sa September pa naman kasal ng papa mo diba? Wag mo muna itigil ngayon, follow your heart.)
"Alam ko na kasing parehas kami ng kapatid."
(Parehas lang naman kayo ng kapatid, pero hindi naman kayo mag kapatid diba?)
"Pag kinasal si Papa sa Mommy niya sure ako mag kapatid na ang tingin nila sa amin."
(Biffle, may 6 months pa, pwede pang may umatras sa Papa mo at sa Mommy ni Gage.)
"Biffle, sa tingin ko hindi aatras si Papa, nung nag uusap sila ni Mommy wala na talaga silang nararamdaman sa isa't isa."
(May mga tao na magaling mag tago ng feelings, pero hindi ako sure dito pwedeng wala na talaga silang nararamdaman para sa isa't isa or pwede rin kasi bumalik yung nararamdaman nila.)
"Biffle, what I'm gonna do?"
(Ask yourself. "What if there's no turning back?")
"What if there's no turning back?"
(Yes. Paano kung ngayon hiniwalayan mo na siya tapos hindi natuloy yung kasal ng Papa mo at may feelings ka pa din kay Gage? Diba para kang magsi sisi? Hindi parang, magsisi ka talaga.)
"Paano naman kung kami pa rin talaga sa huli?"
(Paano pag may nakita siyang iba?)
"If it's meant to be it will be."
(Sa una lang ang meant to be, pero pag dating sa huli choice mo na yun. Ito ah hindi naman masama na sundin mo yung puso mo hindi rin naman masama kung hindi mo sasabayan ng gamit ng utak, kasi minsan kailangan talaga masaktan ng tao para makita niya yung hinahanap niya, para matuto siya. Pero mas maganda pa din kung sasabayan mo ng utak yun nga lang ang hirap kasi para sa puso mo tama pero sinasabi na ng utak mong mali, kaya isa lang talaga ang dapat ang sundin mo kahit ano naman choice yan sa huli may positive result.)
"Paano kung alam mo sa una pa lang mali na? Diba natuto ka na din?"
(Diba sabi ko sayo susupportahan kita sa magiging decision mo? But If I were you hindi ko muna ititigil, kasi minsan ang mali nagiging tama at ang tama nagiging mali.)
Tumango tango ako kahit alam kong hindi naman niya ko nakikita.
(Before you make a decision always ask yourself "What if there's no turning back?" You should always follow your heart, pag may iba ka ng nasasaktan doon mo na talaga kailangan sundin yung utak mo. Don't be afraid to get hurt.)
"Thanks, biffe."
(No big deal, I love you.) Masayang sabi niya.
"I love you too, bye."
(Bye)
Nag simulang mag tubig yung mata ko pero bago pa naman may tumulong luha pinunasan ko na ito. Hindi ko alam kung ano pipiliin ko. Humiga ako sa kama at nag talukbong.
Pagka gising ko ng umaga naka pag decision na ko na hindi ko hihiwalayan si Gage, kung matutuloy yung kasal doon na lang siguro, tama naman si Hadlie may panahon pa para umatras sila.
Lumipas ang panahon at ngayon recital na ni Avery. Nakilala na din ni Gage si Papa pero ang alam lang nila magkaibigan kami, baka kasi pag sinabi namin paghiwalayin kami, alam na din ni Gage na kapatid ko si Avery.
<< Flashback
"Makikipag hiwalay ka ba sa akin?" tanong ko sa kanya at umiling iling siya.
"Hindi naman tayo yung blood related, walang mali sa pagmamahal."
"Paano pag natuloy yung kasal nila? Edi ang tingin ng iba magkapatid na tayo?"
"May panlaban tayo sa mga magsasabi niyan. Mahal na natin ang isa't isa tiyaka isa pa tayo na bago pa natin malaman na kapatid mo din pala si Avery tiyaka bago pa sila ikasal."
"Pero pag nakita nilang mali sasabihin nilang itigil na." Napa kamot siya sa ulo niya.
"Sa church din ba kinasal yung parents mo?" Tumango ako sa kanya.
"Sa tingin mo ba tama din sila Mommy? Hindi na sila dapat magpa kasal sa iba. Yung Mama ko naka tali na sa Papa ko. Ganon din yung parents ko sa church sila kinasal. Yung Papa mo naka tali na sa Mommy mo. Siguro nga wala na sila sa papel, pero sa mata ng Diyos yung Papa ko at Mama ko sila dapat kasi sila yung pinagka isa, ganon din sa parents mo." Hinawakan niya yung dalawang kamay ko.
"Mas kakampihan nila sila kasi tayo bata pa sasabihin nilang may iba pa tayong makikilala."
"Wag kang magpadala sa sinasabi ng iba, sundin mo ang sinasabi ng puso mo." Tumango tango at niyakap niya ko, hinalikan naman niya ko sa pisngi habang yakap niya pa rin ako.
"Mahal kita." Bulong ko sa tainga niya.
"Mahal din kita." Sagot naman niya sa akin at mas lalong hinigpitan ang yakap.
"Pag nagmamahal ka kahit pa mali sa paningin ng iba nagiging tama to."
>> Present
Si Avery na ang susunod na performer pinatay lahat ng ilaw at meron na spotlight para kay Avery. Everything Has Changed ni Taylor Swift and Ed Sheeran yung background music niya. Na kwento sa akin ni Gage kanina na 2 years old lang daw na mag start ng Ice Skating si Avery.
Nadulas si Avery pero hindi niya binigyan pansin yun at itinuloy niya pa rin ang pag Ice Skating niya.
"Na accident na ba si Avery?" Tanong ko kay Gage.
"Last year, tinahi yung kaliwang hita niya."
"How many stitches?"
"15"
Nag palakpan ang mga nanonood kami naman ni Gage tumayo pa at sumigaw ng matapos mag perform si Avery. Habang palabas ng rink si Avery pinupulot niya yung mga stuff toys sa ice.
"Cacey?" Nabaling ang tingin ko kay Tita Faye, tinatawag ko na siyang tita dahil mukhang mabait naman talaga siya.
"Po?"
"May naisip ka na bang design ng gown mo?"
"Wala pa po." Sa totoo lang hindi ko naman iniisip, simpleng gown lang naman yung gusto ko hindi naman siguro kailangan ng mahabang oras para doon."
"Tara, may papakita ako sayo baka magustuhan mo." Pinatabi niya ko sa kanya at pinakita niya sa akin yung mga purple gowns. Cinlick niya yung isang picture para lumaki.
"How about this? You will look like a goddess when you wear this." One sided shoulder na gown yung sinasabi niya, pero umiling ako hindi kasi bagay yung design doon sa kulay.
"Ito? Uso yan off shoulder." Umiling ulit ako kung isa hindi bagay mas lalo to.
"Okay, uhm. Ito?" Pinakita niya sa akin ang strapless na gown na pa sweetheart yung korte para sa chest tapos may white sa gitna na parang nag si silbing belt.
"I'll think about it." Maganda naman siya kaya lang hindi ako confident na mag suot ng ganyan, hindi daw kasi kami pwede mag sleeves dahil ganon daw susuotin ni Tita Faye gusto niya siya lang.
"Okay, pero bagay sayo to."
"Ma, patingin nga." Biglang sabat ni Gage nakikinig pala to.
"Diba anak bagay sa kanya?" Tanong sa kanya ni Tita Faye, tinignan ako ni Gage na mula ulo hanggang paa.
"Sa katawan at itsura mo bagay naman pero sa personality hindi. Ma, sa tingin ko hanapan mo siya ng suit," sabi niya habang tumatawa pa.
"Gage." Suway ni Tita Faye sa kanya.
Agad naman akong naka bawi."Inggit ka lang kasi ikaw hindi ka pa makakapag suot ng ganon." Binelatan ko pa siya pero natigil ako nung nag salita si Papa.
"Samuela, wag mo ng patulan."
Lumipat ako ng pwesto tumabi ako sa gilid ni Papa, kumapit ako sa kaliwang braso niya at sinandal yung ulo sa balikat niya, hinawakan naman niya yung kamay kong naka kapit sa braso niya.
"Pa," tawag ko sa kanya at bumaling naman siya sa akin.
"May na i in love po ba sa step siblings?"
"Meron lalo na kung hindi naman talaga kapatid ang tingin nila sa isa't isa." Tumango tango ako.
"Wag mong sabihin may gusto ka kay Gage?" Lumaki yung mata ko sa tanong ni Papa at napalunok.
"Papa, pag mali ba at kabaliwan sa tingin ng ibang tao dapat bang itigil?" Inalis niya yung kamay kong naka kapit sa braso niya at inakbayan ako.
"Depende, at yung tanong mo about sa step siblings na na i in love hindi yan ang unang beses at sure ako hindi rin yan ang huli."
"Paano pong depende?"
"Kasi pag nagmamahal ka kahit mali sa tingin ng iba, nasasaktan ka man at ipinag patuloy mo pa din ayos lang pero pag sa iba mali na at ibang tao na nasasaktan mo kailangan mo ng itigil. Kung pipiliin mo kung saya or yung tama? Piliin mo yung saya kung alam mo ikaw lang ang masasaktan bago mo muna kasi makuha yung gusto mo kailangan mo munang mahirapan, piliin mo yung tama kahit pa hindi yan ang ikaka saya mo basta may nasasaktan kang iba itigil mo na. Pag may nagawa ka kasing mali hahabulin ka ng konsensya mo, masaya ka nga pero may nasaktan ka."
Hindi ko na gustong sabihin sa kanya to. "Ikaw Pa, diba kasal kayo ni Mommy sa church? Sa papel wala na kayo, sige sabihin na natin hindi niyo na mahal si mommy or hindi niyo na mahal ang isa't isa. Pa, I will be honest, it really hurts for me knowing that you're going to get married with another woman."
"Mas masasaktan ka kung malalaman mong kasinungalingan lang ang lahat."
Ayoko na tanungin kong mahal niya si mommy dahil alam ko na ang sagot based sa action ni Papa wala na talaga.
"Pa, there's something I need to tell you."
"Okay."
"Pero pa, promise mo hindi ka magagalit."
Natawa naman siya. "I cannot tell."
"Diba po pag kinasal na kayo ni Tita Faye magiging mag step sibling kami ni Gage?"
"Oo"
"Pa, boyfriend ko po si Gage 1 month na po kami. Papatigilin niyo ba ko?" Tinignan ko siya sa mata, emotionless ang nakikita ko kay Papa.
AN: Itong chapter na gawa kong to ang pinaka nagustuhan ko pero depende pa yan sa mga susunod na chapters. Thanks for reading! Julie II loves you!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro