Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Case 37: Little Sister

"Cacey, I want you to meet Avery. Avery, this is your Ate Cacey."

"Hi ate!" Masayang bati niya.

Si Avery na kapatid ni Gage kapatid ko din? Ibig sabihin si Faye ang mommy ni Gage? Gustong gusto ko makita si Avery dahil na cu cutan ako sa pictures niya na pinapakita ni Gage ngayon nakita ko na siya hindi ko gusto itong way namin na pagkikitang ito.

"Tara Ate I'll show you my room." Hinila ako ni Cacey papunta sa taas.

Color Pink and Blue yung color ng bedroom niya meron siyang picture na nasa wall na naka pang Ice Skating siya.  Napansin naman niya na doon ako naka tingin.

"Do you want to watch my recital?" Ngumiti lang ako sa kanya.

"Ito may dalawang ticket pa ko kaso yung isa kay Kuya Gage." Binigay niya sa akin ang isang ticket, binasa ko muna ito bago ko ilagay sa bag. Pag iisipan ko muna kung pupunta ako Saturday night naman yung recital ni Avery.

Kinalabit ako ni Avery at ipinakita sa akin ang picture ni Gage.

"Ate, this is Kuya Gage. Alam mo bang binilhan niya ko ng Ukulele." Agad siyang tumakbo sa isang malaking box at inilibas yung Ukulele na White.

"Do you want me to play for you?"

"Patingin nga kung marunong ka talaga."

Nag simula siya mag strum ng Ukulele niya You and I ni Ingrid Michaelson ang kanyang tinutugtog


"Don't you worry there, my honey
We might not have any money
But we've got our love to pay the bills

Maybe I think you're cute and funny
Maybe I wanna do what bunnies do with you, if you know what I mean."
Kanta niya masasabi kong may magandang boses si Avery kaya hindi ako magtataka kung magiging singer din siya in the future.

"Ay mali," napa takip pa siya sa bibig niya. Hindi niya pa pala memorize yung chords nung You and I.

"Meron ka bang You and I para mapakinggan ko tapos tuturuan kita." Binigay niya sa akin yung phone niyang nasa kama meron naman siyang You and I pina tugtog ko ito para malaman ko kung anong chords dapat gamitin baka sakaling kahit hindi ko alam baka matugtog naman ng maayos.

Nung nalaman ko na kung anong chords dapat gamitin agad ko siyang tinuruan umabot din kami ng ilang oras sa pagtuturo sa kanya. Medyo mabagal nga lang pero tama naman.

  "So I will help you read those books
If you will soothe my worried looks
And we will put the lonesome on the shelf."
 Kanta namin dalawa na may pagka slow pa dahil mina master pa niya ang pagtugtog ng You and I sa Ukulele.

Pinalakpakan ko naman siya nung natapos siyang tumugtog.

"Practice ka lang tapos bibilis ka din."

After ko mag dinner sa kanila nagpaalam na din akong umuwi, nag suggest si papa na ihatid ako, ngayon andito na ko sa subdivision ng bahay namin. Ewan ko kung ano magiging reaction ni mommy pag nalaman niyang ikakasal na si Papa sa iba.

"Thanks, pa." Tinanggal ko na yung seat belt ko. "Pasok po muna kayo."

"Hindi na baka andyan mommy mo."

"Si Papa naman. Nahihiya ka pa kay mommy? Kung naka move on ka na talaga kay mommy wala na sayo kung magkita kayo." Napa tingin lang sa akin si papa hindi niya alam i re react niya.

"Papa talaga hindi mabiro." Ngumiti lang siya at umiling iling. "Sige na pa, pasok ka muna. Mag coffee ka ma traffic sure akong gabi ka na makaka uwi." Pag pupumilit ko sa kanya.

"Sige na nga matatanggihan ko ba ang anak ko?" Now that's my papa.

"Dito ko na lang to i park ha." Tumango lang ako kay papa ako naman pinindot na ang doorbell ng bahay namin.

"Cacey, kasama pala ang papa mo." 

"Yes manang, pwede po bang pa timpla ng kape si papa?" Sabi ko ng maka pasok kami sa mismong bahay namin.

"Pa, upo ka po muna." Turo ko sa sofa namin. 

"Manang, nasaan po si mommy?" Bago pa man maka sagot si manang narinig ko na yung boses niya.

"Hi mommy!" Bati ko sa kanya lumapit naman siya sa akin at kiniss ako sa cheeks.

"May bisita tayo ngayon i entertain mo naman."

"Diba bisita mo yan? Kaya ikaw ang mag entertain."

"Mommy,  mag ha hi ka lang bisita mo din yan." Pag pupumilit ko sa kanya.

"Bisita ko? Wala naman ako natatanggap na tawag lahat ng mga friends ko relatives sinasabihan kong tumawag muna sa akin bago ako bisitahin sa bahay."

"Malay mo mommy surprise."

"Surprise?"

"Uh-huh."

"Samuela Cacey, I know what you're planning. Andyan papa mo diba?"

"Uyy alam niya!" Pang aasar ko kay mommy sabay tusok sa tagiliran niya. "Sumusulyap ka kanina noh?"

"Cacey, stop it!" Pabulong sigaw sa akin ni mommy.

"Sige na i entertain mo na si papa, mag-aayos lang ako." Sabay takbo ko sa hagdan.

Pagka higa ko sa kama agad kong tinext si Gage.

To: Alex

Andito na ko sa house. :*

Habang nagpapalit ako ng damit tumunog yung phone ko

From: Alex

Kamusta pagkikita niyo ng papa niyo? :)

Sasabihin ko bang kapatid ko din si Avery? Hindi ba maganda tignan kung may relasyon kami ni Gage kahit na hindi naman kami magka dugo?

To: Alex

Nag lunch kami, sinamahan niya ko sa parlor, nag punta kami sa house niya.

Habang hindi pa nag re reply si Gage iniwan ko muna yung phone ko sa kwarto at bumaba. Napangiti ako ng lihim medyo kinikilig din ako dahil nakita kong nag-uusap si mommy at papa. Pero nawala yung ngiti ko nung narinig kong sinabi ni papa kay mommy na ikakasal na siya sa iba.

Hindi ko inaasahan ang sagot ni mommy. "Congrats." Nakikita kong sincere si mommy sa sinabi niya. Wala na ba talaga sila? 

"Where's Cacey? Kailangan ko ng umuwi." Pagka rinig ko pumunta na ko kay papa.

Kinausap niya ako sandali, nagyakapan kami at nag goodbye na din siya. Magkikita daw ulit kami pag mag papa design na ko ng gown ko.

"A attend ka ba sa kasal ng papa mo?"

"I will attend his wedding for him not for Faye."

"Tara pag usapan na natin yan gown mo." Excited na sabi ni mommy.

"Maybe next time, sa September pa naman po yung Wedding nila. Good night, mom." Kumiss ako sa cheeks at umakyat na ulit ako sa kwarto ko. Pagka tingin ko sa phone ko may reply na si Gage.

From: Alex

New look ka? :D Patingin!

Nag selfie muna ko tapos sinend ko sa kanya yung picture ko.

From: Alex

Gwapa <3

Tinignan ko ulit yung invitation ng sumagi sa isip ko baka nasa entourage si Gage dahil kapatid niya si Avery. Napalaki yung mata ko ng nakita ko magka tabi pa ang mga pangalan namin, ibig sabihin siya pa magiging ka partner ko?

To: Alex

Thanks :*

Hindi ko alam kung sasabihin ko ba kay Gage kaya tinawagan ko si Hadlie, tatlong beses ko siyang dinial bago siya sumagot.

"Hello?"

(Biffle?)

"Natutulog ka na ba? Na istorbo ba kita?"

(No. Kaka shower ko nga lang.)

"Okay. I have a problem."

(Go on I will listen.)

Huminga muna ko ng malalim bago ako nag salita. "Diba nagkita kami ni papa kanina?"

(Mmm hm.)

"He's getting married."

(Sorry to hear that.)

"That's not my problem."

"Huh?"

"Kilala mo si Avery diba na kwento ko na sayo?"

(Yung kapatid ni Gage?)

"She's also my little sister." Narinig ko naman ang pag singhap niya.

(How?)

"Anak siya ng papa ko and anak din siya ng mommy ni Gage. Sa tingin mo ba dapat kong itigil yung relationship namin ni Gage or gumawa ako ng paraan para hindi matuloy yung kasal ni Papa at ni Faye?"

(Biffle, wala naman masama kung may relation kayo ni Gage dahil hindi naman kayo blood related pero sa iba weird kasi sa law mag kapatid kayo.) Nasapo ko na lang yung noo ko.

"Sabihin ko na din ba kay Gage?"

(Mas mabuti kong oo para hindi na lumala. Whatever your decision, I'll support you even it is weird.) Napangiti ako sa sinabi ni Hadlie, siya talaga yung biffle ko.

"Thank you."

(May sasabihin ka pa?)

"Wala na."

(Okay, bye good night.)

"Bye" Pagka end ko ng call dinial ko na yung number ni Gage isang ring pa lang sinagot na niya.

(Sam!) Masayang sigaw niya.

"There's Something I need to tell you!"












Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro