Case 34: One is the New 30
Gage's POV
Marami na kaming nagawang activities kahapon, nagpunta sa Hidden Cave, nag Jet Ski, nanood ng fire dancers pero may isa kami ni Cacey na hindi nagawa na nagawa na ng iba dahil gagawin namin ngayon.
"Dalian mo naman kumain." Nag be breakfast kami ni Cacey at tapos na siya kumain ako naman ilang kanin na ang nilagay ko sa plato ko sa sobrang sarap ng ulam. Tilapia naang sawsawan ay manga, sibuyas, kamatis at patis.
"Bakit mo ba ko pinagmamadali? Kita mong sarap na sarap pa kong kumain."
"Happy Monthsary," sabi ko kahit may laman yung bibig ko baka kasi kaya siya naiinis dahil hindi ko pa siya binabati.
"Happy Monthsary din. Pero lunukin mo muna kaya yan kinakain mo bago ka mag salita." Pagka lunok ko nag salita agad ako.
"Binati na nga kita nag reklamo ka pa." Sabay sawsaw ko ng isda sa sawsawan at sinama ang isang piraso ng manga at kamatis.
"Bryce, paabot naman ng kanin." Tignan mo to pinapamadali akong kumain tapos ngayon kakain ulit siya.
"Masarap ba yan sawsawan mo?" Tanong niya sa akin.
"Yup. Gusto mo tikman?" Isusubo ko na sa kanya yung kanin na may tilapia at sawsawan na nasa daliri ko. Pero umiling siya hindi naman ako mapilit kaya ako na lang kumain nun mas okay nga yun para hindi nabawasan yung kakainin ko.
"Sarap nga nito."
"Don't talk when your mouth is full," I said to her.
Hindi na niya ko pinansin at tinuloy ang pagkain. Ako naman tapos na busog na busog na ko kahit gusto ko pa hindi ko na kaya, food coma na to.
Yumakap ako sa balikat niya at nilagay ko ang ulo ko sa kaliwang balikat niya habang kumakain siya. Gusto ko ng matulog.
"Wag ka matulog." Pigil sa akin ni Cacey.
Inalis ko yung pagkakayakap sa kanya at yumuko na lang sa table para matulog.
"Sinabi na ngang wag matulog. Nasa hapag kainan ka matutulog ka?"Sabi ko nga hindi ako matutulog.
"Uybusin ko lang tong kinakain ko tapos kwentuhan tayo para hindi ka antukin." Uubusin daw niya kaso nagdagdag pa ng kanin. Napa face palm na lang ako sa nakita ko.
"Alam mo ba nung bata ko-"
"Malamang hindi ko alam hindi pa naman tayo magka kilala nun." Hinampas naman niya ko sa kanang braso.
"Continue" Yan na lang nasabi ko sa pag hampas niya sa akin.
"Continue what?"
"Yung kwento mo alang naman ipa continue mo yan pag hampas mo sa braso ko, hindi ako masochist." Naka ramdam na naman ako ng hampas niya sa kanang braso ko.
"Yun nga nung bata ko. Pinipilit ako kumain ni Mommy ng isda, Pescetarian kasi siya. Ayoko naman ng isda kasi malansa kahit anong seafood ayaw ko mas okay na pakainin niya pa ko ng gulay. Then one time 38 times niya kong pinilit kumain ng isda-"
"Seriously 38 times? Nabilang mo yun?"
"Oo naman. Then para tumigil na kinain ko na din and ayun nga masarap naman lalo na pag may sawsawan. Tapos pag Sinigang na may Tuyo yung ulam sarap diba?"
"Favorite combination ko yan." After nun tinuloy niya na ang pagkain niya at wala na siyang na kwento.
"Baka ma food coma ka din ah," sabi ko sa kanya.
Pagka tapos niyang kumain hindi na kami nagpa lipas pa ng 30 minutes para mag toothbrush. Kailangan daw palipasin mo na ng 30 minutes bago mag toothbrush pagka tapos kumain.
Naglalakad kami ngayon dito sa labas at may nakita kaming duyan, nag unahan kaming tumakbo papunta sa duyan ako ang nauna at umupo.
"Usog tabi tayo."
"Tulak mo na lang ako." Humiga ko para hindi siya maka upo.
"Tsk." Nakita ko na yung mukha niya na sobrang inis agad akong umupo dahil alam ko na yung ibabalak niya.
"Tara tabi tayo." Tinap ko pa yung duyan kung saan siya pwede umupo.
"Dami pang arte papaupuin din naman pala ko." Pagpaparinig niya.
Nang umupo siya inakbayan ko siya sa balikat at sinimulan kong i duyan ang duyan.
"Sorry" Yan na lang nasabi ko. Bakit ba kasi dapat laging babae ang sundin? Paano naman kaming mga lalaki.
"Umiiyak ka?" Tanong niya.
"Mommy!" Iyak ko pero wala naman luha.
"Ano ba nangyayari sayo?" Hinawakan niya yung magkabilang balikat ko.
"Bakit ba lagi na lang kayong babae nasusunod? Lagi na lang kami ang sumusuyo. Pag nagalit kami nagagalit din kayo, pag nagalit kayo dapat sinusuyo namin kayo dapat sinusuyo niyo din kami pag nagagalit kami, ang unfair!" Iyak ko pero wala pa din luha.
"Malay ko. Baka ganito lang talaga mga babae, tanggapin mo na lang."
"Sige na nga buti na lang mahal kita."
"I know right."
"Sam, mahal din kita ang sagot hindi I know right."
"Yeah right. Kahit hindi ko naman sabihin alam mo naman na mahal kita."
"I know." Hindi na ko nagulat nung sinampal niya ko, gawain na niya yan dati pa mas malala pa nga sa sampal yung ginagawa niya sa akin dati. Pero kahit ganyan yan si Cacey mahal ko yan.
"Ano ba muna yung gagawin natin?" Tanong niya.
"Parasailing" taas kilay kong sinabi sa kanya.
"Then?"
"Feed fish while Snorkeling."
"What's next?"
"Watching sunset."
"Seryoso ka doon?"
"Gusto mo manood tayo ng sunset tapos hintayin natin magkaroon ulit ng araw walang tulugan doon lang tayo?" Ngiti niya
"Gusto ko yan tara bukas na lang tayo mag feed fish matulog tayo ngayon ng matagal habang may araw pa para magawa natin." Teka nagbibiro lang naman ako.
"You're kidding?" Ngisi ko.
"I'm serious."
"Okay. Tara na parasailing na tayo. " Tumayo ako at hinila yung kamay niya.
"Happy Monthsary." Bati niya habang naglalakad kami.
"Sweet mo KKB to."
"I know kaya nga may dala akong pera." Pinakita niya pa sa akin yung wallet niya.
"Wag na ako na magbabayad. Happy Monthsary!"
"Weird mo."
"Kunwari ka pa alam niyo minsan nakaka inis din kayong mga babae kunwari ayaw niyo pag sumuko na yung lalaki magagalit kayo pag hindi namin kayo sinuyo."
"Mag susumbatan ba tayo dito? O mag pa parasailing na?" Hindi ko namalayan na andito na pala kami.
"Monthsary natin ngayon kaya parasailing kaya ipagpa bukas na natin yang sumbatan." Hinila ko yung kamay niya at agad tumakbo doon sa bangka.
Nauna akong sumampa sa bangka at inalalayan siyang sumampa. Kung magaan lang siya bubuhatin ko na lang siya na hawak lang ang dalawa niyang kamay. Nung umupo kami hindi kami magka tabi magka tapat para balance.
"Kuya, saan po kami banda mag pa parasailing?" Tanong ko. Tinuro niya ang hindi ko malaman kung saan bandang dagat basta itinuro niya lang ito ng diretso.
"Malayo po ba?" Tanong ni Cacey.
Bago pa maka pag salita si manong may sinabi na ko kay Cacey "Naks! Ambait nag po siya."
"Shut up." Back to normal.
"Hindi po." Nakita ko hinihinto na nila yung bangka. Ni ready na nila yung parasailing at hinihintay na lang silang tawagin kami.
"Okay na po tara na," sabi sa amin nung bangkero na nag ayos nung parasailing.
"Thank you kuya," sabi ni Cacey ng okay na siya.
"Thank you po," sabi ko naman.
"Ready na?" Tanong nila. Nag thumbs up naman kaming dalawa na ibig sabihin okay na.
Onti onting tumataas pero walang isa sa amin sumisigaw aaminin ko medyo nakaka lula, pag natatakot ako hindi ako sumisigaw pumipikit lang ako.
Kinalabit ako ni Cacey. "Bakit ka natutulog?" Tulog agad? Hindi ba pwedeng naka pikit lang?
"Hindi ako natutulog fini feel ko lang yung hangin."
"Palusot. Natatakot ka noh?" Hindi ko na siya sinagot alam naman na niya nag tanong pa.
"Okay lang yan," sabi niya.
Nag kwentuhan na lang kaming dalawa dito hanggang sa matapos yung parasailing. Naka balik na kami sa mga kwarto namin para matulog.
"Kuya Gage, matutulog ka na agad?"
"Nakaka pagod mag parasailing."
"Ha? Nakaka pagod ba yun? Naka upo ka nga lang."
"Nag suggest kasi si Cacey na manood kami ng sunset mamaya."
"Sunset? Sandali lang yun ah."
"Teka lang kasi patapusin mo muna ko." Ibabato ko na sa kanya tong unan na katabi ko.
"Nag suggest kasi siya na paabutin namin hanggang maaga ang panonood."
"HIndi naman kayo mangangawit niyan?"
"Syempre hindi. Magku kwentuhan din kami, hindi lang namin papanoorin yung langit na lumiwanag ulit."
"Sige tulog ka na. Mag Snorkel kami."
"Enjoy."
Putol putol din ang tulog ko bumangon lang ako sa kama ganon din si Cacey nung mag la lunch na. After 1 hour bumalik ulit kami sa pagka tulog.
Nagising ako ng 4:03 pm nakita ko sa digital clock. Lumabas ako ng kwarto at nakita ko si Cacey na nasa duyan natutulog. Kinuha ko ang mobile phone ko para picturan siya, after ko siyang ma picturan ginawa kong home screen yung picture niya wallpaper naman yung sa parasailing. Naka nga nga pa siya sa picture pero ang cute pa din.
Kumakain na kami ng dinner ng magising siya. Ang aga nila kumain 5 pa lang ng hapon nag di dinner na ang mga tao dito kaya naki sabay na din kami.
"Sam, dito ka." Tawag ko at tinura sa kanya ang bakanteng upuan na katabi ko.
Pagka upo niya nilagyan ko ng kanin at Sinigang na isda yung plato niya.
"Thanks," sabi niya na medyo wala pang gana.
"Bilisan mo kumain, malapit na yung sunset."
"Kung mamaya na lang kaya ako kumain?"
"Ngayon na bilisan mo lang."
Nang matapos siyang kumain agad kaming bumalik sa mga kwarto namin para mag toothbrush at nung natapos agad din kaming tumakbo papunta kung saan papanoorin yung sunset.
Marami nag labas ng camera at cellphone nila alam niyo naman nasa Millennial or Generation Y na tayo at hindi na nakakapag taka na baka mag post sila ng atm. Akala niyo kayo lang? Kami din nag selfie kami ni Cacey habang lumulubog yung araw.
Nang matapos ang sunset pinaala kami ni Dr. Felicity na matulog ng ganitong oras at bawal daw tumakas. Paano ba to?
"Doc, baka pwedeng wag kami matulog ni Cacey ang haba na kasi ng tulog namin kanina sumakit nga ulo ko."
"Bakit naman kasi may araw kayo natulog?"
"Suggestion po kasi ni Cacey na after manood ng sunset hintayin mag bukang liwayway."
"Ano meron? Diba wala naman kayong monthsary ngayon dahil walang 30 ang feb? March 1 na kaya."
"One is the new 30." Sabay sabi namin ni Cacey.
"Can we? Please." Pagmama ka awa ni Cacey.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro