Case 33 Accurate
Naka ready na yung bus ng hospital papunta sa Puerto Galera. Ang bigat ng mga dala ko isang backpack tiyaka isang duffel bag. Ilang araw ba kami doon? Tama lang kaya tong mga dala ko?
"Gage, gusto mo ba tulungan kita? Mukhang ang bigat kasi ng dala mo."
"Sorry." Kinuha niya sa akin yung duffel bag na bitbit ko.
"Yung backpack mo gusto mo rin ba dalhin ko?"
"No thanks." Habang hini hintay kasi namin kanina dito sa labas yung bus ng hospital na maghahatid sa amin sa Puerto Galera dahil bumili daw yung driver ng pagkain diyan sa kabilang kanto. Ito naman si Gage habang nag hi hintay kami tumawag yung lolo niya sa kanya iniwan niya ko pati yung gamit niya para sagutin yung tawag.
"Sige na ako na lang minsan ka lang naman maging babae hindi mo pa sulitin." Hina high blood ako nitong batang to, pwes makikita niya!
"Dalhin mo yan ha? Kahit naka upo na tayo sa bus dapat naka sukbit pa rin yan sa likod mo." Tinulungan ko siyang ilagay sa likod niya yung backpack ko.
"Kahit natutulog ako?"
"Gusto mo ba?"
"Paano ka kukuha ng gamit mo pag tulog ako?"
"Easy, I'll wake you up." Sana nga lang hindi siya tulog mantika.
"Paano kung hindi ako magising gising?"
"Pang ilang stage ba yung pag tulog mo?"
"Stage three." Naka sign pa siya sa kamay niya ng no. 3
"K."
Nung tinawag na kami nauna kong mag lakad sa kanya papunta sa bus na sasakyan namin, umupo ako sa may bandang gitna sa tabi ako ng bintana, at alam niyo na si Gage yung isa kong katabi.
"Yan na lang maganda," sabi ni Gage habang naka sign pa ng stop yung kamay niya sa tapat ng TV
"Anong movie yan?"
"Interstellar."
"Ano kwento?"
"Panoorin mo na lang."
Hindi ko ugali manood or mag basa habang nasa biyahe nakakahilo, pag nasa byahe ako ginagawa ko lang magdamag ay matulog or kumain.
"No thanks."
"Okay. Bahala ka maganda yan." Tumingin na lang ako sa bintana maya maya lang dadalawin na ko ng antok.
Maya maya lang dinalaw na ko ng antok, sinandol ko ang ulo ko kay Gage at nag simula ng ipikit ang aking mga mata para maka tulog.
Nung nagising ako alam kong gising na ako hindi ko lang dinidilat yung mga mata ko pero naririnig ko ng ngumunguya si Gage nasa tingin ko chips yung kinakain niya. Pagka angat ko ng ulo ko naka dilat na din ako hindi ako nagka mali, busy siya sa Lays kaya hindi niya napansin wala na yung ulo ko sa balikat niya.
"Thanks," sabi ko pagka kuha ko tumingin siya sa akin na habang ako naman ay ngumunguya na.
"Meron pa. Gusto mo?"
"Sige ba." Tatanggi pa ba ko? Kumuha na nga ko sa kanya ng walang paalam.
"Karen, pahingi naman daw si Cacey ng Lays." Binato ni Karen yung Lays kay Gage at inabot sa akin.
"Thanks." Binuksan ko yung Lays at nag simulang dumukot ng isa.
"Malapit na ba tayo?" Tanong ko, ilang oras ba ako naka tulog? Pag gising ko naka patay na yung TV.
"1 hour pa ata biyahe."
"Matagal pa pala, tara kwentuhan na lang tayo. Diba parehas tayong year 1999 pinanganak?" Tumango siya. "Ano nga yun sa Chinese Zodiac?"
"Rabbit." Kinausap ko si Siri at sinabi ko yung year of the rabbit.
"Monkey ngayon year 2016. Kailan mag ra rabbit?"
"I don't know. Ano zodiac sign mo?"
"Taurus."
"Tignan natin kung accurate." Nagbukas siya ng IG at pumunta siya sa xstrologyfacts.
"Ano sabi?" Naki tingin ako sa phone niya.
"Taurus has a great taste of music and food."
"Accurate. Sayo?"
"Cancer are so emotional that sometimes they look very cold to avoid sensitive reactions."
"Dati, ngayon medyo na lang."
"Meron pa sayo. Taurus knows how to throw a different spin on a look, design or process." Pag tapos niya basahin tumingin siya sa akin.
"Akala ko accurate talaga sayo kasi yung nabasa ko yung throw ikaw na ikaw madalas mambato." Sabay tawa niya.
"Dati lang yun, iba na ngayon. Yung sayo naman ulit."
"Cancer is not one to stomp on the feelings of others." Napataas na lang yung kilay ko sa kanya.
"Do you believe in that?"
"Not really, but sometimes it's accurate."
Nag twitter ako at may ni retweet si Hadlie na galing sa OhTeenofQuotes pumunta ko sa twitter niyan at finollow sila nag tingin tingin ako ng mga photos nila hanggang sa may nakita akong birth month.
"November." November kasi birth month ni Hadlie, November 28. "Gusto niya ma effort ka, kung hindi madali siyang manlamig. Masarap kasama." Masarap kasama oo pero yung pag hindi ka ma effort parang hindi naman ganon si Hadlie.
"Sa July ano sabi?" Sabi ko na nga ba magtatanong tong bata na to.
"July." *clear throats* "Hindi showy, madaling ma in love, midyo tanga sa pag-ibig."
"Accurate."
"Bakit mabilis ka ba ma in-love?"
"Yung tanga sa pag-ibig yung tinutukoy ko." Leche tong batang to. Tinignan ko siya ng masama.
"Yung April naman," sabi niya. Ini swipe ko yung picture hanggang sa mapunta sa April.
"April, grabe magmahal, todo bigay. Todo effort. Mahilig tumingin sa iba, pero ikaw lang mamahalin niya."
"Parang hindi naman totoo sayo yan lalo na yung grabe magmahal? Nakakatawa." Tumingin na yung mga ibang tao dito sa amin sa bus sa lakas ng tawa niya. Wala naman nakakatawa diba?
"Logic naman tayo." Pag iiba ko ng topic namin.
"Ano?"
"What belongs to you, but mostly used by others?"
"Phone?" Umiling ako.
"Pulbo? Diba yung mga babae ganon? Pahingi ng pulbo."
"Hindi din."
"Sabihin mo na nga yung sagot."
"Your name."
"Ako naman. Airplane, building, bus, bird, truck. Anong mas mataas sa lima?"
"Anim"
"Galing." Sabay hila ng isang hibla ng buhok ko.
"What is that for?" Inis na tanong ko sa kanya.
"Katulad lang nung bata tayo for sure ginawa mo din to or may naka gawa sayo. Ilan taon ka na?" Parang hindi alam.
"Sweet 16."
"Sweet ka ba?" Nilagay na niya yung buhok ko doon sa elbow pit ko at ginulong gulong at nag simula na din mag bilang.
"1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16." Sinara naman niya yung elbow pit at sinimulang pukpokin yung braso ko, medyo masakit.
"1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16." Pagka bukas kumulot.
"Yayamanin. Pag daw straight mahirap, pag daw straight tapos may kulot may kaya." Saan ba natutunan ng mga bata yan?
"Ako naman gawin mo sa akin yun."
"Alam mo naman nakaka angat ka sa buhay diba? Nagpapaniwala parang bata," sabi ko.
"Sorry na."
"Change topic na lang tayo. Sa tingin mo yung name natin, favorite color, birthday, zodiac sign may meaning talaga sa atin?"
"I think so, may pagka accurate din naman minsan yung mga nababasa natin sa katulad niyan zodiac sign."
"Yung pagtatagpo ng dalawang tao? Accident or not?"
"No it is determined or meant to be."
"Attention!" Nabaling ang tingin namin kay Dr. Carl na nag salita. "We're here, fix your things because in a few minutes will go to the hotel."
Ni ready na namin ni Gage yung gamit namin, naka sukbit na yung backpack ko sa likod ko, naka kalong naman sa kanya yung duffle bag niya.
Pagka baba namin may biglang tinanong sa akin si Gage na naka pag isip din sa akin. "Paano tayo mag ce celebrate ng first monthsary natin kung walang 30 sa February?"
"March 1? After ng 29."
AN: Yung Interstellar kung hindi niyo pa napapanood, panoorin niyo maganda yan, favorite movie ko. Thanks for reading. Julie II loves you. XD
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro