Case 32 Kangkarot
"Kese nge ene?" Pang ga gaya ko. Kung ano ano pinag sasabi nila tapos ngayon hindi sila maka pag intay ng sagot?
"Hiniram ko yun kay Rex meron kasi silang funeral parlor, hiniram daw niya yung make up na ginagamit sa mga patay." Lumaki yung mata ko sa sinabi ni Gage. Lecheng batang to! Yung pam patay pa talaga ginamit sa akin.
"Leche ka?!"
"Sorry na Sam, napag utusan kasi ako." Habang hawak hawak niya ang batok niya.
"Sinunod mo naman?" Sabay crossed arm ko.
"Nag la laro kasi kami ng truth or dare, nag dare ako ayan inutusan nila ko."
"Truth or dare? Naglalaro ba ang mga lalaki ng ganon na laro?"
"Hindi ko din alam. Basta sabi ni Tyler gayahin namin yung mga babae, kaya nga ng hiram si Rex ng make up sa funeral parlor nila."
"Hindi ka bakla?" Tanong ni Seabyl.
"Hindi."
Nag titigan lang kami dito hanggang sa bumalik na sa pag tulog yung tatlo.
"Dapat daw private ang away ng mga mag partner kaya matutulog na ko," sabi ni Seabyl sabay higa sa kama niya.
"Puyat na ko matutulog na din ako," sabi ni Jayla na habang naghihikab.
"Ayusin niyo yan ah." Humiga na din si Hadlie at nag simula matulog.
Gage's POV
Bakit ko ba hindi naisip yun? Laro lang naman yun okay lang naman kung hindi ko sila sundin.
"Sorry." Yan na lang ang nasabi ko wala naman akong matinong rason kung bakit ko ginawa yun.
Ini expect ko pa pa alisin niya ko, tutulugan na niya ko. Sasampalin, susuntukin, makiki pag break? OA naman ng naisip ko kung ganon. Pero niyakap niya ko.
"It's okay. Diba dapat pina patagal ang away. Tulungan mo na lang ako tanggalin to." Inakbayan ko siya papunta sa CR.
Iniwan namin naka bukas yung pintuan ng CR at umupo kaming dalawa sa edge ng bathtub. Kumuha ako ng wet wipes para tulungan siya burahin yung make up niya.
Meron siyang hawak na salamin habang nag bubura ng make up niya sa mata, naka tapat lang yung wipes na hawak ko sa mukha niya, hinihintay ko siyang matapos.
"Tsk! Ang hirap talaga tanggalin ng eyeliner." Namumula na yung kanang mata niya sa kaka kusot.
"Namumula na yung mata mo, yung kabila na lang muna yung burahin mo." Suggestion ko.
"Tsk! Ilang araw pa bago tuluyang mabura tong eyeliner." Napa iling na lang siya.
"Sorry." Ang moody talaga ng mga babae kanina okay na kami ngayon inis na naman siya, pero kahit ganon intindihin na lang tiyaka magagalit naman talaga ang isang tao pag ginamitan ng make up ng patay tiyaka si Cacey hindi nag me make up yan akala ko nga dati tibo siya.
"Tama na yan mapula na, burahin na muna natin yan blush on mo."
"Medyo diniinan mo naman, wala ka naman mabubura niyan." Sinunod ko yung gusto niya.
"Aray, wag naman yung masyadong madiin."
"Ayan ganyan?" Tanong ko habang binubura ko yung blush on niya.
"Much better."
"Tapos yung labi mo hugasan mo na lang para mabura talaga."
"Kiss kita para mabura." Tawa niya at akmang hahalikan ako.
"Wag kasi." Tinulak ko siya ng marahan.
"Sa cheeks na lang." Akmang lalapit na niya yung mukha niya sa pisngi ko ng hinarang ko yung palad niya sa mukha ko.
"Aray ha."
"Sorry." Nag peace sign ako sa kanya at tumingin ako sa palad ko na may lipstick.
Napansin kong nag pi pigil siya ng tawa. Anong nakaka tawa doon?
"Sa lips ayaw mo?"
"Kangkarot." Napa iling iling na lang ako sa sinabi niya.
Kumuha ako ng panibangong wipes para burahin yung eyeliner sa mga mata niya.
"Close your eyes."
"Kailangan ba talaga dalawa?"
"Mas madali yung dalawa ang naka pikit, kaysa yung isa lang." Pinikit niya ang kanyang dalawang mata.
"Didiinan ko ba?"
"Namumula na nga, tapos didiinan mo pa?" Napa ngiti na lang ako sa sinabi niya at simulan tanggalin yung eyeliner sa mata niya.
"Hindi pa din mabura ng todo."
"Pabayaan mo na mga ilang araw mawawala din yan."
"Mumog ka na para mawala yung lipstick mo, tiyaka hilamos ka na din."
"Kiss nga kita para mawala yung lipstick." Tawa niya.
"Ang kangkarot mo noh?"
"Ayaw mo nun? May kiss ka sa akin." Tawa niya.
"Ako na lang ki kiss sayo."
"Gusto ko ako."
"Kangkarot talaga." Hinawakan ko yung mukha niya at hinalikan siya sa pisngi.
"Ang daya mo kangkarot!"
"Anong madaya doon?"
"Ayaw mo mag pa kiss kasi ayaw mo malagyan ng lipstick ng patay, tapos ako nilagyan mo ng lipstick?" Pag bi biro niya.
"Mamaya na lang pag burado na."
"Gusto ko nga ngayon." Umacting pa siya na nag ta tampo.
"Waiting is worth it." Naka busangot ang kanyang mukha at nilagay niya ang dalawang kamay niya sa leeg ko. Umacting ako ng nasasakal.
"Sige hilamos na ko." Tumayo na siya sa edge ng bathtub, pero napa pitlag ako ng halikan niya ko sa pisngi.
"Gotcha!" Tawa niya habang naka turo sa pisngi ko.
Tumayo agad ako at inuhan siya sa sink.
"Ako muna." Tinulak niya pa ko.
"Nauna kong maka lapit dito." Tinulak ko naman siya ng marahan.
"Ladies first."
"Walang ganon. Sa mga sulat nga lagi nauuna yung lalaki."
Tulakan lang kami ng tulakan habang tumatawa.
"Kangkarot" Sabay pa namin sabi.
"Mabilis lang yung akin huhugasan ko lang yung pisngi ko na may lipstick mo doon ako sa kwarto namin mag li linis talaga." Paliwanag ko.
"Okay." Binuksan ko yung faucet ng sink at hinugasan ang aking mukha.
"Langya." Napa mura ako nung batukan ako ni Cacey. Akala ko nag bago na.
"Sorry na, joke lang naman." Ang naka busangot kong mukha ay napalitan ng ngiti sa sinabi niya.
"Good night." Sabi ko.
"Hindi na kita ma i ha hatid ah, sa bintana ka ba dadaan?"
"Bakit hindi? Para hindi ako mahuli ng guard."
"Good luck sana hindi ka makita ng guard. Good night."
Cacey's POV
"Kangkarot." Napangiti at napa iling na lang ako sa sinabi ko.
Dumiretso na ko agad sa kama ko pagkatapos ko mag hilamos at dumapa, tinignan ko din muna saglit yung orasan, mag a alas tres na pala, sana magising ako mamaya nito.
"Good morning."
"Rise and shine."
"Bangon na ikaw na lang hindi naka ready."
Yan ang naririnig ko sa kanila nung dumiretso ako ng higa at idilat ang aking mga mata. Napansin ko naman na naka bihis na sila, kaso lang hindi ko pa talaga kaya tumayo kaya bumalik ako sa pagkaka dapa.
"Pabayaan mo na muna siya matulog pagod yan." Narinig kong sabi ni Seabyl.
"Ngayon lang naman yan mag a absent." Narinig ko naman na sabi ni Jayla.
"Ngayon lang yan ah. Dito na lang ako pag break time at pag wala yan si Cacey dito sa kwarto malalagot sa akin yan." Grabe naman puyat na nga ko tapos magagawa ko pang lumabas ng kwarto?
"Paano naman siya kakain kung hindi siya baba?" Oo nga paano naman ako kakain kung hindi ako baba? Thanks for the question Seabyl.
"Magpapa deliver."
"Hihintayin pa natin?" Iritang tanong ni Seabyl.
"Hindi papa iwan ko sa guard tapos tatawag na lang si Cacey sa baba para makuha yung pagkain niya."
"Paano naman niya malalaman na may pagkain doon sa baba?" Tanong ni Jayla.
"Edi mag i iwan ako ng note." Hindi niyo na kailangan mag iwan ng note kasi alam ko naman na pero sige dahil alam niyong tulog ako pwede na kayo gumawa.
Narinig ko na yung keypad tone niya sinyales na tumatawag na siya.
"Itanong mo sa akin." What the heck!? Kumanta pa talaga siya.
"Hello-" Hindi ko na alam inorder niya dahil tuluyan na akong naka tulog.
Pag gising ko 10:00 am na at naka ramdam na din ako ng tulog kinuha ko yung note na nasa ibabaw ng drawer na nasa tabi ko at kahit alam ko na yung nasa note binasa ko pa din.
Biffle, nagpa deliver ako ng McDo. :) Sasabihin ko sayo pag may assignment wag ka mag alala tatanungin ko yung mga kaklase mo sa iba mong subjects. Kain ka na. Love you! :* <3
- Hadlie
Binuksan ko yung drawer na malapit sa akin at nilagay doon yung note na ginawa ni Hadlie. Tumayo na ako at pumunta malapit sa pintuan dahil andun yung telephone.
"Thank you." Binababa ko na yung phone. Kakatok na lang daw pag na akyat na yung pagkain ko.
Kinapa ko yung kama ko para kunin yung cellphone pero hindi ko makapa, inangat ko yung mga unan ko kaso wala, tinaas ko na yung comforter ko at pinagpag ng malakas.
"Ano ba yan?" Pag pagpag ko sakto sa mukha ko yung cellphone ko.
To: Alex <3
Good morning Alex! :*
Sakto naman pag pindot ko ng send may nag doorbell sa pintuan sinilip ko muna sa maliit na bilog kahit alam ko naman na yung pagkain yun.
"Thank you." Sabi ko pagka kuha ko, binigyan ko din siya ng tip.
"Thank you din po." Umalis na yung guard na nag dala ng pagkain dito at sinara ko na yung pintuan. Umupo na ko sa study table para doon mag simula kumain.
After kong kumain tinignan ko muna yung phone ko at nakita ko na may text si Gage
From: Alex <3
Good morning Sam hindi ako pumasok ngayon puyat kasi ako, tawagan kita pag break time mo na ah. I love you. :)
Hindi na ko nag reply hihintayin ko na lang na tumawag siya. Pinindot ko yung blinds para mag sara at nag punta muna ako sa CR para mag toothbrush at maligo. After kong maka pag toothbrush at maligo, bihis na din ako narinig kong may tumatawag sa cellphone ko
Incoming call Alex <3
"Hello."
"Kamusta school mo ngayon?"
"Kamusta ka diyan hindi din ako pumasok." Pinindot ko ulit yung blinds para bumukas.
"Ah. Gusto mo mamili tayo ng mga damit ngayon para sa Puerto Galera natin?"
Sasagot pa lang ako ng may naramdaman akong nasa tabi ko pag tingin ko si Hadlie.
"Kangkarot para hindi sayang load niyo baka gusto niyong mag usap na lang kayo sa baba, nakikita niyo naman yung isa't isa. Tanaw kasi dito sa bintana si Gage na nasa kwarto din niya.
"Wait lang Alex ah kita tayo sa baba." Binababa ko na yung phone at tumingin ulit kay Hadlie.
"Thank you sa pagkain. I love you biffle." Kiniss ko muna si Hadlie bago bumababa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro