Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Case 3: The Triplets

Hi Bestie PrincessofPrincesses I love you from the bottom of my hypothalamus. Sana ma enjoy mo itong chapter na ito. :)

Sino daw ba may kasalanan?

"Ako," Honest kong sabi.

"Proud ka?"Tanong ni Hadlie.

"Hindi, honest lang."

"Ah." Napatango tango naman siya na parang hindi naniniwala.

"Pero sa totoo lang proud ako dahil nagawa ko sa kanya yun."

"Tsk, mas malala pa nga yung ibang ginagawa mo sa kanya dati." Ngiwi niya.

"Paano pasok na ko sa room ko ah, bye." Pumasok na ko sa room ko at pumunta na din siya sa room niya.

Itong nasa likod panay ang kalabit sa akin sa tuwing magsusulat ang prof sa white board or kaya naman naman hindi nakatingin sa amin mga students niya.

Ito lang naman ang naka bangga ni Hadlie, hindi ko alam ang pangalan niya dahil wala akong pake sa kanya.

"Ano name ng kaibigan mo?" Gusto niya tanungin name ni Hadlie.

"Excuse lang class ah,"Sabi ng prof namin kasi may tao sa labas. Nakaka irita na talaga itong lalaki na! Kaya hinarap ko na siya.

"Do you know the word common sense?"

"Yes. Why?"

"Good news at alam mo yun, but the bad news is wala ka nun." Sabay talikod ko sa kanya.

"Ha? Ako wala nun?"

Humarap ulit ako sa kanya,"Oo wala ka nun! Kasi hindi ko na nga sinabi sayo yung name niya kanina pero kinukulit mo pa din ako!" Sabay talikod ulit ko ulit sa kanya.

"Alam mo yung kasabihan na pag may gusto may paraan?"

Humarap ulit ako sa kanya, tapos may sinabi siya "Alam mo para hindi mapagod yan leeg mo kakalingon sa poging nilalang na katulad ko, iharap mo na pati yung upuan sa akin, tutal swivel chair naman iyan." Ang hangin lang naman, such a flirt.

"Alam mo hindi ko kailangan ng opinion mo."

"Ah basta pag may gusto may paraan."

"Alam mo yung kasabihan na pag ayaw may dahilan?"

"Eh ano ba dahilan mo? At ayaw mo sabihin pangalan niya,"

"Hindi ka ba nag-iisip?" Syempre hindi ko naman name yun, paano kung ayaw ni Hadlie ipa sabi yung name niya, edi kasalanan ko pa, magalit pa sa akin yun. Diba?

"Eh ano nga kasi yun?"-pangungulit niya.

"Alam mo kalalaki mong tao pero ang chismoso mo. Close tayo!?"

"Chismis ang dahilan mo? Hindi kwento? Ibig sabihin gawa gawa mo lang yan dahilan mo?"

"Alam mo ka-"

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng magsalita ang prof namin

"Stop that murmuring. Tapos na po ba kumopya?" Napailing kaming dalawa. Kinalabit na naman niya ako nung tumalikod ulit yung prof sa amin at nag sulat sa whiteboard, kaya naman nilingon ko tong lalaki na to.

I really hate boys! Sakit nila sa ulo.

"Please,"Paawa effect pa, akala naman niya mamatay siya pag hindi ko sinabi ko yung name ni Hadlie.

"Pipe down."Sabay talikod ulit sa kanya. Kaso eto na naman panay ang kalabit niya kaya nilingon ko ulit.

"Alam mo ikaw pag hindi ka pa tumigil sa kakalabit mo-"

Hindi ko na natuloy sasabihin ko ng sumabat siya, walang respeto ang loko "Ano? Sasabihin mo na name niya?"

"In your dreams!"

"Eh ano? Baka kaya naman panay ang lingon mo sa akin dahil na g gwapuhan ka?" Gwapo naman talaga siya inaamin ko.

"Yes you are, but sorry to say hindi naman kita type."

"Ouch!"May pa hawak hawak pa siya sa dibdib niya. "Sayang naman, pero okay lang." Drama ang loko.

"Kung gusto mo malaman name niya, edi siya ang tanungin mo. Don't disturb me!" Tapos tinalikuran ko na siya at tinuloy na ang pagko kopya sa sulat ng prof ko.

Natapos na din ang klase, mabuti naman marunong din umintindi tong lalaki na to. Pag labas ko ng room nakita ko agad si Hadlie kaya lumapit agad ako sa kanya.

"Biffle, pinapatanong nung naka bangga mo yung name mo."

Ganon na ba lagi? Bumped to each other, love at first sight?

"Did you tell him?"

"Of course not."

"Good, ayoko malaman niya name ko."

"Tara, dorm na tayo." Kumapit na ko sa braso niya.

Nag kwentuhan lang kami ng nag kwentuhan hanggang sa mag gabi na at nag dinner kami, nag shower, nag toothbrush at natulog.

>>>

https://youtu.be/DIP8SHpXUNY

To my favorite teacher, told me never give up

To my fifth grade crush, who I thought I really loved

To the guys I miss, and the girls we kissed
Where are you now?

Nagising ako sa alarm tone ko pinindot ko yung snooze 5 minutes, inaantok pa kasi ako.

To my favorite teacher, told me never give up

Wala pang 1 minute tumunog na naman?!

To my fifth grade crush, who I thought I really loved

Snooze again.

To my favorite teacher, told me never give up
To my fifth grade crush, who I thought I really loved

Sira ba itong phone ko?

To the guys I miss, and the girls we kissed
Where are you now?

Lumaki ang mata ko at napanganga ng  makita na si mommy pala ang tumatawag, pinalitan ko na nga pala yung alarm tone ko kagabi.

"Hello," sabi ko na inaantok pa.

"Samuela, why you rejected my calls?"

"Sorry, mom I thought it was my alarm clock."

"Okay. What time ba pasok mo?"

"8 am."

"7:45 na hindi ka pa ba mag r ready?" Napa tingin naman ako sa wall clock at nakita ko ngang 7:45 am na at agad akong napatayo at kinuha yung bathrobe and bath towel ko.

"Mom, may sasabihin ka po ba?"

"Wala naman I'm just checking on you lang kung okay ka."

"I'm fine, there is nothing to worry about."

"Good, then I'll hang up-"

"Wait! Can I use my car now? I'll pick it up on Saturday. Please." Please mom, sagot na agad, para makaligo na ako.

"Okay Saturday kunin mo na yung car mo dito sa bahay." Victory to Cacey! Gusto kong tumili kaso tulog pa yung tatlo kong roommates, mamaya pa ata mga klase nila.

"Thanks, mom."

"Basta wag mag h head bang habang nag d drive," paalala niya.

Nadadala lang naman kasi ako ng music.

"Yes, mom, I love you, bye ligo na po ako."

"Bye, love you, ingat." Then, I hang up the phone tapos diretso na sa CR.

"Cacey, hindi ka pa ba tapos diyan?"tanong ni Hadlie na mukhang inaantok pa dahil base sa kanyang boses.  Kakapasok ko pa nga lang.

"Magsisimula pa lang ako."

"Sige."

"Hadlie?"

"Bakit?"

"What time klase mo ngayon?"

"Mamayang 10 pa."

"Mag c CR ka ba?"

"Hindi, gusto ko lang maligo."

Pagkatapos ko maligo nag bihis na ko. Outfit? Maroon bonnet cap, Navy Blue sleeveless, White coat and black shorts and Grey snickers.

Hindi pa ako nakaka pag breakfast, bibili na lang ako ng bread sa canteen para naman may laman tiyan ko, Statistic ba naman ang 1st subject, I hate Math.

Cereal drink na lang bibilhin ko para mabilis, kung bread kasi baka mamaya hindi ako maka kain, ang favorite row ko pa naman sa room ay yung 1st-2nd rows.

"Hoy!"Maka hoy naman sa akin, feeling close lang?

"Ano na naman ba yun Ashleyn?"Tanong ko sa kanya na irritable.

"Kirsten will explain."

"Nakita mo ba si Gage?"Huh? I thought explain, pero bakit question? Goofy.

"Mukha ba akong lost and found?"

"Hindi naman sa ganon kaso gusto lang namin siya makita, este sila pala, gusto nila makitang dalawa si Gage." And the best actress goes to...Is none another than...Yasmin!

They are the Miller Fraternal Triplets. They have their own signature. The eldest Ashleyn 'the most beautiful of them all' that's what she said, but her attitude is worse. The middle is Kirsten 'the most smartest of them all' she is a cheater, ang galing mangodigo. And lastly the youngest Yasmin 'the most kindest of them all' Plastik naman yan, nasa loob ang kulo. Paano ko sila nakilala? Kung saan ako nag high school dun din sila.

"Sorry, hindi eh,"Sabay pout ko.

"Alam mo ba kung saan siya pwede pumunta?"Kunwari mahinhin tong si Yasmin, uto uto din to eh sa mga kapatid niyang desperadang Ashleyn at Kirsten. Pati rin ba siya?

"Ashleyn, andito lang naman yan si Gage,"Sabi ni Kirsten sa kanya at umalis na sila. Aba? Wala man thank you kahit papaano, sinagot ko din mga tanong nila noh, sarcastic nga lang, pero dapat ginaganon talaga sila.

"Miss, ito na po yung cereal drink niyo," Tapos nilagay na nung waiter sa table.

"Thanks,"Tumingin ako sa wrist watch ko, 8 minutes late na ako, kaya ininom ko na yung cereal drink.

"Init,"-sabi ko pagka higop ko sa cereal drink. Nakalimutan ko mainit nga pala to.

"Malamang kita na nga kasing ummusok, hindi man lang iniihipan,"Epal na naman tong Gage na to.

"Pakialam mo ba sa trip ko?"

"Pahiya ka lang."

"Eh kung ibuhos ko kaya ito sayo?"

"Gawin mo."

"Next time na lang, ma le late na kasi ako, ito lang kasi ang breakfast ko hindi kasi ako nagising ng maaga."

"Ay dapat hindi ka na lang nagising."

"Eh ikaw sana hindi ka na lang nabuhay. As in hindi ka talaga pinanganak."

Pagkatapos ko inumin yung cereal drink dumiretso na ako sa room. Ay mabuti naman hindi ko classmate si Gage. Puno na ang 1st row kaya dito na ako sa 2nd row.

Nung matapos na ang klase dumiretso muna ako sa canteen, may next subject pa ko pero gutom pa kasi ako at nakita ko naman si Hadlie doon.

"Biffle, wala kang prof?"-tanong niya sa akin.

"Ewan, gutom pa kasi ako, walang pumapasok sa utak ko, kaya kakain lang muna ako."

"O eto may isa pa kong Tuna Sandwich buy 1 take 1 kasi," sabay abot niya ng isang Tuna Sandwich sa akin.

"Thanks," sabi ko, sabay kagat sa Tuna sandwich na binigay niya. In fairness masarap siya.

"Okay lang?" Nag thumbs up ako bilang sagot.

Nakita ko si Gage sa kabilang table pati din yung Miller Triplets na may tig iisa silang tray na dala. Naghahanap yata ng upuan.

Tinuloy ko ang pagkain ko ng may narinig kaming nabasag kaya napalingon kami sa kung saan narinig yung tunog na iyon.

"Don't touch me, Ashleyn," sabi ni Gage dahil alam na niyang pupunasan siya ni Ashleyn.

Lumapit ako sa kanila.

"Gage, what happened to you?" Tanong ko, sabay takip ng bibig ko.

"Gage, what happened to you?" Pag gaya niya "Tsk!" Sabay kuha ng bag niya sa table at mag w walk out. Pero hinila ko yung backpack niya kaya napaatras siya.

"WHAT!?" Sigaw niya.

"Tutal Ashleyn ikaw naman may kasalanan kung bakit ang dungis niya. Paliguan mo kaya siya?" Suggestion ko.

"I can take care of myself."

"Okay lang, Gage. Para maka bayad na din ako sa iyo."

"Hindi ko kailangan ng bayad. Ano ba Cacey binitawan mo nga yung bag ko."

"Sige bitawan ko bag mo pero hawakan kita. Ano gusto mo?"

"Tsk." Yan lang ang naisagot ni Gage sa akin.

"Tara na paliguan na natin si Gage," sabi ni Kirsten. Natin? Kinuha ni Ashleyn ang kaliwang kamay ni Gage si Kirsten naman sa kanan, binitawan ko na yung bag ni Gage at nasa likod si Yasmin para itulak siya.

Lumingon si Gage sa akin. "Cacey, humanda ka sa akin," sabi niya habang nag p pumiglas.

Nag salute ako sa kanya.

AN: I hope you enjoy this chapter guys :)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro