Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Case 29 Clues


Dedicated to you, sana marami pang sumali sa book club mo at thank you ako dahil nakita ko ang club mo at nasali mo ako. By the way sabi ko sa comment sa club na still joining pa din ako and yes still joining pa din talaga ko, then after nun hindi muna ko sasali ulit pag okay na feasib ko mag jo join ulit sana ako. Mawawalan lang ako ng time muna para i type ang next chapter pero may time pa ko para mag basa.  Have a nice day! XD

Cacey's POV

"Ate Cacey tara." Di pa man ako nakaka sagot hinila na ko ni Bryce patakbo.

"Saan ba tayo pupunta?" Pilit kong hinihila ang kamay niya pero ang lakas niya.

Huminto kami sa tapat ng room ng group therapy. Tinignan ko siya habang naka noot ang noo ko, ito lang pala pupuntahan namin, kung maka hila sasama naman ako.

"Dito tayo pupunta?" Iritang tanong ko sa kanya.

"Tara pasok na tayo." Iwas niya sa usapan pag bukas niya ng pinto andun si Jenna Ano meron? Wala naman group therapy ngayon. Gumawa ba sila ng sariling schedule ng therapy?

"Cacey." Napalingon ako kay Jenna na tumawag sa akin.

"Balak kasi namin mag Scavenger Hunt. Pwede ba ikaw maging hunter?" Hindi na ko tumanggi dahil favorite ko ang larong ito simula nung bata pa ko.

"Ano ba hahanapin?"

"Hindi ano sino." Sagot ni Bryce.

"Okay. Sino?"

"Gage. Your mission is-"

"To find Gage." Magkasabay nilang sabi.

Kahit hindi naman yan ang mission ko hahanapin ko pa din Gage dahil simula pag gising ko hindi ko pa siya nakikita, ayun pala gusto maki pag laro.

"Here's your first clue." May inabot sa akin si Jenna na maliit na papel.

Tumakbo ko palabas ng kwarto at pumunta kung nasaan ang next clue. Nang maka rating ako sa game room may naglalaro ng Table Tennis kung nasaan ang next clue, hinintay ko muna silang huminto. Nung huminto sila pero hindi pa tapos ang laro nag excuse lang ako na may kukunin ako sa table. Dumungaw ako sa ilalim dahil mukhang andun ang clue dahil hindi ko nakikita sa ibabaw, nakita kong naka dikit yun.

"Thanks guys," sigaw ko habang palabas. "Dr. Felicity?" Na kay doc yung next clue. Habang papunta ko sa office niya naka salubong ko siya sa hallway.

"Hi doc, nasa inyo daw po yung isang clue?"

"Ay oo, ito." Inabot niya sa akin ang papel.

"Thanks."

"Sige."

Nung binasa ko yung papel nakita ko nasa right side lang yung next clue kung saan sinu surrender yung mga gamit.

"Hi," bati ko na nag pag gulat sa babae. Busy kasi siya sa pag la laptop.

"Akala ko kung sino."

"Sorry. Yung clue?"

Ngumiti naman siya bago niya binigay sa akin yung papel at nag thank you ako bago pumunta sa room ng Art Therapy.

Hindi ko inexpect na darating kami sa ganito, sabi nga nila expect the unexpected. Pero ikaw ba nag e expect ka na yung kaaway mo ma i in love sayo? Madalas sa story lang mangyari yun. Paano nga ba kami napunta dito?

<< Flashback

Sa una kong pagka kita sa kanya na naka tingin sa akin na naging dahilan para hampasin ko siya, tapos gumanti siya, pero dahil ayoko magpa talo gumanti din ako, gumanti siya, gumanti ako. Umiikot yung mundo naming dalawa sa pag gaganti sa isa't isa.

Nag simula siyang gumanti ng pinag linis kami ng teacher namin nung 4th year high school kami. Nilinis namin yung vandal na ginawa niya, nung natapos ko na yung akin nilagyan niya ulit yung board na nilinis ko. Ayoko na mag linis kaya tinawagan ko na lang si mommy na mag donate ng bagong white board sa school.

Pagkatapos ng nangyari, hindi ko alam kung kailan ako gumanti. Basta yung backpack niya nasa field, may kausap siya sa phone niya kaya mabilis kong nakuha, tumakbo ako papunta sa CR ng girls at nilagay ang bag niya sa pinaka dulo na cubicle.

Lumipas ang ilang araw at nalaman niya na ako nag lagay ng backpack niya sa CR ng girls.

"Wag mo sabihin pina rewind mo yung CCTV para makita mo sino kumuha?"

"Ganon na nga." Inirapan ko siya at nahagip ng mata ko yung upuan ko na wala ng bag.

"Where's my bag?"

"Tignan mo na lang siguro sa CCTV kung saan ko nilagay yung bag mo."

"Biffle, I saw your bag in the faculty room." Nakita kong naka sabit kay Hadlie yung satchel ko at ibinigay sa akin. Wow naman! Doon pa niya talaga naisip na ilagay yung bag ko, pero at least hindi sa CR ng boys.

"Thanks." Kinuha ko yung satchel ko. Nang maramdaman ko na gumaan yung bag ko na parang walang laman sa loob mabilis kong binuksan yun at tama nga ang hinala ko dahil nawawala yung mga gamit ko.

"Daya mo, ikaw bag lang tinago ko sa akin pati loob ng bag ko." Sigaw ko sa kanya habang nag li lip sync siya.

"Magaling ata to." Pagyayabang niya. Sige tignan natin kung sino mas magaling.

"Hadlie, samahan mo ko mag hanap." Lumabas na ko ng classroom at sumunod naman siya narinig ko pa siya sa sinasabi niya.

"Ayan kasi, tinago mo pa yung bag niya ayan tuloy."

"Pwede ba tulungan mo na lang ako?"

"Whatever. Tignan mo sa CR ng boys baka andun yung iba mong gamit, kasi nilagay mo yung bag niya sa CR ng girls."

Pagka dating namin sa tapat ng CR ng boys, pinipilit ko pa siyang samahan niya ko sa loob.

"Ikaw na, masama kaya pumapasok ang babae sa CR ng boys."

"Pero sinabi mo na sa akin kung ano itsura ng CR ng boys."

"Oo, pero hindi dito sa school, sa mall yun at tiyaka bata pa ko nun, si dad lang kasama ko."

"Dali na samahan mo na ko." Pagmamaka awa ko sa kanya habang naka hawak sa kamay niya.

"Dito lang ako para may lookout." Binitawan ko na siya at pumasok na sa CR.

Hindi ko mahawakan yung mga pinto para buksan yung mga cubicle dahil baka ma trace nila ko, diba kasi bumabakat yung finger print. Kaya naman sinisipa ko na lang yung mga pinto, pag sipa ko sa pang sampu na pintuan na may lalaking nakatayo sa loob at napasigaw naman siya, natamaan ko ata likod niya.

"Sorry," sigaw ko at tumakbo na ako palabas wala rin naman doon sa cubicle na yun yung mga gamit ko. Hindi ko pa nabuksan lahat ng cubicle, mamaya na lang pag wala na yung lalaki.

"Yari ka biffle baka mapa tawag si Tita Charlotte."

"Nanakot ka ba?"

"Effective ba?" Hindi ko na siya sinagot dahil nakita ko na yung lalaki na lumabas kaya pumasok na ulit ako sa CR. Nabuksan ko na lahat ng cubicle dito pero wala ang mga gamit ko. Tinignan ko din ang ibang CR ng boys pero wala talaga.

"Try mo kaya hanapin sa music room." Suggestion ni Hadlie.

"Sa music room? Mukhang hindi niya ilalagay yung mga gamit ko doon kasi gusto niya ko mahirapan sa paghahanap."

"Malay mo naman."

"Doon na nga lang tayo sa Art room." Member kasi kami ng mga clubs dito ako sa music, si Gage naman sa art.

Napuntahan na namin halos lahat ng rooms dito sa school pero hindi ko talaga makita mga gamit ko.

"Biffle, tara palit mo na tayo ng damit pawis na tayo sa kakahanap." Suggestion ni Hadlie at nag punta kami sa locker namin kung nasaan yung mga damit namin.

"Andito lang?" Sigaw ko. Nasa locker ko lang yung mga gamit ko sa bag as in kumpleto. Paano naman niya nalaman yung code ng locker ko?

"Hanap tayo ng hanap diyan lang pala niya nilagay." Naiiling na sabi ni Hadlie.

After nun ako naman gumanti, tapos siya ulit, pa ulit ulit lang naman basta pag tapos ko siya naman pag tapos naman niya ako naman.

>>> Present

Pag tapos ng art room, sa office naman ni Dr. Carl, then sa kwarto ni Bryce, sa kwarto ni Karen, sa kwarto ni Lara, sa visitor's room.

Ngayon naman andito na ko sa pinaka favorite kong place dito sa ward ang music room at wala silang binigay na specific kung nasaan ang specific clue dito sa music room, kaya naman lahat ng nahahawakan kong instrument ay tinugtog ko yun nga lang hindi kanta, baka kasi may naka dikit na clue sa isang instrument dito, ang wala lang na instruments dito ay ang mga wind. Isang instrument na lang ang hindi ko pa tinitignan, baka sakaling andun na sa drums yung clue, agad akong tumingin sa bass drum dahil may butas yun sinilip ko ang loob at napangisi ako ng may nakita akong papel na maliit at kinuha yun. Pagtayo kay may narinig ako na kumakanta.

Who knows
crazy as life goes
we'll write a story
we tell til were very old
so let's live lost in the moment
taking it all in as we go...

Binasa ko ang next clue habang palabas ng music room. "Rooftop?" Grabe ano naman kaya hahanapin ko sa rooftop, mamaya nilipad na yung papel kung nasa rooftop ang next clue. Ayoko pumunta mag isa sa rooftop hindi kasi kami basta basta pwede pumunta dun, napunta lang kami ni Gage sa rooftop dati dahil naghahabulan kami.

let's go into the unknown
letting our lives flow
together we'll lose control
I know that lately
I've been acting crazy
We gotta let this feeling roll.

Kahit saan naririnig ko yung kanta, kumakanta siguro yung nasa information kaya naririnig kahit saan.

you know I'm counting on you not running
stay with me let it keep on coming
you and I need to hold on through
as the world is in constant motion
you stay with me through this strange emotion
you and I, we will make it through

Kinatok ko ang mga kwarto na mga medyo close ko dito pero walang mga sumasagot kahit naka lagay sa signage na nasa loob sila. Bahala na umakyat na ko at pag dating ko sa rooftop kumakanta si Gage.

"Close your eyes and dream
Feel the wind on the open highway
All I need is the breeze and your love"

Sa kanya lang naka tingin ang mata ko na parang siya lang ang tao dito kahit ba ang dami nila. Ito pala ang purpose ng Scavenger Hunt, hawak ko pa din yung mga clues. Napalingon ako kay Lara ng kalabitin niya ko pero agad ulit ako tumingin kay Gage, binigay ko kay Lara yung mga clues dahil binulong niya sa akin na ibigay ko daw sa kanya.

Lumapit sa akin si Gage at sinabi ang huling linya ng kanta.

"Oh you and I, we will make it through"

Mukhang matatagalan na ulit ang next update ko dahil ang mga break time ko ay para na sa pag gawa ng feasib at ang pahinga ko naman ay ang pag basa ng story dito sa Wattpad. But don't worry tatapusin ko pa din ang story na to kahit pa mawalan ng readers. Thanks for reading, Julie II loves you. XD






Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro