Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Case 23 Surprise Visit


Cacey's POV

Sakto pag bukas ko ng pinto ng kwarto ko, kaka bukas lang din ni Gage ng pintuan niya. Naka pyjama nga lang ako pero naka jacket naman, siya rin ganon naka pyjama tapos naka jacket.

"Good morning," bati niya.

"Good morning. Mukha ngang good ang morning natin ah."

"Breakfast na tayo." Pag aaya niya.

Oatmeal ang hinanda sa amin na Breakfast. Nag pahinga lang kami ng 5 minutes after namin kumain umalis na kami doon sa table, nag punta muna kami sa Art room, diba nga tuturuan niya ko mag drawing?

"Hands." May dala siyang mga paint brushes tapos paint colors. Pinakita ko sa kanya yung dalawang kamay ko. Pero hindi niya binigay sa akin yung mga hawak niya kung hindi nilagay niya ito sa upuan.

"Red hands?" Gusto pala maki pag laro.

"Sige ako papalo." Nilagay niya yung dalawang kamay niya sa ibabaw ng dalawang kamay ko.

Hindi ko pa napapalo ang kamay niya kasi sa tuwing papaluin ko na iilag siya kaya hindi ko matuloy.

"Last try mo na yan. Ako naman papalo." Malas dahil ang bilis masyado ng kamay niya. Nilagay ko naman yung dalawang kamay ko sa ibabaw ng dalawang kamay niya.

"Aray." Expression ko, masakit eh.

"Sorry." Ang bilis naman ng kamay neto, dati atang snatcher to. Biro lang!

Kaya ito yung dalawang kamay ko ulit nasa ilalim. Bigla naman kami lumingon sa may pintuan

"Ate Cacey, may naghahanap sa inyong dalawa ni kuya Gage," sabi sa amin ni Bryce.

"Sino daw?" tanong ko.

"Hindi ko po alam eh." Nagkibit balikat na lang si Bryce at nag paalam na sa amin.

Nagka tinginan muna kami ni Gage bago kami pumunta sa visitor's room. Mukhang may alam na kasi kami kung sino. Pagpasok namin sa room. Di nga kami nagkaka mali dahil andito si Hadlie. Bakit pati si Gage hinahanap niya?

"Hadlie, paano mo nalaman?" Tanong ko.

"Diba one time tumawag ka? Umi iyak ka nga nun eh."

"Pero paano mo nga nalaman na andito ako?"

Pero bago pa siya naka pag salita "Pasok muna tayo. Oo nga pala bakit pati si Gage hinahanap mo?"

"Hindi naman ako nag hahanap sa kanya. Kasama ko si Sean, may binili lang saglit."

"Yari ka kay Seabyl." Panakot ko sa kanya.

"Ang pinunta ko ikaw, ang pinunta niya si Gage."

Umupo na sa kabilang table si Gage at nag simula na kami mag usap ni Hadlie. Nakita ko na din na dumating si Sean at pinuntahan si Gage.

"Nag kwento yung mommy mo sa akin. Umiiyak nga siya eh." Ako pala ang dahilan, kawawa naman si mommy.

"Sila Jayla alam ba?"

"No hindi nila alam." Ngiti niya sa akin.

Gage's POV

"Paano ka napunta dito?" tanong ni Sean sa akin. Mabuti naman hindi niya ako tinanong kung kamusta ako, kasi kung hindi. Hindi ko talaga alam, dahil alam naman niya yung sagot. Bakit niya pa tatanungin?

"Naalala mo ba yung kay Jake?"

"Oo. Yun ba ang dahilan?"

"Yun nga. Na trauma ako sa nakita ko."

Ayaw ko banggitin yung pinagdaanan ko sa kabet ni papa. May mga bagay hindi dapat sinasabi sa lahat kung ikaw mismo sa sarili mo nahihiya ka aminin yung nangyari sayo kahit hindi pa ikaw ang may kasalanan. Tama na yung dalawa ang nakaka alam si Cacey pati yung Psychiatrist ko.

"Ikaw buti ka pa wala ka sa posisyon ko ngayon." Sabi ko sa kanya.

"Napag daanan ko din yan. Nung nag punta kami sa America lagi ko napapanigipan yung nangyari kay Jake. Then, sa America ako nag therapy for almost 2 years."

"Kaya ba dun ka nag-aral?"

Tumango siya. "Dapat talaga bakasyon lang kami. Pero napansin ni mommy at daddy na lagi ako umiiyak, sumisigaw. Kaya pina extend nila ang pag stay namin doon."

"Ano kaya itsura ni Jake ngayon kung andito pa siya?" Napa isip ako.

"Gwapo. Pero mas gwapo pa din ako."

"Nahiya naman ako sayo. Ako kaya pinaka gwapo."

"Cute ka lang. Yihee! Kuya payakap." Nag beautiful eyes pa ang loko. Sapakin to eh.

"Andito rin pala si Cacey noh." Ngayon niya lang napansin?

"Oo mas nauna lang siya sa akin dito."

"Ano kaya pinagdadaanan niya?" Hinawakan ni Sean ang baba niya na para bang nag-iisip

"Wag mo na isipin, nagiging okay naman siya."

Tumingin siya sa wrist watch niya. "Babalikan na lang kita. Sa ngayon kailangan ko na umalis, may date pa kami ni Seabyl."

"Sana mag tagal kayo."

"Feeling ko siya na forever ko." Sabay hawak sa dibdib niya. Drama ni loko.

"Feeling mo lang yun. Wala na ngang forever, minsan hindi pa umaabot sa lifetime."

"Sige alis na ko. Pagaling ka." Tinap niya yung balikat ko at nag punta siya sa table nila Cacey para mag paalam siya. Si Sean umalis na si Seabyl kausap pa din si Cacey.

Lumapit ako kay Cacey. "Katukin mo lang ako sa kwarto." Ngumiti naman ako kay Hadlie at ngumiti din siya sa akin pabalik.

"Sige. Sorry ah, usap lang kami."

"Okay lang." Ngiti ko. Gusto ko kasi matulog.

Pag dating ko sa kwarto agad akong dumapa sa kama.

Cacey's POV

Umabot kami ng One hour sa pag-uusap ni Hadlie, hindi kasi siya maubusan ng kwento. May ku kwento pa nga daw siya pag balik niya. Kaso kailangan na daw niya umalis kasi manonood pa siya ng sine.

Ilang beses na kong kumakatok sa kwarto ni Gage at tinatawag ang pangalan niya, pero walang sumasagot.

"Natulog siguro," sabi ko sa sarili ko.

Nag lakad na ko pero umatras ulit ako dahil may naalala ako.

"Baka nag suicide?" Alalang tanong ko. Hindi ko naman pwede basta pasukin yung kwarto niya kahit hindi naka lock.

Hindi pwede i lock ang mga kwarto dito, malalaman mo lang may taso sa loob pag ang sign ay "The Patient is IN"

"Paano nga pala siya mag su suicide? Tali ng sapatos, wire ng bra pina patanggal pa. Hindi naman siya nag ba bra ah."

"Ate Cacey, sino kausap mo?" tanong ni Bryce na iki nagulat ko.

"Ah. Nag-alala lang ako kay Bryce. Kanina pa kasi ako kumakatok, walang sumasagot."

"Gusto mo bang pasukin ko?"

Dahil sa pag alala ko pumayag na ko. Binuksan ni Bryce ang pinto. "He's sleeping."

"Thank you, sige. Ako na bahala sa kanya." Pumasok ako sa kwarto ni Gage at si Bryce naman lumabas na.

Ang lamig naman ng Aircon niya hindi man lang giniginaw, wala kasi siyang kumot at hindi man lang naka yakap sa sarili, naka tanggal din ang jacket niya, naka Black V neck na lang siya at yung pyjama. Tinignan ko nga yung mukha niya kung pinag papawisan hindi naman, hinawakan kung kamay niya kung malamig, medyo lang.

Kinuha ko yung naka tuping kumot sa gilid ng unan niya at pinagpag yun para bumukas at kinumutan ko siya hanggang tiyan lang niya. Kiniss ko yung forehead niya, bago ako lumabas ng kwarto.

AN: Kamusta ang instant bakasyon natin mga readers? Hehehe! Keep safe everyone. Thanks for reading. Julie II loves you. :)


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro