Case 18: Save Our Souls
Gage's POV
Nagising kami sa katok. "Boys, gising na 6 am na!" Sabi ni sir, basta si sir hindi ko kasi alam kung sino.
Hindi namin siya pinansin at bumalik sa pag tulog.
"Gumasing kayo wag kayong mag-alala hindi school pupuntahan natin kaya mag si gising na kayo!" sigaw na naman niya.
Bumangon na ko at kinuha yung twalya na nasa backpack ko para maligo.
>>>
"Kung sino ang katabi niyo yun ang magiging partner niyo," sabi ni dean.
Tumingin ako sa right side ko alam ko naman na kung sino, kumindat siya sa akin sabay hatak sa wrist ko.
"Where's Sean?" tanong ko kay Cacey. Hindi naman dahil sa ayaw pero si Sean kasi yung katabi ko kanina.
"Naki pag palit si Sean kay Jayla, dapat kami ni Hadlie mag partner, kaso nahihiya si Jayla na ka partner ka, kaya nag volunteer ako."
"Lets go!" Masayang sabi ng dean.
Sumakay kami sa bus hindi namin alam kung ano pupuntahan namin.
"Andito po tayo sa Nacpan Calitang Twin Beach," sabi sa amin ng tour guide.
Cacey's POV
"What are you doing?" Tanong ko kay Gage habang naka higa siya na parang nag s snow angel.
"Sand angel!" Masaya niyang sagot. "Try mo, it will be fun."
Humiga ako sa buhangin at ginawa nga ang sand angel.
"Mukhang masaya yan ah," sabi ni Seabyl tiyaka humiga at nag sand angel din.
Sumunod na si Sean, tapos sina Axel, Rex at Tyler, sumunod na din si Hadlie at Jayla, naki sama na din ang The Miller Triplets.
Nang nag sawa kami agad kaming lumusong sa dagat dahil puno ng buhangin ang mga rash guard namin.
Hindi nag tagal bumalik din kami sa sand. Hinuhukay namin ang buhangin at nilalagay kay Tyler yung mga nahukay namin.
"Aray naman!" Sigaw niya ini itsa lang kasi namin sa kanya yung buhangin,
hindi naman itsang itsa masakit kasi sa tuhod dahil mabigat.
"Bye," sabi namin. Yung katawan niya naka baon pero yung ulo naka labas.
"Hoy!" Sigaw niya. Dumiretso kami kay Ashleyn na kuma kanta ng Part of Your World.
"Uy gusto ko ng mermaid sand. Gawan niyo ko ng buntot." Request ni Ashleyn.
"May buntot ka na kaya, papahirapan mo pa kami," sabi sa kanya ni Kirsten.
"Sira! Mermaid tail ang gusto ko."
Habang ginagawa ng boys yung mermaid tail niya kami naman mga babae nanonood, si Tyler naman halos mapaos na sa kaka sigaw.
"Wag niyo naman ibagsak yung buhangin, bigat kaya sa tuhod," pag re reklamo ni Ashleyn.
Ang ganda ng buntot na ginawa sa kanya tapos sa may bandang gilid sa baba naka lagay yung name niya na Ashleyn.
"Ako rin gusto ko," sabi ni Kirsten.
"Wait lang picturan mo muna ko."
"Tanggalin lang namin yung buhangin ni Tyler," sabi ni Gage. Pinuntahan nila si
Tyler na napagod na ata kaka sigaw.
Hinubad ni Ashleyn yung rash guard niya may swimsuit pala siya sa loob. Teal na tube.
"Si Yasmin na lang," suggestion ni Kirsten.
"Ayoko, hindi marunong yan."
"Wow ha."
Halos lahat nag mermaid kahit yung mga lalaki nag mermaid men, kami lang ata dalawa ni Gage ang hindi.
"Ayaw niyo? Kayo lang dalawa wala," sabi ni Hadlie habang naka pout pa.
"Tao kami eh," sabi ko at inakbayan si Gage.
Lumayo kami ng ka onti para maka pag sulat sa buhangin. Nag sulat ako ng name ko yung 'Samuela' Si Gage naman 'Alexavier'. Nag sulat din ako ng 'El Nido' si Gage naman 'Palawan' Kung sa akin 'Seize the day' Sa kanya naman 'Carpe diem' Nag sulat na din ang iba may naka lagay na 'Season In The Sun, Dream, October, etc.'"
"Loko kayong dalawa," saway sa amin ni Hadlie.
"Bakit?" tanong ni Jayla.
"Ayan o," turo ni Hadlie sa sinulat namin ni Gage. Nag sulat kasi ako ng 'Help' si Gage naman 'S.O.S'"
"Save Our Souls," sabi ni Gage.
Pinicturan lang namin yung sinulat namin at agad namin binura ni Gage yung sinulat namin na Help at S.O.S
"Bakit tayo nag sulat ng ganon?" tanong ko kay Gage.
"Hindi ko rin alam. Siguro hindi naman sa lahat ng oras kaya natin mag-isa, may kahinaan din tayo at kailangan natin ang tulong ng iba, hindi naman tayo perpekto." Napa tango ako sa sinabi niya.
"Siguro may rason bakit ka nag sulat ng Help."
"Tulad nga ng sabi mo kailangan din natin ng tulong ng iba." Kinindatan ko siya.
Mas nag enjoy kami sa sand kaysa sa pag swimming. Naka pag lunch na din kami at umuwi sa tinutuluyan namin para maka pag siesta.
Nang hindi na ganon ka taas ang araw, nag pasya na kaming pumunta sa next destination namin.
Bumababa kami sa isang lugar dito sa El Nido.
"Dadaan po tayo ng mga river streams at mag t trekking po tayo," sabi sa amin ng tour guide.
Sinumulan namin ang paglalakbay papunta sa falls.
"Malayo ba kuya?" tanong ko.
"Malayo layo po."
"Dito na lang tayo maligo, malayo pala." Umupo si Sean sa ilog.
"Bahala ka diyan," sabi sa kanya ni Gage at nilag pasan namin.
Magka hawak kaming ng kamay ni Gage habang tinatawid ang ilog, nauuna lang siya sa akin.
"Thanks," sabi ko ng naka apak na ulit kami sa lupa.
Sa gitna ng paglalakad namin bigla na lang sumigaw si Yasmin.
"May kalabaw!" Mabuti naman hindi nagising yung kalabaw, baka sugurin kami dahil sa gulat. Naka tali naman ata.
"Mag lakad ka na kung natatakot ka," sabi sa kanya ni Kirsten.
Nung maglalakad na ulit sa ilog hinawakan ulit ni Gage ang kamay ko para maka tawid.
"Thanks."
Ang haba ng nilalakad namin yung iba gusto sa ilog na lang maligo. Nakita namin si Seabyl na humiga sa field habang tumatawid pa kami sa ilog.
"Pahinga muna tayo," sigaw niya.
Umupo kaming lahat at kumuha ng inumin sa bag.
"Kuya, gusto niyo po ng tubig?" tanong ni Ashleyn sa tour guide.
"Wow ang bait," sabi namin lahat.
"Syempre napapagod din si kuya tiyaka marami ako dalang tubig." Pinakita niya sa amin yung bag niya na puro mga mineral water yung laman.
"Thank you po, ma'am." Ngitian lang siya ni Ashleyn.
"Mabait din naman pala si Ashleyn, kayo masyado kayong judgmental." Sita sa amin ni Jayla.
"Parang siya hindi." sita naman sa kanya ni Seabyl.
"Breaking news." Nag taas ng dalawang kamay si Hadlie.
"Ano naman tsismis mo?" tanong ko sa kanya.
"Hindi to tsismis kwento ito. Game. Si Cacey tiyaka si Gage magka hawak kamay kanina!" Sabay hiyaw niya at naki hiyaw na din yung mga kaklase namin.
"Wait," tinaas ko yung kamay ko para tumahimik sila. "Pag dumadaan lang sa river streams yun, pag nasa lupa na nag hi hiwalay na yung mga kamay namin."
"Wala!" Sigaw ni Tyler. "Magka hawak pa din ng kamay yun!"
Hindi na lang ako nag salita si Gage nakita kong namumula nahihiya siguro.
"Baby, please try to forgive me" Nag simulang kumanta si Ashleyn.
"Wait lang," pigil ko sa kanya. "Rex, pahiram ng guitar mo." Dahil medyo malayo kami ni Rex dumaan muna sa anim na tao bago ko nakuha yung guitar niya.
Nag simula ako mag strum. Tinanguan ko siya bilang signal na pwede na siya kumanta.
Baby, please try to forgive me
Sumabay na ko sa
Hold me now don't bother if every minute it makes me weaker
Kumanta na din si Gage sa
You can save me from the man that I've become, oh yeah
Sumabay na yung mga kaklase namin sa chorus.
Lookin' back on the things I've done
I was tryin' to be someone
I played my part, kept you in the dark
Now let me show you the shape of my heart
Nag sabay kami ni Gage kaming dalawa lang ang kumanta nung lyric
So help me I can't win this war
"Kuya, sali ka sa amin." Aya sa kanya ni Kirsten.
Mag isang kumanta si kuya
I'm here with my confession
Got nothing to hide no more
I don't know where to start
But to show you the shape of my heart
"Ganda ng voice ni kuya." Puri sa kanya ni Yasmin at agree naman kami dun.
Nag palakpakan kami after namin kumanta.
"Tapos na ang pagpapa hinga tara na." Tumayo si Seabyl at sumunod sa kanya. Siya ata ang tour guide namin, kasi sa kanya kami sumusunod.
Medyo mahaba pa ang nilakad namin.
"Save our souls," mukhang pagod na pagod na si Gage.
"Okay ka lang?" Tanong ko nung nadapa siya. Tumango lang siya, pero parang hindi na niya kaya.
"Naririnig ko na yung falls!" Masayang sabi ni Seabyl at tumakbo na.
"Sean," tawag ko. Tumigil siya sa pag lalakad para humarap sa amin. "Si Gage."
Turo ko na hinihingal.
"Hinihika na yan."Lumapit si Sean sa amin. Binuksan niya yung backpack ni Gage at may kinuha na inhaler.
"Bakit?" tanong ni kuya sa amin. Napansin niya siguro na si Seabyl lang sumunod sa kanya kaya bumalik siya.
"Hinihika daw po," sagot ko.
"Okay ka na?" tanong sa kanya ni Sean at tumango lang siya.
Pinasan niya si Sean at naiwan ni Gage yung bag niya kaya ako na lang nag bitbit.
"Girlfriend duty," asar sa akin nila Hadlie. Di ko na lang sila pinansin at nag lakad na lang.
Ang bigat na ng dala ko. Hindi kaya ako naman hikain nito?
"Bigyan niyo si Cacey ng tubig, kawawa naman hinihingal," sabi ni Kirsten.
"Thanks. Meron naman ako dito." Pinalo ko yung backpack ko para sabihin na may tubig sa loob.
Dalawa lang kami naka upo ni Gage sa batuhan habang sila nag s swimming na at nag si si talon naman yung ibang mga lalaki. 10 minutes ata kami nag pahinga ni Gage bago kami tumayo.
"Cacey, akyat tayo dun sa bato tapos talon tayo."
"Ayoko, baka malalim yan."
"Magaling ka naman na lumangoy, basta wag ka lang magpa panic. Hindi naman kita papabayaan eh."
Lumangoy kami ng ka onti para maka punta sa bato. Nauuna siya sa akin umakyat, binibigay niya yung kamay niya para maka akyat ako.
"Save our souls!" Sigaw ni Gage. Nag backflip siya bilang talon.
"Ikaw naman," sabi niya pag ahon ng ulo niya.
"Geronimo," sigaw ko at tumalon.
Pag ahon ko winisikan ko siya ng tubig. Tinatawanan ba naman niya kasi ako.
AN: Kung gusto ng dedication, feel free to post on my MB. Thanks for reading. :)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro