Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Case 10: Welcome

Hey, thanks for inviting me on Blaxian Book Club. And now this chapter is for you, have a nice day :))

1 week na ang naka lipas simula nung na suspend ako este kami pala ni Gage. Friday na nga ngayon eh, Friday the 13th.

"Miss Foster, you're 18 minutes late." I know, sir, no need to tell me.

"Sorry,"sabi ko na walang gana.

"Take your sit." At umupo naman ako sa upuan ko.

"Now who is Bloody Mary?" tanong niya.

"Yes sir?" Sabay turo niya dun sa kaklase kong lalaki kaya naman lumingon ako sa likod.

"Yan po sir yung pag sinabi mo daw yung Bloody Mary ng 13 times may mangyayari daw na masama sayo." Pfft. Dati pa yun ah, pero sabi nga nila.

Nagtawanan naman yung buong klase kasama na yung prof dahil sa sinagot niya.

"Wrong, -10 for your recitation," sabi nung prof namin.

"But sir?"

"I'm just kidding. Anyone knows the answer?"

"Sir?" Sabay taas naman ng kamay nung lalaki na nasa kabilang side.

"Yes, who is Bloody Mary?"

"Diba sir yan yung sa palabas, kung sino daw mag Bloody Mary siya daw papalit kay Bloody Mary?" At tawanan na naman ang buong klase. Napanood ko din ito isang beses eh, kaso nakalimutan ko na kung ano yung title.

"Sit down, you're not answering my question, you're asking me and I don't know the answer," sabi niya na naka smile.

"Sir?" sabay taas ng kamay ni Gage.

"Yes, Mr. Rafferty?" At tumayo naman si Gage.

"Bloody Mary was Mary I she was the queen of England and Ireland and she is the daughter of Henry VIII and Catherine of Aragon." Wow, he is really smart. Ang alam ko nga lang multo si Bloody Mary.

"Correct and why was people called her Bloody Mary?"-tanong ulit ng prof. "If you answer this I'll give you plus 5 points in midterm exam," dagdag pa niya.

"In late Renaissance Protestants and Catholics are fighting in separate camps. For a time she allowed Protestants to live quietly in England but once she was married to Phillip II of Spain. About 300 people were burned to death in her short reign of five years. This is what gained her the nomenclature of 'Bloody Mary'. That's it."Nagsipalakpakan na yung mga kaklase ko at naghiyawan pa may mga nagsibulungan pa ngang mga babae.

"Cute ni Gage noh at ang talino pa?"

"Pa tutor nga ko sa kanya."

"Wag kaya ako mag-aral para sa midterm exam para naman maturuan ako ni Gage."

"It makes me impress you again. Way to go, now take your seat."

"Thank you, sir."

Pag dating ko sa room onti pa lang yung mga andito umupo na ko sa designated seat ko at nag bow ng head. I wanna sleep forever.

"Cacey?" Ginigising ako ni Katie classmate ko dito sa Music.

"Andyan na ba si ma'am?" tanong ko na inaantok pa.

"Class." Hindi na siya sumagot pa dahil nga nag salita na yung prof namin. "Our midterm is you will play an instument and you will sing individual, ngayon pa lang sinasabi ko na para makapag prepare kayo.

May kumatok naman sa pinto na may hawak na mga papers at pinuntahan ni ma'am yun.

"Cacey, what will you play?" tanong ni Katie

"I don't know yet."

"Okay."

"Class I have good news for you." Para naman kaming bata na gusto niyang i surprise, binigyan niya kaming mga nasa harap nung papers at pinasa namin sa likod at nung nabasa namin...

"Field trip?" tanong ni Katie. Ako rin ganon din tanong ko ang alam ko kasi pag College wala ng field trip, kayo na lang gagawa pero ito nga mag f field trip kami, tiyaka dapat lang mga nasa 100K kaya tuition dito isang sem, hindi kasama yung dorm.

"In Palawan?" tanong ko, hindi lang kasi sa Puerto Princesa kami pupunta pati na din sa El Nido.

"Airplane ride talaga?" Tanong naman nung kaklase ko.

"Sana mag October na!" sigaw nung kaklase kong lalaki na nasa likod.

"After ng final exam yan. Pa sign niyo na din yan sa parents niyo kung pupunta kayo kasi sa 1st week ng August mag pa pa book na tayo. Wala na kayong babayaran kukunin na yan sa tuition niyo."

Lumipas ang oras at last subject na namin. P.E ang last subject namin, Tennis ang sport. Kinuha lang namin saglit yung tennis racket namin sa dorm and nagpalit na din kami ng pang Tennis. Wala talaga kaming uniform kahit yung P.E wala basta ang attire pang Tennis kahit pa iba iba kayo ng brand or color ng suot.

"Seabyl, can you braid my hair?" sabi ko sa kanya sabay abot ng tali at isang suklay sa kanya.

"Next ako," sabi ni Hadlie.

"Ako din ah," sabi naman ni Jayla.

"Ano to gayahan?" Tanong ni Seabyl tiyaka sinuklayan yung buhok ko. "Mag b braid na nga din ako." dagdag pa niya.

"Sino gaya gaya ngayon?" tanong ni Jayla sa kanya.

"Kasi naman lahat kayo naka braid." Galing nga mag braid ni Seabyl ng sarili niya, as in yung likod niya na hindi naman niya nakikita pero ang ayos ng pagkaka braid niya sa sarili niya.

"Yan, okay na," sabi niya, sabay abot ng suklay sa akin.

"Next customer please," Sabi ni Seabyl habang tumatayo ako.

"Don't tell me,"sabi ko sa kanya na natatawa, parlor pala.

"I'm just kidding,"sabi niya.

Kinuha ko yung Tennis visor na nasa drawer ko at sinuot ko sa ulo ko.

Outfit: Pink Tennis visor, Grey dress with White and White shoes, plus my Tennis Racket.

"Bye Seabyl," sabi ni Jayla nung natapos na din siyang i braid.

"Ang daya, pagkatapos ko kayong i braid, iiwan niyo ko? Wag ganon." Natawa naman kami sa kanya.

After niya mag braid at ready na kaming lahat, pumunta na kami ng Tennis Court. Naabutan namin nag s stretching na sila at sumabay na kami. After ng stretching.

"Ms. Foster and Ms. Mason you're the one who will play first."

Pumwesto na kami at ako ang mag s serve, dinrible ko muna yung bola at hinagis pataas tiyaka ko tinira with grunting.

>>>

Gage's POV

Saturday na Saturday may klase kami sa Physics.

"Try to solve this," sabi ng prof namin sa Physics, sabay sulat sa White board.

Mech Pen, calculator, eraser and yellow paper ang ginagamit namin pag dating sa computation sa Physics tiyaka namin i b ballpen pag final na ang solution and answer.

"Wait that's my mech pen," sabi ni Cacey.

"Akin to eh,"sabi ko sa kanya sabay layo nung mech pen sa kanya.

"My mech pen is color Teal."

"Bakit ikaw lang ba pwede magkaroon ng ganon na color na mech pen?" Tanong ko sa kanya.

"Tiyaka wala naman name yun plus kalalabas ko lang kanina sa bag ko nun," sabi niya. Sisihin daw ba ko?

"Kasalanan mo yan, basta akin to." Sabay sulat ko.

"Akin yan, nakita ko yung palatandaan."

"Anong iyo? Galing sa backpack ko to." At nagsimula na kami mag-agawan.

"Ibalik mo sa akin yan, Gage."

"Paano ko ibabalik sayo? Eh akin nga to."

"Sa akin nga kasi yan, baka nahulog lang sa bag mo kanina."

"Nahulog? Naka sara backpack ko nung kukunin ko to at pag bukas ko andun yung mech pen."

"Give it back." Pinalo niya sa mukha ko yung yellow pad paper kaya nakuha niya yung mech pen sa akin.

"Masakit yun ah," sabi ko sa kanya. Pinabayaan ko muna siya mag solve kilala ko mag solve yan pencil muna pag sure na siya i b ballpen na niya tiyaka siya mag p proceed sa number 2. After niya gamitin yung mech pen ko kinuha ko na tiyaka tinabig ko yung kamay niya para pumanget yung sulat niya ayaw pa naman ni sir ng panget ang sulat at may bura. Gantihan lang yan.

"You'll be so dead," sabi niya. Kaya naman tumakbo na ako at hinabol ako, habulan kami ng habulan. Nakita ko nga yung iba may gawa pero mali yung iba naman blanko yung mga papel nag iintay ng sagot ng katabi.

"Miss Foster and Mr. Rafferty, what are you doing?" Tanong ng prof namin na galit na galit.

"Kinetic energy," sagot ni Cacey.

"I told you what to solve on the board, not to run in this classroom, go to the dean now," sigaw niya sabay turo sa pintuan.

"Sir, we're doing our topic," sabi ko.

"Do you want 5.0 grades in this subject or you will go to the dean?" Ang hirap naman ng pagpipilian, pag bumagsak kami pwede pa ulit mag-aral dito, pag pumunta sa dean, baka kick out . Bahala na nga.

Pag dating namin ni Cacey sa tapat ng pintuan ng office, kinabahan ako baka kasi patalsikin na ako dito, yari na naman ako kay papa niyan.

"Ma'am, naghahabulan yan dalawa na yan sa classroom ko," sumbong niya sa dean. Binuksan niya ang hand carry battery fan niya.

"Uh-huh," sabi nung dean na tumatango tango pa habang naka harap sa laptop niya.

"It's kinetic energy," sabi namin ni Cacey.

"Uh-huh," Sino ba kausap ni dean? Yung laptop o kami?

"Naku po lagi nag-aaway yang dalawa na yan, yan na ang buhay nila parang ikamamatay nila pag hindi sila nag-away. Ano po ba dapat natin gawin sa kanila?"

"Uhm,"-hinarap na kami nung dean.

"Kill me now," suggestion ni Cacey.

"You want? I can do it right now,"sabi ko sa kanya.

"You'll clean the school for 1 month," sabi ng dean.

"1 month?" Sabay tanong namin ni Cacey.

"Yes. And tomorrow you'll start."

"What?" sabay sigaw ulit namin ni Cacey.

"You heard me."

"Can I clean the school next month? You know what Cacey says ladies 1st." suggestion ko, para iwas gulo.

"No, you must help each other," sabi ng dean.

"Yeah right," sarcastic na sabi ni Cacey.

"Welcome to your new world," sabi nina dean and prof.

AN: Hi, what do you think of this chapter? Is it okay? :) I hope you like it. Thanks for reading :D I love you all from the bottom of my hypothalamus :) Feel free to ask me for dedication :)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro