Prologue
Gulong-gulo ako sa nangyayari. Ano ba talagang meron sa akin na hindi ko alam?
"Anak, ba't ang putla mo?" Marahan ako nag-angat nang tingin ng marinig ko ang boses ni Mama. Tumayo ako sa pagkakaupo at humarap sa kan'ya.
"Ma, may alam ba kayo?" Tanong ko, halos ilang buwan na ako naguguluhan pero, mas lalo ako naguluhan ngayon dahil sa lalaking nakita ko.
Anong meron? Ba't niya ako kilala? Tinawag niya akong, 'Babe'.
Alam ko sa sarili kong hindi ko kilala ang lalaking iyon pero, sa paraan kung paano niya ako titigan kung paano siya nagulat na nakita niya ako, parang may mali...
"About saan?" Tanong niya, huminga ako nang malalim bago kinuha ang dalawang kamay ni Mama.
"Ma, I'm twenty-eight years old na po pero, gulong-gulo pa rin ako bakit hindi niyo ako payagan umalis mag-isa, maski ang magtrabaho..." Sabi ko, madalas ay sa mansion lang ako makakalabas man ako may kasama ako.
Hindi na naman ako bata. Kaya ko naman magtrabaho, ano ba talagang nangyayari? Bakit pakiramdam ko may kailangan akong malaman?
Bakit pakiramdam ko may tinatago sila? Oras na ba? Gusto ko na magtanong.
"Get it into point, Angela." Sabi ni Mama, bumuntong hininga ako bago nagsalita.
Nakita ko kung paano kinain nang pagtataka at kaba ang mga mata ni Mama. Mas lalong lumakas ang pakiramdam ko na may tinatago sila sa akin.
Kung ano man iyon, bakit kailangan nila itago iyon?
Curiosity is eating me, I really don't know pero, gustong-gusto ko na agad malaman kung bakit nila ginagawa ito.
"Angela, ayaw ka pagtrabohin ng asawa mo dahil ayaw ka—" hindi ko na siya pinatapos magsalita, sasabihin niya mahal ako ng asawa ko? Saan parte? Bakit hindi ko yata randam?
"Ma, ano ba talagang meron? Nung unang araw na magising ako sa kwarto ko, I'm confused. Sabi niyo sa akin ni Papa asawa ko si Sancho, pero, hindi ko siya maalala ang alam ko lang ay gusto niyo siya ipakasal sa akin ang lalaking iyon but, I didn't know na kasal na kami and we are already married, tinanong ko kayo ano ba nangyari, sabi niyo walang nangyari, gulon—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bumukas ang pinto ng bahay, mabilis akong napalingon doon at agad ko nakita si Papa kasama si Sancho at Angelica na anak ko.
Hindi ko nga alam na nagka-anak pala ako, punong-puno na nang tanong ang isip ko.
Ilang buwan na ito nangyayari, tinanong ko sila nung bago ako matulog ng araw na iyon may nangyari ba, wala raw. Kung gano'n ba't ang daming bagay na hindi ko alam.
"What's your problem, Angela?" Salubong na tanong agad sa akin ni Sancho. Gaya nang gabi wala pa rin itong emosyon kung makipag-usap sa akin, sabi ni Mama mabait siya, mabait ang asawa ko pero, ba't ganito ang trato niya sa akin? Galit siya sa hindi ko malaman dahilan.
Maraming katanungan na gusto ko masagot pero sa tuwing magtatanong ako pare-parehas lang ang sagot nila.
'Para sa akin ang ginagawa nila.'
Kung para sa akin? Ba't ayaw nila sabihin?
"Wala naman... Hi Angelica." Inilipat ko nalang ang tingin ko sa anak ko, mabilis naman ito bumaba sa pagkakayakap sa Daddy niya at tumakbo papunta sa akin, yumuko ako para magpantay kami.
"How's your school?" Tanong ko at hinaplos ang mukha nito, nung una ayokong maniwala na may anak na ako pero, nang makita si Angelica masasabi kong anak ko talaga, bubbly ang face nito kagaya nang akin, mahahaba ang pilik mata at medyo mataray ang mata at kilay kagaya nang akin halos lahata sa akin maliban sa labi at ilong, nakuha niya iyon sa ama niya.
"Good po, Mommy. No school na po after this kasi po sabi ni Teacher Christmas vacation na raw po." Sabi nito, tumungo ako. Tumayo ako sa pagkakayuko at hinawakan ang kamay ng anak ko para dalhin na ito sa kwarto niya at paliguan.
Hindi pa kami nakakahakbang nang tawagin ni Sancho ang pangalan ko.
"Angela, anong sasabihin mo?" Tanong nito, suminghap ako kahit ayaw siya kausapin ay napilitan akong lumingon at ngumiti rito.
"May gusto lang sana ako itanong ulit...." Gusto niya rin naman malaman, ba't ko ipagdadamot 'di ba?
"What?"
Pilit akong ngumiti at binitawan ang pagkakahawak sa anak ko, lumakad ako sa harap ni Sancho.
Matangkad ito kaysa sa akin kaya kailangan ko pa talaga tumingala.
"Kanina habang namimili ako, someone call me, and he—"
"He?" Putol niya, kalmado ang boses nito pero, mahahalata mo sa kilay niya ang inis at pagtataka, hindi ko tuloy alam kung itutuloy ko pa ang sasabihin ko.
"Yes, he. Man." Umirap ako. Hindi naman siya bingi.
"Tinawag niya, he's not familiar for me, and mas nagulat ako, he call me, Babe—" hindi ko na naman natapos ang sasabihin dahil pinutol na naman niya ako.
"Pack your things with Angelica things, Angela." Utos niya.
Kumunot ang noo ko, why?
"Why?" Gulo kong tanong habang kunot noo siyang tinititigan nakita ko kung paano bumagat ang panga niya, bigla ako kinabahan dahil sa reaction niya marahan akong napaatras.
"Mama?" Nilingon ko si Mama pero, umiling lang ito.
"Do it what he said, Angela. Para sa 'yo naman ito." Utos ni Mommy sa akin.
Mas naguluhan lang ako.
"Akala ko ba papunta kang Singapore for busi—"
"Pack your clothes and things, Angela pupunta tayo sa vacation." Putol nito at nilagpasan ako, inis akong suminghap bago humarap sa gawing pinuntahan niya.
"Sancho," tawag ko, hindi ko na talaga kaya. Asawa niya ako bakit ganito siya sa akin?
Hindi siya umiimik. "Tell me, what happened about us?" Tanong ko, nakita ko kung paano nagulat ang mukha nang mga magulang ko habang ang anak ko naman ay litong-lito nakatingin sa amin.
"I don't want to tell you, you will hate yourself if you know what you do before, hindi mo magugustuhan malaman kung ano ba nangyari sa atin dalawa at naging ganito tayo, just pack your clothes. Aalis na tayo mamaya." Sabi nito bago nagpatuloy sa paglalakad at iniwan na kami roon, naiwan naman akong mas nagugulat at tulala.
Anong ibig niya sabihin?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro