Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

WCATR 6: Tale of the Broken Man

CHAPTER 6 - TALE OF THE BROKEN MAN

I WOKE UP with my head aching because of the sudden light. Mula sa bintanang katapat ng kama ko ay sumisilip ang liwanag na senyales na papasikat na naman ang araw. Sa tantiya ko ay pasado alas-syete na ng umaga dahil mataas na ang sikat noon.

Wala man sa huwisyo ay pinilit ko ang sariling bumangon at mag-ayos. Matapos kong sinupin ang hinigaang kama ay bumalik ako sa aking mesa kung saan naiwan ang mga articles na hindi ko na na-edit kagabi.

Sa tabi ng bunton ng mga papel ay nakakalat pa rin ang mga liham ni Jace na binasa ko kagabi. Inubos ko ang oras ko sa paghalungkat ng mga naiwan naming alaala. Hindi ko na namalayang ala-una na nang madaling-araw. Sa huli, mas pinili ko na lang na matulog dahil wala rin akong magagawa kung inaantok at walang gana.

Ngunit nang maupo ako sa harapan ng mesa ko ay mabilis ko iyong pinagsisihan. Nasa mahigit anim na news article pa ang kailangan kong i-email kay Vash ngayong araw para mai-check niya for final revision. Ang article ko para sa accreditation ay hindi pa rin kasama sa nai-copyread ko na. Mas lalong sumakit ang ulo ko sa dami ng gagawin. Hindi na sana ako natulog! This is what I get for having eight hours of sleep!

Sandali akong lumabas ng kwarto para ipagluto si Itay ng umagahan. Kapag ganitong umaga ay abala siya sa pagpapakain sa mga alaga niyang manok. At kahit na nakasaklay siya ay hindi iyon hadlang sa pag-aalaga niya sa mga ito. Kung minsan nga ay hindi ko maiwasang isiping mas anak pa ang turing niya sa mga iyon.

Nagtimpla na rin ako nang kape na sigurado akong kakailanganin ko para matapos ang mga articles. I don't know if it's just me but coffee is the source of my creative juices. I need a cup of coffee so that I can bleed and finish all of the editings.

Alas syete y medya na ng umaga nang makabalik ako sa aking mesa. May isa at kalahating oras pa ako bago ang shift ko sa coffee shop kaya doon ko muna ginugol ang atensyon. It took me an hour to finish proofreading the six articles. Sapat na iyon ngunit hindi para sumulat ng isang buong opinyon at mag-copyread ng ilang articles pa.

I took my mug and sipped my coffee. Tinitigan ko ang draft ko para sa naganap na Acquaintance Party. Isang talata pa lamang iyon ngunit kahit ako ay hindi makuha ang interest sa mga paunang salitang ginamit ko. I looked at my wristwatch. Male-late ako kung tatapusin ko ito. I looked at my draft again with dissatisfaction embedded in my face. I deleted the whole paragraph and exited the document.

I was in the middle of shutting down my laptop when my father peered at my door. He was with his crutch to support the weight of his injured right leg when standing. His granite grey wrinkled eye stared at me.

"'Tay, bakit ho?" tanong ko.

Sinuri niya ang mesa ko kung saan nakakalat ang mga articles saka ibinalik sa akin ang tingin. "Hindi ka pa ba papasok sa trabaho mo? Mag-a-alas nueve na ng umaga," aniya na puno ng pagtataka.

Tumayo ako saka nagsimula nang ayusin ang mga gamit. "Papasok na ho, 'tay. May tinapos lang po." Nilingon ko siyang muli. "Kumain na po ba kayo? Nakapagluto na 'ko ng almusal."

"Sabay na tayo, 'nak. Pumarito ka na pagkatapos mo riyan."

Dumiretso siya sa kusina kung saan nakahain ang almusal. Inayos ko ang mga article kong natapos nang i-check. Nilingon ko ang box na pinaglalagyan ng mga letters ni Jace na hindi ko nasinop kagabi. Sama-sama kong ibinalik doon ang lahat ng liham at larawan.

Isasarado ko na sana ang kahon nang mahagip ng aking mata ang nakalaglag na dyaryo sa sahig, tila nagmula iyon sa publication namin. Pinulot ko iyon saka tinitigan. I clenched my fist resulting the newspaper being crumpled.

It was a tabloid issue released two years ago. Hindi pa ako parte ng publikasyon noon. It was an opinion regarding the initiation rites ng Sigma Perpetua, a brotherhood that originated from the College of Liberal Arts, where Jace was blamed for the injuries of four freshmen students because he was the president of their College Council.

That incident earned him a major offense but instead of being expelled he lost his qualification to receive a Latin honor without due process. For someone who worked hard for years to get into honors, it was worse than being expelled. The only reason he was not expelled was his father, Pastor Francis. We both know that that sanction wasn't written in the student handbook. It was just to satisfy the parents of the injured students, they stooped down to that level.

Para pagtakpan ang mga myembro ng fraternity na iyon, they had to cause Jace casualty. Saksi ako kung paano niya pinaghirapang makamit ang matataas niyang grado. Saksi ako kung gaano niya pagsikapang mairaos ang lahat ng asignatura.

Lahat ng pagod, gabing pagpupuyat at stress para lang maipagmalaki siya ng papa niya, saksi ako. He may be tired or sometimes losing interest but as long as he can make his parents proud, it was okay, or so I thought.

The columnist who wrote the article criticizes him for being an incompetent leader. Wala man lang ginawa ang admin ng school para kundenahin at imbestigahan ang nasabing kontrobersya. They easily concluded that it was Jace's irresponsibility so they would not be blamed for the damage. He took all the blame, his parents lashing out at him, and all the hurtful words from the school community.

If only they investigated that hazing... It might have made a huge difference if only the admin cared even just for a little.

Matagal akong napatitig sa dyaryong hawak. Kung sino man ang sumulat ng column na ito, sana'y masaya siya sa dami ng napaniwala niya. Matapos ang insidente ng pagpapatiwakal ni Jace, p-in-ull out ng school ang lahat ng copy ng newspaper na na-release ng semester na iyon. Nanahimik ang lahat at parang naging alamat na lang ang nangyari.

As if it had never happened and was taboo to talk to.

Nang matauhan ako sa oras ay tuluyan ko nang itinago ang lahat. Lumabas ako ng kwarto saka dumiretso sa kusina kung saan nag-aalmusal si Itay. Naupo ako sa harapan niya saka sumandok ng kanin at nagsimulang kumain. Tahimik ang hapag kagaya nang nakasanayan namin. Tanging ingay lamang na nang gagaling sa kutsara at tinidor ang maririnig.

Nang matapos akong kumain ay inilagay ko ang pinggan sa lababo saka hinugasan ganoon rin ang kinainan ni Itay. Palabas na ako ng kusina nang tawagin niya ako.

"Rayne, 'nak!"

Sinupil ko ang aking buhok saka siya nilingon. "Bakit ho?"

"May pera ka pa bang naitabi? Wala na kasi akong gamot sa highblood. Sa susunod na linggo pa magpapadala ang tita Nora mo," aniya habang hinihimas ang batok.

Tumango lamang ako saka dumiretso sa kwarto para kumuha ng limang daan at inabot sa kaniya. Tumaas ang gilid ng labi niya saka ako tinalikuran at pumasok sa kaniyang kwarto.

I heaved a deep sigh. "Walang perang pambili ng gamot pero may pangsugal."

Mabilis akong gumayak dahil male-late na ako. Nang matapos mag-ayos nang sarili ay kinuha ko na ang itim kong sapatos sa ilalim ng mahaba naming upuan nang mahagip ng mata ko ang medicine kit ni Itay. Lumuhod ako sa sahig at kinapa iyon sa ilalim para makuha. When I got it, I looked around the house to search for my father but he's gone. Wala sa sarili kong binuksan ang kit at tumambad sa akin ang dalawang banig ng maintenance ni Itay sa highblood, at maging ang ilang gamot pa nito.

Bumagsak ang aking balikat saka humugot ako ng malalim na buntong hininga. Mapait akong ngumiti nang matanto ang lahat. Sa malamang ay nasa kapit-bahay na naman siya para magsugal.

I closed my eyes firmly and steadied my breathing. Itinakip ko ang dalawa kong palad sa mukha saka huminga ng malalim.

I earn and save money to support my school expenses. Nasanay na kong dalawang beses lamang kumakain sa isang araw para lang makatipid sa lahat ng babayaran sa school. It was so easy for him to spent it to his gumbling. Palibasa hindi siya ang nagtatrabaho.

Responsibilidad niyang buhayin ako pero bakit parang kasalanan ko pa kung wala akong dala o lulutuing pagkain kapag katapos niyang magsugal.

Life is unfair.

Natapos ang shift ko sa coffee shop nang pasado alas-sais ng hapon. Hinubad ko ang suot na apron at ang hair net saka inilagay iyon sa aking bag. Nag-log-out ako sa DTR namin saka nagpaalam. I pushed the door outside but then suddenly stopped. Natigilan ako nang makita sina Ciqa , Ynigo at Nash sa labas ng coffee shop na pinagtatrabahuan ko.

Nakaupo si Nash sa motor niya ganoon din si Ciqa. Samantalang nakatayo naman si Ynigo sa tabi niya. Nagtatawanan sila at hindi napansin ang paglabas ko. Hindi ko sila nilapitan bagkus ay mabilis akong lumiko pakanan para magsimulang maglakad papunta sa waiting shed.

"Rayne!"

I stiffened when Ciqa called me. Ano ba kasing kailangan nila? Dahan-dahan ko silang nilingon.

"Uy! Anong ginagawa n'yo dito?" I tried to act as if I didn't see them.

Sabay-sabay silang nagturuan. "Si Ciqa kasi, nangungulit na daanan ka raw namin para sa presswork," Ynigo said.

Umiling si Ciqa. "Anong ako? Si Nash kaya ang nakaisip!"

"Nag-suggest lang ako!" Nash chuckled, his dimples appeared on his cheeks. "Kayong dalawa 'yang namilit sa aking dalahin ko kayo dito sa coffee shop na pinagtatrabahuan ni Rayne!"

Nagkatitigan kami. "I already said I can't go. Walang kasama si Itay sa bahay," pagsisinungaling ko.

Umalis si Ciqa sa pagkakaupo sa motor niya saka ako nilapitan. "Ngayon lang naman, Rayne. Besides, last presswork na rin ito ni Vash. Sigurado ka bang ayaw mong sumama?"

Napayuko ako at nag-iisip ng idadahilan ngunit tila naubusan na. Should I take this? Just a break from all my frustration at home. I bit my lower lip then nodded. "Fine. I'll go. Pero kailangan ko munang umuwi para magpaalam kay Itay."

Ciqatrix beamed with excitement. "OMG! You'll go!" Nilingon niya sina Ynigo. "Rayne will go with us!"

A small smile appeared on my lips dahil sa reaksyon ni Ciqa.

Inalok niya ako na ihatid sa bahay para hindi na ako mamasahe pa. I declined, pero nagpumilit siya. Sa kaniya ako sumakay, samantalang angkas naman ni Nash si Ynigo sa motor niya. Matapos kong magpaalam kay Itay at mag-iwan ng makakain, dumiretso na kami sa apartment ni Vash.

It was a small apartment, pero kasya naman kaming lahat. Isang tipikal na apartment para sa isang estudyante. May dalawang double deck, pero ang mga upper bunks ay tambakan ng mga plato at kung anu-ano pang gamit. May maliit na mesa na ginagamit ni Vash bilang study table, habang ang dining table naman ay puno ng dalawang bukas na laptop at sangkaterbang papel.

"Uy! Kasama si Rayne?!" Nagulat pa si Vash nang makita ako. "Pasok kayo."

Naunang pumasok sina Ynigo at Ciqa, habang naiwan si Nash sa labas para ayusin ang pagkakaparada ng mga motor nila. Feel at home na feel at home ang dalawa—si Ciqa agad na humiga sa kama, at si Ynigo naman sumunod sa kabilang kama.

Hinubad ko ang puting sneakers ko at maingat na inilapag sa tabi ng pintuan bago ako pumasok. Tinabihan ko si Ciqa na nakahiga na, yakap-yakap ang isang unan.

"Tayo lang?" tanong ko, napansin kong wala ang iba.

"Oo, sina Florisa at Stepphani nandito kanina. Nagpunta sila sa palengke para bumili ng ulam. Baka pabalik na rin sila," sagot ni Vash habang abala sa kusina.

Naghanda siya ng juice para sa amin, nagdala ng apat na baso at isang pitcher ng orange juice, saka pinatong iyon sa maliit na mesa sa gilid. "Mag-juice muna kayo. Sa rooftop na lang tayo mag-presswork," aniya, sabay senyas na kumuha na kami ng juice.

Tumango kami at nagsimulang uminom ng juice. Pagkatapos, pumasok si Nash na pinaglalaruan ang susi ng motor. "Trix!" sigaw niya, saka hinagis kay Ciqa ang susi nito. Umupo siya sa tabi ni Ynigo sa kabilang double deck.

"Ano nang plano? May natapos ba kayo kanina?" tanong ni Nash, habang nakasandal sa pader at naka-cross arms, mukhang curious.

Vash umupo sa isang upuan at tumawa nang mahina. "Medyo," pag-amin niya. "Pero kulang pa rin. Kaya nga andito kayo, para makatulong." Nag-smirk siya, halatang nagbibiro pero may halong seryoso.

"We're done with the literary pieces. Na-approve-han ko na iyon. Sa caption, ido-double-check na lang daw ni Ciqa, then ready to forward na kay Rayne for approval. Same with the sports news—approval na lang ni Rayne ang kulang. May mga articles na dinala rito sina Monique, halos lahat ay news, at hindi pa na-e-edit." Nilingon ako ni Vash. "Marami-rami ang gagawin mo tonight, Rayne. Kaya pa ba?"

Parang gusto ko na lang umuwi nang banggitin ni Vash ang lahat ng articles pati na rin captions na kailangan ng approval ko.

Inirapan ko siya, which made him burst into laughter. "Quit na 'ko!" I joked.

Si Ciqa, na yakap pa rin ang unan, umungol. "Ugh, ayoko na! Can't we just chill for a bit before we start?"

Tumawa si Nash sa reaksyon niya, at si Ynigo naman ay tumango nang sang-ayon. "Oo nga, break muna tayo. Saglit lang naman."

Napailing si Vash, pero hindi na siya kumontra. "Fine. Pero pagkatapos niyan, rooftop na tayo. Kailangan nating tapusin ang presswork bago mag-hatinggabi."

Nang dumating sina Florisa, napagpasyahan naming lumipat na sa rooftop. Apat na palapag ang apartment building na tinutuluyan ni Vash, at dahil walang elevator, kinailangan naming maghagdan para makaakyat. Hinihingal man kaming dumating, napawi ang pagod nang marating namin ang rooftop. Napahaplos ako sa aking braso nang salubungin ako ng malamig na simoy ng hangin. Mula sa rooftop, kitang-kita ang city lights na nanggagaling sa mga kabahayan at imprastruktura sa kabuoan ng Mystown.

It's been a while since the last time I enjoyed sceneries like this. Lumakad ako papalapit sa railing at sinilip sa baba, nagtataka kung gaano nga ba iyon kataas. Kung malalaglag ako dito, siguradong malalagutan ako ng hininga. Muli kong ibinalik ang tingin ko sa city lights at hindi maiwasang mamangha.

Mas lalo akong napangiti nang buksan pa ni Vash ang light bulb garland na nakapalibot sa rooftop. It gave the place a warm, homey vibe. Parang bigla tuloy akong ginanahang magsulat.

Binaba ni Ynigo ang mga puzzle mats na pinadala ni Vash, at tinulungan namin siyang buuin iyon. Nang matapos, sinet naman ni Nash ang dalawang laptop tables at doon namin pinatong ang mga articles at mga papel.

We started the work. Tahimik ang lahat at nakapokus sa kani-kaniyang ginagawa. Florisa and Stepphani took charge of cooking for our dinner, since tapos na sila sa ilang mga articles. The silence and calmness of the night gave the place a refreshing mood. Mas madaling magsulat kapag ganito katahimik at walang anumang sagabal. In two hours, I finished my column and revised some of my articles.

We already had our momentum in writing, but we had to stop to eat dinner. Hindi na kami bumaba dahil napagpasyahan na nilang sa rooftop na rin maghapunan.

"Are we still pushing the 'breaking the norms' for this year's editorial?" Florisa asked in the middle of the silence.

Napatigil ako sa pagkain at nilingon si Vash. Katabi siya ni Steph at Florisa, na nasa kabilang computer table. Samantalang ako at si Ciqa naman ang nasa kabila. Nash and Ynigo were standing, leaning on the railing while holding their plates.

"The plan is to push that through, but if you have any suggestions, the table is still open," sabi ni Vash.

Isa sa mga pinakagusto ko sa TVOA ay ang pagiging open ng lahat sa suggestions tungkol sa editorial ng pub. Hindi kasi iisa lang ang nadedesisyunan sa write-up, kundi ang buong pub. That's the difference between a column and an editorial. An editorial is an expression or the position of the editorial board or publisher on a certain issue.

And that was the main reason I wanted to write that editorial... the publication's opinion.

Malaking tulong iyon para magising sa katotohanan ang lahat at para mabigyang hustisya ang nangyari kay Jace.

"Let's just proceed with the plan," ani Stepph.

Sumang-ayon kaming lahat dahil iyon naman na ang matagal nang napag-usapan ng pub. May ilang mga ideas lang kaming p-in-oint out bago tuluyang nagkasundo sa opinion ng pub. Pagkatapos naming kumain, bumalik rin kami kaagad sa trabaho.

Lumalalim na ang gabi, ngunit kakaunti pa lang ang nababawas sa mga articles na ni-re-review ko. Tiningnan ko ang relo—alas-dose na ng hatinggabi. Umuwi na kaninang alas-diyes sina Florisa at Stepph, samantalang si Vash at Ciqa ay bumaba sa apartment para magtimpla ng kape. Si Ynigo naman ay walang imik sa dulo habang nagse-sketch sa iPad niya. Ininat ko ang mga binti ko pagkatapos ma-review ang madugong submissions ni Monica.

"Seriously? Di pa ba mauubos 'to?" iritableng bulong ko sa sarili.

Inangat ni Nash ang tingin sa akin saka tumingin sa mga articles ko. Kanina pa siya tapos sa layout ng newspaper. Iniintay na lang niyang ma-finalize ang mga articles para mailapat sa layout. Ibinaba niya sa mat ang laptop ng TVOA, kung saan siya nag-layout, saka binuhat ang computer table palapit sa akin. He placed the table beside me and took one of the articles that I hadn't proofread yet.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Hindi pa tapos 'yan. Anong gagawin mo?"

"Alam ko. I'm helping you, isn't it obvious?" Naglabas siya ng kulay pulang ballpen saka sinimulang basahin 'yon. Nang hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa kaniya, muli niya akong hinarap. "Wala itong kapalit kung 'yon ang iniisip mo."

Mas lalo lang akong napatitig sa kaniya. "I'm just wondering, why are you helping me kung wala ka namang makukuhang kapalit?"

"Bakit, Rayne? Kapag ba tumutulong ka sa iba, kailangan palaging may kapalit?" mahinahong tanong niya.

Napatigil ako sa sinabi niya. It was my nature to help others without expecting anything in return. I always help, but where did that ever get me? I tried to help multiple times, and they took it for granted.

"Why? Is it wrong to protect yourself from something foreign? Bilang na lang ang mga taong may mabuting intensyon sa panahon ngayon, Nash. Hindi lahat ay kakampi ko."

"You know what? I don't know what you've been through or why you hate it when someone's offering you help. But I've been through that same circumstance, and it caused me a lot of pain realizing that the very people I shut off from my life were the same people who were willing to help. Everyone here understands the struggles, Rayne. Hindi kaya madaling maging news editor," he chuckled, "I know the feeling. Trust me, I've been there. So let me do you a favor and help."

Natahimik ako sa sinabi niya. Pinagpatuloy na niya ang pag-e-edit sa article na kinuha niya at hindi na ako nilingon. I didn't know what got into me, but the sides of my lips slowly curved into a small smile. Honestly, rude people do not surprise me anymore. Nice people like Nash do.

Kinuha niya ang natitirang articles na kailangan i-proofread saka iniabot sa akin ang mga captions para sa photos. Hindi na ako umimik dahil pagod na rin akong mag-proofread. Dumating sina Ciqa na may dalang apat na tasa ng kape at isang black tea para kay Ynigo.

We continued working. Walang tigil si Ciqa at Vash sa kwentuhan, samantalang tahimik na naka-earphone sa gilid si Ynigo. Tumulong na rin si Ciqa sa pag-proofread ng mga articles na na kay Nash.

I was in the middle of writing my opinion piece when Ciqa slowly walked toward me, nakatuon ang tingin niya sa hawak na papel.

"Omg! Rayne!" she giggled.

Hinarap ko siya saka inirapan. "Bakit? I'm in the middle of writing. 'Wag ngayon, please."

"Take a look at this!" aniya, habang nasa papel pa rin ang tingin.

Napahinto na rin sina Vash at Ynigo sa ginagawa nila dahil sa impit na tili ni Ciqa.

"Ano yan, Trix?" kuryosong tanong ni Vash.

Kahit ako ay hindi na rin maiwasang ma-curious sa hawak niyang papel. Tuluyan na siyang nakalapit, saka naupo sa tabi ko at pinakita iyon. "May sumagot sa opinion na sinulat mo last semester! Look!"

"Huh? Patingin." I looked at the crumpled paper, and there it was. Nangunot ang noo ko habang binabasa ang sagot noon sa sinulat kong article last semester entitled It's Okay Not To Be Okay.

"Who the hell wrote this?" mahina kong bulong habang patuloy na binabasa iyon.

Hindi ko maalis ang tingin sa penname na nakasulat sa baba. There's something about the way the person wrote the piece—it melted my heart.

"Tale of the Broken Man? Sino 'yan?" tanong ni Vash na nakisingit na rin sa pagitan namin ni Ciqa.

Hinarap ko silang dalawa. "Kanino galing 'to?"

Tinaasan ako ng kilay ni Vash. "Kasama 'yan sa mga dinala nila Monica na articles kanina. Hindi mo ba napansin?" nagtatakang tanong niya.

Isa-isa kong tiningnan ang mga articles na pinasa ni Monica kanina, ngunit sigurado akong wala ito doon. "Sigurado ka ba? Parang wala naman 'to doon kanina, ah?"

"Baka hindi mo lang napansin, Rayne. Kasama 'yan noong mga articles, I swear. Right, Nash?" sabi ni Ciqa, saka tumingin kay Nash na busy sa pag-e-edit ng articles.

"Um... yeah, I guess? Hindi ko na-check kanina," sagot niya saka ipinagpatuloy ang ginagawa.

Muli akong tumitig sa papel at napaisip. This pen name sounds familiar. "I think I've read one of his articles in TVOA. I can't recall!"

Nagkatinginan si Vash at Ciqa sa sinabi ko at pareho silang umiling. "Wala akong kilalang staff na 'yan ang penname. Sure ka bang sa TVOA? Baka sa ibang publication, Rayne."

I bit my lower lip and sighed in frustration. "Hindi na rin ako sigurado, but I swear! Sobrang familiar nito."

Vash shrugged. "I'll check my docs, baka may na-contribute na 'yan. But for now, I think it's much better kung hindi na natin ipo-post 'yong response. Maybe sa page na lang. Okay lang ba?"

Tumango lamang ako at muling ibinalik ang tingin sa papel. Whoever wrote these beautiful words lit a fire in my heart. I never thought I needed those words so much—until now. Whoever wrote this said what my heart has been longing to hear.

***

To the Iron Lady of Arrion,

The storm may have shattered your beautiful dreams, but as we pass through it, remember that the sun will shine again, and you will be free to believe and dream once more. Keep fighting, little fighter, even if the rain feels as heavy as your burdens. It will pass soon. You're not meant to stay in the dark for long. The rain will eventually stop, especially when you least expect it.

Even when your tragedies seem endless and painful, may your heart continue to seek the sunshine. Believe me when I say that the pain you're experiencing right now won't last forever. The sky won't always be grey.

—Tale of the Broken Man

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro