Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

WCATR 4: Broken and Jaded

CHAPTER 4 - BROKEN AND JADED

ISA NA NAMAN maulang hapon ang sumalubong sa akin pagkalabas ko ng classroom namin. Kakatapos lamang ng klase namin. Marami ang tao sa corridor ngunit wala ni-isa sa kanila ang tinapunan ko ng tingin. Humigpit ang hawak ko sa aking puting tote bag na may disenyo na Starry Night ni Van Gogh saka naglakad patungo sa exit ng General building.

Mas lalo pang lumakas ang ulan nang marating ko ang bukana ng gate. May mga ilang estudyante na ang pinipiling magpakabasa habang ang ilan naman ay mas piniling maghintay na tumila iyon kagaya ko. Ang ilan ay nagrereklamo na kung bakit ngayon pa raw umulan gayong napaka aliwalas naman ng klima kaninang umaga.

While the students were pissed because of the sudden rain, I watched the gloomy dark sky and how it poured out its heavy raindrops.

I always like a rainy day like this. It brings a different kind of warmth to my heart, and I find comfort in it.

The rain reminds me that it's alright to be sad. Para itong umiiyak habang sinasabi na okay lang na masaktan at hindi mo kailangang pilit na ngumiti.

That it was never wrong to feel the storm inside sometimes.

"Rayne!"

Nawala ang aking atensyon sa mas lumalakas pang ulan nang may tumawag sa aking pangalan. Gusto ko pa sanang magmuni-muni even just for a minute and savor the rain, but I know I can't. I have numerous responsibilities to deal with.

I composed myself and tried to give the sincerest smile that I could.

"Vash," I greeted her back.

Lumapit siya sa kinaroroonan ko saka matamis na ngumiti. May dala siyang camera at nakasuot ng press ID. She's still wearing their department uniform underneath her cardigan.

"Are you going to the office?"

Tumango ako saka hindi na muling umimik. Hindi ko na kailangan pang ibalik ang tanong sa kan'ya dahil alam kong doon rin naman ito patungo. Halata naman kasing kakatapos lamang nitong magco-cover ng event.

"Um, Rayne..." Muli ko siyang nilingon. Vash was looking at me with worried eyes. "Kung magbago ang isip mo about sa conference, sabihan mo lang ako."

I heaved a deepest sigh and looked away. Isa iyon sa kanina ko pa iniisip matapos marinig ang pag-uusap ni Vash at Ms. Aronzado. Hangga't maaari ayokong magkaroon ng dahilan para mapalapit ako sa publication ngunit kung iyon din ang magiging dahilan para hindi ko magawa ang plano ko ay wala ring saysay. Mawawalan ng halaga ang lahat ng ito at maging ang pagpasok ko sa pub.

"Hindi ako suitable sa position kung hindi ako makakasama sa conference, right?" I asked.

Gusto kong sa kaniya mismo manggaling.

"We think that if you became an EIC, we need your presence in those conferences. You have to lead them, and you can't do that if you're not going to participate."

Malungkot na ngiti ang muli kong pinakawalan. I don't have a choice.

"Reserve me a slot then."

"You're going?"

"If that's what it takes. I will," I said with determination.

Lumawak ang ngiti sa mukha ni Vash nang sabihin ko iyon. Alam kong nag-aalala ito sa iiwanan niyang posisyon kaya ganoon na lamang ang inisyal na reaksyon niya sa akin. Alam ko kung gaano si Vash ka-dedicated sa pamumuno sa pub kaya hindi ko siya maisisisi. She only wants what's best.

Nang tumila ang ulan ay sabay kaming nagtungo sa publication. Ala-una pa lamang ng tanghali ngunit parang kakaunti na lamang ang tao sa school. Nang makarating kami sa office ay tahimik ang buong atmosphere. Kanya-kanya pa rin ng pwesto ang mga editors samantalang ang ilang trainees ay nasa common table.

Dumiretso na si Vash sa sarili niyang table saka ibinaba ang mga gamit niya. Napako naman kaagad ang aking atensyon sa lalaking nakatungo sa aking table. Humakbang ako papalapit doon habang nakakunot ang noo na nakatingin kay Nash na mahimbing na natutulog habang nakasuot ng earphone.

I looked at his desk where two laptops were place on top of it. Ang isa ay ang Macbook ni Nash kung saan makikita ang itim na interface kung saan may mga code na hindi ko maintindihan. Sa kabila naman ay ang laptop ng publication kung saan naka-display ang layout para sa ilalabas naming folio ngayong semester.

Nagpabalik-balik ang tingin ko kay Nash at sa table niya. Saan ako pupwesto gayong inokupa na niya ang buong table ko?

Akmang kakalabitin ko si Nash para gisingin nang pigilan ako ni Ynigo.

"Pabayaan mo na muna, Rayne. Puyat kasi yan. Sa bahay natulog 'di pa nauwi." Nginitian niya ako na parang nagmamakaawa ngunit ngunit hindi ko iyon pinansin.

My brows knitted. "Paano ako? Marami rin akong kailangang tapusin na drafts."

"He had a fight with her sister. Just please don't disturb his sleep. Kung gusto mo, dito ka na lang muna sa table ko." Tumayo ito para ipaubaya ang lamesa niya. "Sa common table na lang ako."

Tinaasaan ko siya ng kilay saka muling binalingan ng tingin si Nash.

He had a fight with her sister?

A glimpse of what happened when we went to his sister's clinic replayed in my mind. The atmosphere and the way his sister looked at him. Hindi ko alam kung judgemental lang ba ako o I saw the despise in his sister's eyes when she looked at him.

I shook my head to erase him in my mind. Wala naman akong alam sa alitan nila kung mayroon man. I shouldn't mind it.

Ibinalik ko ang tingin kay Ynigo. He was drawing some illustrations for the pub. Nakakalat sa desk nito ang ilang drawing tools at pati na rin ang Ipad pro at Apple pencil nito. Magiging hassle lamang kung papalipatin ko pa siya sa common table.

I heaved a deep sigh when I saw him fixing his things and shook my head. "' Wag na, Ynigo. Sa common table na lang ako."

"Sigurado ka?"

"Yeah. Move before I changed my mind," saka ako nagtungo sa table ng mga trainees.

Pinilit kong mag-focus sa ginagawang pag-e-edit ng news kahit na maingay ang ilang trainees na nasa common table. Gusto ko sana silang pagalitan ngunit mauubos lamang ang konsentrasyon ko kapag ginawa ko iyon dahil maging sina Florisa at Trix ay nakikisabay sa mga tuksuhan ng mga ito.

They're talking about their crushes and boyfriends from other departments kaya mas lalong umingay sa office.

"Jandi has the looks pero sadboi!" Trix acted as if she was vomiting and almost shouted. "Red flag!"

"May hot din sa engineering. Kapag nakita n'yo sa corridor yung tropa nila Jabez, ay gurl, add to heart!" Florisa giggled with her eyes sparkling.

Napasimangot si Trix saka inirapan si Florisa. "Back-off girls. Jabez is mine!"

I tried to focus but swear! Napakaingay nila! I closed my eyes because of irritation. Kung bakit kasi sa lahat ng oras na puwede kong maiwan ang earphone ko ay bakit ngayon pa?

"Ikaw ate Rayne, baka may suggestion ka na pwedeng i-crush," kinikilig na bulong sa akin ni Odette, isa sa trainees namin.

"Nako, Dette. Wala 'yang kilala. Iba na lang tanungin mo. 'Di yan natingin sa lalaki." Tukso ni Vash na ginantihan ko lang ng masamang tingin.

"Ba't ako magtitingin kung wala naman akong balak pumasok sa commitment?"

"Kahit may nagparamdam. . . ayaw mo pa rin?" may nakakalokong ngiti sa labi ni Trix na hindi ko mabasa.

"Ano 'yon multo? Kahit magpakita pa siya. Di ko naman kailangan ng boyfriend," puno ng sarkasmo kong sinabi. Wala ang bagay na iyon sa isip ko, isa pa, kailangan ko munang makapagtapos. Nakakapaghintay naman ang bagay na iyon.

Malakas na halakhak ang natamo ko kay Trix at Ynigo. Nag-apir pa ang dalawa na halatang hindi makapagpigil sa tawa.

"Anong nakakatawa?" nakataas ang kilay kong tanong.

"Ang ingay n'yo! Respeto naman sa natutulog!"

Nakakunot ang kilay at mapungay pa ang matang tiningnan ni Nash ng masama ang dalawa. Nagpipigil ang dalawa ng tawa dahil sa sama ng tingin ni Nash. Nang tumahimik ang dalawa ay tumayo na ito para lumipat sa table na niya.

Tahimik kong inayos ang mga articles na ine-edit ko saka bumalik na rin sa table kong inalisan ni Nash. Nilingon niya ako nang nakakunot ang noo.

"Kanina ka pa?" I nodded to answer his question.

He looked at his watch and started fixing his things. Inayos niya ang Macbook niya saka tinurn-off at nilagay sa bag. Ganoon din ang ginawa niya sa laptop the TVOA. He then looked at me with bored eyes. "Tara na."

"Huh?"

Bored na bored niyang tiningnan ang announcement board namin saka nilapitan. He took the small piece of paper posted on it and handed it to me.

"May intercampus match ang Arrion's Wolf sa Liora campus," he said and opened the drawer where all the record books are archived.

"Bakit ako?" I grievance and looked at Maine's table, our sports writer. "Nasaan si Maine?"

Nagkibit ng balikat si Nash saka tahimik na nag-fill-up sa logbook for borrowing TVOA's camera and press ID.

"Hay nako, Rayne," si Florissa ang sumagot, "wala kang maaasahan d'yan kay Maine ngayon. Kaka-break lang nila ng boyfriend niya. Nakiusap siya na kung puwede muna siyang mag-take ng break dito sa pub."

Vash also nodded. Binigyan niya ako ng ngiting tila wala na siyang magagawa.

"Ikaw na muna ang mag-cover please. Magsama ka na lang ng isang trainee. Mahirap naman kasing pilitin si Maine dahil baka mas pumangit pa ang output kung hindi naman siya passionate. Saka isa pa manunuod rin sina Mr. Quirino dahil opening iyon ng game for appearance."

Tuluyan nang nakuha ni Vash ang atensyon ko nang banggitin niya ang pangalan ng presidente ng school namin.

I clenched my fist.

Si Mr. Ephraim Quirino. The guy whom Jace trusted the most. The guy who left him hanging with all the remorse from the victims of that unfateful event.

Nabuhay ang galit na inaalagaan ko dalawang taon na ang nakakalipas. If only they cared and helped him. . . nandito pa sana siya.

Tumayo ako at nagsimula nag-ayusin ang mga articles na nasa table ko. I put them in my file case and I wore my press ID. Sinukbit kong muli ang tote bag ko saka hinarap si Nash na busy sa pagkalikot sa hawak na camera.

"May service ba?"

May kalayuan kasi ang venue ng event. Sa Liora campus gaganapin iyon kaya hindi maaaring wala kaming masasakyan papunta.

"Sa main gate daw naghihintay yung coaster ng volleyball team. Nakipag-coordinate na ako kay Mr. Saturno na sasabay tayo," aniya habang chine-check ang camera.

The coaster was already there when we came. Mabuti na lamang at bahagyang tumigil ang ulan kaya hindi na kami nahirapan nang makarating sa Liora. Pasado alas-tres ng hapon. Tamang-tama lamang sa nakatakdang oras ng match.

"Mas maganda pa rin sa campus natin," dinig kong saad ni Nash sa likod ko. Nilingon ko siya at pasimple siyang kumukuha ng mga letrato ng kapaligiran.

The interior of the buildings on the Liora campus maintained a sleek and modern feel, with a color scheme that combined white and gray with subtle hints of maroon. This created a sense of balance between the natural and man-made elements, allowing both to coexist in harmony.

"In terms of architecture, I agreed," hindi ko napigilang tugon. "Pero mas maganda ang atmosphere dito. Mas malamig."

I couldn't help but be struck by the abundance of greenery that surrounded me. Everywhere I looked, there were plants of all shapes and sizes - from towering trees to tiny succulents - creating a sense of tranquility and calm. It was as if nature had found its way into every corner of the campus, weaving itself into the very fabric of the place.

"Di rin. Hindi naman mainit sa campus natin, ah."

Inirapan ko siya. "Sa inyo hindi dahil puro kayo laboratories. Ikumpara mo naman sa amin."

Sandali siyang napatawa. "Well, perks of being an IT student."

Narating namin ang gymnasium matapos ang ilang minutong paglalakad. Kakatapos lamang ng isang match doon. Saktong-sakto lamang ang dating namin. We are given a spot on the bleacher where we can leave our stuff and sit when the match starts.

Inilibot ko ang aking mata para hanapin ang pinunta ko rito. Mabilis kong nahanap si Mr. Quirino at ang ilan pang faculty na kasama nito. May kausap itong mukhang high profile person kaya pinili kong huwag na muna itong lapitan. Mamaya na lang siguro after ng match.

Before the match started, I interviewed Ms. Ramona, the volleyball girl's coach and their team captain. I listed some important information about them and their strategies to win the game.

Nang makabalik ako sa upuan namin ay si Nash naman ang tumayo. Hawak na niya ang DSLR na nakapulupot ang strap sa kamay niya. Sandali niyang kinalikot iyong muli. Napatitig ako nang sandali sa kaniya nang mapansin na hindi niya suot ang salamin niya sa mata.

He's always wearing it at school, and I have never seen him without his specs. His eyes were more defined without it. Mas kita ang shade ng kulay chestnut brown nitong mga mata.

I looked away when our eyes met. Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa mukha nang mahuli niya akong nakatitig sa kaniya. Nagkunwari akong may kinukuha sa bag para makaiwas sa mga mata niyang alam kong nakatingin ngayon sa akin.

"Pabantay no'ng bag ko," aniya saka pinatong iyon sa katabi kong upuan.

Nakahinga ako nang maluwag nang magtungo na siya sa baba ng bleacher kung saan mas madali siyang makakakuha ng magandang shot.

Panalo kami sa naunang dalawang set. Nang ikatlong set na ay natambakan kami ng kabilang team. Umabot ang laro hanggang limang set at ang ending ay natalo pa rin kami.

"Ang pangit ng laro!" naiinis na sinabi ni Nash nang makarating siya sa puwesto ko. "Sayang sa shutter count, kaasar!"

Bahagya akong natawa sa ekspresyon ng mukha niya habang tinatago ang DSLR sa bag ng camera. Indeed, it was a bad game. At ang pinaka nakakaasar sa pagsusulat ng sports ay kapag natatalo ang team namin. All of it will become useless.

Well, admit it. Who would read an article about a losing team?

Ilang beses na rin kaming nabatikos sa pagsusulat ng mga puro talo na laro ng Arrionians. Samantalang sinusulat lang naman namin ang kinalabasan ng nasabing laro. We're writing nothing but the truth. Ngayon ang problema ko ay kung paano ko na naman papabanguhin ang pagkatalo ng school namin.

Nang matapos nang ayusin ni Nash ang gamit niya ay nauna na siyang maglakad na sinundan ko naman. Nang marating namin ang kinaroroonan ng volleyball girls sandali akong nagpaalam para interview-hing muli ang best scorer nila na Olivia. Hindi na rin ako nagkaroon ng pagkakataong ma-interveiw si Mr. Quirino dahil sa first set pa lang ay umalis na kaagad ito.

The team is comforting each other for their loss. Hindi ko na pinatagal pa ang interview kay Olivia para mabilis itong makabalik. I just asked the usual question saka nagpaalam na at muling bumalik sa kinaroroonan ni Nash.

Nang magpunta kami dito sa Liora ay nakasuot lamang siya ng department shirt nila. Ngayon ay suot na niya ang kulay grey niyang hoodie. Suot na rin niya ang specs niya inalis niya kanina. Naka-lean siya saa pader malapit sa exit ng gymnasium. Nasa harapan ang backpack niyang kulay itim. Nang lapitan ko siya ay inabutan niya ako ng bottled water saka sandwich.

Naupo ako sa tabi niya "Himala may pameryenda?"

"Walang himala," he chuckled, "libre ko 'yan!"

Napatigil sa ere ang pagkagat ko sa sandwich at tinaasan siya ng kilay. "Suhol ba 'to? Anong kailangan mo?"

Umiling-iling siya na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Nakaka-offend ka talaga, Ulan. Lahat na lang ng gawin sayong mabuti tingin mo may kapalit! Seriously? Sino bang nanakit sa 'yo at grabe 'yang trust issues mo?" 

"We're not living in a fictional world, Nash. Being cautious is better than being betrayed," mapait kong sinabi. 

Nash shook his head in disbelief. "You're overthinking things, you know that? I just treated you to lunch. Betrayal doesn't even enter the picture."

Natahimik ako at pinagpatuloy ang pagkagat sa sandwich na bigay niya. I focused my attention on the utilities cleaning the gymnasium.

Can you blame us? A person who has been used and betrayed countless times for not trusting the nice gestures?

I shrugged and took another sip of water, not convinced by his argument. "Maybe I am overthinking it, but can you really blame me?"

Nash opened his mouth to reply, but he was interrupted by the ringing of his phone. Ms. Ramona was calling him, signaling the end of our lunch break. I quickly finished my sandwich and reached for my wallet, pulling out a fifty-peso bill to pay for my portion of the meal.

As we stood up to leave, Nash gave me a reassuring pat on the back. "You'll learn to trust again, don't worry. Not everyone is out to get you."

I gave him a small smile, hoping he was right. But deep down, the scars of past betrayals still lingered, making it hard for me to fully let my guard down.

Muling bumalik si Nash sa pwesto ko ng masama ang timpla ng mukha. I heard him cursed before wearing his backpack that was placed on his chair. "Mag-commute na lang daw tayo sabi ni Ms. Ramona."

"What the heck?"

Nilingon ko ang pinto ng gymnasium. Umuulan at papadilim na ang kalangitan dahil pasado alas-sais na ng hapon.

"Bakit raw?"

"Grace got an injured arm. Sarado na ang infirmary. Idadaan pa raw nila sa Lennon. Doon ang may pinakamalapit na hospital."

Napairap ako sa rason nila sa hindi pagsabay sa amin. Oh god! Kung puwede kang mag-rant sa page ay ginawa ko na! Umuulan at papagabi na tapos iiwan kami dito sa Liora? Humugot ako ng malalim na hininga para ikalma ang sarili. Sana lang talaga ay may sasakyan pa na dumadaan sa waiting shed.

"Bayad ko!" Inabot ko kay Nash ang fifty-pesos na kinuha ko sa wallet.

"Really, Rayne?" tiningnan niya ako ng masama. Tila na offend sa ginawa ko.

"Ayokong tumanaw ng utang na loob sayo kahit isang sandwich pa 'yan."

Napipilitan niyang tinanggap iyon. "What a stubborn rain," bulong niya saka naunang naglakad.

Nang marating namin ang waiting shed ay malakas pa rin ang buhos ng ulan. Mabuti na lang talaga at may bubong ang daan patungo sa waiting shed kun 'di ay basang-basa na siguro kami ng ulan. 

Laking pasasalamat ko rin at naisipan kong magsuot ng sweater ngayong araw. Hindi ako matibay sa lamig kagaya ng iba. Mabilis akong sakitin kaya sinisiguro kong palagi akong may baon pangginaw kapag dumidilim na ang kalangitan. Despite that I could still feel the cold dampness of the rain seeping through my clothes. I wrapped my arms around myself, trying to stay warm as I waited for the rain to stop.

When Jace was still around, he's always mad at me whenever I forgot my sweater or cardigans. Alam ko na nga raw na sakitin ako tapos palagi ko pang kinakalimutan. Palagi niyang itinatanim sa isip ko na kailangan kong alagaan ang sarili ko dahil hindi sa lahat ng oras ay nandiyan siya.

He always reminds me that we're not always together in the future, so I have to take care of myself. He used to tell me that when he's gone, I should be able to stand on my own.

I always brush it off. The idea of Jace leaving me, not knowing that he'll do it. . . that he'd be gone too soon.

He left a big hole in my heart when he went away. And now, as I think about those memories, I feel like a bomb has been cast into my heart. And like it's going to blow up any second now.

I let out a deep breath to brush off that feeling. Ngunit hindi nawala ang bigat sa dibdib ko at mas lumala pa iyon nang mas lalong bumuhos ang malakas na ulan. The sound of the rain grew louder and more intense. Drops pelted against the tin roof, creating a deafening and constant noise that seemed to fill every corner of the small space. Tila dinadamayan nito ang puso kong patuloy na nawawasak sa pagkawala niya.

Nash received a call. Sandali itong dumistansiya sa akin para sagutin iyon. I couldn't help but notice the way his brows furrowed and his jaw clenched in frustration as the conversation went on. I wondered what the call was about, but I didn't want to pry. Nakita ko kung paano kumuyom ang kaliwa niyang kamao. When the call ended, as if on cue, our eyes met.

As our eyes met, I realized that I had been staring at him for longer than I had intended. It's just that whenever I look at Nash's eyes, I see brightness and hope. 

But at that moment, I was stunned when he looked at me with pain and darkness written in his eyes. My heart gripped with unspeakable pain, remembering those pair of Jace's brown eyes. I wish I could have seen his sorrow when he looked at me like that.

Nash broke our eye contact. Napuno ng katahimikan ang buong waiting shed at ang tanging ingay ay nanggagaling lamang sa malakas na patak ng ulan. 

We're standing at the waiting shed as the rain poured. Parehong nakatitig sa malalaking butil ng ulan na pumapatak galing sa madilim na kalangitan. Despite the awkwardness, I couldn't help but feel a strange connection between us. Maybe it was just the shared experience of waiting out the rain together, or maybe there was something more.

As we settled back into our quiet waiting, I found myself stealing glances at Nash, wondering if he felt the same strange pull that I did.

"Naniniwala ka ba na kalungkutan ang simbolo ng ulan?" nilingon ko si Nash nang magsalita siya. Seryoso siyang nakatingin sa kalsada kung saan kakaunti ang dumadaang mga sasakyan marahil dahil sa lakas ng ulan.

As he speaks, he has a certain tone to his voice. As if it were on the verge of bursting.

"I honestly don't think of it as a symbol of sadness. . ." Ibinalik ko rin ang tingin doon at nagpakawala ng malungkot ng ngiti. "But a reminder that it's alright to be sad. That you can be gloomy as the dark sky and pour out the heaviness of your clouds without worrying about anything." I said to him, but more likely, to myself. "A reminder that being sad is not a weakness."

I returned my gaze to him. He flashed me a genuine smile as his lips' sides rose. The next thing he said threw me off, guard.

"Thank you, Rayne. I needed to hear those words."

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro