WCATR 34: Ripple Effect
CHAPTER 34 - RIPPLE EFFECT
PARA AKONG LUMULUTANG sa kawalan. Wala akong marinig kundi ang nakakabinging katahimikan. Binuksan ko ang mga mata ko pero wala akong makita. Wala akong makita kundi walang katapusang dilim. Wala rin akong kahit anong maramandaman.
Hanggang sa biglang may humila sa 'kin. Isang saglit lang may init na haplos. Mula sa walang hanggang kadiliman, unti-unting may bumaot sa aking liwanag.
Naramdaman ko ang banayad na hampas ng hangin mula sa dalampasigan at ang malamig na dampi ng mga buhanging nasa paa ko.
"Rayne, giginawin ka na naman!"
Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses at napakurap ako. Nakaupo si Jace sa tabi ko. Unti-unti niyang inalis ang suot na jacket.
"Kailan ka ba matutunong magdala ng sarili mong jacket?" aniya, sabay marahang ibinalot sa akin ang kaniya.
Muli siyang tumingin sa dagat. Hinahangin ang magulo niyang buhok. He sat with one knee up, arms lazily draped over it, and stared at the horizon like he was memorizing it.
"Jace..." bulong ko, mahina lang. Sinisugurado kung siya nga ang nasaharapan ko.
"Hmm?"
"Nandito ka..." nanginginig ang boses ko.
Napangiti siya, hindi 'yung pabirong ngiti niya pero iyong malamlam at banayad. Tulad ng kulay ng dapithapon na nasa harapan namin.
"Aalis ako bukas." Muli siyang tumingin sa dagat.
"Pero birthday mo..." Kumunot ang noo ko. "Sabi mo sasamahan kitang magcelebrate?"
Hindi siya agad sumagot. Minamasdan lang niya ang dahan-dahang paglubog ng araw.
"Sorry... I need to go alone."
Umiling ako, pilit na tinatawanan ang kabang gumagapang sa dibdib ko. "Ano yan? Me time? Ayaw mo kong isama?"
Sumilay ang malungkot na ngiti sa labi niya. "Hindi pwede."
"Ang damot naman nito!" Tinapik ko siya sa balikat. "Ang daya, sabi mo magcecelebrate tayo bukas."
Tahimik lang siya habang tila kinakabisado ang mukha ko. "Rayne, huwag kang gumaya sa'kin."
Gumuhit ang kirot sa dibdib ko. Natigilan ako. Halos hindi ko na marinig ang alon. "Don't be like me," he smiled, sadly.
At doon ko lang napansin na unti-unting lumalamlam ang liwanag sa mukha niya parang kinukuha na siya ng dapithapon. His lopsided smile na parang wala lang. Pero ngayon, alam ko na. Alam ko na kung anong tinatago ng ngiting 'yon.
"Jace... Hindi ka na aalis diba?" Nabasag ang boses ko habang tinatanong iyon.
Alam ko na... alam ko na kung saan siya pupunta.
Ngunit sa halip na sumagot huminga lang siya nang malalim saka inangat ang kamay ko, dinampi niya iyon sa kaniyang pisngi. Naramdaman ko ang init noon.
"Hindi pwedeng hindi ako umalis, Rayne. Hindi sa lahat ng oras nandito ako."
He tucked a stray strand of my hair behind my ear.
"Isama mo na lang ako," pakiusap ko.
Tumulo ang luha sa pisngi niya. "You don't belong there," bulong niya tapos ngumiti.
I felt like I was drowning. I was drowning but there was no water.
"Jace... Please..."
Jace smiled again but this time he was already leaving—he was already too far.
"Alam kong kaya mo."
Kasabay ng tuluyang paglubog ng araw, tuluyan din siyang nawala sa paningin ko.
"Rayne..."
Parang may umabot sa akin mula sa dilim. Iminulat ko ang mga mata ko at sinalubong ako ng liwanag, ng puting kisame. Napabaling ako sa kanan nang may humawak sa akin.
"Anak..." si Tita Linda.
I'm still alive.
Saglit akong natulala, hindi alam kung anong mararamdaman. Mahigpit ang pagkakabalot ng benda sa pulsuhan ko, ramdam ko ang bahagyang hapdi sa ilalim nito. Nanunuyo rin ang lalamunan ko na parang matagal na akong hindi nakapagsalita.
"Rayne... Kumusta ang pakiramdam mo?"
Mahina pero puno ng pag-aalala ang boses ni Tita Linda. Halos nanginginig ang kamay niya habang inaabot ang akin, pero hindi niya itinuloy. Parang natatakot siyang masaktan ako sa paraan ng paghawak niya.
Bago ko pa maisip kung paano sasagot, mabilis siyang tumawag ng nurse.
Ilang saglit lang, may pumasok na nurse na may dalang clipboard at isang maliit na flashlight. "Miss Rayne, can you hear me?" Malumanay ang tono niya.
Tumango lang ako, ramdam ang tuyong lalamunan ko.
Maingat niyang tinanggal ang benda sa kamay ko, tinitingnan ang sugat sa pulsuhan ko. Napasinghap si Tita Linda, pero hindi siya nagsalita.
"Okay, we'll check your vitals, ha?" sabi ng nurse bago ipinatong ang malamig na stethoscope sa dibdib ko. Tahimik lang akong nakinig sa tunog ng sariling paghinga.
Sumunod niyang kinuha ang blood pressure ko, habang si Tita Linda naman ay hindi mapakali sa tabi. Halos hindi siya humihinga habang pinapanood ang bawat galaw ng nurse.
"Do you feel any pain anywhere?" tanong ng nurse.
Oo. Pero hindi sa katawan.
"Medyo nahihilo," sagot ko na lang.
Tumango siya at isinulat ang kung anong observation sa clipboard. "That's normal. You lost a lot of blood, but you're stable now. Kung may maramdaman kang iba, sabihin mo lang, ha?"
Hindi ko alam kung paano sasagot kaya tumango na lang ulit ako.
"Tatawag lang ako ng doctor to check on you," dagdag niya bago lumingon kay Tita Linda. "She needs rest, but she's doing okay for now."
Tila nabunutan ng tinik si Tita Linda pero halata pa rin ang lungkot sa mata niya. "Salamat po."
Nginitian siya ng nurse bago lumabas ng kwarto. Nanatiling tahimik ang silid, tanging ang mahina at irregular kong paghinga lang ang naririnig ko.
Tumingin ulit sa akin si Tita Linda saka naupo sa tabi ko. Namumula ang mga mata niya.
"I'm sorry... Hindi kita dapat iniwan," bulong niya, her voice cracked. "Dapat sinama na lang kita sa Maynila."
Natigilan ako at parang may kung anong kumurot sa dibdib dahil sa naging desisyon ko.
"Tita..."
"Hindi ko dapat hinayaang mag-isa ka rito. I should've been here," she said, shaking her head. "I offered you a life in Manila, but I should've insisted."
Hinayaan kong umiyak si Tita Linda sa tabi ko. Hindi man ako sigurado sa dapat kong maramdaman pero pakiramdam ko nakahinga ako ng maluwag.
For years, I convinced myself na kaya ko. Na hindi ko kailangan ng tulong. Na kaya kong mabuhay kahit mag-isa. But I was wrong.
Tita Linda exhaled shakily. "This time, you're coming with me. Sa Manila ka na magpapagaling."
Hindi ako umimik. Hindi ko alam kung paano tututol kasi baka tama siya. Dahan-dahan akong tumingin sa pulso kong may benda.
Siguro nga... maybe this place isn't for me anymore.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal akong nakatulog. Basta ang alam ko lang noong ipinikit ko ang mga mata ko ramdam ko pa rin ang bigat sa dibdib ko. Para bang hinihila pa rin ako pabalik sa dilim na muntik ko nang yakapin nang buo.
Nagising ako dahil sa mahihinang boses. Hindi ko iminulat ang mata at pinakiramdaman ang paligid habang hindi ako gumalaw.
Narinig ko ang mahihinang boses nina Ynigo at Florissa, kausap si Tita Linda.
"Taga-Arrion po kami," paliwanag ni Ynigo, "Ka-publication po namin si Rayne."
"Taga-publication?" Ulit ni Tita, "Kayo ba ang nakakita sa pamangkin ko?"
Saglit na katahimikan ang namayani sa silid.
"Opo," sagot ni Florissa.
Muling natahimik si Tita Linda. Parang bumigat ang hangin sa loob ng kwarto.
"I see," mahina niyang sagot.
May narinig akong mahinang kaluskos.
"So, she stayed because of your publication?" dugtong niya, halos bulong na lang.
Napasinghap si Florissa. "Po?"
"Si Rayne." Huminga nang malalim si Tita bago nagpatuloy. "Paulit-ulit ko siyang tinanong kung gusto ba niyang sumama sa amin noong kinuha ko ang kapatid ko sa puder niya pero may dahilan daw siya para manatili. Akala ko, dahil lang gusto niyang patunayan ang sarili niya. Pero... siguro, isa kayo sa mga dahilan."
Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko. Muling natahimik ang silid. Walang sumagot agad.
"You were important to her," Tita Linda finally said. "Maybe more than she ever let you know."
I tried to stay still.
Pinilit kong hindi gumalaw. Hindi huminga ng masyadong malalim para hindi nila mahalata na gising na ako. Pero kahit anong gawin kong pagpipigil, hindi mawala yung bigat sa dibdib ko.
Hindi ko alam kung paano haharapin sina Ynigo at Florissa pagkatapos ng lahat. Kasi paano nga ba? Paano mo haharapin ang mga taong mahalaga sa'yo matapos mong tangkaing iwan sila?
Napakagat ako sa labi, pinipigilang humikbi. Pero kahit anong gawin ko, may tumulong luha mula sa nakapikit kong mga mata.
I did that. I survived but I did that.
I didn't like this heavy fealing. I didn't want this. Narinig ko ang mahinang kaluskos ng upuan at bago ko pa mapahid ang luha sa pisngi ko, may kamay na naunang gumawa no'n.
Dahan-dahan akong dumilat. Si Florissa.
Tahimik lang siyang tumingin sa akin. Namumula ang mata niya. Ngumiti siya pero hindi nagsalita. Hindi na niya kailangang magsalita para maramdaman kong nasaktan ko siya.
Napasinghap ako, pilit na tinatago ang isa pang hikbi. Hindi ko alam kung dahil ba sa hiya, sa lungkot, o sa relief na nandito pa rin siya kahit pinili kong sumuko.
"Maiwan ko muna kayo," mahinang paalam ni Tita Linda, "May tatanungin lamang ako sa nurse."
Narinig ko ang marahang pagsara ng pinto. Naiwan kaming tatlo nina Florissa at Ynigo sa loob.
Nakaupo si Florissa sa tabi ng kama ko, tahimik lang, pero namumula ang mata. Samantalang si Ynigo, nasa may pinto parang hindi niya magawang lumapit o magawang tingnan ako.
Walang nagsalita sa amin. Pinilit kong pigilin ang pag-iyak ko pero hindi ko nagawa. Hanggang sa narinig ko na rin ang mabigat na paghinga ni Ynigo. Pagkatapos ay ang unti-unti rin niyang pag-iyak.
"I'm sorry," bulong niya, halos hindi ko iyon marinig.
Bumagsak ang tingin ko sa benda sa palapulsuhan ko. Nanatili akong tahimik na umiiyak.
"I'm sorry," ulit niya, mas mahina na ngayon.
Naramdaman ko ang paghikbi ni Florissa sa gilid ng kama ko. Bahagya siyang tumalikod upang hindi ko siya makita.
"Nong tumawag sa'kin si Ciqa," panimula niya pagkatapos ng ilang saglit. "Pagkatapos mong mag-send ng message, gusto ka niyang puntahan. Pero natakot siyang mag-isa, kaya tumawag siya sa'kin."
Nanginginig ang kamay ko, alam na kung saan papunta ang kwento. Nag-angat ako nang tingin kay Ynigo. Nakasandal siya sa pader malapit sa pinto saka doon naupo.
"Dumiretso kami sa'yo," dugtong niya halos pabulong. "Pero..." Napapikit siya na tila parang sinusubukang burahin sa memorya niya ang alaalang iyon. "I-if... if we got there a little too late, Rayne..."
Pinikit ko ang mga mata ko at sinubukang pigilan ang sariling pag-iyak pero kahit anong gawin ko hindi ko maalis ang bigat sa dibdib ko.
"... we could have lost you."
Huminga siya nang malalim pero halata sa boses niya na hindi siya kumakalma lalo lang siyang nababasag.
"I'm sorry... na nagalit kami sa'yo."
Yung sakit na nararamdaman ko sa dibdib ko... mas masakit kaysa sa sugat sa pulso ko.
Hindi ko ginustong umabot sa ganito. Hindi ko ginustong masaktan sila nang dahil sumuko ako.
"I'm sorry kasi pinili naming magalit," bulong niya, namamaos. "Pinili naming magalit sa'yo kaysa intindihin ka."
Umiling ako. Ayoko nito. Hindi ganito. I hate how things turn. Wala silang sinisisi kundi sarili nila. Wala akong sinisisi kundi ang sarili ko.
I did what I did not because they were angry. I did it because I felt trapped. Because the pain was too much to bear. It was the kind of pain that eats you alive, that convinces you there's no way out. It makes you forget that people would break when you're gone.
Habang nakikita ko silang umiiyak sa harapan ko mas lalo kong naramdaman 'yung sakit na iniwan sa'kin ni Jace.
Ganito rin ba ang hitsura ko noon? Noong iniwan ako ni Jace, ganito rin ba ako? Napapikit ako habang naaalala ko siya.
Nung nawala si Jace, galit ako. Galit na galit ako sa sarili ko kasi hindi ko siya napigilan... kasi hindi ko nakita yung mga signs.... kasi napagod ako.
Pero... paano kung katulad ko lang din siya?
What if Jace didn't blame me? What if... he felt the same thing that I was feeling right now? That I don't want them to blame themselves.
Did Jace also didn't want that? That I blamed myself for what he did?
Napapikit ako, nanginginig ang balikat ko sa pag-iyak.
Now, I understand because I feel what they felt. Because two years ago, I was on their shoes. Blaming myself. Thinking I was too late. But now I was lucky, because they weren't too late for me.
Masakit palang mang-iwan.
Kinabukasan, bumalik ulit sina Ynigo at Florissa para dumalaw pero this time, may kasama pa sila, si Vashnee. Nag-aalangan si Vash na pumasok sa pinto.
After everything that happened to TVOA, alam kong siya ang pinaka-galit sa akin. Hindi lang basta tampo—galit. Kasi nangako ako sa kanya. I promised her I'd take care of the publication she built for three years. That I'd continue what she started and protect it. But instead of taking care of it, I was the one who lit the match and burned it down.
Si Ynigo ang unang lumapit. After his breakdown yesterday, somehow, nabawasan ang bigat na dala ko.
Hindi siya nagsalita. Umupo lang siya sa upuang nakasanayan na niyang tambayan mula kahapon. Si Florissa naman ay nakatayo sa tabi niya, pinagmamasdan si Vashnee habang dahan-dahan itong lumapit.
"Hey," she said softly.
Hindi ko alam kung dapat ba akong sumagot, kaya tumango lang ako.
I never really expected Vashnee to cry over me. Just like Ynigo and Florissa, she felt guilty on what happened to me.
"I'm sorry, Rayne," she whispered.
Napayuko siya, mariing pinunasan ang pisngi niya.
"Hindi ko alam na ganito na pala kabigat 'yung nararamdaman mo. And that's on me. That's on all of us."
Alam kong nasaktan at nagdamdam sila pero noon ang iniisip ko lang wala na akong pakialam basta malaman ng lahat ng story ni Jace. Na sa sobrang bigat ng sakit na dinadala ko, hindi ko na naisip kung sino pang madadamay. Hindi ko na inisip kung sino ang maiiwan. Akala ko, nung pinili kong umalis, matatapos na ro'n yung sakit pero hindi pala ganun.
It doesn't end. Pain doesn't just disappear when you're gone. It spreads.
When you lose someone, you don't just move on—you carry it.
At kung ako mismo, hanggang ngayon dala-dala ko pa rin ang pagkawala ni Jace... paano pa sila?
Bigla kong naalala kung paano ako nakatulala lang nung nawala si Jace. Kung paanong biglang nagbago ang mundo ko habang 'yung iba nagpatuloy lang.
I thought that was it but I was wrong. Nagpatuloy lang sila kasi wala silang choice. Kagaya ni Pastor Francis pero hindi ibig sabihin noon na hindi sila naapektuhan. Hindi ibig sabihin noon na hindi nila siya dala kahit saan sila magpunta.
Now, I finally understand. If I had died that night... I would've just passed it on to them.
Vashnee would've carried that guilt. Ynigo & Ciqatrix would've replayed that moment when they came a little too late over and over in in their head. Florissa would've kept quiet, just like she is now, but she would've never been the same. Tita Linda would've gone home to an empty house, asking herself if she could've done more.
Everyone else—lahat ng taong dumaan sa buhay ko, kahit 'yung hindi ko inaasahan—would've felt that ripple.
Because loss isn't just one moment. It's a wave. It drowns everyone who's left behind.
Nanginginig ang kamay ko habang inaabot si Vashnee. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin, kung yayakapin ko ba siya, kung dapat ba akong magsalita, kung may karapatan ba akong humingi ng tawad pero ginawa ko pa rin.
Hinawakan ko ang kamay niya. "I'm sorry," bulong ko sa garalgal na boses.
Hindi lang para sa kanya. Para rin kay Ynigo... Para kay Florissa... kay Ciqa at Nash. A
Most of all, para kay Jace. Para sa lahat ng galit ko sa kanya dahil hindi ko naintindihan noon.
At para sa sarili ko. Para sa lahat ng sakit na tinago ko ng matagal.
Dahil ngayon, naiintindihan ko na. Hindi ko kailangang bitawan si Jace para magpatuloy. I don't have to forget him in order to move forward.
He is Jace Strauss Ballesteros—my bestfriend. He wasn't the pain that he left behind. He is more than just his tragedy.
He is in the moments of laughter we shared. In the way he used to roll his eyes at me pero pipilitin pa ring hintayin akong matapos magsulat. In the way he sang off-key sa mga road trip namin. In the way he said my name... may lambing... na parang kahit anong mangyari, hindi niya ako iiwan.
He's always going to be a part of me, but that doesn't mean I have to keep carrying the guilt of losing him. I don't have to keep searching for closure in his death anymore. I just have to be thankful for the time we had.
Remembering him, not for how he left, but for the life he lived.
Huminga ako nang malalim, marahang piniga ang kamay ni Vashnee. She squeezed back like she was anchoring me to the present.
Nang tingnan ko siya, kita ko ang bahagyang ngiti sa labi niya, ang naiipong luha sa mata na hindi niya hinayaang tumulo. Sa halip na bumigay, hinigpitan lang niya pa lalo ang hawak sa kamay ko.
"We're here, Rayne. You're not alone," mahina niyang sinabi.
Napangiti ako, kahit namamasa na rin ang mata ko.
Tumango ako. "I know."
Jace wasn't pulling me back—he was letting me go to see this. He was never asking me to stay in the past. I was the one who refused to move forward.
***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro