Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

WCATR 33: Broken Sunset

Trigger Warning: Suicide


CHAPTER 33 - BROKEN SUNSET

NAPATITIG LANG AKO sa kisame. I don't know if I should go to school today.

Madilim pa kanina nang magmulat ako ng mata pero hindi ko magawang bumangon. Masakit ang ulo ko at mabigat ang katawan na parang may nakadagan sa dibdib ko. Hindi ko na nga maalala kung anong oras ako nakatulog o kung nakatulog nga ba talaga ako kasi pakiramdam ko, pagod na pagod pa rin ako.

Walang laman ang sikmura ko pero hindi naman ako nagugutom. Sinilip ko ang orasan, alas nwebe na nang umaga. I should move but my body doesn't listen. Kailangan ko nang bumangon pero sobrang bigat na parang hinihila ako pabalik sa kama.

Nasa sahig pa rin at nakakalat ang mga article na nakinuha ko noon sa archive. Sa gilid ng mesa, nakalagay ang isang baso nang tubig na hindi ko naman nainom kagabi. Sa tabi ng kama, ang mga damit na pinagbihisan ko. Napangiti na lang ako nang mapait. Kasing gulo ng kwarto ko ang utak ko ngayon.

Nang makauwi ako kahapon nagkulong lang ako buong magdamag. Wala akong ibang ginawa kundi titigan ang kisame.

Kung papasok ako, ano naman ang gagawin ko doon? Wala na akong ganang mag-aral. I already lost my scholarship. Wala naman akong pambayad ng tuition. Nakakahiyang magmakaawa ulit kay Mrs. Mababangloob.

Napatingin ako sa cellphone ko nang umilaw iyon. Sa gilid ng screen, lumitaw ang pangalan ni Florissa.

Florissa: Rayne, punta kang office today. May ibibigay sana ako.

I read it twice. Napakagat ako sa labi. Mabilis na kumabog ang dibdib ko... pakiramdam ko alam ko na kung bakit.

I should have expected this. I should have known there was no coming back from what I did. Somewhere deep inside me, a voice whispers that I deserve this.

Dahan-dahan akong tumayo, nagbihis saka kinuha ko ang jacket ko. Hindi ko na tinignan ang sarili ko sa salamin. I don't want to see her. Ayokong makita ang mukha ng taong labis kong kinamumuhian.

Hindi ko na namalayan kung paano ako nakarating sa school. Nang nasa tapat na ako ng pinto ng TVOA napako sa kinatatayuan ko at sandali akong natigilan. Hindi ko alam kung paano sila haharapin.

Pilit kong nilunok ang namuong bara sa lalamunan ko. I heaved the deepest sigh I could muster, pero kahit anong gawin ko, hindi ko maalis yung pag-alon ng dibdib ko, yung kaba. Nanginginig ang kamay ko nang binukasan ko ang pinto.

Walang tao doon. The room felt empty. May mga gamit na naiwan pero wala ni isa ang nasa loob. Naglakad ako papunta sa table ko pero pakiramdam ko ang layo-layo nito. Para akong nilamon ng sahig sa bawat yapak ko.

Naupo ako roon, marahang ibinaba ang bag ko sa tabi. Napayuko ako at napatulala. Ang lungkot ng office. The silence hugged me as I stay there. Napatingin ako sa mesa na nasa tabi ko iyong table ni Nash.

Wala nang masyadong gamit. Dati-rati madalas ko siyang punahin dahil nakakalat ang mga papel doon pati yung paborito niyang ballpen na laging kung saan-saan nakalagay... His table was always a mess... but not today.

Dahan-dahan akong napatayo nang may napansin akong larawan na nakaipit sa pen holder niya. Kinuha ko iyon gamit ang nanginginig kong daliri.

Group photo namin ng TVOA noong nanalo kami sa Baguio. Naroon sina Vashnee, Florissa, Ynigo, Ciqa, at si Nash na nasa tabi ko habang hawak ang nanalo naming dyaryo.

Halos mabitawan ko iyon dahil sa panginginig ng kamay ko. Sa likod ng larawan, may isang salitang nakasulat.

Home.

Parang may bumaon na matalim na bagay sa dibdib ko. Unti-unti, pakiramdam ko mawawalan ako ng hangin. Pinilit kong kontrolin ang paghinga ko pero kahit anong gawin ko hindi ko mapigilan ang sakit na bumalot sa akin.

What have you done, Rayne?

TVOA isn't just a tool. TVOA isn't just collateral damage. TVOA isn't just an org.

It wasn't just a publication. Inside this org, I started to feel the joy again. Dito ako unang naniwalang may halaga ako. Dito ako muling umiyak sa balikat ng mga bagong kaibigan ko pagkatapos mawala ni Jace.

TVOA is my home too.

Pero ngayon... wala na.

Sinira ko ang pangalan ng publication namin. Pinahamak ko ang mga taong palaging nasa tabi ko. Napilitan silang ipaglaban ang pinaglalaban ko pero hindi pa iyon naging sapat sa akin. Sinira ko kami.

Ang tanga-tanga ko. Ako ang dahilan kaya kaming lahat malulunod.

Napakapit ako sa gilid ng mesa, nanginginig ang buong katawan ko. Hindi ko namalayang may luhang tumulo mula sa mata ko. I tried to stop it pero ayaw nilang magpaawat.

Mabilis bumukas ang pinto ng office. Napatalikod ako upang itago at punasan ang luhang galing sa pag-iyak ko. Tinago ko sa jacket ang hawak na larawan. Saka dahan-dahang hinarap ang pumasok.

Si Vashnee... Florissa, at Ynigo. Nakangiti silang pumasok sa office pero nang makita nila ako unti-unti iyong nawala.

Si Florissa ang unang bumasag ng katahimikan. "Rayne, nandito ka na pala."

Pilit ang ngiti niya pero kita ko sa mata niyang hindi niya alam kung paano ako haharapin. Agad niyang ibinaba ang bag  sa table habang abala sa paghahanap ng kung ano—o baka ginagamit lang niya iyong dahilan para hindi ako tingnan nang matagal.

Si Ynigo, dumiretso sa pantry, kunwari ay abala sa pag-brew ng kape. Pero ramdam ko ang bigat ng tingin niya kahit hindi siya nagsasalita.

Si Vashnee, tahimik na naupo sa common table. Hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

Taimtim ang katahimikan sa loob ng silid. Para kaming nagpapakiramdaman sa isa't-isa. Hanggang sa may nagsalita.

"Hindi ka man lang ba magsosorry?"

Napatingin ako kay Vashnee. Saka lang siya tumingin pabalik sa akin pero hindi iyon ang tingin na kinasanayan ko.

Nanuyo ang lalamunan ko. "Vash..." Hindi ko alam kung ano ang sasabihin.

"Nasuspend si Nash for one week. Pinagreresign nila si Ma'am Aranzado. Wala man lang bang kahit kaunting pagsisisi sa nagawa mo?"

Natigilan si Florissa. Para bang gusto niyang pigilan si Vash pero hindi niya alam kung paano. Halata ang discomfort niya sa paraan ng paghawak niya sa bag niya, nakatayo pa rin siya sa tabi ng table niya, para bang hindi sigurado kung uupo ba siya o ano.

Napansin kong may hawak siyang sobre. Lumapit siya sa akin nang dahan-dahan saka iniabot iyon. Nanginginig ang kamay niya.

"Rayne..." Mahinang tawag niya.

Hindi ko na kailangang basahin kung ano iyon, alam ko na. Pagkatanggap ko pa lang sa sobre napayuko na siya.

"Pasensya na..." bulong niya pero ramdam kong hindi niya alam kung paano niya ako pakikiramdaman.

Tiningnan ko ang papel. Napakuyom ang kamay ko pilit na pinipigilan ang panginginig ng buong katawan ko.

Official letter of dismissal. Official na, wala na ako sa The Voice of Arrionians.

Inapprubahan iyon ni Ms. Aranzado bilang adviser. Noted by the editors... si Florissa bilang New Associate Editor. Kasama sina Ynigo, Stephanni, at Ciqa. At sa pinakadulo, pinirmahan iyon ni Nash.

Nagtaas ako ng tingin pero hindi ko na magawang tingnan sina Florissa, Ynigo, o kahit si Vashnee. Hindi ko kaya.

"I'm sorry." Iyon lang ang tanging lumabas sa bibig ko.

Walang sumagot o gumalaw.

I focused my eyes on the photos on the bulletin board. Mga larawang puno ng ngiti at ng tawanan.

Nanginginig ang mga daliri kong hinila ang ballpen mula sa case ko. Dalawang kopya iyong letter. Isa para sa kanila at ang isa ay para sa akin.

Huminga ako nang malalim. Dahan-dahan kong inilapat ang ballpen sa linya kung saan nakalagay ang pangalan ko. Kahit pa nanginginig ang kamay ko kailangan kong pirmahan ito.

Sa unang hagod ng tinta sa papel pakiramdam ko'y unti-unting nauupos ang huling apoy sa loob ko.

Nang matapos ko ang pagpirma, pinilit kong iabot ang kopya para sa kanila. Pero nangangatog ang kamay ko. Si Florissa ang kumuha at sa pag-abot ko noon, saka ko lang napansin na nanginginig din siya.

May pag-aalinlangan sa mga mata niya. Hindi ko alam kung awa ba iyon o lungkot. Pero bago ko pa iyon matukoy, bumukas muli ang pinto saka naman pumasok doon si Ciqatrix.

Nagulat siya nang makita ako pero agad din iyon napalitan ng galit. Hindi ko kailanman nakita si Ciqa na ganito kagalit.

"Anong nangyari? Pumayag ba si Dean?" Mabilis na tanong ni Ynigo kay Ciqa. Napakunot ang noo ko.

Umiling siya, parang naiiyak na. "Shit! Hindi makakagraduate si Nash on time."

Napatingin ako sa kanya, hindi sigurado kung tama ba ang narinig ko. "Ano?" Mahina kong tanong.

Naningkit ang mga mata ni Ciqa. "Kasalanan mo 'to, eh! Pinakiusapan ko si Dean Bautista pero hindi siya pumayag."

"A-Akala ko... suspension lang—"

"Akala mo?" Tumawa siya nang mapakla. "Akala mo suspension lang?!! Mahigpit ang 'no exam, no grade' policy sa college namin. Hindi siya makakapag-exam ng finals. Wala siyang exam, Rayne."

Lumapit siya. Wala akong masabi. Tahimik akong nakatayo, hindi gumagalaw.

Sa gilid ng paningin ko, nakita kong umiwas ng tingin si Ynigo, habang si Florissa ay may hindi maipaliwanag na lungkot sa mukha niya. Si Vashnee naman, nanatiling tahimik ngunit ramdam ko ang bigat ng tingin niya sa akin.

"This is all your fault!"

Naglakad pa ng isang hakbang si Ciqa, hanggang sa halos magpang-abot na ang mga mukha namin.

"Ina-idolize kita dati, alam mo ba?" Humina ang boses niya pero hindi nawala ang gigil doon. "Tinitingala kita. Gusto kitang maging kaibigan. Pero pagkatapos ng lahat, Rayne... hindi ko alam kung tama pa bang tawagin kitang kaibigan."

Napakurap ako. Hindi ko napansin na may tumulong luha mula sa mata ko.

"Tingnan mo ang ginawa mo." Itinuro niya ako.

Pinagmamasdan ko siya, pilit na nilulunok ang buhol sa lalamunan ko. Nanigas ang mga daliri ko sa gilid ng jacket ko pilit na pinipigilan ang panginginig.

Hindi ako makahinga. Hindi makakagraduate si Nash. Hindi siya makakapag-finals.

Hindi pwede.

Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa faculty office ng College of Information Technology. Hindi ko na rin namalayan kung ilang beses akong lumiko sa maling hallway, ilang beses akong napahinto, napaisip kung dapat pa ba akong pumunta.

Nahanap ko na lang ang sarili kong nakatayo sa harap sa pinto ng opisina ni Dean Bautista, hindi pa man ako kumakatok, pakiramdam ko pagod na pagod na ako. Hindi lang sa paglalakad, kundi sa bigat ng sitwasyon. Sa bigat ng kasalanan ko.

Kumatok ako, mahina noong una. Walang sumagot. Kumatok ulit ako, mas malakas. Hanggang sa bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang matalim na tingin ni Dean Bautista.

"Ano'ng kailangan mo, Miss?" iritaado niyang tanong.

Halos hindi ko na marinig ang sarili kong boses nang magsalita ako. "Please... Please, hayaan n'yo siyang mag-exam."

Napakunot ang noo niya. "Excuse me?"

"Nash... Nash Dillon Cadogan po. Wala po siyang kasalanan. Ako ang nag-publish ng article. Ako ang gumawa ng desisyon. Please, Dean, let him take the exam. Kailangan niyang—"

Naputol ang pagsusumamo ko nang umiling siya, tila hindi man lang nagdalawang-isip. "Pang ilan ka na ba sa nagmakaawa para kay Cadogan?" Napakunot ang noo niya na parang napapagod na. "Rules are rules... Miss Carreon ba? Alam mo na palang mali ang ginawa mo. So, alam mo ring may consequences."

"I-It was my fault... not his. H-Hindi niya po alam. Wala siyang alam!" Hindi ko na napigilang tumaas ang boses ko.

Nanginginig na ang buong katawan ko sa desperasyon. "Ako po yung may kasalanan! Hindi siya dapat nadadamay! Dean please... Baka po may magawa kayo? He's your student. He's good!"

Pero nanatiling matigas ang mukha ni Dean. Walang kahit anong bahid ng simpatya. "Hindi na 'yon mahalaga, Miss Carreon. Ang desisyon ng school ay final na. Mr. Cadogan's suspension stands. He will not be allowed to take the finals."

Parang may sumabog sa loob ko.

"Please..." Ramdam ko ang init ng luha ko sa pisngi. Hindi ko na alam kung paano ako nakatayo pa sa harapan niya.

Tiningnan niya lang ako nang matagal, tapos dahan-dahan siyang umiling. "It's too late, Miss Carreon."

Not, it's not.

Nagmamadali akong pumasok sa opisina ni Ms. Aranzado. Hindi ko na inalintana ang bigat ng mga matang sumunod sa akin, ang mga bulungan sa paligid.

For a while, I hated her. Because of what she did to Jace and for publishing that article.

Alam niyang may consequences. Alam niyang may masisira. Pero ginawa niya pa rin. Because she was trying to protect someone. She was trying to protect her brother—Gideon.

Kung hindi si Jace ang sisisihin sa nangyaring hazing na iyon, si Gideon ang babagsakan ng sisi. Kaya niya ginawa 'yon.

And now, habang naglalakad ako papunta sa kanya, narealize ko...

We are the same. We both cared too much.

Ginawa ko 'to dahil masyado akong naniwala sa sarili kong prinsipyo. Dahil masyado akong naniwala na tama ako—na kahit may masaktan, basta't masabi ko lang ang kwento ni Jace, sapat na iyon. Pero ang hindi ko naisip... minsan, kahit gaano pa kalinis ang intensyon mo, may mababasag at may mawawasak.

For her, it was Jace.

For me... it was Nash.

She let it happen... but I refuse. I couldn't let that happen. Hindi ako papayag na si Nash ang magbayad ng kasalanan ko. Kailangan kong ayusin 'to. Kailangan kong gawin ang lahat kahit na magmakaawa pa ako.

Nang makita ko siyang nakaupo sa mesa niya, hindi ko na inalintana ang mga titig ng ibang guro. Hindi ko na rin inisip kung tama ba ang ginagawa ko—ang alam ko lang, kailangan ko siyang makausap.

"Ma'am... please." Halos hindi ko na makilala ang sarili kong boses. Nanginginig, desperado. "Tulungan niyo po ako. Kayo na lang po ang makakatulong sa akin." Nilunok ko ang pride ko.

Napatingin siya sa akin, halatang nagulat sa biglaan kong pagsulpot. "Rayne—"

"Alam kong mali 'yung ginawa ko. Ako po 'yung nag-approve ng article. Ako po 'yung may kasalanan. Pero please... kung puwede pong kausapin natin ulit ang admin or si Sir Madrigal, kung puwede pong ako na lang 'yung i-suspend—huwag na po si Nash." Ramdam ko ang panunuyo ng lalamunan ko habang nagsasalita. "Kailangan niyang makapag-finals, ma'am. Please..."

Napabuntong-hininga si Ms. Aranzado. Alam kong wala na siyang magagawa, pero pilit akong kumakapit sa kahit anong pag-asa. Sa kahit anong paraan para maayos 'to.

"Rayne," mahinahong sabi niya. "Hindi na natin mababago ang desisyon. The Office of Student Affairs already confirmed it. Even the Dean..."

"Pero ma'am—"

She shook her head. "The suspension is firm and final."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. She gave up that quick. Pero hindi pa ako sumuko.

Tumakbo ako papunta sa Office of Student Affairs. Wala akong pakialam kung mukhang desperada na ako. Kung mukha na akong katawa-tawa sa mata ng ibang estudyante. Wala akong pakialam.

Kailangan ko siyang iligtas. I won't let him sink.

Pagdating ko roon, pinapasok ako ng staff. Pagkaupo ko, hinarap ako ni Mr. Madrigal, ang Director of Student Affairs namin, na may matigas na ekspresyon. Hindi pa man ako nagsasalita, ramdam ko na agad na ayaw na nilang makinig.

"Ms. Carreon," panimula niya. "We understand your concern, but the decision has been made."

"Please..." namutawi sa labi ko. "Ako na lang po. Suspendihin n'yo na lang po ako, kahit gawin n'yo pang mas matagal—basta wag na lang si Nash."

Walang bakas ng pag-aalinlangan sa boses ng admin officer. "It was Cadogan's choice. Alam niyang may risk ang hindi pag-take down ng article, pero nanindigan siya. That's why he's suspended."

Tumigil ang mundo ko.

"Ano po?"

"It wasn't about the post itself, Ms. Carreon," aniya. "He was given a chance to retract it, but he refused. He stood by it."

Nanlambot ako sa kinauupuan ko. Ang buong akala ko, kaya na-suspend si Nash ay dahil sa post... dahil sa akin. Pero lang iyon dahil doon. Hindi lang basta tinanggap ni Nash ang parusa. Pinanindigan niya 'yung article ko.

Nanindigan si Nash... para sa akin. Alam niyang pwede niyang tanggalin ang article. Pwede niyang iligtas ang sarili kagaya nang sabi niya pero hindi niya ginawa. At ngayon, pati siya, lumulubog na kasama ko.

Hindi siya pwedeng lumubog. Ako lang. Dahil ako ang may kasalanan, hindi siya.

Napakapit ako sa mesa, hindi ko namalayan ang pagtulo ng luha ko. I thought I was fighting for him. I thought I was the only one trying to fix things. But Nash... he was already fighting for me. In his own way, he tried to protect the article. He tried to protect my words.

Pero anong nangyari?

Ako ang dahilan kung bakit hindi siya makakagraduate. Ako ang dahilan kung bakit nawala sa kanya ang lahat ng pinaghirapan niya.

Just like Jace... but this time it was all my fault.

Dahan-dahan akong tumayo, hindi na nagawang magpasalamat sa admin. Hindi ko na maalala kung paano ako nakalabas ng opisina. Ang alam ko lang, bumagsak ang katawan ko sa isang upuan sa hallway. Napayuko ako, nanginginig, walang ibang maramdaman kundi isang matinding sakit sa loob ko.

This was it. This was the weight of my actions that Mrs. Mababangloob mentioned.

Gabi na nang lumabas ako ng campus, pero may natitirang bahid pa ng dapithapon sa kalangitan—mga huling patak ng araw bago tuluyang lamunin ng gabi.

The sunset stretched across the sky like a wound. Napahinto ako. I stood there, staring at the colors bleeding into each other—orange, pink, violet, fading into an endless darkness.

I hated sunsets. They reminded me too much of endings. Like the last day Jace was alive. It reminded me of the day I lost him.

Parang may kung anong humigpit sa dibdib ko. My breaths came out shallow, like my lungs refused to take in air.

Ganito rin kaya 'yung naramdaman niya? Yung bigat na na mawala sayo ang lahat? That feeling of watching everything slip through your fingers, knowing there was nothing left? Na wala ka nang magagawa?

I know I let it happen. I let Nash get caught in this mess. I fought, but it wasn't enough. I fought but I was too late.

The sunset continued to fade, and with it, so did the last of my hope.

Tahimik akong naglakad papunta sa sakayan, hindi alintana ang lamig ng hangin na sumasalubong sa akin. Nang makasakay ako, umupo ako sa tabi ng bintana. Nanatili akong tahimik, nakatitig sa labas habang ang mga ilaw sa kalsada ay nagsisimulang lumabo sa paningin ko.

I got home. Madilim sa bahay at sinalubong ako ng kalat. Everything.

Walang ingay. Walang kahit anong tunog maliban sa mahinang paghinga ko. Parang sumasalamin ang gulo ng bahay sa gulo ng isip ko. Dahan-dahan akong kumilos. Isa-isang tiniklop ang nagkalat na damit. Pinulot ang mga papel sa sahig. Pinunasan ang mesa. Siniguradong malinis ang lahat.

Pagkatapos kong maglinis, naupo ako sa harap ng laptop at nag-draft ng resignation letter para sa Gaia's Cafe. Gusto kong magpaalam man lang... Malaki rin ang naitulong ni Ma'am Gaiah sa akin kahit paano. Nang matapos ko iyong letter... I emailed it. Isang mabilis na pindot lang ng send button, saka ko isinara ang laptop.

Inayos ko ang kwarto ko. Inayos ko lahat. Kinuha ang cellphone at sinimulang mag-draft ng mensahe, isa-isa, para sa TVOA.

Sobrang bigat ng pagtipa ko sa keyboard. Habang nagsusulat ako ng mensahe, hindi ko mapigilang balikan ang lahat ng masasayang araw na kasama ko sila.

I said sorry to Vashnee for failing her. For not taking care of the publication she treasured the most. Alam kong hindi sapat ang kahit ilang sorry, pero iyon lang ang kaya kong ibigay sa kaniya.

I said sorry to Ciqa for not being a good friend for her. She always look up to our friendship but I also failed her. May tiwala siya sa akin at sinira ko lahat ng iyon.

I thanked Florissa for undestanding me and where I was coming from. For asking me if I was alright even if she knew I wasn't. Siya lang ang nagtanong, siya lang ang nagtangkang magreach-out, kahit na alam kong nasaktan ko rin siya.

I thanked Ynigo for being just there. For his presence and for the laughter.Humingi rin ako ng tawad. Kasi hindi ko na mabibili ang mga artwork niya gaya ng ipinangako ko.

At higit pa roon, hindi ko na rin matutupad ang lahat ng iba pang pangako ko sa kanila.

I messaged Nash... everything that I wanted to say. Hindi ko alam kung may saysay pa ba ang lahat. Kung may halaga pa ba ang bawat salitang binibitawan ko.

Hindi ko na hinintay na mag-reply sila. Hindi ko ata kaya. I-uninstall ko ang Messenger ko at tinurn-off ang phone..

Pagkatapos ay pumasok ako sa kwarto. Binuksan ko ang speaker ko at nagplay ng kahit anong kanta para maalis ang pumipigil na bulong sa isip ko. Kinuha ko rin ang box kung saan nakalagay ang huling mensahe sa akin ni Jace bago siya mawala. Muli ko iyong binasa.

Don't let yourself meet the end of the road. Don't be like me. I know this is kind of strange, but please, don't end your journey sad. Don't let yourself be like me, and don't quit on things. Don't lose hope. Don't be like me.

Nanginginig kong pinunasan ang mga luhang patuloy na bumabagsak sa pisngi ko. Napapikit ako. Mahigpit na hinawakan ko ang papel.

"Alam ko na ngayon... I'm sorry. I understand now. It has taken me so long to realize that all people eventually get tired of your sadness." Humagulgol ako, "I'm sorry, Jace. I got tired of yours."

Napakagat ako sa labi. "I'm sorry kung napagod ka sa mundo. I'm sorry kung hinayaan ko..."

Napailing ako, sumisinghot saka pumikit. "I'm sorry kasi pakiramdam ko... hanggang dito na lang din ako.."

Gumalaw ang mga daliri ko, bumaba sa kama at unti-unting kinuha ang matagal nang nakatabing maliit na cutter sa ilalim ng unan ko. Ilang beses ko nang itinago 'to. Ilang beses ko nang tinangkang kalimutan na nandito ito. Pero ngayong gabi... ngayong gabi parang iyon lang ang kakampi ko.

Napalunok ako habang hawak iyon sa mga kamay ko. The blade gleamed under the dim light, waiting.

"Are we selfish, Jace?" I asked his faced in my mind as he looked at me with disappontment. Umiling ako at sinagot ang sariling tanong. "How could it be selfish if I just want to choose myself now... I just want to end the pain desperately."

Ipinikit ko ang mga mata ko, dahan-dahan kong hinaplos ang balat ko habang ramdam ang malamig na metal na gumuhit doon. I dragged the blade across my skin. Once. Twice. I didn't even flinch. 

To be honest, it felt nothing but numbness. The physical pain felt like a welcoming distraction from the turmoil in my heart. Mas okay na 'to kesa sa sakit na 'di ko kayang pangalanan.

Habang bumibigat ang hangin sa paligid, napuno ng malamyang tunog ang kwarto. Bumungad ang boses ni Chester Bennington mula sa speakers.

"Who cares if one more light goes out in the sky of a million stars?"

Napatingin ako sa bintana. Dapat nandun ang buwan, pero ang nakita ko lang ay sarili kong repleksyon. I saw a reflection of a broken girl staring back at me with hollow eyes.

"Who cares when someone's time runs out if a moment is all we are?"

Napasinghap ako, hinahabol ang hininga, naninikip ang lalamunan habang dahan-dahang tumulo ang luha ko.

Napaatras ako sa table. Nalaglag ang cutter at ang mga article na pinilit ko iayos kanina. Bumagsak ako sa sahig. Pinilit kong abutin ng nanginginig kong mga kamay ang cutter.

Hanggang sa napakurap ako, napatingin sa current issue ng The Voice of Arrionians. Hindi ko alam kung bakit nanginginig ang kamay kong dinampot 'yon, pero agad na tumambad sa akin ang isang column—at ang litrato mula sa koleksyon ni Nash.

'Yung mata. 'Yung mata ko.

Nagtaas-baba ang dibdib ko, pinilit huminga habang binabasa ang nakasulat.

I was looking when you were not...

I saw you when you pressed your head against the window as the whisper of your unconscious sigh created a gloomy sky. I saw the reflection of the heavy clouds in your eyes, and they're comparable to the heaviness in your chest you could barely breathe.

I want to comfort you with my embrace and fill your soul's longing, but you've become too numb to feel me when I touch your skin. I counted every teardrop from your eyes that pours in unison with the rain. I saw your frustration in wishing to just drown in them because you didn't know how to swim, you refused to save yourself.

I saw you there as you absorbed the reasons that make you alone, unwanted, and worthless. You almost believed them. I sat beside you on that bench, presenting all the evidence that proves otherwise but you didn't heed my presence. You listened to songs of goodbye instead and put it on repeat hoping the lyrics would rhyme to your heartbeat.

Please keep on raining on me.

I saw you in your weakness, in all your hopeless moments. I was there listening to your echoing silence. I was hurting when you were in pain. I was the moon that illuminates your darkness when the sun goes to rest. I sang lullabies while you were asleep.

I rewrote the stories of your battles, hoping you would jump on the pages and picture yourself overcoming them. I spilled my own flesh hoping you would gain courage from the lines and extinguish the fire that burns on your skin.

My eyes were on you like you were a distant star that is too beautiful to reach to keep you from being destroyed. I gathered all your broken shards, fear and confusion on a canvas to make art out of it. Some may not understand you but you will remain a masterpiece of immense worth.

I know it's a cruel world, and that at times our minds can be cruel too but don't give up. Just know that you have a place on this earth. Shine through the darkness, don't let it consume you.

-Tale of a Broken Man.

Muling gumuhit ang isang pilit na ngiti sa labi ko. Sa tagal kong kinasusuklaman ang pen name na 'to... hindi ko man lang naisip na si Nash pala ang nasa likod noon.

Nag-echo ang boses niya sa isip ko ng paulit-ulit. Hangang sa tuloy-tuloy na tumulo ang luha ko.

Napasinghap ako nang maramdaman ko ang hapdi sa pulsuhan ko. The pain from my wounds finally registered as I realized that I wasn't ready to say goodbye yet.

That every time I thought I wanted to die, what I truly meant was that I was desperate for a reason to stay.

Dumilat ako. The tears flowed freely now, blurring my vision as I felt the sting of pain radiating from my wrist. Nanginginig ang buong katawan ko habang pinagmamasdan ang dugong dahan-dahang pumapatak sa sahig. Each drop of blood reminds me of the reality I had been trying so desperately to escape.

I looked at my reflection in the window again and I saw my broken soul. The helpless girl and somehow I realized something.

I wasn't helpless. I was just afraid—afraid to ask for help, afraid to admit that I couldn't do it alone.

Hindi ko na alam kung anong mas masakit kung 'yung sugat ba sa balat ko o 'yung hindi ko nakikitang sakit sa dibdib ko.

I don't want to die.

Nanginginig ang walang lakas kong kamay na inabot ang cellphone ko. I turned it on. Bawat minuto ay para akong nakikipaglaban sa hangin. Nang tuluyan iyong bumukas...nag-scroll ako nang mabilis, hinahanap ang pangalan niya.

"N-Nash," halos bumulong na lang ako. 

Please.

Bawat ring... Isa. Dalawa. Tatlo... It was like a countdown to my salvation or my demise.

My pulse throbbed in my ears, drowning everything else.

"Please," halos pabulong kong sabi habang nanginginig ang labi. "Pick up..."

My vision blurred. My body felt too heavy.

Apat. Lima.

"N-Nash," humikbi ako, pinipilit kong huminga kahit parang wala nang pumapasok na hangin. "Help me."

I wanted to live. Please.

Anim. Pito.

No answer.

"Please... I—I don't want to..."

"The number you have dialed cannot be reached at this time."

The line went dead. 

I should have asked for help sooner. I waited. I kept quiet. I kept everything inside. And now that I finally asked for help... no one was there to listen.

It was too late. I had spent so much time pretending I was fine. So much time pushing people away. And now, when I finally reached out, I was too far gone to be saved.

My grip on the phone loosened. My sight blurred. The silence swallowed me whole.

Everything went black.

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro