Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

WCATR 32: Fall Out

CHAPTER 32 - FALL OUT

KINABUKASAN, NAGISING AKO sa tunog ng cellphone ko. It kept on ringing and ringing as if may emergency na hindi ko alam. Parang binibiak ang ulo ko dahil sa sakit noon gawa sa walang tigil kong pag-iyak kagabi.

Muli akong pumikit dahil sa pagkasilaw sa liwanag na pumapasok mula sa bintana ng kwarto ko. Walang tigil pa rin sa pagring ang cellphone ko na para bang sinisigawan akong bumangon na at harapin ang resulta ng ginawa ko.

Napaungol ako, pilit na inaabot ang phone sa tabi ng kama. Pasara na sana ulit ang mga mata ko nang mabasa ko ang nasa screen.

29 missed calls. 16 from Nash. 4 from Ciqa. 3 from Florissa. 6 from Vashnee.

Bigla akong napabangon, ramdam ang bilis ng tibok ng puso ko. Nanginginig ang kamay ko habang binubuksan ang laptop sa ibabaw ng bedside table. Nag-load ang Facebook page ng TVOA, at habang umiikot ang loading icon doon, sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Hindi ko na kinailangang mag-scroll. Pag-load ng Facebook, sumabog ang screen ko sa notifications.

Napamura ako nang makita ang iyon. My article—the one Nash refused to publish—was now at 7,493 shares. 23,342 reactions. 1,713 comments.

Jace's truth was everywhere. Some of the alumni are even adding their own sentiments to the post

"Tangina, overdue na 'to. Buti ngayon, may naglabas na talaga."

"Dati pa may chismis na ganito, pero wala lang ata may lakas ng loob magsalita."

Pero hindi lahat pumanig sa TVOA. Some comments from faculty members were dismissive, even condescending.

"Naku, wala nang respeto sa ethics ang mga kabataan ngayon. Akala mo naman tunay na reporter!"

"Sino nag-approve neto? TVOA just ruined their credibility."

Meanwhile, I saw some students are divided. The comments section was a warzone. Nakita ko pa ang ilang comments ng mga kaklase kong bida-bida kagaya ni Monica.

"At least may tumindig, pero pano na TVOA?? Like, hindi ba sila babanggain ng admin after this??"

"Fake news pedler! Good luck sa pub niyo lmao."

TVOA's page was blowing up. Sunod-sunod ang tunog ng notifications. Hindi pa man lumilipas ang isang segundo, may panibagong shares na namang nadagdag. Sa bawat pag-refresh ko, dagsa ang mga bagong comments.

Pinanood ko kung paano tuloy-tuloy na tumataas ang bilang—mula 7K shares, naging 9K. Habang nags-scroll ako at nagbabasa ng ilang comments, isang notification mula sa Arrion University ang lumitaw.

OFFICIAL STATEMENT FROM ARRION UNIVERSITY

Arrion University upholds truth, integrity, and ethical journalism. We understand that recent claims made by The Voice of Arrionians (TVOA) have caused confusion, and we are currently investigating the matter.

We remind everyone to verify information before spreading misleading narratives that may cause unnecessary panic. Journalism should be based on facts, not emotions or personal grievances.

We encourage responsible discourse and remain committed to addressing concerns through proper channels.

 Arrion University Administration

Napatanga ako. Misinformation?

Pinipikit ko ang mga mata ko, pilit na inaabsorb ang nabasa ko. Pero kahit anong pilit kong iproseso, isang bagay lang ang klaro—they were twisting the truth.

They were trying to gaslight and discredit Jace's story again. Trying to make it seem like this wasn't about Jace, or the system that failed him, but about students being dramatic and reckless. Para bang hindi sila ang may kasalanan at mali ang pagsasalita.

Ramdam ko ang pamumuo ng init sa dibdib ko. Napakuyom ako ng kamao.

Tangina. How many times have they done this? Ilang beses na nilang pinalampas ang ganitong issue? Ilang beses na silang nakalusot sa mga ganitong statement—paulit-ulit, pare-parehong template ng paglalabas ng "opinyon" pero wala namang totoong sagot?

This time, they can't run. They're scared—and they should be.

My phone rang again, it was Nash. I stared at the screen for a second, my heart pounded against my ribs, but I didn't answer. Instead, I pressed the power button and shut the phone off completely. Wala akong lakas para marinig ang boses niya ngayon.

Kahit kinakabahan akong pumasaok, wala na akong pakialam. I have to face this.

Tahimik ako habang naglalakad papunta sa TVOA office. Marami ang nagbubulungan sa paligid. May nag-uusap sa gilid ng hall.

Hindi ko alam kung dahil ba part ako ng pub kaya nila ako pinagtitinginan o dahil alam nila ng lahat na ako ang dahilan sa likod ng post na iyon.

Minsan, may mga nakakasalubong ako na kakilala ko, pero imbis na batiin nilalampasan ko na lang iyon. Dumaan ako sa isang grupo ng mga estudyante at kahit pilitin kong hindi makinig, rinig na rinig ko sila.

"TVOA should've handled this better. Sobrang biased nung editorial nila."

"Kawawa naman 'yung ibang writers na walang kinalaman, nadamay lang sa katarantaduhan."

Isang saglit akong natigilan pero hindi ko pinahalata. Pero sapat na 'yon para lumubog ang sikmura ko, para maramdaman ko sa unang pagkakataon kung gaano kabigat ang impact nito sa TVOA hindi lang sa akin.

Alam kong magiging magulo ang lahat pagkatapos kong i-publish 'yon. Alam kong may backlash. Pero ngayong naririnig ko na mismo mula sa ibang estudyante... parang bigla akong kinapos ng hininga. Hindi lang ako ang tatamaan nito buong TVOA ang madadamay.

Mabilis akong lumunok, pinanindigan ang bawat hakbang, at nagpatuloy.

"Grabe 'talaga iyong mga taga CIT, 'yong Nash? EIC ata nila. Ang yabang kasi, ayun buong publication madamay."

Muli akong napahinto nang marinig ang isang pamilyar na boses. Nilingon ko iyon at doon ko nakita sina Monica at Jenna. Jenna was standing with her arms crossed. Nagtagpo ang mga mata namin.

Alam kong nakita niya ako pero siya ang unang umiwas. Nang makarating ako sa tapat ng pintuan ng office, bumilis ang tibok ng puso ko.

Ilang buwan akong hindi pumunta rito. Ilang buwan ko silang hindi pinansin—iniiwasan ang mga meeting, hindi sumasagot sa mga messages. At ngayon, pagkatapos kong i-publish ang article... nandito ako para harapin sila.

Hindi ako nagsisisi sa ginawa ko. Uulitin ko pa rin 'yon kahit ano pa ang maging kahinatnan  pero nagsisisi ako na nadamay sila. Hindi lang ako ang magbabayad ng kasalanang nagawa ko kasama silang lahat.

Tahimik ang buong opisina nang pumasok ako sa TVOA. Hindi dahil walang tao nandito silang lahat.

Ynigo. Ciqa. Florissa. Yung ibang trainees.

Walang may gustong salubungin ang mga tingin ko, wala ring nagsalita.

Si Ynigo, na madalas maingay, tahimik lang sa desk niya, nakayuko, parang may tinititigan pero hindi talaga nagbabasa. Si Ciqa, nakahalukipkip, hindi man lang ako tiningnan, ang mga daliri niya mahigpit na nakakapit sa braso niya na parang siya mismo pinipigilan ang sarili.

I swallowed hard. Ang daming kong gustong sabihin pero walang gustong maunang magsalita. Dahan-dahan kong nilagay ang gamit sa table. I looked at the table beside me. Wala doon ang gamit ni Nash.

Then the door swung open. Pumasok si Vashnee. Kaagad na nagtagpo ang mga mata namin. I bit my lips when I saw disappointment written all over her face.

Bigla niyang sinipa ang isang upuan pababa, malakas ang tunog ng pagbungo nito sa sahig. "Tangina, Rayne!"

Napaatras ako. It was the first time I heard Vashnee scream like that, may pinaghalong galit at frustration. Nakita kong napakurap si Ynigo, parang nag-aalangan kung dapat siyang umawat. Mabilis namang lumapit si Ciqa kay Vash para pigilan siyang makalapit sa akin.

"Nangako ka," Vashnee's voice cracked, her breathing uneven. "Nangako ka na aalagaan mo 'tong pub."

Bumigat ang dibdib ko. I clenched my fist.

"Vash—"

"No." Napailing siya, tumingin siya sa akin na parang hindi niya ako maintindihan. "Bakit, Rayne?"

Alam kong ang daming tanong sa utak niya. Bakit ko ginawa 'yon? Bakit ko sila dinamay? Bakit hindi ko sila kinausap muna?

Huminga siya nang malalim pero halatang hindi niya kayang pakalmahin ang sarili niya.

"The whole publication got suspended dahil sa ginawa mo! Masaya ka na ba?!"

Bahagya siyang tumalikod, napamura, at mariing hinilamos ang kamay sa mukha niya. Para bang kahit anong gawin niya, hindi niya ma-process ang nangyari.

"Shit, Rayne..." Napasinghap siya, ramdam ko ang panginginig sa hininga niya. Tapos humina ang boses niya, bigat na bigat. "Si Nash... siya ang umako ng lahat."

Parang may kumurot sa puso ko.

"Pinatawag siya para sa hearing," tuloy niya, "They're planning to dismiss him."

Mabilis akong napatingin kay Ciqa, looking for a confirmation, pero hindi siya kumibo. Hindi niya ako tiningnan.

"Vash..." Napalunok ako, pilit hinahanap ang tamang salita.

Pero anong dapat kong sabihin Sorry? Na hindi ko inisip na ganito kalaki ang magiging epekto nito? Na hindi ko gustong madamay sila? Pero that's bullshit.

Napatawa si Vashnee, pero puno ng hinanakit.

"Galing mo, Rayne." Napapikit siya, parang pinipigilan ang sarili niyang mapamura ulit. "Sana lang naisip mo man lang kami...

"Sana lang naisip mo man lang kami..." She exhaled shakily. "Pero of course hindi, kasi si Jace lang ang kaibigan mo, 'di ba?"

Parang may sumuntok sa dibdib ko. Ang bigat pakinggan ng pangalan ni Jace sa bibig ni Vashnee.

"Si Jace lang ang mahalaga sa'yo," she continued, her voice laced with betrayal. "Kami? Hindi mo nga kami tinuring na kaibigan, Rayne. Hindi mo man lang naisip kung anong magiging epekto nito sa amin. Tinulungan ka naman namin, ah. We helped Nash for the editorial... kulang pa ba?"

Sa unang pagkakataon, I saw them beyond my grief. Hindi lang pala ako ang lumalaban. Napilitan akong huminga nang malalim pero parang kulang ang hangin sa paligid ko. Isa-isa kong tiningnan ang bawat isa sa loob ng office. Nanginit ang gilid ng mata ko.

"Sumosobra ka na... You just look at us as if kami lang 'yung collateral damage para sa d'yan sa editorial mo."

Collateral damage.

Her words rang in my ears. I tried to pinch my fingers. When I realized what I did... Kasi hindi ba 'yon din ang nangyari kay Jace? Ginamit siya ni Miss Aranzado para mailigtas ang kapatid niya sa manipulation ng admin na siyang tunay na may kasalanan. Ginawa rin siyang collateral damage.

Hindi ako nakagalaw. I did the exact same thing. Sila Nash. Sila Ciqa. Si Vashnee. Ang buong TVOA.

Sila ang collateral damage ko. Ginamit ko ang platform namin. Ginamit ko sila. Sinadya ko man o hindi  pero ginawa ko.

Hindi ko alam kung paano lumuwag ang lalamunan ko para huminga pero hindi rin naman sapat ang hangin para alisin ang bigat sa loob ko.

I was no different from those people I hated the most.

I felt my hands tremble. I wanted to say something pero anong silbi ng kahit anong salita ko?

"Vash..." Basag ang boses ko. "Hindi ko... hindi ko naisip—"

Pero umiling siya, "Exactly."

I flinched because it wasn't just anger in her voice—it was pain. Pero bago pa man ako makahingi nang tawad, dahan-dahang bumukas ang pinto ng office.

Pumasok si Ms. Aranzado. Ako ang unang hinanap ng mata niya. Ito ang unang beses na nakita ko siya matapos kong malaman ang ginawa niya kay Jace.

For a second, I almost didn't recognize her. She looked composed, the way she always did. Straight posture, professional demeanor. Pero ang mata niya, they looked different.

Dati, nakikita ko sa kanya ang authority. The confidence of someone who always knew the right words, the right decisions. Pero ngayon? She looked at me with pain and guilt written all over her face.

Paano niya nagagawang pumasok dito nang hindi nahihiya sa ginawa niya? Paano niya ako matititigan nang ganyan pagkatapos ng lahat? Sa ginawa niya kay Jace... kay Nash.

She wanted to spare her brother. She wanted to protect him. Pero kapalit nun, sinira niya si Jace.

She took a slow breath before finally speaking.

"Miss Carreon." Her tone was even. "Pinapatawag ka ni Mrs. Mababangloob."

Ramdam ko ang bahagyang paggalaw ni Ciqa sa gilid ko pero wala siyang sinabi. I swallowed hard. So what now? Nash was already with the admin. Now, it was my turn?

Mabigat ang paghinga ko nang pumasok ako sa office ni Mrs. Mababangloob. I don't know why I was summoned here. Was it because of the post? Did they already know who posted it?

She was seated behind her desk, hands folded neatly together. Walang ekspresyon ang mukha niya pero ramdam ko ang bigat ng tingin niya sa'kin.

"Your scholarship has been revoked, Miss Carreon. You're out in the student-assistant program."

Parang biglang bumaligtad ang mundo ko. Wala akong narinig saglit.

"P-po?"

Parang nagblur ang paningin ko pero hindi ako pumikit.Pinilit kong binuka ang bibig ko para muling magsalita pero tila parang natuyo na rin ang lalamunan ko.

Hindi puwede. Yung scholarship ko... Hindi puwede. 

Bago ko pa mahanap ang boses ko, nagsalita ulit siya.

"Galing ako sa Office of Student Affairs kanina... Ms. Aranzado confessed that you are the one who published the article..." malamig ang tono niya pero walang bahid ng galit bagkus ay para iyong nabigo. "Your INC is now a failing grade."

Napaupo ako sa upuang nasa harapan ng tanggapan niya. Parang may unti-unting pumipiga sa dibdib ko hanggang sa halos hindi na ako makahinga.

Mrs. Mababangloob sighed. Pero hindi lang basta pagod—nandoon ang frustration, ang inis at doon ko lang siya tiningnan nang buo.

"Ma'am, please..." mahina kong sabi halos pabulong, "ma'am, hindi ko po sinasadya..." pero parang wala siyang naririnig.

Umayos siya ng upo, inalis ang antipara at habang pinupunasan niya iyon bahagyang iniling ang ulo.

"Alam mo, Rayne," madiin ang tono niya, "sayang ka."

Nakagat ko ang labi ko. Hindi puwedeng ito lang 'yon.

"Ma'am, please... kaya ko pang bumawi."

Hindi niya ako pinansin.

"You had potential." Tumawa siya ng bahagya. "I even saw myself in you. Akala ko, ikaw 'yung tipo ng estudyanteng hindi sasayangin ang binigay sa kanya. "

Dahan-dahan siyang huminga saka napailing. "But I wasted my time on you... Pinaglaban kita." Bumaba ang tono ng boses niya. "I gave you a chance nung nagka-INC ka. Pinayagan kitang maging student assistant—binigay ko 'yung posisyon na 'yon para may paraan kang ma-complete 'yung requirements mo."

Bumukas ang bibig ko pero wala nang lumabas na salita.

Puno nang pagkabigo ang mga mata niyang tumingin sa akin. "Pero anong ginawa mo?" Mas lumamig ang tinig niya. "Sinayang mo rin."

Paulit-ulit 'yon sa utak ko, parang echo na hindi ko matakasan. Binuka kong muli ang bibig ko para sumagot pero naunahan niya ako. Bumuntonghininga siya, mas mabigat ngayon. Parang napagod na lang siya sa'kin.

"This was the admin's decision," mahina pero matigas ang tono niya. "But I didn't stop them."

Napayuko ako kasi paano pa nga ba niya ako ipaglalaban ngayon? Wala rin naman ata akong karapatang hingin 'yon pagkatapos nang nangyari.

"I hope you know the gravity of what you've done, Rayne."

Pagkatapos niyang sabihin iyon tumayo siya at lumabas ng opisina, hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Parang hindi niya kayang makita kung paano ako bumagsak sa harapan niya.

Naiwan akong nakaupo, nanlalambot, habang unti-unting nagsisink in sa'kin ang bigat ng ginawa ko.

Hindi ko alam paano ako nakalabas. Pakiramdam ko ay bawat hakbang ko, lumulubog ako. I was walking down the hallway, my legs felt like lead.

"Rayne."

I turned and I saw Florissa.

She looked hesitant and almost afraid when she asked me, "Are you okay?"

Napangiti ako nang pilit. Siya lang ang tumingin sa akin ng malungkot at walang halong disappointment simula nang pumasok ako kanina.

"I'm fine."

Alam kong hindi siya naniwala. Pero hindi na niya nagawang magtanong nang magsimula akong maglakad palayo. Pumasok ako pero hindi ko ata kakayanging pumasok sa kahit na anong klase ko. Every seconds that passed, pakiramdam ko mas lalong lumulubog ang mga paa ko.

Hindi ko alam kung saan pupunta. Hindi ko alam kung anong gagawin.

So i just walked, aimlessly. Hanggang may humawak sa braso ko, mahigpit pero hindi masakit sapat lang para pigilan ako. Napalingon ako at doon ko lang napansin na nasa may labas na ako ng Admin Office.

Nakita ko si Nash, siya ang humawak sa braso ko. He was towering over me. Nasa tapat kami ng OSA. Namumula ang mata niya pero mas nakaagaw ng pansin ko ay ang itim sa ilalim ng mga mata niya. Mukha siyang hindi natulog. Halos hindi ko siya nakilala.

"Let's talk," his voice was cold and distant. Wala iyong halong pakiusap, it was a command from him.

Hindi ako sumagot. Binitawan niya ang braso ko saka nagsimula nang maglakad. Parang wala akong ibang choice kundi sumunod. Huminto siya sa gazebo na madadaanan kung galing ka ng Admin patungo sa General Building.

Nakasunod lang ako kaya nang bigla siyang humarap, muntik na akong bumangga sa kanya.

"Alam mo ba kung gaano kalaki yung ginawa mong gulo?" aniya at matalim akong tiningnan.

For the first time after our long-standing war, hindi ko nagawang salubungin ang tingin niya. Hindi ko siya kayang tignan.

Napayuko ako. Hindi ko pinagsisihan ang ginawa ko... kahit na anong mangyari, alam kong hindi ko pagsisisihan 'yon. Pero nung nakita ko ang pagkadismaya sa mukha niya parang nanlumo ako. Hindi ko alam kung dahil ba 'yon sa galit niya sa'kin o dahil sa sarili kong guilt na hindi ko maamin.

Papalubog na ang araw sa likuran niya pero kahit ang kakaunting sinag noon na tumatama sa kaniya ay hindi kinayang pagaanin ang talim ng boses niya.

"Ano Rayne... sumagot ka! Alam mo ba talaga kung ano'ng ginawa mo, ha?" Nakakuyom ang kaniyang kamao at ramdam kong pinipigilan niyang hindi tuluyang sumabog.

Napalunok ako, hindi magawang tumingin sa kanya. Masyadong malakas ang pintig ng puso ko, parang sinasakal ang dibdib ko.

"Putangina, inalis mo 'yung access namin. Sinigurado mong hindi namin 'yon mabubura." Nanginginig ang boses niya sa tindi ng galit. "Hindi mo lang basta in-upload 'yung article. You drag us with it."

Napapikit ako, iniiwasang tingnan siya na parang mababawasan ang sakit ng bawat salitang binibitawan niya kung hindi ko siya makikita—lalo na ang galit at hinanakit sa mga mata niya.

"TVOA isn't just a tool, Rayne!" His voice rose. "Ganun mo ba talaga kami tinitingnan? A fucking tool? Something you can use to serve your purpose? That's what we are to you? Not even a friend."

"Nash—"

"No!" Mariin ang pagkakabitaw niya, sabay iling. "We did our job. We even published the story. Pero hindi pa rin sapat sa'yo, 'di ba?"

I bit my lip so hard I tasted blood.

"I tried to warn you from this. Na madadamay yung buong pub pero tinuloy mo pa rin." His voice cracked. "I tried to fucking help you." Ngumiti siya. Isang halos walang buhay na ngiti. "But you wouldn't listen."

I pressed my nails into my palms. I couldn't cry. Not now.

"I didn't need your help, Nash! I just needed to publish that editorial but you took it away from me. Now, you're acting like a hero for writing your own? Sino bang nagsabi sayong kailangan kita? "

Napatawa siya nang mapait, puno ng pangungutya. "Then what do you fucking need, Rayne?"

Hindi ko alam kung paano ko iyon sasagutin. Pero naglakas-loob ako. Kahit pakiramdam ko, may isang bahagi ng sarili ko ang gustong huwag na lang iyon sagutin."

"I needed to tell his story."

Umigting ang panga ni Nash. Ilang segundo siyang hindi nagsalita pero ramdam ko ang panginginig ng katawan niya sa tindi ng emosyon.

"Bullshit," he cursed. "That's fucking bullshit, Rayne!" 

Napaatras ako sa gilid ng gazebo.

"We already did that! We fought for it, kahit kay Ms. Aranzado pinaglaban naminkasi ayaw na niyang ilabas yung nangyari," humakbang siya palapit, naniningkit ang mga mata. "Kulang pa ba? Hindi pa ba sapat?"

"I said hindi iyon ang gusto ko! That your story! Not Jace!" I equalled his range.

Alam kong mali ako. Alam kong kasalanan ko pero I needed to fo that. I opened my mouth again but Nash didn't let me speak.

"His story, his story. That's the lie you tell yourself." He took a step closer, and I could see the storm in his eyes. "Pero ang totoo? You don't give a shit about us. You never did." Nanginig ang boses niya. "You didn't even think about TVOA. Ginamit mo lang ang publication para sa gusto mong gawin. Para matupad ang gusto mong ipaglaban. It was always just Jace."

"Nash..." Nanginginig ang boses ko.

"Puro na lang si Jace," bulong niya, nanginginig ang labi. "Puro na lang siya."

Napapikit ako.

"Paano naman ako?" Mahina pero punong-puno ng sakit. "Rayne, ako yung nandito."

Dahan-dahan akong napatingin sa kanya. Namumula ang mata niya, puno ng hinanakit, puno ng sakit na hindi ko kailanman binigyang pansin.

He inhaled sharply like he was struggling to hold himself together. "Ako 'yung nasa harapan mo pero paulit-ulit mo kong tinatalikuran..."

"Nash—"

"Tangina! Ang hirap makipagkumpetensya sa patay." His voice dropped to a whisper but it was the most painful thing he had ever said to me.

He exhaled shakily, blinking rapidly like he was trying not to cry.

"You never even looked at me, did you?" His lips parted and his breathing was uneven. "Do you even care?!"

Hindi ko siya masagot. Hindi ko alam kung paano sasagutin ang lahat ng iyon.

"I tried, Rayne." He took a step back. "I tried to reach you."

He let out a bitter laugh.

"But you were never really here..." He looked away. "Kung gusto mong lumubog, wag mo kaming idamay," mahina pero matalim ang tono niya.

The sun was gone now. The sky was dark.

"Mahal kita... pero ayoko na..." Tumawa siya nang mapait. "Pagod na akong sagipin ka, Rayne."

Umihip ang malamig na hangin at dumaan sa pagitan naming dalawa. Pero kahit pa sobrang lamig noon mas malamig ang titig ni Nash sa akin.

"Nalulunod na rin ako."

He stepped back again. Just one step. Hindi siya umalis kaagad.

Parang may kung anong pumipigil sa kanya. Hindi siya agad tumalikod. Hindi siya agad naglakad palayo.

I saw it. That tiny... maybe fragile part of him that still wanted to stay. Like he still wanted to reach out—as if waiting for me to stop him.

His hand twitched at his side, like he was about to reach for me pero hindi na niya ginawa. Instead, he clenched his fist. At pagkatapos, iniwan niya ako roon.

I did nothing. I just stood there. Watched as he walked away, as his silhouette faded into the setting sun.

I was right... people leave eventually.

Pero mali pala ako sa isang bagay. They don't leave just because that's how life works. They leave because I never ask them to stay.

Because every time, instead of reaching out, instead of fighting for them—I just watch them walk away.

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro