Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

WCATR 31: Jace's Truth

CHAPTER 31 – JACE'S TRUTH

Tinitigan ko ang dyaryong nasa harapan ko, pero hindi ko na iyon mabasa. Malabo ang mga letra hindi dahil sa panlalabo ng mata ko, kundi dahil sa mga luhang pilit kong pinipigilan.

I shouldn't have expected anything from Nash. I shouldn't have trusted him. Pero wala na.

Naglaro sa isip ko ang bawat segundong ginugol ko sa pagsulat ng editorial na 'yon. Yung bawat gabing pinilit kong hanapin ang tamang salita. Every memories I wanted to forget resurfaced, every ache I felt it, every ounce of grief I poured into it. Kasi para saan pa kung hindi naman pala niya ilalathala?

Mabilis kong tinupi ang dyaryo at itinapon sa desk. Parang may nakabarang mabigat na bagay sa dibdib ko.

"Tangina."

Napatayo ako, ramdam ang pagsikip ng lalamunan ko. I needed to get out of here. Kailangan kong lumabas bago ko pa hawakan 'yung dyaryo at pagpupunitin sa harap ng lahat ng tao sa library.

"Rayne..."

Napahinto ako.

I turned around, and of course—because the universe enjoyed watching me suffer—Ciqa was standing there, holding a stack of folders.

I swallowed the lump in my throat and forced my voice to stay steady. "What?"

She glanced at the newspaper on the table, then back at me. "Nabasa mo na?"

"Ano'ng alam ko na?"

Her lips parted, but she hesitated. Tiningnan niya ako nang matagal, like she was deciding if she should even tell me.

"Ciqa," tiningnan ko siya nang matagal.

She sighed, shifting the folders in her arms. "We had a meeting last week, noong layout review. Nash decided to revise the editorial. He didn't think yours was..."

She trailed off, looking away. Why is she telling me this now?

I scoffed, "Hindi niya sinabi sa akin. At wala ni isa sa inyo ang nagsabi sa akin."

Alam kong hindi na niya kailangan pang sabihin. I knew the answer.

Ciqa bit her lip. Napayuko siya. "I didn't know how to approach you after...." she sighed, "after what happened last fair.

Napakapit ako sa strap ng bag ko. "Anong reason niya?" I chuckled, bitterly.

She hesitated again, and for some reason, that pissed me off more. "Sabihin mo sa'kin, Ciqa..."

She inhaled sharply. "He said it was too personal."

Tumawa ako, but there was no humor in it. Too personal? As if that wasn't the whole fucking point. Malamang it was about Jace! It had to be too fucking personal!

My fists clenched.

"Rayne—"

Mabilis akong naglakad paalis, ignoring her next sentiments. I needed air. Kailangan kong umalis rito bago pa ako mapamura nang malakas sa harap ni Ciqa.

I wanted to blame her for not even telling me. Pero anong aasahan ko? Ako ang hindi sumipot sa meetings. Ako ang umiiwas. Ako ang nagkulong sa sarili kong mundo habang lahat sila, nagpatuloy lang sa labas noon. I left them, didn't I?

And maybe that was the biggest mistake of all—hindi ko inalam kung ano ang nangyayari. Hindi ko inalam kung anong update sa tabloid dahil sa pag-iwas ko.

Pero anong magagawa ko kung ang tanging nagawa ko lang ay lumayo dahil hindi ko alam kung paano haharapin ang lahat?

I swallowed hard as my hands trembled. I wanted to hate her because she is my friend. I wanted to hate Ciqa for sitting in those meetings, hearing Nash's decision, and not saying a fucking word to me.

All this time, they were discussing it. Deciding for me.

Tahimik ang buong opisina ng TVOA nang pumasok ako. Hindi dahil walang tao, nandoon sina Ynigo, Florissa, at ilang trainees pero the moment na nakita nila ako, parang biglang may press conference na hindi ko naabutan.

O baka naman alam na nila na alam ko na at nabasa ko na—na I was here for him.

Walang nagsalita. Si Ynigo, na kanina ay nakahalakhak, biglang tumikom ang bibig. Si Florissa, hindi makatingin nang diretso.

Nash was at his desk, flipping through some papers. Para bang wala siyang ginawang kasalanan.

Mabigat ang mga hakbang ko papunta sa kanya.

"Nash."

His shoulders tensed. Dahan-dahan siyang tumingin sa direksyon ko, and when our eyes met, guilt flickered in his gaze.

Tumayo siya, tila handa na sa kahit anong ibabato ko sa kanya. "Rayne, can we—"

"Why?" Hindi ko na siya pinatapos. Hindi ko na kayang makinig sa can we talk o let me explain.

Nash exhaled sharply. "Let's talk outside."

I clenched my jaw. Ramdam ko ang mga tingin nina Ynigo at Florissa na palipat-lipat sa amin, pero wala akong pakialam. Hindi ko kayang palampasin 'to.

"You changed my editorial." My voice was calm. Too calm.

He sighed, rubbing his temples. "Rayne, please—"

"You changed it," this time mas malakas iyon, mas matalim.

"Rayne," mababa ang boses niya, he's like warning me.

Pero hindi ako natinag. Sinalubong ko ang titig niya, hindi umatras. "Wala kang karapatan palitan ang editorial ko!"

His jaw tensed. "I had every right. Ako ang Editor-in-Chief!"

Napatawa ako nang mapait. walang halong biro. The kind that tasted like betrayal on my tongue. "No, you didn't."

He ran a hand through his hair, jaw clenching. "You think I wanted to do it?"

"You still did it."

"I did it because I had to!"

Napasinghap ako. It was the first time he raised his voice like that. Napansin kong bahagyang lumapit si Ynigo, pero nang lumingon ako, nakatingin lang si Nash sa kanya—isang tingin na nagsasabing huwag siyang makialam.

"Give us a minute," he said coldly. "Everyone out!" Nash commanded.

Ynigo hesitated. Florissa shifted uncomfortably, but eventually, they both left. Iniwan nila kaming dalawa sa gitna ng office, where I could finally look at him without anyone else listening.

I walked straight to him, my hands clenched into fists.

"You said I could use you," madiin kong sabi, ramdam na ramdam ang paninikip ng dibdib ko.

Nakita ko kung paano siya natigilan, pero saglit lang 'yon. Agad din siyang nakabawi, bumalik ang lamig sa mga mata niya.

Hindi siya kumibo. Hindi siya umatras.

"I did," he admitted. "But not to let you destroy yourself."

Mas lalong lumalim ang titig niya, pero hindi ako natinag. Kahit pa ramdam kong nanginginig na ang mga kamay ko, kahit pa parang may kung anong bumara sa lalamunan ko.

"Destroy myself?" I let out a hollow laugh. "Ikaw 'yung sumira sa'kin, Nash."

"Rayne—"

"You told me to write it." Pinutol ko ang sasabihin niya, hindi siya binigyan ng pagkakataong magpaliwanag. "Begged me to do it," I cut him off. Humakbang ako palapit, pilit hinahanap ang sagot sa malamig niyang mga mata.

"Tapos, ano?" Bahagyang nanginig ang boses ko, pero hindi ako umatras. "You didn't even publish it?"

Napapikit siya, huminga nang malalim, at napansin kong bahagyang kumuyom ang kamao niya.

"Why?" Matalim ang boses ko, punong-puno ng panunumbat. Gusto kong maintindihan. Kahit anong rason. Kahit anong sagot para lang magkaroon ng saysay ang lahat.

Nash exhaled bago ako tiningnan, diretso sa mga mata. "Because it wasn't just about Jace."

Kumunot ang noo ko. "What the hell is that supposed to mean?"

"Your editorial..." Huminto siya. Para bang pinipili ang tamang salita. "It was too opinionated. Too emotion-based."

"So?" mabilis kong sagot. "Editorial 'yon, Nash. Opinyon ko 'yon."

"Exactly." Mas lalo pang tumigas ang panga niya. "It was your opinion. Not the publication's."

Napaatras ako pero hindi siya tumigil.

He kept going. "You weren't writing for TVOA anymore, Rayne." Mahina pero matigas ang boses niya. "You were writing for yourself."

I swallowed hard.

"At hindi lang 'yon," dugtong niya. "It was a direct strike sa admin."

Doon ako tuluyang natigilan.

"TVOA would've taken the hit. Hindi lang ikaw, Rayne. Buong publication."

Ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko, ang bilis ng tibok ng puso ko.

"I don't care," I whispered.

"I did," Nash shot back. "And I had to."

Saglit siyang natigilan, saka bumuntong-hininga. "Alam kong gusto mong makamit ang hustisya para kay Jace. At gusto kitang tulungan." Muling gumalaw ang lalamunan niya, parang hirap lunukin ang sarili niyang salita. "Pero hindi sa ganitong paraan."

Napailing ako. "That's bullshit."

"Rayne," mahina pero basag ang boses niya. "We still published it."

Napakurap ako, parang hindi agad naintindihan ang sinabi niya.

"We didn't erase Jace's story," he said. "I rewrote it. We rewrote it. Lahat kami—buong publication—pinagtulungan naming buuin 'yon, kung paano dapat isinusulat ang isang editorial."

Parang sinuntok ako sa sikmura.

"What?" My voice cracked.

"I wasn't silencing you." His gaze softened. "I was making sure the truth got out the right way."

Umiling ako, pilit itinatanggi ang narinig. "No. No, you—"

"Jace wasn't the first victim of the system, Rayne." His voice dropped. "He was the second."

Nanlaki ang mata ko.

"The first one... was Miss Aranzado's brother." Nash exhaled shakily. "Gideon Aranzada. Student regent. He was the real target not Jace."

The blood in my veins ran cold. Parang kinuyom ang dibdib ko.

"The admin wanted him to take the fall," Nash continued. "Siya ang gusto nilang sisihin about the hazing scandal."

Napailing ako, hindi makapaniwala. "Pero... pero hindi 'yon ang nangyari."

Nash's expression darkened. "Because Miss Aranzada couldn't do it."

Nanuyo ang lalamunan ko. Halos hindi ko na nagawang lumunok.

"She couldn't destroy her own brother," Nash whispered. "So she picked Jace instead. When she saw my article in one of her collegue's papers, she made made Ate Yvonne published it to protect her brother."

Si Jace... hindi dapat siya. Jace wasn't supposed to take the blame. He wasn't supposed be the one.

She sacrificed Jace instead.

Biglang tumigil ang mundo ko. Sinubukan kong huminga pero parang walang hangin. Hindi ko alam kung dahil sa sakit o sa galit o dahil lang sa bigat ng katotohanang ngayon ko lang lubusang naintindihan. Dahan-dahan akong tumingin kay Nash.

"Pero pinalitan mo pa rin yung editorial," mahina kong bulong, halos hindi ko na marinig ang sarili ko.

Napalunok siya. "Rayne—"

"You rewrote it again."

This time, bumigay ang boses ko.

"First, you wrote an article that destroyed him." Napasinghap ako, pilit kinakalma ang sarili. "Now, you get to rewrite him again? Bakit ikaw?"

Nanginginig ang mga mata niya, parang may kinikimkim na bigat. "Rayne, it wasn't like that."

Napatawa ako, mapait, ramdam ko ang alat ng luha sa labi ko. "Then what was it like, Nash?"

Halata sa kamay niyang bahagyang nanginginig ang pagpigil sa sarili. "I just wanted to tell what was the truth."

"No." Umiling ako, "That truth was mine to tell."

Nakita ko kung paano siya napakurap, kung paano siya napaatras.

"I trusted you!" Basag na basag na ang boses ko. "Akala ko naiintindihan mo kung saan ako nanggagaling."

Rumehistro ang sakit sa mukha niya. Pumikit ako nang mariin.

"Shit! I let myself believe in you again... Pinaniwala mo 'ko!" Napakuyom ang mga kamay ko.

"Do you know how long I've been carrying this?" Napakapit ako sa dibdib ko, "Kung gaano ko katagal hiniling na makita siya ng mga tao sa paraan kung paano ko siya nakikita?"

Napalayo ang tingin niya, parang hindi niya kayang salubungin ang mga mata ko. "Rayne—"

"And you took it from me."

Ramdam ko ang hapdi ng luhang pilit kong pinipigilan.

"You took him from me again."

Nakita kong nanigas ang panga ni Nash, namumula ang mga mata niya, nanginginig dahil sa pagpipigil.

"Rayne—"

"Hindi mo man lang ako binigyan ng pagkakataon," basag ang boses ko, pilit hinahabol ang hininga ko. "Kung mali ako—kung may dapat akong baguhin—bakit hindi mo sinabi?"

Nakatikom lang ang labi niya. Hindi ako sinagot.

Napapikit ako nang mariin, nanginginig ang mga kamay. "Kaya ko namang ayusin, Nash. Kaya ko namang isulat ulit. We could've done it together."

A tear slipped down my cheek.

"But you didn't even let me try."

Bahagyang bumukas ang labi ni Nash, pero walang lumabas na salita. Mas lalo lang nanikip ang lalamunan ko.

"You just took it," I whispered. "Like he was never mine to grieve."

Napakabilis ng paghinga niya, parang nasasaktan sa mismong mga sinabi ko. "Rayne, a-akala ko—hindi ko—" Napalunok siya, tila hindi alam kung paano ipapaliwanag. "I-I didn't—I'm sorry—"

"Nash..." putol ko, mas matigas ngayon. "Malapit na kitang mapatawad."

Napasinghap siya, parang doon siya tuluyang bumigay.

"Malapit na, tangina." Napasinghot ako, nanginginig ang mga kamay. "Konti na lang. Konti na lang, Nash. Pero ginawa mo ulit."

Lumabo ang paningin ko sa luha.

"Putangina, I believed in you."

Nanginginig ang balikat ko habang pilit na ngumiti sa kaniya.

"All I ever wanted," nanginginig ang boses ko, "was to be the one to write it."

Nagtagpo ang mga mata namin, at doon ko nakita ang pagsisisi sa kanya.

Napasinghap siya, parang may gustong sabihin pero hindi niya magawa.

"Dahil ipinangako ko 'yon sa kanya."

Bumigay ang boses ko.

"God! I promised him, Nash. Sa mismong kabaong niya." Para akong nauubusan ng hangin. Para akong nilamon ng sakit.

Kita ko ang sakit na dumaan sa mga mata niya—parang pinagsisisihan niya ang lahat.

"I promised him I'd tell his story." My breath hitched. "And you took that from me."

Napailing si Nash, tinawid niya ang pagitan namin—isang hakbang, dalawa—parang desperadong naghahabol sa isang bagay na hindi niya kayang hawakan.

"Rayne—" nagsusumamo ang boses niya.

Pero umiling ako, umatras, mas mabilis kaysa sa paglapit niya. Saglit akong tumitig sa kanya—sa mga matang puno ng pagsisisi, sa bibig niyang bahagyang nakabuka, parang may gusto pang sabihin. Tapos, umiling ako, tumalikod ako at hindi na lumingon.

Hindi ko alam kung paano ako nakalabas ng office o paano ako nakauwi at nakarating sa kwarto.

Ang alam ko lang, nanginginig ang mga kamay ko habang sinasara ang pinto—habang bumabagsak ang katawan ko sa sahig.

At doon ako tuluyang bumigay. Napapikit ako, pilit na isinasantabi ang sakit na kanina ko pa itinataboy. Pero hindi ko na kaya.

Akala ko kaya ko na. Akala ko tapos na 'to pero hindi pa pala.

"Putangina mo..."

Napahagulgo ako, napasigaw, pero kahit ano pang tunog ang lumabas sa bibig ko, walang makakapagpaliwanag sa bigat na bumalot sa buong pagkatao ko. Hindi lang luha ang bumagsak mula sa mga mata ko—pati lahat. Lahat ng sakit, lahat ng galit, lahat ng hinanakit na hindi ko masabi kanina.

Gusto kong sumigaw hanggang sa mawalan ako ng boses, hanggang sa marinig nila ang sakit na hindi ko masabi sa salita. Gusto kong basagin ang lahat—ang mesa, ang dingding, ang laptop—pero anong silbi? Kahit sirain ko ang buong mundong 'to, wala na.

Wala na siya. At ang tanging meron na lang ako ay ang kwento niya.

Napasinghap ako, hinihingal, parang doon lang ulit ako nakahinga. Hanggang sa parang tumigil ang mundo ko nang napatingin ako sa laptop ng TVOA na nakapatong sa mesa.

Pinalis ko ang mga luha sa mukha ko, kahit na wala namang silbi dahil patuloy lang ang pagpatak ng mga ito. Dahan-dahan akong tumayo, nanginginig pa rin ang mga kamay ko nang abutin ang laptop. Pinatong ko iyon sa binti ko.

The Voice of Arrionians Official Facebook page.

Binuksan ko ang admin dashboard. Sandaling nag-load ang screen. Makaraan ang ilang sandali isa-isang lumabas ang mga pangalan ng may access sa page—kasama si Nash.

Nag-hover ang daliri ko sa options at bago ko pa mapigilan ang sarili ko—click.

Remove access.

Isa-isa. Lahat sila hanggang sa ako na lang ang natira.

Napatigil ako at napatingin sa screen, habang hinihingal ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko sa dibdib.

Nanginginig ang daliri ko habang dinadala ko ang cursor sa New Post. I then clicked the text box. Nag-load ang bar sa screen.

Humigpit ang hawak ko sa gilid ng laptop, nakikiramdam sa bawat segundo, sa bawat paggalaw ng loading icon sa harapan ko.

I closed my eyes after I pasted the editorial I had submitted—the one Nash didn't published.

I heaved a deepest sigh.

This is it, Rayne. If you do this... you can't take it back.

Napasinghap ako. Naramdaman ko ang bigat sa dibdib ko, parang may kung anong humihigpit sa lalamunan ko, pinipigilan akong huminga. Nanginginig ang kamay ko sa ibabaw ng trackpad.

Naramdaman ko ang pagbagsak ng init sa pisngi ko—luha na hindi ko namalayan.

Wala na rin namang magbabago.

So, I clicked published.

The moment the screen refreshed, my heart stopped. Because there it was.

Jace's truth—for the whole world to see.

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro