WCATR 30: End of the Tunnel
CHAPTER 30 - END OF THE TUNNEL
I didn't understand why Nash still hadn't left yet. Why he was still here despite everything... despite all the times I told him to go?
Do people like that really exist? People who stay even when you give them every reason to leave? Or was I simply incapable of believing that someone could stay?
Nasa gilid siya ng mesa, tahimik lang, hinihintay akong magsalita. Pero ano bang gusto niyang marinig? Wala akong maisip sabihin na hindi ko pa nasabi noon. Lahat na yata ng galit, lungkot, at takot ay naitapon ko na sa kanya. Wala na akong natitirang salita. Naubos na.
Tumikhim siya. Hindi ko siya tiningnan.
"Ihahatid na kita," mahina niyang sabi.
Saglit akong napapikit. Gusto ko sanang tumanggi at sabihing kaya kong umuwi mag-isa, pero nanghihina ang tuhod ko. Hindi ko alam kung kaya ko nga bang umuwi ng tuluyan.
Hindi ko siya sinagot. Unti-unti akong tumayo. Inalalayan niya ako. Kinuha ko ang laptop, nilagay iyon sa bag saka tuluyan akong lumabas ng office.
Sinalubong kami nang malamig na simoy ng hangin. Madilim na sa campus. Iilan lang sa mga ilaw sa hallway ang bukas. Sigurado akong wala na ring tricycle sa labas.
Ramdam kong sumunod si Nash pagkatapos niyang isarado ang office. Mabagal ang lakad ko. Ilang hakbak lang mula sa kaniya ay nauna na siya. Mula sa likod, kita ko ang bawat hakbang niya, unti-unti at palayo sa akin. Kung hindi ko alam na ihahatid niya ako ay iisipin kong iiwanan niya ako.
Nang makalabas kami sa campus unti-unting bumagal ang paglalakad ko dahil sa pagod. Napatingala ako sa langit. Doon ko lang napansin na maliwanag ang buwan ngayong gabi.
I haven't seen the moon in a while but it showed up tonight. It was beautiful. Just like what Jace mentioned.
Nang bumalik ang tingin ko sa harapan, doon ko napansin na si Nash na ang nakatingala. Nasa ilalim siya ng poste ng ilaw, ang anino niya ay bahagyang nagtatago sa liwanag na tumatama sa ibabaw ng ulo niya. Pero kahit hindi ko siya makita nang buo, alam kong nakatingala rin siya. Para bang sinusundan niya ang mata ko.
Dumaan ang ilang segundo bago siya bumaling sa akin. Ilang hakbang lang ang pagitan namin pero parang napaka laki ng distansyang iyon.
"Are you alright?" basag niya sa katahimikan.
Tumango ako. Hindi siya gumalaw agad. Para bang hinihintay niyang magsalita ako.
He sighed nang hindi ako umimik. "Tara na gagabihin ka na."
Nagpatuloy siya sa paglalakad pero hindi ako gumalaw. Pinanuod ko lang siyang unti-unting maglakad papalayo sa akin.
"Kaya mo lang ba ako tinulungan kasi naawa ka lang sa akin noon?"
That question has been hanging on my head ever since I knew he wrote the article. It wouldn't leave me alone. People only get closer to you kapag may kailangan sila. That's what I've always believed. So what made him any different? Was it guilt?
And if it was—if that was all it ever was—then what did that make everything he showed me? The way he stayed, the way he looked at me, the way he held me like I was something he never wanted to lose?
Did it mean none of it was real?
Napahinto siya sa paglalakad. Bumagsak ang balikat niya at kahit madilim hindi nakatakas sa akin ang pagkuyom ng mga kamay niya. Hindi siya lumingon at hindi rin agad nagsalita.
Unti-unting uminit ang sulok ng mga mata ko. I was scared that I was right. Na kaya lang siya lumapit ay dahil naguiguilty siya sa nangyari kay Jace.
Hanggang sa dahan-dahan siyang humarap sa akin at sinalubong ako nang malungkot niyang mga mata. Something in his gaze made my stomach twist. Something in it made it hard for me to breathe.
"Rayne..." His voice was tight as if he was forcing himself to breathe properly. "That was before I knew you."
Alam ko namang hindi niya ako tutulungan noon kung hindi siya naawa. Lahat naman sila, ganoon. Alam ko namang hindi siya mag-aaksaya ng oras sa taong tulad ko kung hindi siya nakaramdam ng kahit konting simpatya. Na kaya siya lumapit, kasi may dahilan.
Alam ko naman pero may gumuhit na kirot sa puso. I knew it from the start. But knowing didn't make it hurt any less.
"Mahal kita, Rayne," he exhaled sharply after saying it, as if the words cost him something.
Parang nakalimutan ko na kung paano huminga. My lungs refused to work and my heart felt like it was being wrung dry.
I wanted to scream at him for saying it like it meant something. Bakit pa niya sinabi iyon gayong hindi ko na nga alam kung paano pa siya papaniwalaan?
Nash clenched his jaw. Kitang-kita ko ang tension sa katawan niya, ang pagtaas-baba ng adams apple niya na para bang inihahanda ang sarili niya sa kung anumang gagawin o sasabihin ko.
I hated it. Ayokong makita kung paano niya pa rin ako tinitingnan na parang... parang may ibig sabihin ang lahat. Ayokong marinig 'yung boses niya at maramdaman 'yung sakit na pilit kong kinakalimutan.
Umiling ako. I hate the part of me that wanted to believe him... because people only get close to you when they needed something. Was it my forgiveness now?
My throat tightened. Hindi ko alam kung bakit biglang parang ang bigat-bigat ng katawan ko, kung bakit ang hirap huminga, kung bakit ang sakit-sakit bigla.
Napapikit ako, pilit kinakalma 'yung dibdib kong parang sasabog. I inhaled sharply. "Sana hindi mo na lang ako minahal."
Because how could you name it love, if it hurts this much? You were just a bad man who knew the right words.
Hindi siya sumagot. Instead he looked down. Unti-unting nagtaas-baba ang mga balikat niya. Pinilit ni Nash tinakpan ang mukha niya habang pinupunasan at tinatago ang luhang nagsimulang bumagsak mula sa mga mata niya.
"Kung kaya ko lang itigil 'to..." bumuntong-hininga siya, halos hindi matapos ang sasabihin. "Kung kaya ko lang piliing hindi ka mahalin. Pero paano? Kasi... kahit anong pilit, hindi ko magawa. Hindi ko kaya. Kahit alam kong wala akong karapatang mahalin ka. Kahit alam kong wala namang patutunguhan 'to."
Hindi ako sumagot. Hinayaan kong dumaan ang ilang segundo, pero bawat hikbi niya ay parang pinipiga ang dibdib ko. Seeing him shed tears for me... felt too much.
Kahit anong pilit kong isara ang puso ko sa kanya... bumigay ako. My body moved before my mind could stop it.
Hinila ko ang kwelyo niya nang walang pag-aalinlangan at bago pa siya makaimik, sinelyuhan ko na ang labi niya ng halik na puno ng sakit at galit.
Nash made a low sound—half-surprise.
Napasinghap si Nash. Hindi siya gumalaw at hindi rin siya tumugon. Nanatili lang siyang nakatayo roon tila naestatwa.
Gusto kong iparamdam sa kanya ang lahat—lahat ng sakit, lahat ng galit, lahat ng pagmamahal na pilit kong itinanggi. Gusto kong maintindihan niya kung gaano niya ako sinaktan.
Nanginig ang labi ko laban sa kanya. At sa pagitan ng halik, naramdaman ko ang mabigat niyang paghinga. Naramdaman ko ang dahan-dahang paggalaw ng mga kamay niya pero nang lumapat ito sa pisngi ko, mahigpit niyang hinawakan iyon.
At doon niya ako hinalikan pabalik. Dahan-dahan pero ramdam ko ang panginginig niya. He kissed me like he wanted to pour every regret, every longing, every ounce of love he had left. He kissed me like he was trying to stitch my broken pieces back together.
Ayokong magpatalo kaya hinalikan ko siya nang mas mariin. Mas desperado. Gusto kong mawasak siya tulad ng pagwasak niya sa'kin. I gripped his shirt, pulling him closer. But the more I let him feel my pain the more he reciprocated it by his love.
Nang bumitaw kami, parehong habol ang hininga. Tahimik si Nash. Hindi siya nagsalita pero unti-unti niyang inangat ang baba ko upang magtagpo ang mga mata namin. Hindi ko siya kayang tignan, lalo na ang mga mata niyang nagsusumamo.
Napapikit ako. Ramdam ko ang kirot sa dibdib ko, ang panginginig ng mga daliri kong mahigpit na nakakapit sa damit niya.
"I don't want to feel your love," bulong ko, halos walang hindi ko iyon marinig pero alam kong narinig niya.
Dahan-dahan ko siyang itinulak. Ayokong makita niya ang mga mata ko... so I choose to look down. Dahil kahit anong pilit kong itanggi... ramdam kong hindi ko rin kayang paniwalaan ang sinabi ko. And the moment, our eyes met, I know he would see right through me.
So I looked down. I knew I was losing him but it was nice to hold something right before it broke you.
"I don't want to feel your love," I whispered.
Mula nang gabing iyon, hindi ko na siya nakita ulit. Hindi ko rin alam kung sino ang unang umiwas sa aming dalawa, kung ako ba o siya. Minsan na lang rin ako bumalik sa office maliban sa mabilisang pagkuha ng mga kailangang articles. Isang buwan ko nang mas pinipiling maglagi sa opisina ni Mrs. Mababangloob kaysa sa TVOA.
It was easier this way. At least, here, there were no questions I didn't want to answer. No looks that will make my chest tighten. No memories lurking at every corner.
"Rayne, mukhang napapadalas ka dito?"
I looked up from the pile of documents on her desk. Nakatayo si Mrs. Mababangloob sa gilid ng pintuan, may hawak na platito at isang maliit na tasa ng tsaa. Kita ko ang bahagyang pagtaas ng kanyang kilay, the knowing look in her eyes. Alas sais na ng hapon at busy kami sa pag-aayos ng mga documents para sa paparating na accreditation sa susunod sa April.
"Busy naman po tayo, Ma'am. Paano pong napapadalas?" I denied quickly, shuffling the papers in front of me.
She hummed and stepped inside at dahan-dahang inilapag ang tasa sa mesa. "Oo nga. Tayo. Pero parang ikaw lang ang hindi nauubusan ng oras para tumulong."
I forced a small smile. "Gusto ko lang pong maging productive."
Mrs. Mababangloob took a sip of her tea before sitting across from me. "May problema ka ba sa publication n'yo?"
I considered denying it again. Telling her I was just genuinely invested in organizing faculty documents. Pero nang lingunin ko siya, nakita ko ang ekspresyon niya. Hindi iyon nang huhusga. It was simply knowing as if she already had the answer.
Kinuha ko ang stapler sa gilid at sinimulang ayusin ang hawak kong mga papel. "Hindi ko po alam ang sinasabi niyo."
She let out a soft chuckle, which is nakasanayan ko na. On the first few weeks noong nagsisimula pa lang ako, I didn't even knew she knew how to smile.
"If you say so."
Hindi na niya iyon binanggit ulit. That was what I liked about Mrs. Mababangloob. She just let me stay.
Anothere week passed, gabi na nang utusan ako ni Mrs. Mababangloob na bumili ng ilang supplies sa bookstore sa labas ng campus. Walang gaanong tao sa loob, tahimik maliban sa mahinang tugtog na nagmumula sa speakers.
I was halfway through the list when I heard my name.
"Rayne?"
I turned my head, and Ynigo, standing a few feet away, holding a basket full of birthday stuff and a black canvas in one hand. His brows furrowed before he broke into a grin.
"Ang tagal nating hindi nagkita ah. Hindi ka na bumabalik sa office," he said, walking toward me.
I shifted on my feet, forcing a small smile. "Dumadaan naman ako. Hindi lang tayo nagkikita. Saka busy lang kina Mrs. Mababangloob."
Ynigo snorted. "Seryoso ka ba, Rayne? Kahit si Ciqa hindi naniniwala sa palusot mong yan. We all know you're avoiding Nash."
I didn't answer. Tinitigan niya ako nang sandali parang hinihintay na magkwento. I didn't budge. Tumulala lang ako sa mga birthday supplies na nasa basket niya.
"Malapit na birthday ni Nash..."
Umangat ang tingin ko sa kaniya. He smirked right away as if he saw something he wanted to prove earlier. Iniarapan ko siya.
Birthday nga niya sa katapusan. Malapit na ang katapusan ng March. Another month had passes. A month of pretending everything was fine.
"We're planning to surprise him," he grinned. "Sama ka? Ikaw ata birthday wish non. Masusurprise yon, Rayne." Humalakhak pa siya.
I forced out a chuckle. "May shift ako non sa cafe."
"Joke lang! Ang seryoso mo kasi!" Ynigo heaved a sign before speaking again. "Ano bang nangyari, Rayne? After the exhibit?"
I tried to pretend that his question didn't bother me. "Naipasa ko na article ko don, ah?"
"Alam mong hindi 'yon ang ibig kong sabihin." His voice softened. "Between you and boss?"
"We're fine, Ygo. Busy lang talaga," I said instead.
A lie. A half-truth. A pathetic attempt to convince myself that this was normal.
Before he could say anything else, I caught a glimpse of Ciqa walking toward us. Parang biglang nanikip ang lalamunan ko.
"Mauna na ako, Ygo."
I didn't wait for his response. I just turned around and walked away, needing to put distance between us.
Lumapit si Ciqa kay Ynigo. Nang magtama ang mata namin ni Ciqa, mabilis akong umiwas ng tingin. I didn't even hold it for more than a second, but that second was enough. I felt ashamed and hurt because of the last time we saw each other.
I was about to pay when something caught my eye. May isang maliit na keychain na may hugis pusang naka-ngisi. It was a small, black cat keychain hanging by the counter.
The design was simple, minimalist, elegant. I stared at it longer than I should have.
Hinawakan ko iyon. Kung si Nash ang makakakita nito, siguradong tatawa siya. Siguradong may masasabi siyang witty remark. It reminded me of him.
Of the small moments when his face would soften whenever he saw stray kittens. Of how he once said he carried cat food in his bag just in case he saw them out on the streets.
My fingers hesitated over the price tag. I didn't know why I was still holding it.
It's just a keychain. Wala lang 'to. Ano naman kung bumili ako ng keychain?
My fingers moved before I could stop them. Before I could change my mind, I bought it.
Nang makauwi ako, hindi ko na binuksan ang ilaw. Pinakiramdaman ko lang ang sarili ko sa loob ng madilim na kwarto.
Napabuntong-hininga ako bago hinagilap ang bag ko. Naupo ako sa desk at binuksan ko ang laptop. Hinanap ang file na ilang araw ko nang iniiwasan. The editorial piece I wrote stared back at me each word written with everything I had left in me.
Today was its deadline. I was contemplating if I would email it to Nash. I hovered over the send button as my fingers trembled above the trackpad.
A part of me wanted to. Maybe because I needed him to read it to understand me in a way he never did before.
Pero anong silbi pa kung hindi na 'to mababasa ni Jace? Kung kahit isulat ko lahat ng gusto kong sabihin, hindi ko na siya maaabot?
I shut my laptop. I pulled out the receipt. Sandali akong napatitig doon. I grabbed a pen, pressed it against the back of the crumpled paper and scribbled two words on the back before slipping it inside my desk drawer.
The next few weeks were hell. Women month na naman. A week-long coverage na hindi ko matakasan. Everyday, may meetings. Everyday, may dahilan para magkita kami. Hindi ko alam kung paano ako magtatago. Hindi ko alam kung paano ako iiwas.
All I could do was say, "Busy ako sa student assistant program."
At least, half-true.
Napatitig lang ako sa screen ng phone ko. Sa chat ni Florissa. Akala ko tungkol iyon sa pangungulit nila sa akin na sumama sa coverage. Pero mahabang mensahe iyon, sunod-sunod at ramdam ko 'yung energy niya kahit hindi ko pa binabasa.
Florissa: Rayne! Grabe, miss na miss na kita, swear. Alam kong busy ka, pero minsan lang 'to. Napag-usapan namin nina Ciqa, we should all catch up! Wala ka na kasing time sa amin, ha? Pero okay lang since we know you're busy with student assistant and stuff HAHAHAHA.
Florissa: Anyway, may surprise kami for Nash. If free ka, punta ka sa office. Sobrang matutuwa siya kapag andun ka rin. Hope to see you!
Sa dulo ng message, may kasamang heart emoji. Parang dagdag tuldok sa pangungulit niya.
I pressed the reply and started to type.
Sorry, I can't come. Overtime kami.
My figher hovered over the send button. Matagal, siguro may anim na segundo bago tuluyan ko iyong naissend.
I heaved a sigh and I locked my phone. Hindi ko alam kung bakit ko 'to pinagiisipan pa. Alam ko naman ang sagot—hindi ako pupunta.
"Rayne, bakit hindi ka pa umuuwi?"
Napapitlag ako sa tunog ng boses ni Ma'am Mababang Loob. Hindi ko napansin na nakatayo na pala siya sa tabi ko, hawak ang bag niya, halatang pauwi na.
Agad akong sumandal sa upuan ko, tinakpan ng braso ang screen ng laptop, kahit na walang laman ang cursor kundi isang blangkong dokumento.
"May tinatapos lang po akong article, Ma'am."
She gave me a look. The kind na hindi mo masasabing galit, pero alam mong hindi rin siya convinced sa sagot mo.
"Wala ka namang urgent na documents para sa accreditation, hindi ba?" she said, crossing her arms. Sinisiguradong wala kaming nakaligtaang documents.
I swallowed. Alam ko namang wala na talaga akong dapat gawin. Pero ayoko pang umuwi."
"Isang paragraph na lang po, Ma'am," I lied.
Napabuntong-hininga siya. "O, s'ya. Mauuna na ako. Lock the office before you go home, And make sure napatay mo yung aircon."
I forced out a chuckle. "Okay po. Ingat po."
I wasn't waiting. I wasn't. Pero bakit ang bigat sa dibdib ko?
Maya-maya, dumaan ang 6 PM. Tapos 6:30. Tahimik na ang buong building, parang ako na lang ang natira.
Mula sa office ni Mrs. Mababangloob, napasilip ako sa kabilang dulo—sa office ng The Voice of Arrionians.
Mula sa loob, may mahihinang tunog ng tawanan tapos...
"Happy birthday to you..."
Malamyos pero masiglang boses ng mga tao ang pumuno sa hallway.
My heart squeezed. I swallowed the lump in my throat and grabbed my bag. Lumabas ako agad at hindi na lumingon.
Tuloy-tuloy akong naglakad hanggang sa nakarating ako ng waiting shed. The waiting shed felt colder than usual. Naghintay ako ng tricycle, pero mukhang uulan pa. The wind carried the faint echoes of laughter from inside the campus, habang ako, mag-isa lang dito sa madilim na kalsada.
Napahawak ako sa bulsa ko—doon ko nakapa ang maliit na black cat keychain. I pulled it out, letting it rest on my palm. Tinitigan ko lang. Alam kong dapat ko na 'tong itapon. Pero bakit nga ba hindi ko magawa?
Maya-maya, may lumapit nang tricycle. But before I could step inside, narinig ko ang ingay ng mga makina.
Mula sa gate ng Arrion, may lumabas na mga motor.
Sina Ynigo na nakaangkas kay Ynigo. Si Florissa at ang ilang staffers, sumabay pa ang iba pang trainees. May ilang may hawak na baloons.
Ang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang pamilyar na tunog ng makina. Sa pinakadulo, si Nash. Nakasunod sa kanila.
Bago pa niya ako makita, mabilis akong sumakay sa tricycle. Isa-isa nilang nalampasan ang tricycle na lulan ko... hanggang sa lumampas na rin si Nash.
Sinimulan na nung driver ng tricycle na paandarin ang makina niya. At habang papalayo kami, hinayaan ko lang na bumaba ang ang tingin ko sa keychain.
Tapos, isang luha ang pumatak sa metal surface nito kasabay ng paglukot ko sa receipt na may nakasulat na dalawang salitang.
Mabilis ko iyong pinunasan at saka itinago ulit sa bag ko.
Pagdating ng sumunod na buwan, hindi na ako sumipot sa kahit anong meeting o coverage. Wala na akong pakialam sa sasabihin ng iba. It's better this way.
SCUAA? Skipped. Meetings? Skipped. Press work? Skipped.
Kung nasa harapan ko lang ang attendance sheet, panigurado puro X ang katabi ng pangalan ko. Habang tumatagal, habang dumadami ang mga meeting na hindi ko sinisipot, I knew they were starting to notice.
Dati, kahit papaano, nagagawa ko pang pumuslit sa office. Kukunin ko lang ang articles ng mga staffers, mabilis akong aalis bago may makapansin. Pero ngayon? Hindi na. Hindi dahil hindi ko na kaya.
Pero dahil natatakot akong bumigay kasi pakiramdam ko, kaunti na lang... mapapatawad ko na siya at mas natatakot ako sa posibilidad na 'yon kaysa sa kahit ano pa.
Paano kung makita ko siya at mapagod akong magalit ulit? Paano kung hindi ko na kayanin ang distansyang ako rin naman ang gumawa? Hindi ko puwedeng hayaan mangyari 'yon.
Wala pa rin naman nagpaparamdam mula kay Nash. Maging ako, hindi ko pa rin naipapasa ang final editorial ko. He's not looking for me.
But then, layout review week came. I received his email at midnight. Nothing more than what was necessary. Parang ayaw niya rin akong kausapin. Hindi naman kasi kami nag-uusap doon. He used to just message me on Messenger and not through email.
But now, it's like he's putting a wall between us—one I started, and one he's now making sure stays up.
—
From: Nash Dillon Cadogan
Subject: Editorial Submission
Rayne, I need your final editorial for accreditation. Send it over by tonight so I can check it before printing.
—
Binasa ko lang. Hindi agad nag-reply.
My first instinct was to ignore it pero hindi ko rin kayang hayaang hindi siya replyan.
I just wanted it to be done.
Simula nung dumating ako sa publication, ito naman talaga ang goal ko. To write the editorial that would give justice to Jace. Maisulat kung gaano kabigat ang pagkawala niya. Ang katahimikang iniwan niya.
Now, I finally had it written.
I felt... lighter. Like I could finally move forward. Siguro baka kapag nailathala na ito, kapag nabasa na ng lahat, everything would fall into place. Baka pwede ko nang bitiwan 'yung sakit. Baka pwede ko nang ipikit ang mga mata ko nang hindi siya nakikita sa bawat sulok ng isipan ko.
Grief was never kind. It held me in its claws for so long, whispering that there was no way out. But this—this editorial—it felt like my exit.
A door at the end of the tunnel I could finally walk through.
A long, suffocating tunnel na matagal ko nang tinatahak, gasping for air, clawing at the walls, desperate for a way out. But now, may liwanag na akong natatanaw sa dulo. It was faint, fragile, but it was there. And if I could just reach it, if I could just take those last steps—baka kaya ko nang patawarin ang sarili ko.
Baka mawala na 'yung bigat. At sa wakas, kayanin ko nang pakawalan 'yung sakit... kayanin ko nang pakawalan siya.
That's why I needed the editorial to be done. To be published. To be seen.
So, I sent the file. No message, no subject, nothing. Walang kasamang paliwanag. Just the attachment. The final piece of my grief. The one thing that could finally set me free.
I was hoping that if the grief left me, I could give myself a chance. A chance to forgive the 19-year-old Rayne who lost her best friend. A chance to forgive those who hurt me—including Nash.
Or at least, that's what I thought.
Kasi isang linggo pagkatapos kong ipasa ang article, hawak ko na ang dyaryo sa nanginginig kong mga kamay. Dahan-dahang binubuklat ang mga pahina.
Hinihingal ako. Hindi ko alam kung dahil sa kaba o sa isang bagay na hindi ko pa matukoy.
As I was browsing it I was hoping—praying—that this was the moment. That I had finally reached the end of the tunnel.
Hinahanap ko ang sarili kong mga salita pero wala.
My breath hitched. My throat tightened. Para akong sinuntok sa sikmura.
Because when I opened the tabloid, it wasn't my editorial that was published. It was Nash's. Ang pangalan niya ang nakita ko sa byline. Hindi iyong sa'kin. Hindi ang editorial na pinaghirapan ko, na ilang beses kong pinag-isipan bago ipasa.
Baka nasa likod. Baka nasa ibang section. Hinanap ko pero kahit anong gawin ko, kahit ilang beses kong balik-balikan, hindi nagbago ang totoo.
Wala ang editorial ko. Ramdam ko ang kirot na gumapang sa dibdib ko, ang panginginig ng mga daliri kong hindi ko mapigilan. I wanted to believe this was a mistake. A misprint.
Pero kahit anong tingin ang gawin ko, it was some kind of last-minute decision I wasn't informed about.
Nash changed the editorial.
At sa isang iglap, tuluyan nang sumara ang pinto. Ang mas masakit—si Nash mismo ang nagsara nito.
The light at the end of the tunnel disappeared.
Muling bumigat ang dibdib ko. Parang gusto kong tumawa. O sumigaw. O wasakin 'yung tabloid na sa kamay ko.
The world had denied me hope once again. It was like saying, "You don't get to move on."
You stay there.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro