WCATR 28: Headlines
CHAPTER 28 - HEADLINES
Twelve years old ako noong una kong narinig ang pangalan nang nanay ko sa radyo at telebisyon.
"Flight 812 bound for Taiwan, nag-crash ilang minuto matapos lumipad..."
Alas-sais ng umaga. Nakita ko iyon sa headline sa TV habang kumakain si Papa ng almusal. Sinabayan ko siyang manood. Sinundan ng mga mata ko ang footage ng sunog na eroplano, ang debris sa dagat, at ang mga lumulutang na parte ng noon.
May mga pangalang nag-flash sa screen at kasama doon ang pangalan ng nanay ko.
Napahinto ako sa paghigop ng gatas. Napatingin kay Papa pero hindi siya nag-react. Hindi siya nagsalita. Walang kahit isang emosyon ang dumalaw sa mukha niya. Pagkatapos noon ay pinaglamayan namin ang hindi na natagpuang bangkay ni Mama dahil sa sunog dahilan ng pagsabog.
Mula sa kusina, naririnig ko ang mahihinang bulungan ng mga tiyahin ko, ang pagsinghot ni Lola, ang malalim na buntong-hininga ni Papa pero walang nagtangkang ipaliwanag sa akin ang nangyari. Walang nag-abalang magtanong kung alam ko ba ang tunay na dahilan.
Dose anyos ako nang matutunang hindi lahat ng tanong ay may sagot.
Ang alam ko lang, umalis si Mama para sa mas magandang kinabukasan daw namin. Ang sabi niya, sandali lang siyang mawawala. Magpapadala siya ng mga kuwento sa sulat, ng tsokolate mula sa Taiwan, ng litrato ng bagong mundong gagalawan niya pansamantala.
Pero ilang araw pa lang siyang umalis ay ibinalita nang hindi na siya babalik. Ang daming nakasulat. Ang daming paliwanag. Ang daming numero. Pero habang binabasa ko ang balita sa dyaryo, parang wala naman iyong silbi.
It was there, in black and white, so simple yet impersonal. Parang pangalan lang siya sa listahan. Parang isa lang siya sa napakaraming numero na kailangang ipunin at ilagay sa report.
Wala doong nagkukwento, kagaya ng ipinangako ni mama. Hindi iyon tungkol sa buhay na nawala sa akin, kundi isang headline na pag-uusapan saglit bago kalimutan.
Sa isang iglap, naging pangalan na lang si mama sa pahina ng dyaryo. At kahit anong gawin ko, kahit ilang beses kong ulit-ulitin ang pagbabasa, walang sagot ang headline.
Nagbasa ako ng bawat artikulo. Sinundan ko ang bawat press conference. Pinanood ko ang bawat balita. At habang ginagawa ko 'yon, unti-unti kong napansing wala sa kahit anong pahayagan ang sagot na hinahanap ko.
Ang dami nilang sinabi tungkol sa sira sa makina, sa pagkakamali ng piloto, sa kakulangan ng rescue operation. Pero wala silang sinabi tungkol kay mama. Wala silang sinabi kung sino siya... kung ano ang iniwan niya. Parang hindi siya mahalaga.
I can still vividly remember that night, I was crying because I missed her so much and because of the thunderstorm.
Kinuha ko ang lumang notebook ko at sa unang pagkakataon, sinubukan kong magsulat para kumalma. Hindi iyon para sa assignment.
"Maria Theresa Carreon, 37, isang ina."
"Hindi lang siya biktima ng isang aksidente. Hindi lang siya isang pangalan sa listahan."
"Nagbibilang siya ng araw bago makaalis patungong Taiwan. Iniisip niya kung paano mabibigyan ng mas magandang buhay ang anak niya. Pero hindi na siya nakarating."
Sinulat ko ang lahat ng hindi nila sinabi. Sinulat ko ang lahat ng hindi nila itinampok sa balita.
Dose anyos ako nang matutunan kong ang pagsulat ng balita ay hindi lang impormasyon. At katorse naman noong pinangarap kong maging isang mamamahayag.
Nasa likod-bahay kami noon nina Jace, nakaupo sa lumang bench na nakatapat sa overgrown na damo. Ang init ng hangin, pero hindi ito sapat para ipaliwanag ang bigat na naramdaman ko sa dibdib habang binabasa ang artikulo sa harap ko.
"Mag-asawang Mamamahayag, Patay Matapos Masunog sa Loob ng Lokal na Pahayagan"
Tahimik akong napalunok.
Napatigil ako sa pagbabasa, pero nanatili akong nakatitig sa dyaryo. Hinayaan kong lumubog sa sistema ko ang bawat salitang nabasa ko. Dalawang buhay. Dalawang pangalan na ngayon, tulad ng marami, ay magiging headline na lang sa pahayagan.
Jace shifted beside me, his arms rested lazily on his knees habang pinaglalaruan ang isang maliit na bato sa kanyang mga daliri. "Ano na namang balita 'yan?" tanong niya, not even looking up.
Hindi agad ako sumagot. I just swallowed, my grip tightened around the paper. "Dalawang journalist. Pinatay." My voice came out quieter than I intended. "Sabi dito, inexpose nila 'yung korapsyon ni Mayor Guantanamos ng Cebu."
Jace finally looked at me, his brows knitting together. "Grabe! Pinatahimik sila kasi ayaw ng mayor na mabuko?"
I nodded as I pressed my lips together. "Mukhang gano'n nga."
Jace exhaled sharply. "Hindi talaga safe 'yung ganyang trabaho. Sobrang delikado."
I stayed silent, staring at the bold letters of the headline. Parang may pamilyar na punyal ang dumiin sa dibdib ko, hindi lang para sa kanila kundi para sa mga naiwan nila.
Dalawang pangalan. Dalawang buhay. Pero sa balita, iyon lang sila—mga pangalan.
Katulad ni Mama.
Napakabilis lang nilang naging parte ng istatistika, isang balitang pag-uusapan ng mga tao saglit bago nila kalimutan. Pero paano ang mga naiwan nila? Ano ang kwento nila? Sino ang mga taong nawala sa kanila?
Naisip ko kung paano binabasa ngayon ng mga anak nila ang balitang ito. Kung paano siguro sila nakaupo, tulad ko noon, hinihintay ang sagot na hindi na dumating.
Bumigat lalo ang pakiramdam ko. "Jace..."
"Hm?"
Gumalaw ako sa kinauupuan ko, hugging my knees to my chest. "Gusto kong maging journalist balang araw."
Jace blinked, obviously caught off guard. "Ha?"
"I want to tell stories." I stared at him as my grip on the newspaper tightened. "Not just headlines. Not just names." Humugot ako ng malalim na hininga. "Gusto kong malaman kung ano ang nangyari sa likod ng mga pangalang 'to. Gusto kong malaman kung ano ang iniwan nila. Gusto kong isulat 'yon. Their stories deserve to be heard."
For a moment, Jace didn't say anything. His expression softened as he looked at me and at the way my fingers clenched around the paper.
Then, he smirked, shaking his head. "Tingin ko bagay nga sa'yo."
"Talaga ba?"
He chuckled. "Bagay sa'yo maging journalist." He nudged my shoulder lightly. "Masyado kang maraming tanong."
A small smile made its way to my lips. "Tingin mo?"
Jace leaned back, stretching his arms over his head. "Oo naman. Kahit noong mga bata pa tayo, hindi ka titigil hangga't hindi mo nakukuha 'yung sagot na gusto mo." He glanced at me with a knowing look. "Minsan nakakainis, pero siguro nga iyon ang dahilan kung bakit magiging magaling kang journalist balang araw."
Napatawa ako nang mahina, pero hindi ko itinanggi. Totoo naman. I always wanted to know the full story, to dig deeper than what was given to me. Hindi sapat sa akin ang basta tanggapin na lang kung ano ang nasa harapan ko.
Pero hindi ko inasahan na isang araw, si Jace mismo ang magiging kwentong gusto kong isulat. Hindi ko inasahan na noong nawala siya... siya ang unang taong gusto kong ipaglaban. Siya ang unang pangalang ayaw kong maging simpleng headline lang.
Nang mamatay si Mama, hindi ko nagawa. Hindi ko nasabi sa mundo kung sino siya—kung paano siya nagmahal, kung paano siya nangarap, kung paano siya lumaban hanggang sa huli. Isang pangalan lang siya sa pahayagan, isang numerong pag-uusapan saglit at kakalimutan rin kalaunan.
Napatulala ako sa pangalan ni Jace habang parang pinipiga ng katahimikan ang dibdib ko.
JACE STRAUSS M. BALLESTEROS
1999 – 2022
Nakakalungkot kung paanong ang isang taong kasabay mong lumaki, kasama mo sa oras ng kalokohan, kadamay mo sa mga panahong parang sinukuan ka nang mundo ay parang isang pangalan na lang ngayon. Isang pangalang nakaukit sa marmol.
Pumikit ako, pilit hinahabol ang bigat na pumipiga sa puso ko. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakaupo lang doon sa harapan ng puntod niya, nakatulala, hinahayaan ang malamig na hangin na dumampi sa balat ko.
Pakiramdam ko, bumabalik ako sa dati, doon sa dose anyos na batang walang magawa kundi tanggapin na wala na ang nanay niya. Doon sa batang unang beses na-realize kung gaano kalupit ang mundo.
Pero ngayon, hindi lang si Jace ang pinaglalamayan ko. Pinaglalamayan ko rin 'yung parte ng sarili kong iniwan ko sa TVOA. Dahil kahit anong sabihin ko kanina... kahit anong galit ang itinapon ko kay Nash, kahit anong sakit ang pinadama ko kay Ciqa... ang totoo, hindi ko talaga gustong umalis.
Hindi ko gustong talikuran ang mundong unti-unting minahal ko. TVOA was my home, kahit pilit kong iwasan dati. It was the only place where I felt like I belonged. The only thing that made me feel like I still had a purpose after losing Jace.
Niyakap ko ang sarili ko, pilit pinipiga 'yung sakit na nararamdaman ko. Pumikit ako nang mariin, nanginginig ang balikat ko sa paghikbi.
"I quit, Jace," umiling ako, hindi pa rin matanggap. "I quit. Alam kong hindi ko dapat ginawa 'yon, pero ginawa ko."
Napaawang ang labi ko, isang mapait na tawa ang lumabas. "Alam mo ba? I only joined because of you... because I want to tell your story. Sabi ko pa noon, na hindi ako mapapalapit sa kahit na sino sa kanila kasi alam kong masasaktan lang ako."
"Pero wala eh... pinapasok ko sila. Pumasok sila sa mundo ko. Ang saya pala, Jace. Ang saya magsulat, ang saya nang may kasama, ang saya na may bago na akong masasandalan maliban sayo."
Huminga ako nang malalim, pinupunasan ang pisngi kahit na alam kong may kasunod na namang luha.
"Pero ang sakit din pala. Ang sakit na mahalin ang isang bagay na alam mong pwedeng sumira sayo..." Sandali akong tumigil habang tinitimbang kung sasabihin ko ba sa kaniya.
"Alam ko na, Jace... Finally, alam ko na kung sinu-sino ang mga taong may gawa noon sayo. Kung sinong nagsulat noong article, kung sino ang nagpublish. Kilala ko na, Jace... pero ang sakit. Ang sakit pala ng katotohanan... Sana hindi ko na lang nalaman."
Dahil hindi ko inakala na ganito kasakit ang katotohanan. Kaya pala may mga tanong na minsan hindi na kailangan ng sagot. Akala ko dati, kapag nalaman ko na kung sino ang may kasalanan, magiging mas madali. Mas magiging magaan.
Dahan-dahan kong ibinaba ang tingin sa puntod niya, hinahaplos ang marmol nang nanginginig ang kamay.
"Hindi ko na alam," bulong ko, "Sabi ko, kaya kong ipaglaban 'yung kwento mo, pero hindi ko alam kung paano ko na gagawin 'yon..."
Sa dami ng katotohanang nalaman ko, hindi ko alam kung alin ang kaya kong tanggapin.
"Ang labo kasi, Jace." Muli kong pinunasan ang luha sa pisngi ko. "Sa dami ng taong pwedeng dumurog sa'kin, bakit siya pa?"
Parang may bumara sa lalamunan ko habang binibigkas ko 'yon. Akala ko, kapag nalaman ko na kung sino ang may kasalanan, buong-buo ko siyang kamumuhian. Pero sa halip na malunod ako sa galit, mas natabunan iyon ng sakit.
Bakit sa dami ng pwedeng maging salarin, bakit kailangang yung isang taong nagparamdam sa'kin na may puwang pa rin ako sa mundong 'to? Sa dami ng pwedeng dumurog sa'kin, bakit kailangang isang taong natutunan ko ring mahalin?
Napakagat ako sa labi, pilit pinipigilan ang isa pang hagulgol na nais lumabas.
Hindi ko alam kung paano magalit nang buo kay Nash.
Hindi ko alam kung paano burahin lahat ng sakit na dulot niya nang hindi nasisira ang lahat ng kabutihang ipinakita niya. Hindi ko alam kung paano ipagpilitan sa sarili kong hindi na mahalaga ang presensya niya... dahil alam kong siya ang dahilan kung bakit pakiramdam ko, nawalan ulit ako ng tahanan.
Pero kahit hindi ko siya kayang kamuhian nang buo... hindi ibig sabihin na kaya kong talikuran si Jace. Hindi ibig sabihin na kaya kong bitiwan ang kwento niya.
Dahil kung may isang bagay na sigurado ako, 'yon ay hindi pwedeng matapos ang lahat dito. Hindi pwedeng ito lang ang dulo ng kwento ni Jace—isang maling headline, isang buhay na kinalimutan ng mundo.
Kinabukasan, hindi na ako pumasok. Pagod pa rin ang katawan ko, pero mas pagod ang utak ko. Pakiramdam ko, kahit anong tulog ang gawin ko, hindi mababawasan 'yung bigat. Huminga ako nang malalim, bumangon sa kama, at kinuha ang bag ko.
May mga sagot pa akong kailangang makuha, at alam kong isa ang ate ni Nash... si Yvonne sa iilang taong makakasagot noon.
I didn't know if I was ready to hear the truth. But I had no choice. I had to know.
Pagkapasok ko pa lang sa vet clinic niya, agad akong sinalubong ng malamig na hangin mula sa aircon at ang mahihinang tunog ng mga hayop sa loob—isang kuting na natutulog sa corner, isang asong tahimik na pinapanood ako mula sa crate nito. Pero sa kabila ng lahat ng iyon, ang pinakamalamig na bagay sa kwartong 'to ay ang tingin sa'kin ni Yvonne.
Nakatayo siya sa likod ng counter, hawak ang isang folder, at hindi man lang nag-abala na itago ang iritasyon sa mukha niya nang makita ako. Para bang alam na niyang darating ako, at wala siyang balak makipag-usap.
"Wala rito si Nash," malamig niyang sabi, hindi pa man ako nakakalapit.
Alam kong iniisip niyang 'yon ang dahilan ng pagpunta ko rito, pero hindi ko hinayaan ang sarili kong magpaapekto.
"I'm sorry. Hindi siya ang pinunta ko," sagot ko, tinutulak ang kaba sa dibdib ko.
Yvonne raised a brow, unimpressed. "Then what do you want?" Kumunot ang noo niya. "What's your name again? Rayne?"
Napakapit ako sa strap ng bag ko. "I need to talk to you."
She scoffed, finally closing the folder she was holding. "About what? Kasi kung tungkol 'to sa TVOA, matagal na akong walang pakialam doon."
Doon ako huminga nang malalim. "Pero dati kang EIC bago si Madelle, hindi ba? Gusto kong malaman ang nangyari... about sa article."
Mas lumamig ang ekspresyon niya. She placed her hands on the counter, looking at me with sharp, calculating eyes.
"Alam mo, Rayne, hindi ko alam kung bakit mo iniisip na may utang ako sa'yong sagot."
"Please. I just want to understand."
"Well, I don't owe you an explanation." She grabbed the folder again and flipped it open like she was done with the conversation.
Pero hindi ako aalis nang hindi nakukuha ang sagot na pinunta ko rito.
"I know it was Ms. Aranzado," dire-diretso kong sabi. "Siya ang nag-approve ng article... Sinabi ni Nash. Pero... bakit?"
Napahinto ang kamay niya sa paglipat ng pahina.
Nagtagpo ulit ang mga mata namin, at sa isang iglap, para bang lumamig pa lalo ang paligid. Para bang pinapaalala niya sa'kin na hindi kami magkaibigan. At wala akong karapatang tanungin siya.
Para bang pinaaalala niya sa'kin kung sino ako—at kung sino siya.
"Umalis ka na!"
Pero hindi ako umalis.
"She had a reason, didn't she?"
Nanigas ang panga niya. Maikli siyang sumagot.
"I know she had a brother."
Huminga ako nang malalim nang marinig iyon, "She wanted revenge?" pilit kong pinapanatili ang boses kong matatag.
"Isa siya sa mga namatay sa hazing, it wasn't documented... walang nakaalam. Said it was because of an illness pero alam niyang dahil iyon sa Sigma Perpetua."
Hindi ko alam kung ako lang ba, pero parang lumalim ang tunog ng boses niya.
"She wanted to destroy them." Yvonne let out a sharp breath, "Ginamit niya ang publication para sa sarili niyang paghihiganti. And guess what? Nagtagumpay siya."
Parang may kung anong kumalabog sa dibdib ko.
"She let me take the fall for it." Ngumisi si Yvonne, pero walang halong emosyon ang mukha niya. "Happy now?"
I swallowed hard. "Yvonne—"
"Wala akong balak pag-usapan 'to, Rayne." She straightened, looking at me like I was nothing but a disruption to her. "And I suggest you leave before I make you."
Alam kong kahit anong pilit kong ipakita sa kanya na gusto ko lang malaman ang buong kwento, hindi ko siya mapipilit.
Dahan-dahan akong lumabas ng clinic. Huminga ako nang malalim, pilit pinapakalma ang kumikirot kong sentido. Pero kahit anong gawin ko, hindi na mabura sa isip ko ang sinabi niya.
She let me take the fall for it.
Napakapit ako sa strap ng bag ko, saka tuluyang naglakad pero nang iangat ko ang ulo ko, doon ako tuluyang napahinto.
May isang pamilyar na pigura sa tapat ko. Bahagyang magulo ang buhok, gusot ang kwelyo ng suot niyang polo, at kahit hindi pa ako lumalapit, kitang-kita ko na ang bulto ni Nash.
Kakatapos lamang niyang iparada ang motorsiklo niya sa parking ng vet clinic. Ibinaba niya ang helmet na hawak sa motorsiklo saka muling tumingin sa akin.
He looked at me with pain written on his eyes. Kahit pa pilit niyang itago... hindi nakatakas sa aking yung bigat, pagod at desperasyon sa mga mata niya.
Nagkatitigan lang kami. Wala ni sa sa amin ang nagsalita at gumalaw. Ni hindi ko alam kung ilang segundo kaming nakatayo lang doon. Hindi ko alam kung siya ba ang unang lalapit o ako ang unang aalis.
"Rayne," tawag niya sa mababang boses.
Humakbang siya palapit. Nanatili akong nakatayo malapit sa mismong entrance door ng vet clinic ng ate niya. Bumilis ang tibok nang puso ko nang tuluyan siyang makalapit. Tila ayaw lumakad ng mga paa ko palayo sa kaniya.
"Pinuntahan mo si Ate?" mahinang tanong niya.
Hindi ako sumagot, nakatulala pa rin sa tapat niya.
"Please... huwag na siya. It's all my fault. Makinig ka muna..."
Umiling ako, at sa wakas nagkaroon nang lakas nang loob na lampasan siya.
"Wala tayong dapat pag-usapan, Nash."
Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko. Ayaw ko siyang makita. Ayaw ko siyang marinig. Ayaw ko nang maramdaman ulit ang sakit.
Pumikit ako nang mariin. Huminga ng malalim. Pero hindi ako tumigil sa paglakad. Narinig ko ang marahas niyang pagbuga ng hangin.
"Bumalik ka na sa pub. You don't have resignation letter." May kalakasan ang boses niya, sapat iyon upang marinig ko kahit medyo nakalayo na ako. "And I won't approved it even if you do!" dagdag pa niya.
Napahinto ako pero saglit lang. Hindi ko siya tiningnan. I was contemplating if I should answer him. Bago pa ako makaalis muli, naramdaman ko ang marahan niyang hawak sa braso ko.
"Rayne, please," pigil niya. Nakalapit na siya sa akin.
Pinuwersa kong alisin ang braso ko mula sa hawak niya. "Bitawan mo ko."
Pero hindi siya natinag.
"I'm sorry... But, Rayne," mas mahina ang boses niya ngayon, mas mababa. "We need you in the publication."
Halos matawa ako sa sama ng loob at nilingon na siya nang tuluyan. "You don't need me, Nash."
Napansin ko kung paano siya humugot nang malalim na hininga.
"I do need you," mabilis niyang sagot. "We do. Alam kong hindi mo gusto 'yung nangyari, pero—"
Napailing ako. "Pero ano? Ano, Nash?"
Pumikit siyang muli saka huminga muli nang malalim na tila ba nahihirapan siya dahil sa pinaguusapan namin.
"Alam kong galit ka sa'kin, pero... huwag mo naman sanang talikuran sina Ciqatrix." Mas bumaba ang boses ni Nash, parang pinipilit na huwag mabasag. "Ako na lang, Rayne. Ako lang 'yung may kasalanan. Huwag yung team."
Sumikip ang dibdib ko sa sinabi niya. Napayuko ako. Hindi ko siya tiningnan pero ramdam ko kung paano siya lumapit nang kaunti.
"If you don't want to see me, hindi ako pupunta sa office kapag nando'n ka. Ako na lang ang iiwas kung ayaw mo nang presensya ko." Humugot siya ng malalim na hininga. "Ako na lang magcocompromise... but please come back."
Mas lalo akong napakapit sa bag ko. Napalunok ako pero hindi pa rin siya hinarap. Nagsisimula na namang mag-init ang mga mata ko.
"Alam kong mahalaga pa rin sayo yung TVOA, Rayne." Muli siyang huminga nang malalim. "You didn't mean it right? Alam kong kahit anong sabihin mo hindi mo gustong iwan 'yon."
Alam mo, Nash? How did you know?
"Hayaan mo silang damayan ka..." His voice sounds broken. Halos hindi ko iyon marinig dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko. "Hindi ko kayang makita kang mag-isa... masakit... Masakit kasi wala akong magawa. So, please, let them help if you can't let me."
Tumulo ang luha ko sa lupa. Hindi ko alam kung nakita ba niya iyon pero mabilis niyang kinabig ang likod ng ulo ko upang marahan iyong yakapin. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Para akong hinihila paahon mula sa pagkakalunod.
Sandali siyang hindi nagsalita. Pagkatapos ng isang malalim na buntong-hininga galing sa kaniya, doon niya binitiwan ang huling bagay na hindi ko inaasahan.
"And if you can't let me soothe your pain," tumigil siya na parang kailangan niyang gawin iyon para huminga bago muling magpatuloy, "Then use me. Gamitin mo 'yung pangalan ko, gamitin mo 'yung posisyon ko bilang EIC, gamitin mo 'yung kapangyarihan ko sa pub kung gusto mo."
Napaatras ako nang bahagya. Kumalas sa pagkakayakap niya.
"Bakit?" naguguluhang tanong ko. "Bakit mo ginagawa 'to, Nash?"
Dahan-dahan siyang napailing. Pumikit siya saglit, huminga nang malalim, bago muling tumingin sa akin.
"Kasi hindi ko alam kung paano pa kita tutulungan." Nanginginig ang boses niya. "Kahit anong pilit kong itama, kahit anong pilit kong bumawi, alam kong hindi sapat," puno ng pagsisisi niyang sinabi.
Tumawa siya mahina, parang hindi man lang dumaan sa mata niya. "Rayne... Kung 'yan ang kailangan mo para lang gumaan 'yung sakit na dinadala mo," mas mahina ang boses niya ngayon, "Then just use me. "
Saglit siyang napatingala, parang doon siya kumukuha ng lakas na hindi ko alam kung meron pa. At nang bumalik ang tingin niya sa akin, hindi ko inasahan ang makita ko. Isang patak ng luha ang tuluyang bumagsak mula sa mata niya, mabilis niya iyong pinunasan bago nagsalitang muli.
"Please... write the editorial for Jace," parang pagod na pagod na siya kahit hindi pa siya tapos magsalita.
"And tell him... I am really sorry."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro