WCATR 23: Pink Skies
CHAPTER 23 - PINK SKIES
May paparating na bagyo at pinaghahanda ang bayan ng Mystown dahil iyon ang direktang tatamaan noon ayon sa headline news kanina habang nag-aalmusal ako. Pero hindi lang literal na bagyo ang paparating ngayong linggo.
The deadline for our folio is also this week. As a campus journalist, I called it folio season... the finalizing of all the literary and visual content that would be included in our publication. At gaya ng malakas na bagyo, nakaka-trauma rin siya kung hindi ka talaga handa.
"Final stage na 'yung folio for this sem," seryosong anunsyo ni Nash habang tinatapik ang whiteboard sa harap.
We all groaned in unison as he presented the lineup and approved iterations for the final draft. Lahat kami, lutang na lutang at walang makangiti. First night of press work at mukhang wala nang sisikat na araw para sa amin anytime soon.
"Walang revisions," dagdag pa niya, with absolutely zero remorse. "Dapat matapos ang lahat in three days para masunod yung schedule natin sa publisher."
"Three days?!" Ciqa sounded like she was about to cry.
"Grabe," si Florissa habang humihikab. "Parang gusto ko na lang mag-file ng resignation letter kahit hindi naman ito trabaho."
I bit back a laugh kahit gusto ko na ring magreklamo. "Don't worry, guys! Kaya natin 'to." I tried to sound positive kahit internally, medyo duda na rin ako kung kaya nga ba naming tapusin iyon. "Kailangan kasi nating ihabol para sa Black & Maroon Fair, remember?"
The reminder of the fair seemed to knock some focus back into the group. Every second week ng unang buwan ng semester, may Black & Maroon Fair kami. Its basically a recruitment fair ng student orgs. Hindi kasama ang publication namin, kasi required muna ang qualifying exams bago makapasok sa TVOA. Pero we are require to distribute the tabloid and folio for the past semester. Hindi pwedeng mapahiya ang publication. Dapat kasi bongga ang bawat booth, exhibit, at presentation.
Nagsimula nang gumalaw ang lahat. Nash and Ciqa huddled over the layout boards, pointing at last-minute adjustments, habang si Florissa nag-audit ng mga pending articles na dapat pang i-edit. Ako? Nakaupo sa harap ng laptop, nilalabanan ang antok habang sinusuri kung may maling grammar o awkward phrasing sa isang news feature.
"Coffee break?" tanong ni Ciqa, she look wasted.
"Thank God, you asked!" bulong ni Florissa habang hinihila na nito si Ciqa papunta sa vending machine.
Meanwhile, ako naman ay nagpatuloy lang sa ginagawa kahit na medyo inaantok na rin at malamig na ang kape sa mesa ko. Hindi ko na rin mapigilan ang paghikab. Presswork was always chaotic. May mga moments talaga na grabe ang puyat, may times na gusto mo na lang magtulog pero dahil it's a team effort we make sure na we all function well. Pero in between those crazy hours, there was something thrilling about seeing everything come together.
Napatingin ako nang biglang may magpatong ng bagong brewed na kape sa harapan ko.
"Rayne, ito na 'yung final for review," sabi ni Nash habang inaabot ang isang draft.
"Got it," sagot ko, mabilis na kinuha 'yung papel at sinimulan nang i-scan.
Hindi ko napansin na naupo na siya sa tabi ko hanggang sa magsalita ulit. "Kaya pa?" tanong niya, mababa ang boses na parang ayaw niyang guluhin ang pag-concentrate ko.
Bahagyang nakalapit siya para makita rin 'yung mga ginagawa ko.
"As if we have a choice, diba?" Saglit akong tumawa kahit ramdam ko na rin 'yung bigat ng puyat sa mga mata ko. Humigop ako sa kape na dala niya, letting the warmth spread through my chest. "Thanks sa kape, by the way. Nakuha mo na yung timpla ko."
"Alam ko," tugon niya na may bahagyang ngiti, bago sumandal nang konti sa upuan niya. "Pipikit na kasi iyang mga mata mo. You looked like you'll collapse any moment," aniya pa saka dinantay ang braso niya sa likod ng upuan ko.
Ngumiti lang ako pero hindi na nagsalita. Muli kong binalikan 'yung trabaho sa harap ko, habang nararamdaman ang tahimik na presensya niya sa tabi ko. Hindi na siya umalis. Tahimik kaming nagpatuloy sa trabaho.
Tinulungan niya akong basahin iyong mga final na for review kahit pa may kailangan din siyang ifinalize sa layout. We continue to read side by side pero ramdam ko pa rin 'yung init ng braso niya na bahagyang dumadampi sa balikat ko sa tuwing gagalaw siya. Wala siyang intensyon na alisin 'yun and for some reason, ni hindi ko rin gustong sabihin na alisin niya.
Nasanay na rin siguro ako sa puyatan sa tuwing presswork. Kaya nang lumipas ang antok ko ay mas naging mabilis ang pagreview ko ng literary piece at articles. Ganito naman kasi talaga kapag may tinatapos kaming publication. Late nights, hot coffee, endless rewrites. Pero sa dulo, there's always that surreal satisfaction when the pages are printed and ready to be read.
I just hoped we'd survive long enough to actually see that moment.
After a grueling night filled with layout revisions, frantic photo selections, and more caffeine than was probably legal, natapos din namin ang presswork just in time bago tuluyang bumigay ang sanity ng buong team. Halos mapuno na ang whiteboard sa markers, sticky notes, at reminders na hindi na namin sigurado kung kailan nasulat. Pero kahit paano, nagawa namin.
Ngayon, naiwan sa aming apat nina Ciqa, Ynigo, at Nash ang huling tasks. Double checking the key visual and layout.
Nagkaroon kami ng maliit na meeting kanina kahit obvious na pagod na lahat simula kahapon. Si Ciqa halos nakapatong na sa mesa ang baba habang tinitingnan 'yung mga huling revisions sa photo spreads. Si Ygo naman, tuloy lang sa pag-sketch kahit parang inaantok na rin pati 'yung kamay niya.
"Last day tomorrow," paalala ni Nash. "This is it. Malapit na tayo." Kalmadong boses niya kahit alam kong nasa edge na rin siya.
Kung may pinakang pagod sa aming lahat, alam kong siya iyon dahil hindi lang basta pagsupervise sa amin ang ginagawa niya. He has to go to endless meetings, coordinate sa budget officer for the printing, and also contant the printing press. I asked to help him pero he'd always say na magfocus ako sa tabloid.
"'Pag hindi ito umabot... sabay-sabay na lang tayo magdrop," biro ni Ygo, pero halata sa ngiti niya na konting push na lang, baka maniniwala na rin siya sa sinabi niya.
"Gago, wag mo nga. Baka mamanifest," si Ciqa.
"Aabot iyan," I declare.
Hapon na nang matapos namin ang lahat. Pauwi na kami nang sumalubong sa amin ang langit na parang pinintahan ng rosas at kahel. Kahit medyo basa pa ang paligid mula sa mahinang ulan kanina, ang mga ulap ngayon ay nahaluan ng nakakalitong liwanag na hindi mo sigurado kung magandang senyales o babala.
"Ang ganda," bulong ni Ciqa, nakatingala habang naglalakad kami papunta sa labas ng campus. "Pero sabi sa forecast, malakas daw talaga 'yung parating na bagyo."
"Sabi rin nila, kapag pink 'yung sky, delubyo ang kasunod," dagdag ni Ynigo habang nag-aadjust ng bag niya sa balikat.
Nash shook his head, half-laughing. "Gusto ko na lang matulog," he said randomly.
Napatawa rin kami kahit pagod na. Pero habang pinagmamasdan ko 'yung pink skies, may kung anong bigat ang sumiksik sa dibdib ko.
Ang sabi nila, pink daw ang langit kapag may paparating na malakas na bagyo. Pero minsan hindi lang naman literal na bagyo 'yung pwedeng dumating. Sometimes it could be problems we can't even name yet.
Kinabukasan Stephanni sent the weather forecast para magawan na iyon ni Nash ng layout at para maipost kaagad namin sa page ng TVOA. Nagbaba na rin kasi ang admin ng letter for extention ng enrollment dahil sa baguio. We had to post it on the page.
Bahagya akong sumilip sa bintana ng office para icheck kung umuulan na ba sa labas. Dahan-dahang pumatak ang unang malalaking patak ng ulan. Mabilis na noong nabasa ang lupa. Mula sa bintana ay, tanaw ko ang unti-unting pagkawala ng tuyong pathway papunta sa gate. Sa bigat ng ulap sa labas, mukhang nagbabanta na naman iyon ng walang tigil na ulan.
Dapat pala nagdala ako ng payong. Paulit-ulit ko na lang ding lintanya iyan sa tuwing umuulan pero kapag naman nakikita ko yung payong sa bahay bago umalis, mas pinipili kong iwanan iyon. I don't know, I don't want to be soaked by the rain but I also don't want to bring an umbrella.
Tahimik na 'yung office sa likod ko. Ako na lang ang naiwan, thanks to folio na hindi marunong maghintay. Maaga kasing nagpaalam si Florissa na may pupuntahan daw siya. Si Nash naman, sumaglit sa accounting office para magpasa ng papeles na requirement for out-campus.
Natapos na namin ang final layout pero may naiwan pang dalawang space for literary piece. Kaya heto ako ngayon, nag-aayos ng ihahabol na draft para sa folio namin.
Huminga ako nang malalim at bumalik sa paghahanap ng mga old literary piece sa file cabinet na hindi pa napublish. Pinaplano sana naming doon na lang kumuha ng ihahabol para sa folio. Sayang rin naman kasi.
Sa paghahanap ko, isang makapal na file ang napansin ko. "Bingo!" I found it. Luma at magaspang na ang mga folder, amoy papel na tinago nang ilang taon.
May nakasulat sa gilid na unpublished literary. Pinatong ko iyon sa table ko saka bumalik na sa file cabinet para iayos ang mga nilabas kong folder. I was about to close the file cabinet nang may nalaglag na isang folder.
Folder iyon ng issues for the tabloid noong 2020. Biglang akong kinabahan nang makita iyon. That was the same year... Na-curious ako. I pulled it out, brushing off the thin layer of dust coating the cover.
I slowly opened the folder. Simpleng compilation lamang iyon ng mga approved articles para sa buong semester. I was about to set it aside nang mabasa ko ang familiar na title ng kontrobersyal na isyu ng TVOA.
Yung column tungkol sa hazing incident ng Sigma Perpetua. The same one that dragged Jace Ballesteros' name into the mud. Napalunok ako. That was the beginning of the end for him.
I held it in my hand. The raw hard copy of that article. It was printed but there's no name of the one who wrote the article. Bahagyang nalukot iyon dahil sa higpit ng pagkahawak ko. Napaupo ako sa floor at kumalat ang nabitawan kong mga files dahil sa panginginig ng kamay ko.
I close my eyes saka huminga ng malalim. Pagkabuga ko nang isang malalim na buntong hininga ay pinilit kong kumalma. Nang gumaan ng kaunti ang bigat sa dibdib ko ay dahan-dahan ko nang inaayos yung kumalat na files.
I shouldn't have opened it. Palagi na lamang akong natitrigger ng aricle na iyon. Kahit ilang beses ko nang nabasa ang laman noon, at kahit pa alam kong wala namang magbabago kahit mahanap ko ang sumulat noon ay hindi pa rin mawala ang bigat sa dibdib at ang panginginig ng kamay ko sa tuwing masusumpungan ko ito.
Habang isa-isang pinupulot ang nanabog na mga papel ay nangunot ang noo ko nang mapansin ang dami nga article galing sa College of Information Technology. It looks like a pile of position papers na pinasa nang mga estudyante. Makikita doon ang mga pangalan, sections at pati na rin ang isang GE na subject.
Lahat nang iyon ay opinionated. Ang pinakang pumukaw sa atensyon ko ay lahat iyon iisa lamang ang topic, ang naganap na hazing. Mabilis kong inisa-isa ang mga papel. Labis ang bilis ng tibok ng puso ko habang binabasa ang ibat-ibang opinyon ng mga estudyante tungkol doon.
May mga bumabatikos kay Jace dahil daw dapat alam niya bilang council president ang ganoong mga pangyayari. May mga nagsasabing hindi siya dapat sisihin, Sigma Perpetua dapat ang nananagot. Iba-ibang pananaw, pero iisang topic.
Anong nangyayari? Bakit ganito karami? At lahat ito, same year nang mangyari ang isyu.
2020.
Ilang saglit pa, napansin ko 'yung isang pangalan sa gilid ng file—Ciqatrix Quincy B. Ynares.
Tumigil ang paghinga ko saglit. Same year nina Ciqa? I scanned the paper. Ciqa didn't agree that it was Jace's fault. She expressed her opinion that the admin should have investigated further.
Naibaba ko ang hawak na papel nang matapos basahin iyon. So, someone made them write these fuck-up reaction paper? What the hell! How cruel is that?
Hindi ako makapaniwala habang tinitingnan ang mga papel sa harapan ko.
Bigla na lang bumukas 'yung pinto sa likod ko. Halos mapapitlag ako sa gulat. Pumasok si Nash.
"Rayne?" Tinawag niya ako habang nakatayo sa pintuan, basa na 'yung gilid ng uniform niya mula sa ulan. "Nandito ka pa? Wala ka bang payong?"
Mabilis kong kinuha 'yung folder at tumayo. Pasimple kong sinuksok sa bag ko ang files na nahanap bago pa niya makita.
Hindi ko alam kung bakit, pero ayaw kong malaman niya na nakita ko 'yun o na nabasa ko ang mga articles na iyon.
He knew how this topic triggered me. Ayokong malaman pa niyang sinusubukan ko na namang ungkatin iyon—kahit pa aksidente lang na natagpuan ko iyon.
"Hindi ko nadala," sagot ko, pilit pinapakalma ang sarili kahit nanatili pa rin 'yung bigat sa dibdib ko. "Wala ka ring dalang payong? Kumusta sa accounting?"
"Approved na 'yung funds," ngumiti siya, may halong pagod at concern. "Proceed na tayo sa printing."
"Nice," sagot ko kahit wala masyadong emosyon.
"Tara, ihahatid na lang kita," alok niya. "Mag-commute na lang tayo."
Hindi ko na nagawang tumanggi. Bumalikwas ako, bitbit ang bag na mas mabigat ngayon dahil sa folder na dala ko. Hindi ko pa rin alam kung paano ko haharapin 'to o kung may dapat ba akong harapin. Isang bagay lang ang sigurado—something felt wrong about the number of articles I found.
Kinagabihan, in-email ko kay Nash ang literary piece na inaprubahan ko na. He reviewed it quickly and replied with a short message.
This works. We'll add it to the folio. - Nash
He committed to finishing the final layout for tomorrow para maipasa na kay Ms. Aranzado.
Pero kahit tapos na dapat ang araw ko, hindi ako mapalagay. Kinuha ko ulit 'yung mga files na nahanap ko sa archive. Hindi ko alam kung bakit kailangan kong balikan, pero hindi ako mapakali hangga't hindi ko natatapos basahin lahat.
Page after page, article after article.... pero wala doon ang hinahanap ko.
Who the hell wrote that article?
Kinabukasan, hindi ako mapakaling pumasok sa office. Kahit suspended na ang mga opisina dahil sa bagyo, pumayag si Ms. Aranzado na imeet kami para sa final approval ng folio.
Pero iba ang dahilan kung bakit maaga akong dumating.
Nakatayo ulit ako sa harap ng file cabinet, nagbabrowse ng mga lumang dokumento. Gusto ko lang mahanap ang list ng editorial board ng time na iyon
Maybe I'm overthinking. But I need to confirm something.
Sa bawat pagbukas ko ng mga files ay lalo lang akong kinakain ng curiosity ko. It was four years ago. Sino ba talaga ang editor-in-chief noong panahong 'yon? Sino ang pumili na i-publish 'yung article na obvious namang makakasira sa reputasyon ng isang tao? And more importantly, why?
"Rayne?"
Halos mapatalon ako nang marinig ko 'yung boses ni Ms. Aranzado sa likuran. Gano'n pala talaga 'pag guilty... ramdam mo agad na may makakahuli sa'yo kahit wala ka namang ginagawang masama.
Nakatayo siya doon sa may pintuan, may hawak na folders na puno ng papel.
"Ma'am," halos naputol ang paghinga ko habang pilit na inaayos ang postura ko, pilit na itinatago ang kaba sa dibdib.
"May hinahanap ka ba?" tanong niya habang naglalakad papalapit. Naupo siya sa may common table.
"Ah, wala naman po," sagot ko nang mabilis, kahit ramdam ko ang malamig na pawis sa batok ko. "Naghahanap lang po ng dagdag na reference materials para sa next issue," I lied.
Bakit naman ang aga ni Ma'm dumating?
Ngumiti si Ms. Aranzado, pero nanatili ang tingin niya sa drawer na nakabukas. Sinarado ko na iyon saka pasimpleng bumalik sa table ko.
"Wait lang po natin si Nash, nasa kaniya po kasi yung dummy folio," I said. I hope it doesn't sounds awkward though.
"Alright, Rayne!" Nakangiti siyang tumango. "I want to thank you pala, Rayne. For staying in the pub. Your talent for writing is exceptional... You're a big loss kung tinuloy mong magresign. Baka hindi rin tinanggap ni Nash yung position."
"Para sa kaniya naman po talaga iyon. He's very suitable for the position," sagot ko, pinilit kong gawing casual ang tono ko.
Tumango lang siya, pero may halong pagtataka ang susunod niyang sinabi. "Pero noong nagresign ka... he rejects the position. He said, babalik ka. And he didn't want it if you're not gonna be his associate."
Hindi ko alam ang tungkol doon. Hindi nabanggit ni Vash. Napilitang tumango na lang ako bilang sagot, kahit gusto kong magtanong pa tungkol doon. Ngunit may ibang tanong ang bumabagabag sa isip ko... isang tanong na kailangan ko ng sagot.
"Uh, Ma'am... may sinama po kasi kami literary piece sa folio na noong 2020 pa. Sino po pala 'yung editor-in-chief ng TVOA noong 2020? Hihingi po sana kami ng approval para ipublish iyong sinulat niya."
Parang nagbago ang ekspresyon ni Ms. Aranzado. Napatigil siya, bahagyang napatingin sa malayo bago bumalik ang malamig niyang tingin sa akin.
"Si Madelle Lacson. Siya ang Editor-in-chief noong 2020."
Si Madelle Lacson? Parang wala akong maalala tungkol sa kanya sa mga naunang folios o records na nahawakan ko.
"Thank you po, I'll contact her na lang."
Bago pa man ako makahanap ng dahilan para tanungin pa siya nang mas malinaw, bumukas ang pinto at pumasok si Nash, dala ang dummy folio na mukhang bagong print pa. Basa rin ang laylayan ng polo niya mula sa ulan kanina.
"Good morning, Ma'am," bati niya, mabilis na tinanggal ang backpack sa balikat at inilapag ito sa tabi ng table. Bumaling siya sa akin, bahagyang ngumiti. "Good morning, Rayne."
"Naayos mo na?" tanong ko habang sinulyapan ang folio.
"Yup," sagot niya, tapos tumingin kay Ms. Aranzado. "Ma'am, here's the dummy folio."
Tumango lang si Ms. Aranzado, pero may kakaiba sa kilos niya. Ibang-iba sa usual niyang composed na demeanor. Tahimik niyang binuklat ang unang pahina.
Ako naman, sinubukang basahin ang ekspresyon sa mukha niya, pero nanatiling blanko iyon halos walang emosyon habang dahan-dahan niyang tinitingnan ang bawat page. Si Nash, nakaupo sa tabi ko, nakamasid din, tila naghihintay ng feedback mula kay Ma'am.
Ilang minuto ang lumipas bago siya nagsalita. "Maganda," sabi niya, pero walang sigla ang boses niya. "The layout is polished, and the articles are strong."
Nash straightened in his seat, obviously relieved. "Thank you po. So... ready na for printing approval?"
Saglit na hindi sumagot si Ma'am. Imbes, nagtagal ang mga mata niya sa isang page na naglalaman ng literary piece na isinama namin mula 2020.
"Rayne," mahinahon niyang tawag habang nakatingin pa rin sa folio.
"Yes, Ma'am?"
"Sa file cabinet mo nakita ang literary piece na ito?"
Bigla akong kinabahan. Nagdadalawang-isip akong sumagot. "Opo. Nahanap ko lang po accidentally habang naghahanap ng references."
Tahimik siyang tumango. "I'll approve this by tomorrow," sabi niya sa wakas, isinara ang folio nang marahan. "For now, I need to review some things."
Tumayo si Ms. Aranzado, dala pa rin ang mga folders niya. "Good job, Nash, Rayne," sabi niya nang hindi tumitingin sa amin bago tuluyang lumabas ng office.
Tahimik kaming naiwan ni Nash sa loob.
"It's finally done," sabi niya, bumuntong-hininga at inilapag ang isa pang dummy folio sa table. "All we have to do now is wait for the approval."
"Finally," sagot ko, halos hindi makapaniwala na natapos rin. Parang bigla akong nawalan ng bigat sa balikat kahit panandalian lang.
Pero bago pa ako makapag-relax nang husto, narinig ko ang biglang pag-ugong ng ulan sa labas. Mula sa manipis na patak kanina, naging buhos na parang nagalit ang langit.
Napatingin si Nash sa bintana, bahagyang nakakunot ang noo. "Mukhang hindi nga lang tayo makakauwi agad."
Sumilip din ako. Halos hindi na makita ang pathway palabas dahil sa kapal ng ulan. Seryoso? Ganito kaagad kalakas?
"Sana tumila agad," sabi ko, pero sa tono ng boses ko alam kong hindi iyon mangyayari anytime soon.
Ramdam na ramdam ko ang lamig na pumapasok mula sa siwang ng bintana, parang may sariling buhay ang ulan na gustong lamunin ang lahat. Tahimik kaming dalawa, walang ibang tunog kundi ang buhos ng ulan at bahagyang tunog ng paghampas ng tubig sa bubong.
Kinuha ni Nash mula sa table 'yung dummy folio, maingat na binuklat ito habang nagtatagal ang tingin sa literary piece na isinama ko mula 2020 archives.
Matagal bago siya nagsalita.
"Rayne," tawag niya sa mababang ang boses, "bakit ito ang napili mo?"
Napatingin ako sa folio na hawak niya. Bumalik sa akin 'yung dahilan kung bakit ko nga ba isinama iyon.
"It touched my heart," sagot ko, diretso.
Parang may mabigat na kamay na humila sa akin pabalik sa mga pahina ng literary piece na yon noong una ko siyang mabasa. Dahil sa bawat salita, hindi mo malalaman kung galing sa galit o lungkot.
It was about regret, for doing something you can't change anymore no matter how much you want to. And it reminded me of all the things I never got to say.
Nanatiling nakatitig si Nash sa papel, tila binabasa rin ang mga salita doon kahit kabisado ko na ata ang bawat linya.
Saglit siyang natahimik bago bahagyang tumingin sa akin. "Is this... personal for you?"
Napabuntong-hininga ako, pilit na itinatago ang bigat ng alaala. "Yeah," I admitted softly. "It reminded me of Jace," halos pabulong kong sinabi, "Of how I had so much to say but didn't get the chance to."
There were moments when I thought I still have time, na pwede pa bukas. Pero hindi pala gano'n ang buhay. Hindi siya naghihintay sa tamang pagkakataon mo. Walang warning tulad ng ulan na bigla na lang bumubuhos kahit kanina lang tirik na tirik ang araw. Minsan nga, hindi mo pa naririnig ang unang patak, pero basang-basa ka na agad.
Tahimik lang si Nash, nakatitig pa rin sa folio na hawak niya. I swallowed hard. "I've been looking for someone."
"Who?" tanong niya, mababa ang boses, parang nag-aalangan kung gusto ba niyang malaman ang sagot.
"Someone from TVOA," sagot ko nang dahan-dahan. "Siya 'yung nagsulat ng article na sumira sa reputation ni Jace."
Ramdam ko ang bahagyang pagbago ng expression ni Nash, pero hindi siya nagsalita. Tuloy-tuloy lang ang buhos ng ulan. Hindi ko rin binanggit ang mga articles na nakita ko kahapon sa archive. Nagtagal ang katahimikan sa amin. Ang titig niya sa folio ay parang tumatagos doon. Huminga siya nang malalim, saka binitawan ang folio sa mesa. Nilingon niya ako, seryoso ang mga mata, at may kung anong bagay na hindi ko mabasa.
"Rayne," aniya, "did you loved Jace?"
Parang tumigil ang lahat. Kahit ang tunog ng ulan ay naglaho saglit. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko na parang gustong kumawala. Hindi ko alam kung dahil ba sa tanong o sa intensity ng titig niya.
Napalunok ako, pilit nilalabanan ang kabog ng dibdib ko.
Napalingon ako sa kanya, pero hindi ko nagawang magsalita agad. Nakatingin siya diretso sa akin, seryoso ang mukha, pero sa likod ng mga mata niya ay may hindi maitagong kirot... parang siya mismo ay nasasaktan sa tanong na binitiwan niya.
Did I? Ang hirap sagutin. Hindi dahil hindi ko alam ang sagot, kundi dahil hindi ko alam kung paano sasabihin iyon.
Marami akong gustong sabihin. Pero paano mo nga ba ipapaliwanag ang pagmamahal na hindi mo kailanman nasabi? Paano mo aaminin ang mga bagay na tinago mo nang matagal?
I swallowed hard, hinahanap ang mga salitang dapat kong bitawan. Pero bago ko pa mabuksan ang bibig ko, umiling na siya.
"You don't have to answer," sabi niya nang mahina.
Napapikit ako saglit. Kahit sinabi niyang hindi ko kailangang sumagot, ramdam kong naririnig na niya ang mga sagot ko sa katahimikan ko.
* * *
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro