Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

WCATR 20: The One Who Stays

CHAPTER 20 - THE ONE WHO STAYS

Palapit na nang palapit ang araw ng pag-alis ni Itay. Kanina pa umiikot sa isip ko ang text ni Tita Linda. Ngayong araw na raw siya makakalabas ng ospital.

Matapos ang pag-uusap namin noong nakaraang araw, sinigurado kong tulog siya tuwing dumadalaw ako. Wala akong mukhang maiharap sa kanya. Ayoko rin siyang makausap. Mahal ko siya, pero wala akong lakas na harapin ang galit niya dahil sa desisyon kong hindi sumama sa Maynila.

To Tita Linda:

Mag-eenroll lang po ako, Tita. Susunduin ko na po kayo.

Hinawakan ko ang send button, saglit na nagdadalawang-isip bago tuluyang pinindot ito. Napabuntong-hininga ako pagkatapos, saka inilagay ang cellphone sa loob ng tote bag ko.

Nasa registrar ako, naghihintay na matawag ang pangalan ko para makuha ang report card ko. Nagbabakasakali akong makakapag-enroll ngayong semestre. Halos walang laman ang opisina bukod sa ilang estudyanteng tulad ko—umaasa, nag-aalala, naghihintay.

Tumingin ako sa relo sa dingding. Bawat segundo, parang lalo lang bumibigat ang pakiramdam ko. Kung hindi ako makakapag-enroll ngayong semestre ay wala akong choice kung hindi ang sumama sa Maynila.

"Ms. Carreon!"

Tumayo ako nang marinig ang pangalan mula sa window nine. "Carreon po," sabi ko, sabay abot ng school ID.

Tiningnan muna ng staff ang ID ko bago ibinalik ang tingin sa akin. "May INC ka pa kay Mrs. Mababangloob. You can complete it within this semester only dahil next semester pre-requisite ito sa major n'yo."

Halos hindi ako makahinga. Incomplete? Kay Mrs. Mababangloob? That's new.

Napatingin ako sa kanya, halata ang gulat sa mga mata ko. "Thank you po," nasabi ko na lang bago kinuha ang report card ko.

Humugot ako ng malalim na buntong-hininga habang binabagtas ang daan papunta sa department namin. Incomplete? As far as I know, si Mrs. Mababangloob ay hindi basta-basta nagbibigay ng INC. Para sa karamihan, pasado o bagsak lang ang binibigay niya. No negotiations. No exemptions.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil hindi niya ako pinabagsak o malulungkot dahil kailangan ko siyang i-please para lang ipasa niya ako.

Pagkatapos kong matapos ang enrollment, dumiretso ako sa opisina niya. Pero pinaghintay ako ng staff niya dahil may meeting daw siya kasama ang councils. Malapit nang magsimula ang klase, pero nandito pa rin ako, kinakabahan habang hinihintay siyang matapos.

Mrs. Mababangloob is the adviser of the Student Regent, yet she constantly questions my involvement in the school publication. Sa kanya, it's a distraction. A waste of time. Pero kung tutuusin, parang hindi tugma iyon sa responsibilidad niya bilang tagapayo ng pinakamataas na student council.

Nang magsimula nang maglabasan ang mga estudyanteng kasama niya sa meeting, tumayo na rin ako. Pinapasok ako ng staff niya, at nang bumungad siya sa akin, nakaupo siya sa likod ng desk niya, ang presensya niya ay parang isang pader—matigas, matibay, at hindi madaling tablan ng kahit ano.

"Good afternoon, Ma'am," sabi ko, marahang yumuko.

Hindi siya sumagot. Tiningnan lang niya ako bago kumilos ng kamay, tinuturo ang upuan sa harapan niya. Naupo ako nang dahan-dahan, siniguradong hindi mag-iingay ang silya ko. Ang tahimik sa loob ng opisina niya na kahit paghinga ko, parang naririnig ko.

"You know why you're here," she said, her voice calm but sharp, cutting through the silence like a blade.

Huminga ako nang malalim at iniabot ang completion form na dala ko. "Ma'am, gusto ko lang po sanang itanong... bakit ho INC?"

She took the paper, scanned it briefly, then placed it down. Her sharp eyes met mine, as if daring me to flinch. "Do you know what an incomplete means, Ms. Carreon?"

"Hindi po bumagsak... pero hindi pa rin pasado," sagot ko, halos pabulong.

"Exactly," she said. Tumahimik siya saglit, her gaze piercing. "I don't give incompletes. Pero binigyan kita."

Napakagat-labi ako, pinipigilan ang sarili na magsalita.

"Do you want to know why?" tanong niya, kalmado pa rin pero ramdam ko ang bigat ng bawat salita niya.

Tahimik akong tumango.

"It's because I see too much of myself in you," she said. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"I see a student who is trying to do everything and failing at it. A student who thinks she can juggle everything at once. Do you think that's sustainable? That it's enough?"

Nakatingin lang ako sa kanya, hindi alam kung ano ang isasagot.

She leaned back in her chair, crossing her arms. "Do you want to succeed, or do you want to survive?"

"Ginagawa ko naman po ang lahat ng makakaya ko," sabi ko, pilit idinedepensa ang sarili ko.

"And that's the problem," sagot niya kaagad, her voice rising slightly. "Lahat ng makakaya mo? Ms. Carreon, that's not enough. Life doesn't care about effort. It cares about results."

"Kailangan ko hong gawin iyon para mabuhay. Wala po akong—"

"Excusess..." she scoffed, cutting me off. Her voice echoed in the room, her words hitting harder than I expected.

For a moment, she looked tired, like she wasn't just talking to me but also to herself. "I've been where you are. I've made the same mistakes. And I'm telling you now—you won't make it like this."

Natahimik ako, pilit nilulunok ang bigat ng sinabi niya.

"Kung gusto mong maayos ang INC mo, mag-apply ka bilang student assistant dito sa opisina ko. You'll work under my supervision, and I'll let you do your org work during those hours. But while you're here, you're under my rules."

Napatingin ako sa kanya, hindi makapaniwala. "Why?"

Nagtagal ang tingin niya sa akin, her grip tightenrd on the pen she was holding. Then, her expression softened, sandali lang iyon. 

"Because someone once gave me a chance, and I wasted it," she said quietly. "I don't intend to watch you make the same mistake."

Mrs. Mababangloob is the most prideful professor in the university. Kilala siya ng lahat bilang terror—walang pinapalampas, walang patawad. Kahit ang pinakamaliit na pagkakamali ay parang kasalanang hindi dapat pagdusahan.

And for the longest time, that's how I saw her too. She was untouchable, unyielding, unshakable.

But what she just did... what she just said... it threw me off completely.

I stared at her, unsure of what to do next. She caught me at my most vulnerable, and instead of crushing me further, she gave me something I never expected from her—a chance.

I hesitated. "Ma'am..." My voice faltered. I wanted to thank her, but before I could, she raised her hand to stop me.

"Save it," she said sharply, her eyes piercing but not unkind. "This isn't charity." Her tone carried no malice, but it held the weight of her expectations. "Don't thank me until you've earned it."

She motioned toward the form still clutched in my hands. My fingers trembled slightly as I handed it to her. Kinuha niya ito at mabilis na nilagdaan. Kasunod nito, iniabot niya ang isang application form para sa student assistant position.

"Don't waste this opportunity, Ms. Carreon," she said, her voice firm, almost commanding. "Because I won't give it twice."

I nodded, clutching the papers tightly. Tumayo ako at marahang humakbang papalayo. Pero bago ako tuluyang makalabas, napalingon ako.

She was no longer looking at me. Nakatingin siya sa mesa niya, her fingers gripping her pen, but there was something different now. Her shoulders weren't as straight as before, her head slightly bowed. For the first time, she looked... human.

I walked out of her office, the papers pressed against my chest like they were the most fragile thing in the world. Pagdating ko sa pintuan, tumigil ako. Humigpit ang hawak ko sa completion form, at bago pa man ako tuluyang lumabas, muli akong lumingon. She was still there, still behind her desk. This time, may ngiti sa labi niya—maliit at mahirap basahin, pero andoon.

Beneath that harsh, unforgiving exterior was someone who had been hiding behind her mask. Her terror wasn't cruelty. It was armor. I still can't believe that in her own way, she was trying to make sure I wouldn't suffer the same fate.

A lump formed in my throat as I finally turned away and walked down the hall. Hindi ko alam kung paano ko mababayaran ang oportunidad na ibinigay niya, pero isang bagay ang sigurado. I wouldn't waste it. I couldn't waste it.

Pagkatapos kong mag-apply bilang student assistant, bahagya akong nagdalawang-isip kung dadaan ba ako sa office ng TVOA.

Nasa harap na ako ng hallway na papunta roon, pero nag-alinlangan akong tumuloy. Matagal akong nakatayo, pinipigilan ang sarili na magpatuloy. Huminga ako nang malalim at umiling. Bahala na, sabi ko sa sarili, pilit na nilalakasan ang loob ko habang naglalakad patungo sa pinto ng office.

Pagbukas ko pa lang, biglang sumulpot si Ciqatrix, sabay yakap sa akin na parang hindi kami nagkita ng ilang taon. I was caught of guard.

"OMG! Rayne! Namiss kita! Super!" sigaw niya, pero agad ko siyang iniwasan. I'm not a fan of hugging. She frowned but still respect my boundaries.

Nang tuluyan akong makapasok, ngumiti naman si Vashnee. Binati niya ako at agad kong inabot sa kanya ang renewal form ko para magpatuloy sa pub.

"I'm glad you're back, Rayne! Akala ko hindi ka na babalik," ani Vashnee, bakas ang relief sa boses niya.

Ngumiti ako. "Turned out I just needed time to think."

Just then, Ynigo walked up to me with a warm smile just to make a fist bump. May tinta pa ang mga daliri niya, halatang abala sa paggawa ng bagong artwork.

"Grabe ka, Rayne! Bakit ka nang-iiwan?" ani Ynigo, kunot-noong nakatingin sa akin. "Alam mo bang nang mabasa ni Nash 'yung chat ni Vashnee na nafinal na yung resignation mo sa GC, muntik na niya kaming iwan sa gitna ng pre-defense namin!"

"Gago ka, Ygo!" singit ni Nash, halatang naiirita. "Itigil mo 'yang kwento mo."

"Totoo naman, eh!" tumatawang sagot ni Ynigo. "Pucha, Nash, 'wag mo akong gawing sinungaling! Nakita ko talaga kung paano mo sinarado 'yung laptop mo, ready ka nang umalis!" tumawa si Ynigo, pero halata ang pang-aasar.

"Tumigil ka nga," sagot ni Nash, halatang nahihiya pero pilit na pinapanindigan ang pagiging cool niya.

"Feeling nito... oo kaya!" sabat ni Ciqa, umiikot ang mata habang naglalagay ng folder sa desk ko. "Pero admit mo na, Nash. Nag-panic ka, no?"

"Ciqa, tigilan mo 'ko," sagot ni Nash, pero ang slight na pamumula ng tenga niya ay hindi nakatakas sa akin.

Napailing na lang ako habang inayos ang tambak na articles sa desk ko. "Ang dami nito ah," sabi ko, tumatawa nang mahina.

"Parusa mo 'yan for ghosting us," ani Ciqa, nakapamewang pa. "Pero seryoso, Rayne. We really missed you. Iba ang vibe ng office nang wala ka."

Tumango si Ynigo, may kaseryosohan sa boses. "Totoo 'yan. Things just haven't been the same."

Florissa sitting at her desk engrossed in her work, looked up and greeted me with a smile. "It's great to have you back, Rayne! Pero grabe, in that two weeks' time, sa akin nila tinambak lahat ng part mo! Ang laki ng kakulangan pag wala 'yong input mo sa team."

Ngumiti ako, mas genuine na ngayon. "Thanks, guys," bulong ko, pero alam kong narinig nila iyon dahil ngumiti sila pabalik.

"Speaking of, nakita n'yo na ba 'yung candidate reveal ng Electoral Board?" tanong ko, pilit na binabaling ang usapan.

Napatingin sa akin si Vashnee, halatang naintindihan ang tono ng tanong ko. Huminga siya nang malalim. "Same thoughts, Rayne," sagot niya, napapailing.

"It's like choosing between the lesser of two evils," ani Ciqa, bumuntong-hininga. "Wala bang matinong choice? It's so frustrating."

"Yeah," Nash chimed in, crossing his arms habang nakasandal sa desk. "They all make promises, pero paano natin malalaman kung tutuparin nila? Parang Philippine politics na naman."

"Yeah," sabat ni Ynigo, seryoso ang tono. "Pero kahit na ganoon we can't afford to be apathetic. We need to keep these student leaders in check and demand better for our university."

Isang nodded in agreement. "Exactly. We might not change everything overnight, but every vote matters. We owe it to ourselves and future students to speak up. Kaya gawin natin lahat sa meeting de avance yung part natin to showcare their motives."

Everyone nodded in agreement. At dahil ngayon lamang kami muling nakumpleto matapos ang halos dalawang linggo, napangiti si Vashnee. Tumayo siya mula sa desk niya at tumingin sa aming lahat, parang pinapakinggan ang mumunting ingay sa opisina bago magsalita.

"Guys, since nandito na ulit si Rayne, and we're all complete, gusto ko sanang gamitin ang pagkakataong ito para pag-usapan ang turnover ko at ang oathtaking ceremony ni Nash bilang bagong EIC ng TVOA," she began, her tone warm but steady.

Napatingin kaming lahat sa kanya, tahimik na nakikinig habang binabanggit niya ang mga susunod na mangyayari. Pero bago siya magpatuloy, tumigil si Vashnee saglit at ngumiti, may bahagyang lungkot sa mga mata niya.

"Alam n'yo, working with all of you has been one of the most challenging but also fulfilling experiences of my life. We've been through so much as a team—celebrating successes, facing controversies, and even questioning our purpose sometimes. Pero through it all, nakatayo pa rin ang TVOA because of each and every one of you."

I could feel the heaviness behind her words and judging by the quiet nods from the others, I wasn't the only one moved.

She turned to Nash with a soft smile. "Nash, I'm asking you to take over as Editor-in-Chief not just because of your credentials, but because I know you care deeply about what we do here. I trust you to lead this publication forward. Hindi ito madali, pero kaya mo 'yan. And knowing this team? Hindi ka nila iiwan."

Tahimik si Nash saglit, pero napansin ko ang pag-angat ng sulok ng labi niya, bahagyang natatawa. "Sana nga," sagot niya, sabay tingin sa aming lahat.

"Thanks, Vash," Nash said, his usual confident smirk tempered with sincerity. "I'll do my best to keep TVOA strong. Pero—" He turned to me with an unreadable expression before continuing, "—I need a strong Associate Editor by my side."

Napataas ang kilay ko, hindi agad na-gets ang ibig niyang sabihin.

"Rayne," he said, his voice steady but with a hint of teasing. "I need you as my Associate Editor."

The room fell silent as everyone turned to me, waiting for my reaction. I wasn't expecting it.

"Me?" I asked, my voice quieter than I intended.

"Yeah, you," he replied, his smirk back but softer this time. "I need someone who can call me out when I'm wrong and back me up when it matters. Alam ko na kaya mo 'to."

"Guys, seryoso ba 'to?" tanong ko, tumingin kay Vash para sa suporta. "Hindi kaya, baka may mas fit pa sa role. Ang dami kong ginawa dati na mali."

Tumawa nang bahagya si Ynigo, umiiling habang nakatingin sa akin. "Mali? Rayne, kung wala ka, ilang beses na tayong nag-collapse bilang team. Remember 'yung exposé last year? Kung hindi dahil sa determination mo, hindi natin 'yun natapos. Ikaw ang nagdala nun."

"True," dagdag ni Florissa, tumingin mula sa draft na hawak niya. "Sino pa ba ang magpupush sa team kung hindi ikaw? Kahit na minsan nakakatakot kang magcheck ng articles. Pero alam namin na you just want this publication to be better, Rayne. So yes, seryoso, walang iba."

"Rayne, kaya mo 'to. You've always been a fighter—for the students, for the publication." dagdag ni Vashnee, may ngiti sa labi. "Rayne, ikaw ang pinakamalapit sa student body. This role isn't just about qualifications, it's about heart. And you have that. You know how to listen and you know how to lead. Kaya walang ibang mas deserving sa role na ito kundi ikaw."

Napabuntong-hininga ako, pilit pinipigilan ang pamumuo ng kaba sa dibdib ko. "Paano kung hindi ko kayanin?"

"Rayne naman," sabat ni Nash, nagtaas ng kilay pero may ngiting bahagyang nang-aasar. "Ikaw ang Iron Lady ng Arrion. Kung kaya mong magsulat ng isang article na pinapabasa hanggang admin, kaya mong dalhin 'to."

"Exactly!" ani Ciqa, tumatawa na. "Baka nga ikaw pa magdala kay Nash, eh. Siya 'yung di sure minsan, trust me."

Napatawa ako kahit hindi sinasadya. Tumingin ako sa kanilang lahat, at sa mga mukha nila, wala akong nakitang duda. Tiwala lang. At hindi ko maiwasang maramdaman na kahit ako mismo ay nagsisimulang maniwala.

"Okay," sagot ko sa wakas, ang boses ko mas matatag na ngayon. "I'll do it."

Biglang naghiyawan sina Ciqa at Ynigo, halatang excited sa bagong setup. "OMG, Rayne! Associate ka na! Power duo 'to!" ani Ciqa, tumatalon pa sa tabi ko.

"Congrats, Ms. Assoc," Nash said simply, his voice low but steady.

Ngumiti ako, mas malawak kaysa kanina. For the first time in weeks, naramdaman kong nasa tamang lugar ulit ako.

Nagsimula nang mag-ayos ng gamit ang lahat pagkatapos ng meeting. Halata ang saya sa atmosphere ng office, lalo na kay Ciqa at Ynigo na parang hindi pa rin makapaniwala sa bagong setup ng editorial board namin.

"Grabe ang editorial board natin! Power duo na 'to," ani Ciqa, nakangiti habang kinukuha ang gamit niya. "Parang wala na talagang tatalo sa TVOA!"

"Nash's the mind and you're the heart," dagdag pa ni Ynigo, sabay fist bump kay Nash na nagtaas naman ng kilay.

Ngumiti lang ako, bahagyang nag-aalangan pa rin sa bagong responsibilidad pero hindi ko mapigilang ma-appreciate ang suporta nila. "Ang OA niyo," sagot ko, pero natatawa rin. "Sige na, uwi na kayo."

Isa-isa nang nagpaalam ang iba. Si Nash, na nakasandal sa gilid ng pintuan, ang huling lumapit habang inaayos ang strap ng bag niya.

"Rayne," tawag niya, kalmadong tumingin sa akin.

"Hmmm?" tanong ko, habang isinusukbit ang tote bag sa balikat ko.

"Sabay na tayo," he said, his voice steady but warm. "Hatid na kita."

Napahinto ako, saglit siyang tinitigan bago umiling. "Huwag na. May dadaanan pa ako—sa ospital. Sunduin ko si Papa. Today madidischarge si Itay."

Saglit siyang tumahimik, parang pinag-iisipan ang sinabi ko. "All the more reason," he said, his tone softer. "Hatid na kita. Ayoko lang mag-commute ka nang mag-isa,"

"Nash, okay lang talaga. Besides sanay naman ako—"

"Hindi ako sanay na hinahayaan kang mag-commute nang mag-isa," putol niya, seryoso pero hindi pilit. "Let me do this, okay?"

Nagtagpo ang mga mata namin, at sa kabila ng mahinang pagtanggi sa loob ko, alam kong hindi ko siya mapipigilan.

"Fine," sagot ko, sabay buntong-hininga. "Pero ihahatid mo lang ako ha. You don't have to wait for me. Ayokong ikaw naman ang gabihin nang dahil sa akin."

Ngumiti siya, hindi iyong nakakaloko niyang ngiti kundi isang tipid. "Okay, ihahatid lang kita."

Paglabas namin ng building, malamig ang hangin na sumalubong sa amin. Nakatayo siya sa tabi ng motor niya, hawak ang ekstrang helmet na iniaabot sa akin.

"Ingat sa likod," sabi niya habang inaayos ang helmet ko. Maingat niyang isinabit ang tote bag ko sa harap ng motor.

Tahimik akong sumakay sa likod, pilit iniiwasang mahawakan siya. Pero nang maramdaman kong umandar ang motor, naramdaman ko rin ang kamay niya, banayad na kinuha ang kamay ko at inilagay sa baywang niya.

"Dito ka lang kumapit," mahina niyang sabi, halos pabulong pero sapat para marinig ko.

Nang makarating kami sa ospital, tumigil siya sa tapat ng gate. Bumaba ako nang dahan-dahan at nilingon siya.

"Salamat. Now go," sabi ko, halos pabulong.

Tumango siya, pero hindi umalis. Nanatili siyang nakasandal sa motor, parang naghihintay kung kailangan ko pa ng tulong.

"Rayne," tawag niya ulit, mahina pero matatag. "Kung kailangan mo ng kasama... nandito lang ako."

Hindi ko alam kung bakit, pero parang may humaplos sa puso ko sa sinabi niya. Ngumiti ako, kahit maliit lang. "Okay lang ako, Nash. Promise. You can go now."

Tahimik siyang tumingin sa akin, parang may gusto pang sabihin pero pinili niyang huwag. Tumango na lang siya muli.

Pumasok ako sa ospital nang hindi na lumingon. Sinalubong ako ni Tita Linda sa lobby. Ang pagod sa mukha niya ay bahagyang nabawasan nang makita niya ako.

"Rayne, dumating ka na rin. Salamat, ha," sabi niya, bakas ang pag-aalala sa boses niya. "Okay lang ba kung ikaw na ang maghanda ng gamit ng Papa mo? Mamaya-maya na rin kasi ang alis namin. Susunduin na kami ng anak ko."

Napakunot ang noo ko. "Ngayon na po kaagad? Akala ko po bukas pa ang biyahe ninyo?"

"Sinabi ko kay Savi na ngayong gabi na kami bumiyahe para makaiwas na rin sa traffic bukas. Nagmamadali rin ang Papa mo na makauwi sa Maynila," paliwanag niya, bahagyang ngumiti pero kita ang pagod.

Saglit akong natigilan, ang dibdib ko'y bahagyang sumikip. Gano'n ba niya ako kabilis gustong iwanan?

"Sige po, ako na ang bahala," sagot ko, pilit pinapanatili ang kalmadong boses.

"Alam kong galit pa rin ang Papa mo," sabi niya, diretso at walang paligoy-ligoy.

Napahinto ako. Pilit kong nilunok ang bumara sa lalamunan ko at pilit na hindi tumingin kay Tita Linda. "Alam ko naman po, Tita."

Lumapit siya, ang mga hakbang niya ay mahina ngunit matatag. "Pasensya na, anak, ha? Alam kong masakit. Pero ganyan talaga siya... matigas ang ulo, hindi sanay na may kumokontra sa gusto niya."

Tahimik lang ako.

"Pero gusto ko lang sabihin sa'yo," dagdag niya, mas malambot ang tono, "na kung hindi mo kayanin dito mag-isa... bukas ang bahay namin sa Maynila para sa'yo."

Napatingin ako sa kanya. Kita sa mga mata niya ang sinseridad at pagmamalasakit. Hindi niya kailangang sabihin nang direkta, pero ramdam kong gusto niyang mabawasan ang bigat na pasan ko.

"Tita..." mahinang panimula ko, pilit na kinakalmang ang nanginginig kong boses. Gusto kong maintindihan niya ang dahilan kung bakit ako nananatili. "Alam kong mahalaga sa inyo na sumama ako sa Maynila. Naiintindihan ko rin kung bakit gusto ni Itay na nandoon ako. Pero..." Napalunok ako, naramdaman ko ang bigat ng mga salitang kailangan kong bitawan. "Mystown is my home."

Nakita kong nagbago ang ekspresyon ni Tita Linda. Nagkatinginan kami, at sa mga mata niya, may bahagyang gulat. "Rayne..." mahina niyang tugon, puno ng tanong.

"Huwag n'yo pong mamasamain." Huminga ako nang malalim. "Pero sa tuwing umuuwi ako sa bahay namin—kay Itay—hindi ko naramdaman na tahanan 'yun. Kahit nandoon si Itay... parang laging may kulang. Hindi ko naramdaman na may inuuwian akong tunay na tahanan."

Nakita ko ang pagbabago sa mukha niya. Bumigat ang tingin niya, parang may naalala siyang hindi niya napansin noon. "Hindi ko alam..." mahina niyang sabi, nanginginig ang boses niya. "Hindi ko alam na ganyan ang naramdaman mo kay Robert..."

Napapikit ako sandali, sinusubukang maghanap ng tamang salita. "Hindi ko po siya sinisisi, Tita. Pero alam n'yo po ba... doon sa school publication namin, sa editorial board..." Hinigit ko ang hininga ko, pilit nilalabanan ang mga emosyon ko. "Sa kanila ko lang naramdaman na may uuwian ako."

Napatitig si Tita Linda sa akin. "Yung lugar na 'yon..." Nagbaba ako ng tingin, pilit inaayos ang boses ko. "Tinutulungan nila akong buuin ang sarili ko, pero binibigyan pa rin nila ako ng kalayaan kung paano ko pipiliing maging ako."

Ngumiti ako kahit papaano, maski bahagya lang. "Sila 'yung tahanan ko, Tita. Yung mga taong naniniwala sa akin, kahit ako mismo, hindi. Sila yung nagpapaalala na hindi ako nag-iisa, kahit sobrang daming dahilan para isipin iyon. They're not perfect, pero ipinakita nila sa akin kung paano ang magkaroon ng tahanan. Dito ko natagpuan kung sino ako. At hindi ko kayang talikuran iyon."

Marahan siyang tumayo, inilagay ang kamay niya sa balikat ko. Ramdam ko ang bigat ng bawat salita niyang isusunod.

"Rayne," halos pabulong niyang sabi. "I'm glad you found your people. Kung iyan ang tahanan mo, hindi kita pipilitin. Hindi man maintindihan ni Robert, naiintindihan kita." Inilapit niya ako sa isang yakap, ang init ng mga braso niya nag-aabot ng pakikiramay. "Pero sana, huwag mong kalimutan... kahit saan ka magpunta, bukas ang bahay namin para sa'yo. Lagi kang may lugar sa amin."

Tumango ako, at sa unang pagkakataon, naramdaman kong naiintindihan ako. "Salamat, Tita," mahinang sabi ko.

Nang dumating si Savi, kasunod nito ang tahimik na pagdating ng discharge papers ni Itay. Si Tita Linda ang abala sa pag-aasikaso habang si Savi ay inaayos na ang mga gamit. Tumayo ako sa gilid, pinapanood sila, pero ni isang tingin mula kay Itay ay wala akong nakuha. Tahimik lang siyang nakaupo, nakatingin sa sahig, parang wala ako sa paligid.

Iyon ang unang beses kong nakita si Savi. He's my cousin but that was the first time I saw him. Matangkad siya, maayos ang postura, at palaging diretso ang tingin. His sharp features made him look almost unapproachable, lalo na sa malamig niyang aura. Hindi siya yung tipong nakikipag-usap nang walang dahilan.

"Rayne," bati niya, habang iniabot ang kamay kay Tita Linda para kuhanin ang bag na dala nito. Hindi siya ngumiti... hindi rin naman siya mukhang galit pero halata ang kawalan ng emosyon sa boses niya. His demeanor screamed efficiency, but it also felt distant.

"Rayne, ayos na," sabi ni Tita Linda, pinilit ngumiti kahit halata ang lungkot sa mukha. "Sama ka na sa amin sa baba? Para makapagpaalam ka nang maayos."

Tumango ako pero nanatiling nakatayo sa lugar ko. Ilang hakbang lang ang layo ko kay Itay, pero bakit parang ang laki ng agwat. Sa dami ng nais kong sabihin, wala akong masabi. Hinintay kong tumingin siya sa akin, pero wala. Nag-aalangan din akong lumapit.

Si Tita Linda ang bumasag sa katahimikan. "Rayne," malumanay niyang sabi habang hinawakan ang braso ko. "Paano? Babyahe na kami. Mag-ingat ka dito."

Pilit akong ngumiti, pero hindi iyon umabot sa mga mata ko. "Salamat, Tita. Kayo rin po. Ingat sa byahe," sagot ko, halos pabulong.

Nang maayos na ang lahat, tinulungan ko pa rin silang dalhin ang mga gamit ni Itay hanggang makarating sa parking lot. Tahimik lang si Itay sa buong oras, ni hindi niya ako nilingon. Nang sumakay na siya sa van, naramdaman ko ang bigat sa dibdib ko, pero hindi ako umiyak.

Habang unti-unting umaandar ang van palayo sa ospital, napako ang tingin ko sa likod nito. Palayo nang palayo. Palabo nang palabo. Wala akong magawa kundi tumayo roon, pinapanood ang bawat metro na inilalayo nito sa akin ang tatay ko—ang nag-iisang pamilya ko.

Napabuntong-hininga ako. Ni hindi siya lumingon. Wala man lang iniwang salita o kahit isang huling tingin para sa akin. He didn't even say goodbye.

If I asked him to stay, would he have stayed?

Tumingala ako sa langit, pinipigilan ang pagpatak ng luha habang nilalaro ng malamig na hangin ang buhok ko. Ang sakit isipin na parang lahat ng tao sa buhay ko, laging may pintong bukas para umalis, pero wala ni isa ang nakakita ng dahilan para manatili.

Napahawak ako sa dibdib ko, pinipilit ang sarili na huminga nang malalim. And then, bigla kong naalala sila—ang editorial board. Yung mga mukha nila kanina sa office, puno ng ngiti, ng pagtanggap at ng tiwala.

They showed me hope.

Maybe not everyone leaves. Maybe not everyone needs to be asked to stay. Because they already did.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro