WCATR 2: Everyone Leaves
CHAPTER 2 - EVERYONE LEAVES
I WALKED INTO the auditorium and took a deep breath, trying to shake off the exhaustion from the past few days. The room was packed with school officials, administrators, and members of the accrediting body.
Huling araw na ng event. Actually, first and last day lang naman ako nag-cover dahil karamihan ng information ay hindi na kailangan isulat sa news.
Mabilis kong hinugot ang notebook at ballpen ko bago dumiretso sa press area. Kaka-upo ko pa lang, pero andoon na si Nash—nakasandal sa hamba ng pintuang malapit sa amin parang hindi alintana ang ingay sa paligid.
Napakurap ako. "Bakit nandito ka?" I blurted out.
Hanggang ngayon, hindi pa rin ako sanay sa biglaang paglitaw niya.
Hindi siya agad sumagot, isang mabilis na sulyap lang ang ibinigay niya bago walang sabi-sabing umupo sa tabi ko.
"Ang warm naman ng welcome mo, Ulan," pang-aasar niya, tuluyang hindi pinansin ang tanong ko habang kampanteng umupo.
Kumunot ang noo ko, bahagyang nag-aalangan habang inaayos ang upo ko. "Umalis ka d'yan," I demanded. "Upuan 'yan ni Ciqa," at tinuturo ang silyang kinuha niya na parang pag-aari niya.
"Wala siya," sagot niya, kaswal lang, sabay kibit-balikat habang panandaliang inilibot ang tingin sa paligid.
"Nasaan? Bakit ikaw? Ang dami-daming photoj!" Pinanlakihan ko siya ng mata saka sinabayan ng taas ng kilay.
He lifted the press ID around his neck, letting it dangle in front of my face. "Magko-cover, malamang," he said with a smirk.
"'Wag nga ako." Pinairapan ko siya, hindi na nag-abalang itago ang inis.
"May sakit siya. Lagnat o kung ano man," sagot niya sa wakas, pansamantalang nawala ang mayabang na ngiti.
Napabuntong-hininga na lang ako, ramdam ang pagkapagod kahit hindi pa nagsisimula. "Fine. Pero 'pag pangit 'yung mga pictures, kasalanan mo 'yan."
Bahagya niyang itinagilid ang ulo, kunwari'y hindi makapaniwala habang diretsong nakatitig sa'kin. "Photojournalist pa rin naman ako, Rayne. Bakit ba galit na galit ka agad?" Pa-casual niyang sinabi pero may bahid ng panunuya sa tono.
"Kung may reklamo ka, sa kanya ka magpaliwanag," he said, pointing upward, tinuro si Vashnee, EIC namin, na nasa pwesto ng mga student leaders.
Hindi ko na lang siya pinansin at ibinaling ang tingin sa harapan. Mas may mapapala pa ako kaysa makipagsagutan sa kanya.
Pero ramdam ko pa rin ang tingin niya at ewan ko ba pero naiirita ako. Hindi ko alam kung dahil ba sa presensya niya o sa paraan ng pagtitig niya.
Simula nang dumating siya sa pub, hindi na talaga nawala ang inis ko sa kanya. Nagsimula iyon nang punahin niya ang news article ko.
I was mad furious. A layout artist? Seriously?
Sino siya para i-criticize ang trabaho ko? Ako ang news editor. Ako ang may final say. Pero wala siyang pakialam doon, tinaasan lang niya ako ng kilay at nagbitaw ng mga unsolicited comments na parang mas magaling pa siya sa akin.
Nang magsimula na ang programa, agad na tumayo si Nash para kumuha ng pictures habang ako naman, nanatili sa upuan, abala sa pagsulat ng notes.
He roamed on the auditorium na parang kabisado na ang bawat sulok noon. Hindi siya kagaya ng ilang phojourn na nakakasama ko na may hiya pa kapag nagcocover. He made sure his presence is known lalo na sa mga photo ops.
At kahit inis na inis pa rin ako sa kanya, hindi ko napigilang mapansin kung gaano siya kaseryoso sa ginagawa niya. Through the lens of his camera, he looked... different. Para bang wala siyang pag-aalinlangang kumuha ng larawang hinahabol niya.
Pagkatapos ng event, nagsimula na akong ayusin ang notes ko, handa nang tumakas palabas. Pero bigla na lang sumulpot si Nash sa harap ko na may dalang tray ng pagkain.
Walang sabi-sabing inilapag niya 'yon sa armchait sa harap ko—dalawang plato ng pancit palabok at isang boteng tubig.
Napakunot-noo ako. "Ano 'to? Bribery?"
"Meryenda ka muna, Ulan," he said, his voice light but teasing.
Binato ko muna siya ng masamang tingin saka kinuha iyon. "Tigilan mo nga ko sa kakatawag mo ng Ulan," I muttered, trying to ignore the shiver that ran down my spine at the nickname.
Sa halip na matigilan sa masama kong tingin, parang wala lang sa kanya. Imbis na umatras, binuhat pa niya 'yung armchair niya at walang kaabog-abog na ipwesto sa harapan ko.
Pinagdikit niya ang maliit naming tables, parang may sariling mundo, saka niya inilapag ang mga pinggan ng pancit palabok—kumbaga sa eksena, wala na akong choice kundi kumain kasama siya.
"Wala 'tong lason, promise," aniya, sabay kindat. "Try mong tikman ang pansit palabok nila, the best! Pero 'pag ayaw mo, akin na lang 'yung isa," he said amusedly, making way for his dimples to show.
"Parang ngayon ka lang naman nakatikim ng palabok," sarkastiko kong sabi, pero parang wala siyang narinig.
Sa halip na sumagot, kinuha niya ang isang calamansi, pinisil sa plato ko, saka inulit 'yon sa kanya. Casual lang, parang automatic na parte ng sistema niya ang pang-aagaw ng pagkain ng iba.
"Grabe ka makapanghusga, ha," natatawa niyang sabi bago muling tinuro ang plato ko. "Sige na. Tikman mo na."
Napabuntong-hininga na lang ako bago kumuha ng maliit na subo.
Okay naman. Actually, masarap naman—hindi world-class level, pero decent. Not bad for a free snack.
Pero syempre, hindi ko siya bibigyan ng satisfaction na malaman 'yon.
Kibit-balikat lang ako. "Hmm. Pwede na."
Tumayo si Nash para mag-refill ng tubig sa flask niya. Tahimik lang siyang pumila sa dispenser, pinapauna pa 'yung ilang faculty bago siya kumuha.
At ewan ko ba, pero hindi ko maialis ang tingin ko sa kanya. Bakit parang ang bait niya? Anong nangyari sa kutong lupang 'to?
Something's off. Why is he being so friendly to me? Hindi siya, friendly!
Even Ciqa always tell a story about him. Kung paano niya bastedin ang mga nagko-confess sa kaniya. May isang freshmen pa nga raw ang nag-confess kay Nash sa AIS Secret Files na binasted niya through comment box. I know he hates woman's guts.
He just replied with an Indian flag, eyes, a ghost emoji, and the number two. What a jerk, right? Pinahirapan pa niya ang ilang estudyante na i-decipher ang low-key niyang pambabasted. That's why I was wondering why he's being nice to me.
He was a walking red flag yet here he was, acting uncharacteristically decent.
"Ulan."
Bahagya akong nagulat nang mapansin kong nakabalik na siya sa upuan niya at diretsong nakatitig sa akin, parang may binabasa sa mukha ko.
Mabilis kong dinampot ang bottled water ko, kunyari abala sa pagbukas. Ramdam ko ang titig niya, pero hindi ko siya tiningnan. Wala akong balak bigyan siya ng satisfaction na makita akong flustered o naiinis. Pero kahit hindi ko siya tingnan, sapat na 'yung presensya niya para bumilis ang tibok ng puso ko at pagpawisan ang palad ko.
Tangina, ba't ayaw bumukas nito? At bakit ba ko kinakabahan sa presensya ng gagong 'to!
"Ba't parang nataranta ka?" tukso niya, bago walang kahirap-hirap na inabot ang bote mula sa kamay ko.
Isang pihit lang—isang literal na pihit lang—at nabuksan niya 'yon. Parang ang dali-dali lang, samantalang ako, parang nag-arm wrestling sa bote kanina.
Binalik niya sa'kin ang tubig, may bahagyang ngiti sa labi. "Ano ba 'yan? Ni bote ng tubig, hindi mo na mabuksan?"
Napairap ako pero tinanggap ko rin. "Thanks," sagot ko, pilit pinapanatili ang normal na tono ng boses ko.
Kahit na deep inside, gusto kong i-launch 'yung bote pabalik sa kanya out of sheer frustration—hindi lang sa tubig, kundi sa epekto niyang hindi ko maintindihan.
"So, what do you think of the accreditation program?" tanong niya, basag sa katahimikan.
Saglit akong nag-isip bago sinagot. "It's... a show," sabi ko, maingat ang tono. "Pampabango sa accrediting agency."
Napangisi si Nash, tumango na parang ine-enjoy ang sagot ko. "True. Pero schools need standards, 'di ba? It keeps them accountable."
Tumaas ang kilay ko. "Didn't think you cared about accountability."
Sa halip na mainis, tumawa lang siya. At syempre, lumitaw na naman 'yung dimples niya na parang may sariling agenda.
"I have my moments," sagot niya sa kaswal na tono.
There was something about Nash, something unsettling, something that made it impossible to look away.
He wasn't just the arrogant jerk I thought he was. Hindi rin siya 'yung supladong Nash na naikuwento ng iba. Parang may ibang depth sa kanya, something I hadn't really considered before.
Napako ang tingin ko sa kanya habang kumakain siya. Tahimik niyang itinabi ang carrots sa gilid ng plato, saka sumubo ng pagkain. Hindi pa man natatapos nguyain, kinuha na niya ang Spanish bread at kinagat nang walang pag-aalinlangan. Mabagal siyang ngumunguya, sabay bukas ng monitor ng DSLR niya, at saka doon itinuon ang pansin niya.
He seemed to be in his own world, scrolling through his photos with an intensity that felt almost... personal.
At kahit pa may pagka-cold at aloof siya, hindi ko mapigilang ma-curious. Maybe it was his mysterious aura, or maybe it was the way he saw the world through his lens.
I've seen his commentaries before. His photos didn't just capture moments—they had a voice. Parang may gusto rin siyang iparating na hindi niya kayang sabihin nang direkta so he do it on his photographs.
"What do you want?" The question escaped my lips before I could stop it.
Dapat nasa isip ko lang 'yon! Wala akong balak itanong nang harapan. Pero andito na rin lang tayo—wala nang atrasan.
Kumunot ang noo ni Nash, bahagyang tumagilid ang ulo na parang nag-a-analyze. "What do you mean?"
Ibaba ko ang tinidor ko at tuluyang hinarap siya. Walang paliguy-ligoy.
"Ano'ng kailangan mo?"
Saglit na nawala ang pilyong ngiti ni Nash, napalitan ng isang bagay na mas seryoso—halos hindi ko mabasa. Pero hindi rin nagtagal, bumalik ang usual niyang self, kasabay ng mababang tawa.
Bahagya siyang yumuko, mas lumapit nang hindi ko namamalayan. "What made you think that I need something from you?"
Nash's intense stare made me feel uneasy but I refused to back down. I wanted to know his intentions and I was determined to find out.
Pinanindigan ko ang titig ko sa kanya, hindi nagpapatalo. "Because people only act nice when they do," diretsahan kong sagot.
Tumaas ang isang kilay niya, pero hindi sumagot.
Humilig ako paharap, pinaliit ang distansya naming dalawa. "So, Mr. Cadogan, what do you want?"
"Ouch! And what if I just want to be nice to you, Ulan? Are you intimidated?" Nash's playful smile vanished, and he looked at me with an intensity that made me shift in my seat. He didn't blink or look away, and for a moment, I thought he was going to say something unpleasant.
Pinanlakihan ko siya ng mata, hindi hinayaang mabasa niya ang epekto ng tanong niya sa akin. "I am not. Go straight to the point, Nash," madiin kong sagot, pilit pinapantay ang tono ng boses ko,
Unti-unting nawala ang pilyong ngiti ni Nash, napalitan ng isang ekspresyon na hindi ko mabasa. Mas lumapit siya, halos mabawasan na ang espasyo sa pagitan naming dalawa.
"I heard from Vashnee that you passed an application letter for her position," mababa at diretsong sabi niya.
Napakunot ang noo ko, pilit inaanalisa kung saan siya papunta.
"And?" tanong ko, nagdadalawang-isip kung mag-aalala ba ako o maiinis sa direksyon ng usapan.
Nash shrugged, all casual, pero may kung anong bahagyang ningning sa mata niya na hindi ko gusto. "Just curious," aniya, pero may diin ang tingin niya—'yung tipong parang nababasa niya ang mga iniisip ko bago ko pa masabi.
Then, with a smirk, he added, "I passed mine too."
Natigilan ako. So, isa siya sa magiging kakumpetensya ko? Tama nga ang hinala ko—may gusto nga siyang makuha.
Matalim ko siyang tinitigan. "You want me to back out?"
Tumawa siya, mababa pero may bahid ng hamon. "No, I'm not a scaredy-cat." Leaning back, he grinned. "I want a fair fight."
Napairap ako, pero deep inside, my competitive side had already awakened.
"It doesn't matter," sagot ko, sinabayan ng isang kampanteng ngiti para itago ang bahagyang pagkailang na hindi ko dapat nararamdaman. "I'm not scared. Not even a tiny bit by your presence."
Nash tilted his head, amused. "Let's see," aniya, sumandal sa upuan na parang may buong araw siyang ilaan para lang asarin ako. "What do they call you again? Iron Lady of Arrion?"
Huminga ako nang malalim, pilit pinapakalma ang inis na unti-unting namumuo sa loob ko. May kung anong bigat sa paraan ng pagsabi niya—parang hindi siya sigurado kung insulto ba 'yon o papuri.
Pero syempre, hindi ko siya pagbibigyan ng satisfaction na makita akong iritado. Kaya ngumiti ako, pilyo at walang bahid ng pagkayamot.
"Well, at least I have a title," sagot ko, sabay flip ng buhok na parang bida sa isang shampoo commercial. "What about you? May title ka ba? The King of Basting?"
Halos mabulunan siya sa tubig na iniinom niya.
Good. Alam kong alam niya ang tinutukoy ko—lahat ng kwento ni Ciqa tungkol sa mga babaeng na-basted niya, halos isang barangay na yata.
Tumaas ang kilay ni Nash, halatang natutuwa sa banat ko. "Oh, I see Ciqa has been talking about me. Well, what can I say? I have high standards."
Napairap ako. "More like you have no standards."
Tumawa siya, mababa pero aliw. "Touché, Ulan. Touché."
Sumandal siya sa upuan, pero hindi pa rin inaalis ang titig sa akin—parang may inaabangan, parang may iniisip na hindi ko mabasa.
"But seriously," he said, this time with a hint of sincerity. "Good luck with your application. May the best candidate win."
"Oh, baka naman ikaw ang natatakot, Mr. Layout Artist?"
Nash let out a small laugh, walang kahit anong bahid ng kaba o pag-aalinlangan. "Bakit naman ako matatakot? Kanino? Sa 'yo?"
I clenched my fist under the table, forcing myself to stay calm. He was getting under my skin, and I hated it.
With an easy smirk, he added, "I know that my credentials have surpassed the qualification."
Putek. Ang kapal.
Pinilit kong ngumiti pabalik, kahit gusto ko nang sipain ang upuan niya. "We'll see. But thanks for the encouragement. I'll make sure to send you a copy of the victory announcement."
Nash tilted his head slightly, eyes glinting with amusement. "Can't wait, Iron Lady."
Hindi ko na siya pinansin at tuloy-tuloy na inubos ang pagkain. Game over na 'tong usapang 'to.
Mabilis akong tumayo, tinanggal ang press ID ko, at inayos ang gamit ko. Kinuha ko rin ang plato ko, pero nang akmang aalis na ako, naramdaman kong nakasunod ang tingin ni Nash.
"Aalis ka na?" May bahagyang gulat sa boses niya. "Hindi pa tapos ang program."
"I already got my info," sagot ko, sabay pakawala ng isang pekeng ngiti. "Got to go!"
Pero bago pa ako makalabas ng press area, narinig ko ulit ang boses niya—mababa, pero sapat para mapatigil ako.
"Rayne."
May kung anong tono sa boses niya na hindi ko gusto. O baka gusto ko? Ewan. Ayoko nang isipin.
Padabog akong lumingon. "What?!"
Ngumiti siya—at syempre, 'yung nakakainis niyang ngiti na parang alam niyang kaya niyang asarin ako anytime he wants.
"Wait lang, stay ka d'yan," aniya, kaswal na inaangat ang camera at inaayos ang lens.
Napataas ang kilay ko, handa na sa kung anumang kalokohan ang naiisip niya.
"Smile ka naman, Ulan. Isa lang," he teased, boses niya magaan pero puno ng panunukso.
"Don't—" I started but before I could finish, I heard the unmistakable click of his camera. My jaw dropped.
"Nice shot!"
"Nash!" I snapped, glaring at him.
He lowered the camera, the grin on his face growing even wider. "Ganda pala ng candid mo. Pang feature article," he said, casually scrolling through the photo he just taken.
"Delete it!" sigaw ko, mabilis na lumapit sa kanya, handang sunggaban ang camera niya.
"Hmm... let me think." He tapped his chin dramatically still not taking me seriously. "Nope. Ayoko."
Nanlaki ang mata ko. "I'm not kidding. Delete it, Nash!"
He stepped back, keeping the camera out of reach with a playful glint in his eyes.
"Relax, Ulan. It's just one picture," aniya, parang wala lang.
"I said delete it!" I snapped, hands clenched into fists, ready to lunge.
Natawa lang siya, halatang enjoy na enjoy sa inis ko. "Bakit ba? Ang cute mo naman dito, promise." Napailing siya, parang may bagong naisip na mas lalong nakakainis. "Pwede ko nang gawing wallpaper," dagdag niya sabay kindat.
Tangina.
Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko—half from embarrassment, half from sheer annoyance. "If you don't delete it, I swear—"
"Ano?" putol niya, bahagyang tumagilid ang ulo, parang tinatabla lang ang panggigigil ko. "Anong gagawin mo?"
Halos kumulo na ang dugo ko. Kinuyom ko ang kamao ko, handa nang sunggaban ang camera niya—pero bago ko pa magawa, bigla siyang tumawa ulit at walang kahirap-hirap na iniabot sa'kin ang camera.
"Fine, fine. Delete it."
I snatched it from his hands, still glaring. Pero syempre, bago ko pindutin ang delete button, hindi ko napigilan ang sarili kong tingnan 'yung picture.
And damn it. Ayoko mang aminin, pero ang ganda ng kuha niya.
Sinamaan siya ng tingin bago mabilis na dinelete ang picture. "Ayan. Saksak mo sa baga mo," irap ko, sabay balik ng camera sa kanya na may konting diin.
Nash just smirked, hindi man lang naapektuhan. "Sungit talaga," aniya, parang aliw na aliw pa rin sa reaksyon ko.
Napairap ako. "Buwisit ka."
He chuckled, tilting his head. "Pero aminado kang maganda 'yung kuha ko, 'no?"
Hindi ko na siya pinagbigyan ng sagot. Tinalikuran ko siya at tuloy-tuloy na lumabas ng auditorium.
"Thanks for the pose, Ulan! Next time, 'yung may konting smile, ha?"
I didn't bother looking back, but my clenched jaw and reddened face betrayed how much he'd gotten under my skin. His words and that stupid grin!
Nang maisara ko na ang malaking pintuan ng auditorium, malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Pero kahit anong pilit kong alisin sa sistema ko ang tensyon, hindi maitatanggi—hindi ko pwedeng ipagwalang-bahala si Nash.
I knew him. He always gets what he wants. Him, being my competitor? It's not just a minor inconvenience; it's a complete disaster waiting to happen.
Tama siya—lampas pa sa qualification niya ang credentials na hinahanap para sa posisyon. Naiisip ko pa rin ang araw na bigla siyang nag-transfer sa Arrion two years ago.
Nabasa ko ang application letter niya para sa TVOA noon, at kahit hindi kami close, alam kong may bigat ang pangalan niya sa larangan ng campus journalism.
He was an editor-in-chief in his former school. Ilang gold medals na rin ang nakuha niya mula sa NSPC at iba pang competition. Pero ang ikinagulat namin nina Stephani ay ang pagpili niyang maging layout artist sa halip na sumabak sa pagsusulat.
Ang akala namin, magpapakitang-gilas siya sa editoryal o news writing, kung saan talaga siya kilala.
Humugot ako ng malalim na hininga, pilit kinakalma ang sarili bago nagpatuloy sa paglalakad papunta sa opisina ng publication.
Nang makarating ako, agad kong napansin ang abala nilang lahat. Si Vashnee at Florisa, parehong seryosong nagta-type sa kani-kanilang laptop, habang si Ynigo, ang cartoonist namin, ay nakayuko at halatang tutok sa pagdo-drawing.
Sa common table, ang mga trainees naman ay abala rin sa kani-kanilang gawain. Walang ibang tunog kundi ang tik-tak ng mga keyboard, ang kaluskos ng papel, at ang malumanay na usapan tungkol sa deadlines.
Naglakad ako patungo sa desk ko, inayos ang mga nagkalat na gamit, at binuksan ang laptop. Sinimulan kong i-type ang draft ng news ko, mabilis na sinasabayan ang daloy ng sariwa kong mga ideya.
Kilala ko na ang sarili ko—kung hindi ko ito agad simulan, ilang oras na naman akong magmumukmok sa harap ng screen, pilit pinipiga ang utak. Kaya kahit wala sa mood, kailangan ko nang tapusin ang news.
Matapos i-save ang draft sa flash drive, tumayo ako para tingnan ang for editing shelf. Kinuha ko ang mga news articles na nakasalansan doon, handa ko na silang i-edit bago dumiretso sa shift ko sa coffee shop.
"Wala nang magpapasa ng news, guys?" tanong ko habang tinatanaw ang mga trainee.
Umiling sila, sabay sabing nakapagpasa na sila ng lahat ng kailangan. Tumango ako at inayos ang mga articles sa file case ko bago ito isiniksik sa bag.
Being a news editor wasn't an easy task. Kailangan kong tingnang mabuti ang bawat article na ipapasa sa akin, mula sa grammar hanggang sa content. Halos wala na akong oras sa sarili ko dahil sa pag-aaral, pagtatrabaho, at responsibilidad sa publication. Pero hindi ko iyon itinuturing na pabigat.
I was doing something I loved and it came with a full scholarship in Arrion—a privilege I knew not everyone had.
Being part of The Voice of Arrionians is a big privilege.
Kaya ko gustong gawin nang maayos ang trabaho ko. Hindi lang ako basta estudyanteng nagsusulat ng balitang alam na ng lahat—I have to be the voice of my co-schoolmates.
Kailangan kong manindigan.
Kung meron akong kakayahan na magsulat, dapat gamitin ko 'yon hindi lang para maglabas ng facts, kundi para ipaglaban ang dapat. Para marinig ang boses ng mga hindi pinapakinggan. Para makatulong sa mga hindi kayang lumaban mag-isa.
"Mauna na 'ko, guys. Kapag may pahabol pa kayong news, i-email n'yo na lang sa'kin, a'ight?" paalam ko habang inaayos ang strap ng bag ko.
"Ingat, Rayne!" sigaw ni Vash mula sa likod, sabay kaway.
Hinawakan ko ang door handle at binuksan iyon, pero halos mabitawan ko nang bigla itong bumukas mula sa kabila.
At syempre, kung sino pa ang ayaw kong makita, siya pang nakaharang sa pintuan, si Nash. Sandali siyang natigilan, bahagyang nanlaki ang mata—pero saglit lang, dahil agad iyong napalitan ng pamilyar niyang nakakainis na ngiti.
Tusukin ko dimples mo!
Napakunot ang noo ko at mabilis na umiwas, walang balak makipagkulitan sa kanya. Pero bago pa ako makadaan, naramdaman kong hinawakan niya ang braso ko.
Mabilis akong napalingon, pinanlalakihan siya ng mata. "Ano ba?"
Saglit na nawala ang ngiti ni Nash, napalitan ng isang ekspresyon na hindi ko mabasa. "Bakit ba laging ang sungit mo?" tanong niya, may bahagyang iritasyon sa tono.
Napabuntong-hininga ako, sabay irap. "What do you need?"
Pumikit siya sandali, parang pinipigilan ang sarili, bago muling tumingin sa'kin. "Kailangan ba talagang may kailangan para kausapin ka?"
Hindi ako sumagot. Nanatili lang akong nakatitig sa kanya, naghihintay.
Binuka niya ang bibig, mukhang may sasabihin—pero bigla rin niyang isinara, parang nagdalawang-isip.
At bago pa ako makapagtanong, bigla niya akong hinila papasok sa office.
"Nash!" Agad kong hiniklas ang braso ko mula sa kanya, inis na inis. "Ano ba'ng problema mo!?"
"One of the accreditors saw the post on the online page of TVOA... yung sa acquaintance party," he said flatly.
Nanigas ako.
"We almost screwed up the accreditation because of that."
Nanlaki ang mata ko, my breath catching in my throat. "What?"
Tumayo si Vashnee mula sa kinauupuan niya at walang sabi-sabing dinismiss ang mga trainee. Wala nang nagtanong, wala nang kumibo—alam nilang hindi na biro ang sitwasyon.
The atmosphere shifted. Biglang bumigat ang hangin sa loob ng office, lalo na nang kaming editorial board na lang ang naiwan.
Tahimik si Vash habang hawak ang cellphone, tinatawagan si Ms. Aranzado para i-report ang nangyari sa closing program. Ako naman, hindi mapigilan ang mabilis na pag-tap ng mga daliri ko sa hita ko—isang unconscious habit tuwing kinakabahan ako.
What have I done? Ako ang nag-approve ng post. Ako ang dapat sisihin kung talagang naapektuhan ang accreditation.
Pero ang mas nakakatakot? Hindi ako kinakabahan para sa school mismo. Kung bumaba man ang level nito, wala akong pakialam—deserve nga nila kung tutuusin.
Pero ang TVOA? Doon ako natatakot.
I was terrified I had pushed the publication into a dangerous corner. Alam kong hindi basta-basta madi-dissolve ang TVOA dahil lang dito, pero kung mas higpitan ng admin ang hawak sa amin pagkatapos nito?
That was far worse.
"Ms. Aranzado is on her way. Hintayin na lang natin," Vashnee said after making the call.
Napakagat ako sa ibabang labi ko nang mahuli kong nakatingin sa akin si Stephani, ang bigat ng tingin niya na parang sinisisi ako. Alam ko na iyon ang ibig sabihin ng titig niya, at mas lalo lang bumigat ang pakiramdam ko. Tumitig ako sa lamesa ko, humugot ng malalim na hininga, at isinalpak ang earphones sa tainga ko.
I slumped forward, resting my head on my desk as music poured into my ears. Listening to music was way better than worrying about what they would think about me.
Bakit ba ako kinakabahan sa kung ano ang iniisip nila? If they wanted to blame me, fine. I was willing to take full responsibility. Tama naman sila—kasalanan ko ito. Dahil nagpakatotoo ako sa prinsipyo ko.
Kung kasalanan maging boses ng mga schoolmate ko. I'm guilty, then.
Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit naninikip ang dibdib ko habang iniisip iyon. Bakit parang masakit ang isipin na hindi nila maintindihan ang dahilan ko? Na ako ang magiging dahilan kung bakit mas malalagay sa alanganin ang publication namin?
Wala naman talaga akong pakialam sa kung ano ang tingin nina Vash sa akin simula pa lang. All I that was worried about was the publication-excluding them.
Matagal ko nang binalaan ang sarili kong walang patutunguhan ang lahat ng ito kung mapapalapit ako sa kanila. I don't need anything from them. As long as my plan's good.
I don't need them.
All I ever wanted was my scholarship and the chance to be heard and get the justice that my best friend deserved.
Iminulat ko ang mata ko nang maramdaman ang banayad na pagtanggal ng earphone mula sa tainga ko. Napaayos ako ng upo nang makita si Nash na nakatayo sa tabi ko, may tipid na ngiti sa labi. "Nandiyan na si Ms. Aronzado," aniya bago tumalikod at bumalik sa upuan niya.
Ms. Lani Aranzado, ang Mass Communication professor na adviser ng TVOA, ang bukod-tanging nagbigay sa amin ng tunay na kalayaan sa pagsusulat. Ang mga dati kasing adviser ng TVOA ay laging inuuna ang iniisip ng admin kaya laging limitado ang article na napa-publish.
Pero si Ms. Aranzado? She believed in us. She fought for us.
Tumayo si Vashnee at hinarap muna si Ms. Aranzado para mag-usap bago kami kinausap ng adviser. Nanginginig na ang kamay ko, at pakiramdam ko parang sasabog ang dibdib ko sa kaba habang hinihintay ang sasabihin niya.
"I talked with Mr. Benjamin," panimula ni Ms. Aronzado, matigas ang tono pero may bahid ng pagod. "He thinks we made a mess in the accreditation. He wants you guys to take down the page."
"What?!"
Sabay-sabay kaming napasinghap, at halos agad ding bumulusok ang ingay sa buong opisina.
"Ang kapal nila!" singhal ni Ciqa, tumayo pa sa gigil. "Mga diktador!"
"Alam naman nating gagawin nila 'to eventually," irap ni Stephani, ramdam ang panggigigil sa boses. "Kasi mas gusto nilang controlado lahat! This is so unfair!"
Nakita kong napapikit si Vashnee, marahang minasahe ang sentido niya. Alam kong gusto niyang maghanap ng solusyon bago pa lumala ang gulo.
Pero ang mas nakakagulat? Tahimik si Nash. Hindi kagaya ng nakasanayan namin, hindi siya 'yung unang pumalag. Hindi siya sumingit para magbitaw ng matatalim na salita laban sa admin.
Napayuko na lang ako. It was my fault. That page was our platform—the only place where students could freely express their concerns. This is far worse than I imagined.
"I disagreed, of course," sabi ni Ms. Aronzado, sabay ngiti na bahagyang nagpagaan sa bigat ng atmosphere. "Plus, the accreditors suggested that we should keep the page. Mr. Ephraim, on the other hand, can't disapprove because it was them who made the mess, not us."
Napatingin kami kay Ynigo nang itaas niya ang kamay. "Hindi na po ite-takedown ang page?"
"Yes," sagot ni Ms. Aronzado. "And guess what?" Tumawa siya, at parang naramdaman ng lahat ang pag-angat ng tensyon sa kwarto. "The accreditors proposed that we should have a separate passbook for the funds. Dahil daw every semester naman ay may pumapasok na funds automatically sa publication natin, magkakaroon na tayo ng sariling account. We just need to pass an annual audit report and submit RIS for purchases."
Wait, Miss... we didn't screw it up?" tanong ni Ciqatrix, halatang naguguluhan tulad namin lahat.
"They did screw up. But you guys? Of course not," paliwanag ni Ms. Aronzado, tila proud na proud sa amin. "Mas napabuti pa nga kasi ngayon, mas malaya na kayong maglabas ng saloobin ng estudyante in both platforms."
Nagkatinginan kaming lahat, processing what just happened.
Biglang sumigla ang opisina. Nagyakapan sina Vashnee, Stephani, at Florisa kay Ms. Aronzado habang nag-cheer sina Ciqatrix, Nash, at Ynigo. Ako naman, napabuntong-hininga. Mabuti naman kung gano'n. Akala ko, nailagay ko na sa alanganin ang publication.
Tipid na ngiti ang lumabas sa labi ko habang pinapanood ang lahat. Wala na sa mukha namin ang pagkadismaya. Kung kanina ay mabigat ang atmosphere sa office, napalitan iyon ngayon ng saya.
"Let's celebrate, guys! Treat ko!" Ms. Aronzado announced, smiling genuinely.
Unti-unting naglaho ang ngiti sa labi ko habang pinagtagni-tagni ko ang naramdaman ko kanina. Napakagat ako sa ibabang labi, pilit iniiwasan ang bigat ng realization na unti-unting sumisiksik sa utak ko.
Kinuha ko ang bag ko at tumayo. Kailangan kong umalis.
"Hindi po ako makakasama, Miss. May shift ako sa coffee shop," paalam ko, hindi na nag-abala pang magpaliwanag.
Tumango si Ms. Aronzado, hindi na rin nagtanong.
"Mauna na 'ko, guys!" sigaw ko bago tuluyang lumabas ng opisina, hindi na hinintay ang sagot nila.
Tahimik akong naglakad sa mahabang corridor, ang bawat yapak parang sumasabay sa lumalakas na pag-ulan sa labas.
Pagdating ko sa waiting shed, saka lang tuluyang bumuhos ang malakas na ulan. Huminga ako nang malalim at naupo sa bench, pinapanood ang walang habas na pagbagsak ng ulan sa semento.
I choose to sit on a bench while waiting for a tricycle. Malakas ang patak ng ulan dahil madilim ang kalangitan. Malamig ang simoy ng hangin ngunit hindi ko iyon alintana. I was consumed by the fear that I felt earlier. My thoughts roamed around my head, and it was overwhelming.
I think I'm screwed.
But what terrified me the most? I am starting to care about what they might think. I'm starting to care about them.
And I can't let that happen.
Noong una akong tumuntong sa opisina ng The Voice of Arrionians, may isang bagay akong ipinangako sa sarili ko—walang magiging hadlang sa plano ko.
I had one goal—to become the editor-in-chief. Para maisulat ko ang editorial na deserve ng best friend ko. At ipinangako ko rin sa sarili ko na hindi ako magpapalapit kanino man. Hindi ako magpapapasok ng kahit sino sa buhay ko.
I wouldn't let anyone in because people? They always leave. People always leave and I am done being left the one who's left behind.
Napalingon ako nang marinig ang ingay ng tawanan sa di kalayuan. It was them—the whole editorial board of TVOA, excluding me.
Sabay-sabay silang tumatakbo sa ulan, basang-basa pero walang pakialam, patungo sa parking lot.
Si Vashnee, Stephani, Maine, at Florissa—pumasok sa Honda Civic ni Ms. Aronzado. Samantalang si Ciqatrix, sumakay sa Mio Sporty niya. Si Ynigo naman, mabilis na umangkas sa Aerox ni Nash. Magkakasabay silang umalis.
Mapait akong ngumiti habang pinapanood silang unti-unting lumalayo.
That day, I reminded myself of the one truth I learned the hard way.
"Everyone will leave eventually."
***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro