Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

WCATR 1: Silent Echoes

CHAPTER 1 - Silent Echoes

IN A WORLD where silence too often prevailed, I dared to challenge the status quo.

Nag-vibrate ang phone ko at isang notification ang lumabas mula sa The Voice of Arrionian's Official Facebook page. Iyon ang official student publication page ng Arrion University. 

Sa platform na iyon lumalabas lahat ng reklamo at hinaing ng mga estudyante. Basically, we use it freely to voice out the student's need about the school's administration.

I clicked the notification, and there it was—'yung column na sinulat ko tungkol sa discrimination na nangyari sa acquaintance party.

"We urge the school admin to listen to their LGBTQ+ students and work with them to create a safer and more welcoming environment."

Habang binabasa ko, I couldn't help but nod my head in some comments.  I clicked the "Share" button and let out a sigh of relief. Kahit ilang beses ko nang nabasa 'to, iba pa rin 'yung pakiramdam kapag finally napost na siya.

"Anong mapapala mo sa campus journalism? Wala namang matinong career d'yan," yan ang paulit-ulit na tanong ng tatay ko sa akin noon. 

Napangiti ako nang maalala 'yon. I stood up from the chair, grabbed my bag and made my way out of TVOA's office.

I walked down the crowded hallway, and the music of gossip from people talking about the posted column drowned out the noise of the heavy rain outside.

As a journalist, you have to hear the stories that others ignore, understand the struggles beneath the surface, and amplify the voices that deserve to be heard. That's where the real power of journalism lies.

One voice, one story—sometimes, that's all it takes to spark a movement powerful enough to shake the system.

Kaya nang makarating sa akin ang balita tungkol sa nangyari sa party, alam kong hindi ko ito pwedeng balewalain.

I had to write about it.

Dahil kung walang magsasalita, hindi sila maririnig. At kung walang makikinig, walang magbabago.

Paulit-ulit ko nang nasaksihan kung paano tratuhin ng school administration ang LGBTQ+ students namin like they don't belong.

How can they not understand the importance of respecting individuality and embracing diversity?

Hindi ba nila nakikita kung gaano kasakit 'yung itanggi ang isang parte ng pagkatao mo?

It's this kind of narrow-mindedness that fuels harmful stereotypes and prejudices. Ito 'yung klase ng pananaw na nagpapalakas sa takot, sa diskriminasyon, sa pagtrato sa tao na parang kasalanan lang ang pagkatao nila.

Saglit akong nalunod sa sariling galit sa admin at hindi namalayang nakarating na ako sa classroom.

Huminga ako nang malalim bago itinulak ang pinto. Mahigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko, pilit na nilalabanan ang tensyon sa isip ko. Tulad ng dati, wala namang nag-abalang tumingin sa akin—isang ordinaryong araw para sa lahat, maliban sa akin.

Ibinaba ko ang backpack at agad na hinugot mula roon ang white file case ko. Mabilis kong inilabas ang mga news articles na kailangan kong i-proofread at i-check. Ito na ang daily routine ko tuwing maaga akong dumarating sa school.

Kung ang mga kaklase ko ay busy sa walang kwentang pakikipagtsismisan sa umaga, ako naman, mas pinipiling ubusin ang oras sa mas makabuluhang bagay.

Time is not a luxury we all can afford.

Kailangan kong i-manage nang maayos ang oras ko para maging mas productive—even in my free time.

Hindi ako tulad ng iba na nagtsitsismisan lang tuwing break o nagtatambay pagkatapos ng klase habang kunwaring abala sa phone.

I have to use every minute wisely because I'm a working student and time is a luxury. Hindi ko kayang magsayang ng kahit isang segundo.

Araw-araw, binabalanse ko ang klase, trabaho, at extracurricular activities—habang pilit sinusubukang magkaroon ng kahit konting social life. 

Oo, madalas, malungkot. Laging nagmamadali, laging may hinahabol, laging pagod. Never taking a break. Pero wala akong choice. 

Kailangan kong magpursige. Kailangan kong magsikap para maabot ang pangarap ko, para makagawa ng mas magandang buhay para sa sarili ko at sa pamilya ko. Kaya tinatrato ko ang oras na parang isang bagay na hindi pwedeng sayangin. Every second has to count.

I manage my time ruthlessly, squeezing every last drop out of each precious minute because I have to. This may not be the carefree life of a college student that I had imagined but I have to focus on my goals and sacrifice everything else in the pursuit of success.

Sakto kong isusuot ang earphones ko para mabawasan ang ingay at makapag-focus, pero napatigil ako nang marinig ko ang pinagtsi-tsismisan nila. Napako sa ere ang kamay kong may hawak ng earphone, saka ako pasimpleng sumulyap sa nagsasalita.

Hindi naman sa mahilig akong makialam—pero may kutob akong hindi ko magugustuhan ang naririnig ko.

"Naku! Nakita mo ba 'yung itsura nina Ghoran nung pinapauwi sila ni Mrs. Grayson? Tuwang-tuwa pa sila sa damit nilang pinaghirapan daw nilang hanapin sa ukayan sa kabilang bayan. Akala mo kung sino na sila, kahit anong gawin nila, hindi naman sila magiging babae."

Halos mapatid ang pasensya ko sa narinig ko.

Nakapalibot sa pintuan ang ilang ka-blockmate ko, at nasa gitna nila si Jenna—bida-bida, mayabang ang tono, parang proud pa sa pang-aalipusta niya. Ang iba, halatang nakikiayon lang. Yung iba naman, tahimik lang, pero walang tumutol.

Napakuyom ako ng kamao sa ilalim ng mesa. Putangina. I shouldn't get involved. I should just mind my own business.

"Oo, Jenna! Hindi ko alam kung kaawaan ko ba sila o tatawanan," dagdag ng isa pang kaklase namin.

"Sinisira nila ang sarili nila," sabi ng isa pa.

"Mas nakakatawa 'yung mga nagcocomment sa page ng TVOA. May pa-rant-rant pang nalalaman. Hindi naman pinapansin ng school ang ganyan."

"They just made themselves a laughing stock," muling hirit ni Jenna saka sila sabay-sabay na tumawa.

Humigpit ang hawak ko sa ballpen, saka napairap sa kawalan. "Pake n'yo, eh we live in a democratic country," bulong ko sa sarili bago tuluyang isinuot ang earphones sa tainga.

Pero kahit anong lakas ng music na patugtugin ko, hindi nito matatakpan ang inis na bumabara sa dibdib ko.

Our school admin created chaos just because a student stood up for themselves—just because they dared to express their individuality.

Masakit isipin na kahit moderno na ang panahon, discrimination is still rampant, lalo na sa isang lugar na dapat ay safe space para sa lahat ng estudyante.

Lalo lang nilang pinapalakas ang stigma at bias na hinaharap ng LGBTQ+ community araw-araw. Sila dapat 'yung tumutulong sa amin na mahanap ang sarili namin. Pero sa halip, sila mismo ang sumisira sa amin.

I heaved a deep sigh, trying to calm myself, pero parang sinasadya talagang subukin ang pasensya ko ngayong araw.

Sa harapan ko, nakaupo si Monica sa pinakaunang upuan, busy sa pag-aapply ng liptint sa labi niyang parang sinapak sa sobrang pula.

"Ano ba 'yan, hindi ba nila alam ang kasabihang think before you click?" reklamo niya na parang siya mismo ang naagrabyado. "At sa wall pa talaga ng TVOA nagkalat?"

Halatang may halong disgust ang tono niya habang nakatitig sa phone niya, parang nasasaktan siyang may gano'ng klaseng post sa publication page.

"As in! Ang kalat talaga ng mga taga-CIT! Buti na lang, walang ganyan ang mindset dito sa department natin," dagdag naman ni Jaz, sabay iling na parang mas mataas ang moral compass niya kesa sa iba.

Tiningnan ko sila pareho, disbelief written all over my face.

Hindi ba nila nakikita ang sarili nila? And Jaz? Talagang mag-e-Education ka?

Sila mismo ang kalat sa college department namin. Ano na lang ang ituturo niya sa mga batang hahawakan niya sa hinaharap kung ganyan siya mag-isip?

Growing up, I had seen firsthand how easily the voices of the marginalized were silenced—kung paano hinahayaan lang silang lamunin ng ingay ng mas nakatataas, paano binabalewala ang mga kwento nila na hindi pasok sa kagustuhan ng lipunan.

I wanted to use my platform to shed light on the stories that often went untold, to give a voice to those who had been silenced for far too long. I wanted to use my words to spark change, to inspire others to take action and fight for a better world.

And so, as I looked at them, I knew exactly what I had to do.

"Hindi naman kasi ito tungkol sa atin o sa department lang natin. Hindi rin ito tungkol sa BSIT students. Tungkol ito sa isang estudyante na pinagkaitan ng karapatang magdamit ng gusto niya sa acquaintance party."

Tahimik na tumingin sa akin si Jaz, pero si Monica? Tumagilid ang ulo at nagtaas ng kilay, halatang napahiya. "Eh ano naman ngayon?" 

I clenched my fists. Putangina. Bobo talaga!

"Ano ngayon?" inulit ko, this time mas may inis na sa boses ko. "Discrimination ang nangyari kina Ghoran. Hindi dapat sila pinauwi dahil lang sa kanyang pananamit," sabi ko sa kanila.

Hindi ko inalis ang tingin ko kay Monica, daring her to challenge me. Pero syempre, hindi siya natahimik nang gano'n lang.

"Hindi naman natin kasalanan na ganyan sila, diba?" sagot niya umirap pa na parang siya pa ang agrabyado.

At doon ko lang napagtanto—hindi lang ito tungkol sa pagiging ignorante nila.

Pinili nilang hindi maintindihan. Hindi ko maiwasan na mapikon. Bakit ba hindi nila nakikita ang malaking isyu dito? 

"Ikaw naman, Rayne, bakit ka naman naaapektuhan? Hindi naman kasi kasama ang department natin sa isyu na 'yan," sabi ni Jaz.

Napataas ang kilay ko sa sinabi niya.

"Ano ba ang dapat kong gawin, magbaliwala na lang dahil hindi ako directly naapektuhan? Hindi naman kailangan na ako mismo ang nabiktima bago ko ma-realize ang mali sa nangyari. Ang pangit ng mindset n'yo kung ganon," sagot ko sa kanila ng may seryosong tono.

It's not the thrill of chasing a story, the rush of adrenaline as I tried to uncover the truth that drove me to pursue this path—but the injustice.

I may not have all the answers, but I know that as long as there are stories to be told, I will be there to listen, to write, and to represent the voice of the unheard.

As the bell rang, signaling the end of class, I quickly packed my things, still unable to shake off the frustration from our earlier conversation. Pagkalabas ng classroom, dumiretso ako sa publication office namin, bitbit ang bag at ang mga news articles na kailangan kong i-proofread. It was my refuge. A place where my thoughts could breathe and where my purpose felt clear.

Amoy ng kape ang bumalot sa opisina habang nag-aabot si Ynigo ng mga mug ng kape na siya mismo ang nag-brew. May mga nagkalat na papel at mga laptop sa common desk namin, at isang whiteboard na punong-puno na ng sulat.

Unang meeting namin ng editorial board ngayong buwan. Ang meeting ay para buuin ang plano ng publication para sa buong semestre. Habang nagdidisscus si Vash sa harapan ng mga articles, events, at contest, halos wala kang maririnig kundi ang tunog ng ballpen o mga hikab ng team na halatang puyat pa rin.

"Sino ang kukuha ng coverage para sa Engineering Department Week?" tanong ni Vashnee, ang editor-in-chief namin, habang hawak ang marker at handa nang magsulat ng pangalan sa board.

Tahimik akong sumandal sa upuan ko, pilit na iniiwasan ang tanong. Engineering Week? Hard pass.

Ibigay mo na sa akin ang lahat ng department, huwag lang ang departamentong iyon.

Napakaarte kasi ng mga faculty ng Engineering. Minsan nga, muntik na akong mapaaway dahil lang sa isang article na sinulat ko tungkol sa kanila. Basketball friendship game lang 'yon, pero grabe nilang dinamdam ang salitang ginamit ko para i-describe ang pagkatalo nila.

Gusto yata nilang pabanguhin ko ang pangalan nila at huwag ibalitang natalo sila sa match na iyon. I was trained to write news, not public relations! It wasn't my job to sugarcoat their loss.

Bukod pa roon, may exam akong kailangang pagtuunan ng pansin. Hindi ko pwedeng sayangin ang oras ko sa isang event na hindi naman ganoon kaimportante.

Sayang sa tinta ng ballpen.

"Assign mo na lang sa mga trainees, Vash. Para mahasa rin sila," sabi ni Stephani, ang features editor namin.

Tumango si Vash at agad na inislash ang topic sa whiteboard. "Alright. Next topic—school accreditation. Week-long event ito. Kailangan natin ng dalawang volunteers. Sino ang gustong magcover?" tanong niya, sabay tingin sa akin, parang siguradong-sigurado na siya kung sino ang unang magtataas ng kamay.

Napangisi ako. "Lemme rephrase, Vash. Ang tanong ay—sino ang sasama sa akin?" biro ko, habang nakasandal pa rin sa upuan ko.

Nagkatinginan si Vash at Stephani, sabay ngiti. Alam na nila ang sagot bago pa man ako magsalita.

"Basta talaga events na may kinalaman sa higher-ups, go na go ka," biro ni Maine, ang sports editor namin, kasabay ng malakas niyang pagtawa.

"Ano pa bang bago?" dagdag ni Florissa habang nagsusulat. "Naalala n'yo noong Athletic Meet? Siya lang ang may lakas ng loob magsalita tungkol sa athletic allowance. Sino pa ba?"

"Eh at least hindi nasasayang ang pagiging news writer ko," sagot ko, sabay kibit-balikat.

They are right. When it came to news about the school admin, I was the first person to volunteer. It's satisfying for me to write a newsworthy article that doesn't praise how good their administration is. Plus, I'm well aware of how filthy they are and their works and agendas. Exposing them is the least I can do for him.

"Wala na bang concern? So we can move on to the next issue," Vash asked.

I raised my hand, and all of them glanced at me. "I was the one who write the opinion posted in the page."

"Here comes the Iron Lady," biro ni Ynigo mula sa kabilang mesa. Hindi ko na siya tinapunan ng tingin. Ngumisi lang ako ng palihim.

It was my pen name in the opinion column. Kilalang-kilala na ako sa bansag na iyon dahil sa rami na ng pinuna kong pamamalakad ng school. That column wasn't limited to our school, but every time they release a new issue, it was the most awaited one except for the editorial, of course.

"Okay. That stirred a lot of noise... ang daming nagalit, lalo na sa admin," sabi ni Vash, bitting her lips, halatang nag-aalala. "Rayne, baka naman pwedeng bawasan natin 'yung diretsahang patama sa kanila? Baka kasi maipit tayo sa pondo sa susunod."

Tumango ako, tahimik, pero sa ilalim ng mesa, mahigpit kong kinuyom ang kamao ko. Hindi ako sumasang-ayon sa sinabi niya, pero wala akong magawa.

Para saan pa ang The Voice of Arrionians kung hindi naman namin kayang ipaglaban ang mga estudyante? Kami dapat ang boses nila, pero pakiramdam ko, pinutulan kami ng dila.

Gusto kong magsalita, pero alam kong hindi ko rin siya masisisi. Mula noong sumali ako sa publication, madalas nang maipit ang budget namin sa admin ng school. Isa sa dahilan kaya nahihirapan kaming maglabas ng mga opinyon ng mga estudyante hinggil sa administrasyon.

"Wala nang concern?" tanong ni Vash, diretso ang tingin sa aming lahat. Tumango lang kami, walang gustong magsimula ng panibagong usapan.

She shifted her stance and moved on. "Next is 'yong layout and design for the next issue." Her gaze swept across the room, her brows drawing together as if something—or someone—was missing. "Teka, wala pa ba si Nash?" May halong inis sa tono niya, at hindi na rin niya tinangkang itago ito.

I crossed my arms and smirked. "Kailan ba naging maaga 'yon?" I said just loud enough for everyone to hear.

Parang sinagot ng tadhana ang biro ko dahil halos kasabay nito ay bumukas ang pinto, announcing his arrival.

Nash Dillon Cadogan strode in as if he owned the place, as usual. For a second, my breath caught—his short hair was styled just enough to look effortlessly messy, the slight wave making him look, well... frustratingly good. I hated that it did.

"Looks like the jerk has made another grand entrance," I muttered under my breath, quickly diverting my gaze as if that would erase the thought.

Vash's sharp eyes snapped in his direction, glaring at him like she wanted to scold him right there and then. Pero nagkibit-balikat lang siya at naupo sa tabi ng desk ko. His MacBook in one hand, his other adjusted his glasses casually before flashing that trademark arrogant smile—the one that showcased the dimple on his right cheek. "Anyway, saang part na kayo, Ulan?" tanong niya, placing his laptop on the table beside me.

I let out a long, annoyed sigh. "Layout and design," I said flatly, hoping he'd just get on with it.

His dark eyes studied me for a second, framed perfectly by his black-rimmed glasses. "Sungit mo pa rin talaga," he teased, his voice carrying just enough warmth to annoy me more.

"Sorry, mga madam!" he announced dramatically to the room, his eyes darting to the others. "Ang tagal magrun nung program ko kanina. Napaka daming errors. Pinaiwan tuloy kami."

"Bro, walang may pake!" Ynigo called out from the back, making everyone chuckle. Except me. Kasi totoo naman.

Nash just laughed it off. His carefree demeanor only added to my irritation. Parang hindi niya alintana na delayed na meeting nang dahil sa kaniya. He sat there, nonchalantly tinkering with his laptop while Vash tried to steer the discussion back on track.

It wasn't long before Nash started chiming in with his opinions, and unsurprisingly, kontra siya sa halos lahat. Minsan na nga lang siyang dumalo ng meeting, pero kung makapagdebate, akala mo siya na ang may hawak ng folio. His endless arguments stretched the discussion far beyond its allotted time.

"Kontra pa kasi eh," iritang bulong ko, casting a quick glance at my watch. Malapit na ang shift ko sa coffee shop. And yet, here I was, stuck in this never-ending debate.

Finally, Vash raised her voice, cutting through the tension. "Okay then, it's settled."

Thank God! Halos mapahinga ako nang maluwag. But before I could even pack up my things, Vash turned to us again. Pero bago pa man siya magsimula nang panibagong topic ay sumingit na ako.

"Wala na bang pag-uusapan regarding sa writing? Kailangan ko na kasing mauna, may shift pa ako sa shop," I said, hoping she'd take the hint.

"Wait lang, Rayne," she said, her expression softened into something almost pleading. "One last topic, may idi-discuss ako."

I sighed, irritated but resigned. "Pwedeng ngayon na?" Muli kong sinulyapan ang relo. "Late na kasi ako sa shift because you kept on arguing," I said pointedly, glaring at Nash.

"As if it's my fault na wala kayong aestheticness in your plans!" Nash shot back, his smirk is infuriatingly intact. Nakakairita.

I rolled my eyes. "Walang word na 'aestheticness,' dumbass!" I said and glared at him.

Damn it! Gusto ko na talagang mag-walkout.

"Settle down, guys!" Vash's voice cut through our bickering. Dahil talagang seryoso na siya ay pareho kaming tumahimik na. Bumalik kami pareho sa mga upuan, both of us still visibly annoyed but at least quiet.

Vashnee took a deep breath. Her hands were clasped tightly in front of her. "I'm stepping down as the editor-in-chief next semester."

Ang sunod na sinabi ni Vash ay tuluyang nakakuha ng atensyon ko. Parang naputol ang sunod-sunod na mura ko kay Nash sa isipan. Bigla akong natahimik, lahat ng focus ko ay nasa kanya.

Si Vash ang naging EIC namin sa nakalipas na dalawang taon. Simula noong sumali ako sa publication, siya na ang in charge sa team. Hindi ko siya kailanman narinig na nagreklamo, kahit pa madalas siyang nami-miss na klase dahil sa trabaho niya sa pub. Passionate siya sa ginagawa niya, at kita naman iyon sa bawat plano at desisyong ginagawa niya para sa team. Kaya nang biglang lumabas ang mga salitang iyon sa bibig niya, napatigil ako. Namilog ang mga mata ko habang hinihintay siyang bawiin ang sinabi niya.

Pero hindi niya iyon binawi. Sa halip, binigyan niya kami ng mahina, pero halos pagod na ngiti.

"I dropped a major last semester. I was going to fail it because of my lack of time management," simula niya, sabay buntong-hininga na parang pinakawalan na niya ang bigat na matagal nang nakadagan sa kanya. "I also realized that I need to focus on my studies. This is my last semester in this pub."

Parang may kung anong bigat ang bumalot sa gitna ng meeting room. Si Stephani at Maine, halos sabay na tumayo at niyakap si Vash, halatang nagulat at nalungkot sa balita. Pero ako? Hindi ako gumalaw. Nanatili akong nakaupo, nakatitig lang sa kanya habang naglalaro sa isip ko ang lahat ng posibilidad.

If Vash quits, I could become the editor-in-chief.

Oportunista na kung oportunista, pero hindi ko maiwasang makaramdam ng saya. Matagal ko nang hinintay ang pagkakataong ito—at ngayon, nararamdaman kong abot-kamay ko na. Sa dami ng na-accomplish ko nitong mga nakaraang buwan, alam kong may laban ako.

Dahan-dahan akong tumayo at niyakap din si Vash. Habang nakayakap ako sa kanya, hindi ko mapigilan ang bahagyang ngiti na gumapang sa labi ko.

"Hindi mo pwedeng isara ang tenga mo sa katotohanang minsan mo nang narinig—kagaya ng hindi mo rin pwedeng ipikit ang mata mo sa isang bagay na minsan mo nang nakita."

That was one of the lessons I learned as a journalist... once you hear the truth, once you see the injustice, you can't just pretend it doesn't exist.

I never truly understood the power of journalism until the day I lost my best friend to suicide.

Noong bata pa ako, journalism was just a means to find answers—an escape from the silence that surrounded my mother's death. I wanted to know more, to understand more, because no one ever told me what really happened. That helplessness, that frustration—those were the very things that made me fall in love with writing. Because words had the power to make sense of the senseless.

But when I lost Jace, everything changed.

His voice, his struggles, and everything he stood for—silenced in an instant. It was unbearable, knowing the world moved on while his story remained untold, unheard, and misrepresented.

That's why I need this position. It's not just a title. It is a promise. I failed to give my mother's story the justice it deserved. I won't make the same mistake with Jace.

My ink will serve as his voice. I promised on his grave that his story will not be forgotten. His truth will not be buried.

Because once you hear the truth, once you see the injustice—you owe it to the world to make them listen.

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro