01
HAZE POV
Nandito ako ngayon sa harapan ng bahay ni Zayih kaibigan ko as usual hinihintay ko nanaman siya para sabay na kami pumasok sa school.
Ewan sinasadya niya siguro ako pag hintayin sinusubukan ng babaeng iyon ang pasensya ko!
Tinignan ko ang oras at “Boom alasyete na tangina talaga nang babaeng ’yon!” dahil sa napipikon na ako kinalabog ko na ang pintuan nila at dumampot ng malaking bato para sana batuhin yung bintana niya sa kwarto.
Pero lumabas na siya— nang may irita sa mukha?!
“Ano ba ke-aga-aga nambubulabog ka, tulog pa yung mga chezzmosa!” naiiritang ani niya.
“Gago ka ba Zainielle Nate Makari! Alsyete na Seven thirty ang umpisa ng klase at first day of school ngayon! Hindi kana nag bago! College kana beh! Anong oras ka na naman ba na tulog kagabi ha?! For sure alaskwatro kana nakatu—” napahinto ako sa pagsasalita ng bigla niya akong binatukan!
Napaka Amazona talaga ng babaeng ito nakakatakot!
“Ano ba nakakairita na ’yang boses mo puro sermon, sermon sa bahay, pati ba naman sayo sermon rin at sermon ulit sa school kapag sobrang na late pa tayo!” Sigaw niya kaya naman ay dali-dali na kaming tumakbo pa punta sa sakayan ng tricycle.
At nang makababa na kami sa tricycle ay kaagad kaming tumakbo patungo sa gate— shoot! Nakasarado na!
Tinignan ko ang oras 7:31am na!
Grabe naman kasi mag patakbo yung tricycle driver mas mabagal pa sa takbo namin!
“Game kana ba Zayih?” kinakabahang tanong ko.
Tumango lang siya bilang pag sagot ng “Oo” at ’yon tumakbo kami papunta sa kabilang iskinita kung saan ginagamit namin pag nag babakod kami.
Nang makaakyat na sa pader ay kaagad na rin kaming tumalon at tulad ng inaasahan na spottan na naman kami ng guard!
“Kayo talagang mag kaibigan kayo! Babae pa man din kayo! Nakasanayan niyo na yatang mag bakod gusto kong ipaalala sainyo na hindi na kayo bata mga dalaga na kayo kung umasta kayo eh parang mga grade 7 pa rin!” sermon ni manong guard sa amin habang kami ito nakaluhod sa harapan niya.
Hindi naman totoo! Ngayon lang kami nag bakod noh!
Matapos ang first subject ay t’yaka pa lang kami pinakawalan ng guard.
Dumiretso kaagad kami sa building namin at ang room namin ay na sa 4th floor pa!
Nang makarating kami sa room ay hingal na hingal kami dahil sa puro hagdanan at tumakbo kami dahil baka malate na naman kami sa second subject!
Saktong pag punta namin sa sarili namin upuan ay ang pag pasok ng professor.
Mukhang strikto ang prof. na ito!
“I’m Train Salvador, your professor in Human rights and International Law.” Pag papakilala niya maski boses nito ay punong-puno ng Authority nakakatakot!
Ang pinasok naming course ni Zayih ah Law kasi sabi niya gusto niyang maging Lawyer eh kaya naman sinundan ko siya.
Mag do-doctor sana ako kaso na sa Law yung pinaka pangarap ko hehe.
Nagulat naman ako ng siniko ako ni Zayih para lang malaman na nakatitig sa akin ang Professor.
“Ikaw, what’s your name?” sabi ni Prof. Salvador habang nakatitig sa akin.
“I’m Juvia Haze Morza, it’s my pleasure to meet you, prof. Salvador.” ani ko at iniiwasan na mag ka mali gosh nakakakaba!
“Ms. Morza Do you know even one article in the International Covenant On Civil Political Rights?” He said strictly!
Omg wala ba munang introduction?! Recitation kaagad?! Hindi ako ready!
“Ahh yes Prof!” Matapang na ani ko dahil pagiging matapang na lang ang kaya ko kasi grabe kinakabahan ako!
“Recite one of those article then explain your thoughts about that.” seryosong ani niya.
Omg ano ba kasing alam ko?! Instead kasi na mag advance study ako nung bakasyon nag warla-warla lang ako!
Yung pinaka madali...
“Article 19: Freedom of expression; For this article you are free to share how you feel if you want to smile— smile because you are happy— if you are sad you can cry— You are free and only you can free your expression—Let yourself rules your life not anyone.” Sagot ko habang lutang at alam kong walang connect yung sinagot ko sa Article feel ko lang okay na ’yon at least may sagot.
“Take your seat.” Ani ng Prof. Grabe no comment?! Speechless?!
“Okay, let’s continue to diversify what you will answer, 50% of your grades depend on the recitation and the counting will start from today on the first day of school.” Ani niya at sunod-sunod na ngang nag tawag ng mga studyante.
Hindi pa diniretso alam ko namang hindi maayos yung sagot ko sapul na sapul ako Prof. letche!
Tumingin ako kay Zayih na seryosong nakikinig at nag te-take note.
Ang ganda niya talaga pag seryoso siya sa pag-aaral!
Siya lang ang dahilan kay nakaka- survive ako hanggang ngayon siya kasi nag tuturo sa ’kin at nag pa pakopya tinutulungan niya rin ako sa kahit anong bagay.
Natapos na ang klase at sumunod naman kaagad ang next subject at after non ay sawakas Lunch na! Sobrang na-drain braincells ko walang chill subject lahat diretso kaagad sa topic!
Kaagad kaming bumaba ni Zayih para pumunta sa cafeteria.
“Zayih hindi ko na kaya ayoko na mag-aral!” pag ma-makaawa ko sakanya ayoko na pagod na ako!
“Edi wag ka mag-aral.” masungit na ani niya.
Ito talaga yung nagustuhan ko sakanya eh ang sungit niya kasi sakin! Parang kami talaga para sa isa’t isa itinadhana ako para sakanya! Hindi niya pa lang siguro nararamdaman!
“Haze anong kakainin mo?” tanong sa akin ni Zayih pagkarating namin sa Cafeteria.
“Kaparehas lang ng iyo, pero gusto ko kumain ng Jollibee or Mcdo pwede rin KFC saan mo gusto?” excited na gusto ko kasi ’yon yung mga favorite ko!
“Wala, mamaya na lang pag-uwi natin daan tayo sa Jollibee, order muna tayo ng lunch natin ngayon,” Sabi ni Zayih wah ang sweet niya! Sobrang sweet kinikilig ako! Ganon na ba niya ako kamahal? hehe.
“Okay!” masiglang ani ko nginitian niya lang ako at pumila na para bumili ng pagkain namin.
Mabilis lang rin naman siyang nakabalik dahil mabilis kumilps ang mga tindera.
Napagpasyahan namin na doon na lang sa may garden kumain since puno na yung cafeteria at doon naman talaga kami kumakain sa garden.
“Dala mo yung pang-sapin natin?” tanong ni Zayih.
“Oo hindi ko naman makakalimutan ’yon!” sabi ko dahil kahit saan basta kasama ko siya bitbit ko yung pang-sapin namin!
Naglatag na ako at umupo na rin kami habang hinahanda niya ang pagkain at syempre may baunan rin kaming dala kasi nakakadiri kumain sa paper plate tapos gagamitan mo ng plastic spoon iww.
Habang kumakain ay nag salita ako.
“Zayih ayoko na mag Law,” banggit ko lagi ko itong sinasabi sakanya.
“Alam ko, pangarap mo maging Doctor diba, I told you hindi naman kailangan na magkasama tayo palagi,” walang ano-ano’y sabi niya.
Kung ganon lang kadali, na sanay na akong nandyan siya palagi sa tabi ko eh feeling ko hindi ko na kayang mawala siya.
“Agree, kaso baka ma-miss mo ako,” biro ko.
“Oo, anyways Haze may nagugustuhan kana ba ngayon?” pag-iba ni Zayih sa usapan.
“Oo kilala mo naman na diba? Kilala mo naman na sarili mo.” Nakangiting ani ko.
Yep I like Zayih nope I love her and she know that I love her as a lady not my friend. I always confess my feelings to her and she’s always rejecting me. I Pity myself.
“I don’t like you, Haze, hanggang friend lang talaga.” nakangiting ani ni Zayih.
At bigla ay nawalan na ako nang ganang kumain.
Binitawan ko na yung pagkain ko at tumingin sa mga magagandang bulaklak.
Ni reject niya na naman ako.
I want to start my college life with her—not as a friend— but as a lover.
“Haha pst, Haze,” tawag sakin ni Zayih.
Gago ang cute nakangiti siya tapos nakakakilig pag tinatawag niya ako sa second name ko ehe tangina talaga in love na in love ako.
“Can we stop playing now, Haze?” Zayih.
“We’re not playing, Zayih, nabuang kana ba dahil sa akin?” Natatawang ani ko.
“Haze, I love you more than a friend.” Zayih.
ITUTULOY.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro