Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

V. Passion or Motivation

Maraming pagbabago, may mga naiwang obligasyon pero batid pa rin ng dalaga ang dapat gawin- magpatuloy sa buhay at magpagaling.

Sa bawat araw na magdaraan, mabigat para sa dalaga ang iba't ibang pangyayari sa kanyang buhay. Ngunit, siya ay mas lumapit sa Diyos, at piliin na gawin na lamang ang mga bagay na makakatulong sa kanya.

Ang dalaga ay piniling magbalik sa pagsusulat. Hindi dahil wala na siyang pansamantalang trabaho, kundi nais niya muling magbahagi, magtuklas at sumaya.

Isang umaga, nag-unat ang dalaga. Nasilaw sa liwanag ni Haring araw. Naninibago pa rin siya na hindi na muna pumapasok sa trabaho.

"Panibagong araw na naman, nakakatamad naman yung ganito, hays!" walang ganang wika ng dalaga. Subalit, pinili niya pa rin ang bumangon, magpasalamat sa Diyos at kumilos.

Makalipas ng ilang saglit, pumunta ito sa kanilang sala, tinali niya ng mataas ang kanyang buhok at doon ginawa ang morning routine niya na pampapawis.

Madalas man itong magreklamo, pero nais niya pa rin maging productive. Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon, nagagawa niyang i-maintain ang basic exercise. Pero, ginagawa niyang bawasan ang calories niya para mabawasan na rin ang timbang nito.

Matapos ng kanyang pagpapawis, nagpapahinga muna ito sa kanilang sala, at umiinom ng tubig. Walang tao sa sala nila kundi siya, abala sa tindihan ang kanyang ina. Habang ang ate niya, batid niyang nagpapahinga ito dahil tuwing gabi abala sa paggawa ng mg design.

Habang siya ay nagpapahinga tila naging malikot ang kanyang isipan, kaya pinili niyang buksan ang cellphone at magtype sa notes.

She decided to write on-the-spot poetry. No word count priority, but with rhythm and truthful feelings will be gathered.

Until she starts focusing and feels the silence.

Nagsimula na siyang tumipa ng title sa screen. Ginamit niya ang Filipino language kung saan mas gamay niya ito at mas maipapahayag niya ang kanyang sarili.

Rehas ng Reyalidad

Sa bawat hakbang, nakaabang ang masakit na tanikala.
Isang tanikalang, titimbang sa'yong pagkasino't hiwaga.
Hiwagang kailangan handa sa anumang sakuna.
Walang sukuan, walang sisihan kundi gawin ang tamá.

Mabigat man na suliranin handang masubok para inaasam na katauhan.
Patuloy pa rin hanapin ang katotohanan.
Huwag ng dalhin ang kasinungalingan.
Kilatisin, at sundin ang inihandang kabigatan.
Markahan ang mga bahagi ng panibagong simula tungo sa katapusan.

After she wrote it. She wants to explode more-everything, she wants to be free and think that soon everything is gonna be alright. However, she is now calm and happy, dahil satisfied siya sa kanyang sinulat.

Nakahinga rin siya nang maayos pagkatapos. Poetry is her comfort home.

Sapagkat sa bawat lalim ng kanyang mga salita ay parte ng kanyang pinagdaanan. Mga salitang batid niyang humubog sa kanyang pagkasino. At ngayon, dapat alam kung ano ang mas dapat niyang isipin sa kasalukuyan, passion or motivation?

Sabi nila, choose your passion so that no matter what happens you will feel joy and enjoy the moment that you have.

Passion is a big action to take, but worth it to choose.

Pero para sa dalaga, alam niyang hindi ka lang dapat babase sa anong kailangan ng kakayahan at damdamin para maabot ang pangarap. Kailangan pantay at maingat sa bawat magiging desisyon. Because her life is not stable right now, she must think wisely.

Right now, motivation helps her to recover and heal from inside to outside. But whatever she takes, she already prepares herself.

***

Halos kalahating buwan na rin ang lumipas sa buhay ni Adelina. Nakakasanayan niya na rin balansehin ang mga bagay-bagay. Pinili niya na rin munang tulungan ang business ng Ate Sonya niya. It is an online business na hindi peso ang kitaan, kundi usd.

"Sis, kapag nandito ka at nag full-time ka sa akin, ikaw na mag manage budget natin ha? Wait, ayun! Ikaw na muna treasurer!" mapagbirong saad ng ate ni Adelina.

"Sige ba! Tapos kukuha ako ng malaking share ko!" makwelang tugon nito.

"Lugi ako nyan!" nagtawanan silang dalawa. Sa puntong ito, mas tumibay na rin ang bonding nilang dalawa, dahil madalas silang magkasama sa kanilang bahay. Mas nagkaroon ng strong bond and understanding din sa isa't isa.

"Sige na ate, gawa na tayo, anong oras na eh. Send mo na lang sa TG ko."

"Sige para tuloy-tuloy na tayo."

Nagkaisa na nga silang magkakapatid. At nagpatuloy na rin sa kanilang trabaho. Hawak nila ang oras nila kaya talagang kontrolado ng ate niya ang lahat patungkol sa business nito. Ngunit, may oras silang sinusundan para sa target sales nila. Kumbaga time strategy ang atake.

Hindi na masyadong inisip ng dalaga ang kalagayan nito, sa halip mas inalagaan at minahal niya ang sarili niya. Nagkaroon si Adelina ng kontrol sa anumang bagay, at inisip na rin ang sarili niya. Dahil paano niya aalagaan at ibibigay ang kailangan ng mahal niya sa buhay, kung siya mismo ay hindi okay? It will be nonsense, and all the plans and dreams will fade away for nothing if Adelina continues it.

Passion is important to determine your creativity and personality, but add motivation to achieve the success that you want to have someday.

Kaya't bawat sandali ay pinahalagahan niya. Hindi man maiwasan na matakot, mag-aalala at mag-isip ng hindi maganda, sa huli pipiliin niyang gawin itong motibasyon, para isakatuparan ang pasyon niya.

On her journey, Adelina became a registered author, where she already has three solo books.Ang bilis ng pangyayari na akala niya, hindi niya kayang gawin. Simula rin kasi ng magkasakit ang dalaga. Mas naglaan din siya ng panahon sa pagsusulat. Ang daming nangyari na talagang sinubukan rin ang pagiging manunulat niya.

Dumating sa puntong, napaisip siya kung ano nga ba ang motivation niya rito, kung passion pa rin ba o talagang pilit na lang lahat. Hindi nagpatinag ang dalaga, kundi hinarap at diretso lang ang focus niya.

She didn't give up, she continued to rise and explore, also she grabs every opportunity to make her stronger and bolder.

Writing is her passion, and her motivation is to write to share things. She also realized that her destiny leads her to believe that every failure or rejection is a great milestone to keep going and create amazing things through letters.

****

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro