Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

IV. Bring Me Back to my Childhood

Araw-araw sa paggising ng dalaga, iniisip niya agad ang dapat niyang gawin. Kaya't sa isang buwan niyang pagpapahinga, nagbalik ulit siya sa kanyang pagsusulat. Ang pagsusulat ang nagsilbing pahinga ng dalaga, lalo na ngayon na may pinagdadaanan siya- mabigat pero kinakaya niya.

Habang siya ay nagliligpit ng kanyang higaan, nakita niya ang kulay blue na wallet. Kinuha niya ito at tiningnan ang laman.

Lumapad ang ngiti niya ng makita niya ang isang medalya. Pinagmasdan niya itong mabuti at tila inalala ang bawat sandali ng kahapon.

"Nakakamiss naman maging bata, kung pwede lang bumalik na lang sa dati, o maging bata habang buhay. Pipiliin ko na lamang iyon, kaysa ang ngayon."

Bumuntonghininga ito, at tinabi na muli sa isang malaking bag. Ang medalya na nakita niya ay parte ng kanyang pagkabata, kung saan kahit isa lang ang nakamit niya mula elementarya ay kailanman wala siyang natanggap na anumang pressure.

Dahil ngayon na nasa tamang edad na siya, kabilaan na ang mga problema lalo na ang gastusin na hindi man lang nababawasan kundi, patuloy na nadadagdagan.

Pinili na lamang ngayon ng dalaga na tapusin ang kanyang paglilinis sa kanyang silid. Batid niyang tapos na ang pagiging bata niya, gayumpaman hiling niya na sana maging bata na lamang ulit. Wala masyadong iniisip na problema.

Pinagmasdan niya ang bawat sulok ng kanyang silid, simple lamang ito at hindi masyadong madisenyo. Sa kanyang higaan, naroon sa itaas ang mga mini bookshelf niya na talagang nagbibigay ngiti sa kanyang labi. Ngunit bukod tangi ang isang larawan niya noong limang taong gulang siya, inosenteng ngiti ang nasa larawan. Maiksing buhok at may kapayatan pa, ngunit ang sigla pa ng kanyang mga ngiti.

"Naalala ko ito, hays, nakakamiss din dati sa lugar namin. Yung mga paglalaro namin sa labas," saad nito sa sarili at muling pinagmamasdan ang larawan.

Matapos niyang maayos ang kanyang silid ay sandali muna siyang humiga.

Sandaling pumikit at nilubos ang oras ng kanyang antok.

"Adelina, laro tayo!"

"Sige, pero baka ako na naman ang taya ah?"

"Hindi ako naman, salitan tayo para patas."

"Sige, pumikit ka na dyan sa may likod ng puno at magbilang ng isa hanggang sampu, Lea."

"Galingan mo magtago, Adelina!"

"Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito, walo, siyam, sampu!"

"Adelina...Adelina, anak, gising ka ba?"

Sunod-sunod na katok dahilan para magising ang dalaga. Napakunot pa ang nito, at dahan-dahan tumayo.

"Tsk! Panaginip lang pala."

"S-sandali lang po ma." Sigaw ng dalaga at sa ilang hakbang ay tsaka niya naabot ang pintuan at pinagbuksan ang kanyang ina.

"B-bakit po ma?" tanong ng dalaga habang nagkukusot pa ng mga mata gamit ang kanang kamay nito.

"Kakagising mo lang pala, mag meryenda na tayo sa sala nak. Nagluto ako ng banana que."

"Opo ma, naalimpungatan nga po ako eh. Pero ayos lang po, sige ma. Punta na lang po ako. Ayusin ko lang po ang sarili ko," wika nito.

"Sige anak, pasensiya na mag-ayos ka na at kumain sa ibaba. Inom ka lang maraming tubig."

"Sige po, ma."

Bumababa na nga ang mama ni Adelina at nag-ayos na ito. Medyo magulo rin ang kanyang buhok kaya't nagsuklay muna ito at isinantabi ang isang panaginip na bahagi ng kanyang kamusmusan.

***

Habang tumatagal at unti-unting nababawasan ang mga araw sa isang buwan ng dalaga. Samo't sari mga bagay ang naturuklasan nito. Nandoon yung pagbabahagi ng kanyang kakayahan gamit ang talento na mayroon siya, ang pagsulat.

Bukod doon, kahit na may iilang parte na namimiss niya ang kanyang pagkabata, naunawaan niya na ngayon na dapat noon pa lang ay tinodo niya na sana ang kasiyahan naayroon siya. Nilubos niya na sana ang bawat saglit na ang lahat ng bagay ay simple at patas sa paningin at isip niya.

Isang gabi, nakahiga sa malambot na kama ang dalaga. Nakatingin sa kawalan, pilit nililibang ang sarili bago dumating ang oras na yakapin muli siya ng dilim. Dilim na lagi siyang binibigyan ng takot at iba't ibang isipin na binubuo sa kanyang isipan hanggang gawing problema.

"Hays! Talagang ang dami ng nagbago. I know that I am not the only one who has the worst life. Maybe this is part of preparation. Ang hirap ah? This is more about my health and financial matters. But I won't give up!" Pilit niyang pinapalakas ang sarili, dahil sa oras na ito bukod sa Diyos, kailangan niya talaga ang sarili niya.

Even though she felt tired and problematic, still she is hoping that everything will be fine. Alam niyang anuman ang maging resulta, she is not alone. And soon, her old self will be proud of all the things she has done to grow, little by little.

Umupo ang dalaga,tumungo siya sa favorite place niya - her study area. Hindi siya mag-aaral, kundi may gagawin siya na alam niyang laging pabor sa kanya. She get her notebook and pen. She starts to write random things. Everytime she feels hopeless and doesn't know the things that she has, she prefers to write about it. Whatever ways and tone of it.

Sa buong gabi puno ng katahimikan, hindi niya gusto na lamunin siya ng kung ano-ano'ng mga isipin na labag sa kanyang kalooban. Hindi niya gustong, damhin ang nakakabinging katahimikan.

Maybe her childhood will not exist anymore, but the memory that she had keep, will remain forever and make her feel great about it.

Kaya wala siyang pinalampas na segundo, minuto at oras. She just focuses and let her emotions change into words.

She breathes so deeply and speaks with powerful words.

"Hindi na ako bata, kaya ko 'to! Malalapagpasan ko rin ang sakit na alam kong susubukin ako hanggang dulo. Gagaling ako, makakaahon ako. Magtatagumpay ako I am a child of God. I am a conqueror!"

Gumuhit siya ng isang stick man na babae, at piniling nakangiti.

Sinulat niya sa ibaba na ito ang mga katagang panghahawakan niya.

"This is me. Childhood is part of growing, it is a great journey that I know I always wish to happen again. But now, I know childhood tells me that it's okay if I fail, at least I didn't give up after all."

"Kaya mo 'yan, Adelina! Kaya mo! Laban lang tayo!" Kahit na para siyang ewan na nagsasalita mag-isa, gumaan na ang pakiramdam niya ngayon.

She is now happy and wants to rest with a smile on her face.

****

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro