Chapter VIII: Prayer is the Greatest Weapon
Sa halos ilang araw na dumarating sa buhay ni Adelina, isang bagay lamang ang mas pinanghawakan niya. Hindi niya ito binitawan, palagi siyang lumalapit sa Diyos.
Maagang nag asikaso ang dalaga. Dahil ngayong araw ang pangatlong pagbalik niya sa clinic. Hindi na ganoon kabilis ang tibok ng puso niya. Nang makapasok ang dalaga sa loob ng clinic, tila wala na siyang nararamdaman na takot. Kundi nagtitiwala na lamang siya sa Poong Maykapal.
Kasalukuyan itong nakaupo sa dulo, hinihintay na matawag ang pangalan niya bago pumila sa labas ng room ng doktor niya.
Habang naghihintay ang dalaga, hindi niya mapigilan magmasid sa paligid. Napagtanto niya na wala talagang pinipili ang sakit. Matanda man o bata, basta’t dapuan ka, wala kang ligtas.
Lahat ay nakasuot ng mask, pero kita ni Adelina sa mga mata ng mga tao roon ang hirap at problema dahil sa gastusin.
Taimtim muna siyang nagdasal ng pabulong. “Lord, salamat po dahil sa kabila ng pinagdaanan ko heto ako nahinga pa rin at ikaw ang nagkakaloob ng mga pangangailangan ko. Nagpapasalamat pa rin ako kahit hindi ko alam bakit ako pa po ang dapat makaranas nito. Patawad po sa lahat, nawa’y isang magandang balita po ang matanggap ko. Ikaw na po ang bahala.Amen!”
Hanggang sa tawagin na ang pangalan niya. Huminga muna ito nang malalim at dahan-dahan ng pumasok sa room ng doktor nito.
As usual, she will greet the doctor before she sits in his front. But this time, she is not nervous, she believes that there is good news.
Umupo na nga ang dalaga. Habang tinitingnan at binabasa ng doctor ang envelope nito at ang iilang papel.
“There is progress. Ituloy mo lang ang ginagawa mo, iha.”
Kakaibang saya ang nararamdaman ng dalaga ng marinig niya ang sinabi ng doktor. Sana tama ang kutob nito.
“Good for you, bumaba na ang sugar mo. So, continue to take your medicine.” Ngumiti ang doctor at inabot sa dalaga ang resulta.
“Thank you, Lord!” sambit ng dalaga sa isipan.
Tinanggap ng dalaga ang brown envelope at ang iilang papel na inabot sa kanya ng doctor.
“Thank you, dok! Yes po, itutuloy ko yung gamot. Bale uubusin ko po ba?” tanong nito.
“Mas okay na maubos mo, pero kapag iba na ang reaksyon nga katawan mo, itigil mo na muna.”
“Sige po, dok! Salamat po ulit!”
Natapos na ang usapan ng dalaga at doktor. Kita sa mga mata ng dalaga ang saya ng makalabas siya ng pintuan.
Wala siyang sawang nagpasalamat sa Diyos dahil, dininig siya nito.
Umuwi na rin ang dalaga, at excited na siyang ibalita ito sa kanyang pamilya.
Makalipas ang ilang minuto, nakarating na sa kanilang bahay ang dalaga. Mabuti na lamang hindi gaano kainit, at mabilis lang din ang naging biyahe niya. Isang sakay lang naman ang ginagawa ni Adelina papunta sa private clinic.
“Andyan ka na pala, anak. Kumusta ang lakad mo?” tanong ng kanyang ina at tsaka umupo ang dalaga sa sala. Pinatong nito ang dala niyang bag at brown envelope.
Inalis na rin ng dalaga ang suot nitong mask, dahil mas lalo siyang hindi makahinga.
“Mano po, ma.” Nagmano muna ang dalaga bago siya magpaliwanag sa kanyang ina.
“So far ma, okay na ang sugar ko. Normal na ulit, pero need ko pa rin talaga mag take ng gamot.”
“Salamat naman sa Diyos! Ituloy mo lang ‘yan nak, sundin mo ang doktor mo. Mahalaga okay ka na. Basta tiwala lang din tayo kay God at pray lang.”
“Opo naman ma, hindi po ako nakakalimot.” Paliwanag ng dalaga.
“Sige na magbihis ka na anak, pagkatapos magpahinga ka na rin,” wika ng kanyang ina.
Tumugon naman agad si Adelina. “Yes pp ma, punta na po ako sa kwarto.” Kinuha ni dalaga sa lamesa ang bag at brown envelope na pinatong niya at dumiretso na sa kwarto nito.
Umaapaw ang saya ng dalaga, tila hindi niya alam ang dapat gawin pagpasok niya sa kwarto niya. Mabilis na siyang nagbihis muna bago maupo sa kanyang kama.
Hindi siya matutulog para magpahinga, kundi nais niyang manalangin para magpasalamat sa Diyos, dahil sa magandang balita na natanggap niya ngayon.
Simpleng floral dress na pambahay lamang ang sinuot ng dalaga, inayos ang buhok at umupo na sa kama niya.
Pumikit ito at nagsimula ng manalangin.
Lord, thank you po sa oras na ‘to at sa biyaya na natanggap ko. Naniniwala po ako na magaling na ako ng tuluyan. Salamat po ng marami. Patuloy mo lamang ako samahan, at ingatan kami ng aking pamilya. Ikaw ang mahayag at madakila. Sa pangalan ng Ama, Anak at Espiritu Santo. Amen!
Pagkatapos niyang manalangin ay humiga na muna ito. Nakatingin siya sa itaas na para bang may magandang pinagmamasdan dahil nakangiti pa rin ito.
“Hindi ko alam na mangyayari ito. Talagang hindi ako pababayaan ng Diyos at alam kong prayer is my best weapon,” sambit ng dalaga sa kawalan. Napagtanto ng dalaga, na mahirap man ang buhay at iba’t iba ang matatanggap na problema. Pero kung mayroon kang sandata, lahat ay malalampasan at mapagtatagumpayan ang mga ito.
Nagsalita muli ang dalaga. “Lord, I am claiming that I am healed because of your stripes and holy blood.”
Mas patuloy na nagtiwala ang dalaga sa Diyos, dahil batid nito na sa oras ng karamdaman at kahirapan isa lang ang kanyang lalapitan— ang Diyos lamang.
Prayer is not just a tool of every believer. But this is a power to break any bad things and gives hope and inspiration.
Prayer also leads every believer to have more trust and communicate with the Lord.
Kaya ngayon, naunawaan niya rin bakit pinagdaanan niya ito. Hindi para isipin niya na mag-isa lamang siya o pinaparusahan siya. Kundi para maisip ng dalaga, that God is big in her problems. God is there for her. God wants her to be more a conqueror woman.
Maya maya pa ay may kumatok sa pinto ng dalaga. Sunod-sunod na katok na para bang may hinahabol at naniningil ng utang.
“A-Adelina!”
“Teka lang po.”
Mabilis tuloy bumangon ang dalaga at pinagbuksan ng pinto ang kumakatok.
“Ikaw lang pala ate, maka katok ka naman wagas,” usisa ng dalaga.
“Sorry na sis.” Pumasok agad sa looban ang ate nito at umupo sa kama niya.
“Anyway, sorry pumasok na ako. Makikibalita lang, kumusta pala punta mo sa clinic?” takang tanong nito.
“Normal na ate! Okay na ako.” Masiglang paliwanag ng dalaga sa ate niya.
“Thanks, God!”
“Sabi na eh, pagagalingin ka ni Lord. Tutuparin niya rin ang daing ko sa kanya, para sa’yo, Adelina.” Nagyakapan ang magkapatid at nagpasalamat din si Adelina sa ate nito.
WAKAS
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro