Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter III: Every Tomorrow is Another Day

Napatayo ang dalaga ng wala sa oras. Dali-daling bumababa para makakuha sa kanilang kusina ng maligamgam na tubig. Hindi siya nauuhaw, kundi dahil sa kakaibang pangangati ng lalamunan niya. 

“Okay ka lang ba anak?”

Napalunok pa ang dalaga bago sumagot sa ina niyang nasa likuran niya na labis ang pag-aalala.

“Medyo ma, makati lang po ang lalamunan ko.”

“Inom ka ulit ng luya, kumain ka na at uminom na rin ng mga gamot mo. Napakapagpaalam ka na ba sa TL mo?” takang tanong ng ina sa kanyang anak.

“Opo ma, kagabi pa po. I-che-check ko po mamaya cellphone ko baka nagreply na po siya. Sige ma, may almusal na po ba?”

“Mabuti naman kung gano’n. Mayroon na anak, nagluto ako ng sinigang na manok, kumain ka na.”

“Sabay na po tayo, ma.” Pag-aalok ng dalaga.

“Tapos na ako, anak. Ikaw na muna maghain sa sarili mo, kailangan ng tao sa tindahan eh.”

“Sige ma, ako na pong bahala. Salamat po!”

Lumabas na ang kanyang ina, dumiretso kusina naman na ang dalaga at naghanda para sa almusal niya.

Silang tatlo lang sa bahay, siya, ang ate niya at mama niya. Ngunit sa si Adelina muna ang patuloy na kumakayod para sa kanila, dahil ang mga kita ng kanyang magulang ay napupunta lang sa kanilang mga utang.

Samantala ang kanyang ate naman ay kakasimula pa lamang sa trabaho nito, inaaral pa ang mga dapat dahil work at home ang set-up.

Kasalukuyan na siyang kumakain ng nakita niya ang ate niyang kakagising lang.

“Good morning, ate! Kain tayo!” yaya ng dalaga habang susubo ulit ng panibagong kanin na may ulam.

“Good morning din! Sige mamaya na ako, may need pa akong asikasuhin.”

“Anyway, kumusta pala resulta?”

Muntik ng nabilaukan ang dalaga, mabuti na lamang nakuha niya ang baso at uminom ito kaagad.

Lumapit ang ate niya at tinapik ang likod nito.

“Dahan-dahan, sis. Sorry nabigla yata kita.”

Nang mahimasmasan ang dalaga, ay unti-unti itong humarap sa Ate Sonya niya.

“H-hindi maganda ang resulta ate. Need ko muna magpagaling dahil may nakita spot sa right lubg ko at diabetic pa.” Biglang bumagsak ang mga balikat ng dalaga.

“Grabe naman pala ang nangyari sa’yo sis. Magpagaling ka. Iwas ka muna talaga sa bawal. Kaya pala biglang taba mo rin eh.”

Bahagya itong natawa na siyang ikinataas ng kilay ni Adelina.

“Ate naman, nang-aasar ka pa.”

“Biro lang, bawasan mo na lang din kanin mo kapag kakain ka. Malakas din kasi sa sugar ‘yan.”

“Opo ate, half lang naman ito,” mabilis na sagot ng dalaga.

“Laban lang, Adelina. Okay? Nandito lang kami. Natutuhan ko na rin naman ang pagdidisenyo sa kompyuter ko. Kapag ‘di mo na kaya pumasok sa work mo, turuan kita para dalawa na tayo.” Matamis na ngiti ang binigay ng ate niya sa kanya. Kaya’t umaliwalas na rin ang mukha ni Adelina. 

Naramdaman niya na hindi siya nag-iisa sa kanyang pagsubok. Dahil kahit maubos man ang mayroon siya ngayon, alam niyang may katuwang at tutulong sa kanya.

“Sige na ubusin mo na ‘yan. Uminom ka gamot at magpahinga ka muna ulit. Kapit lang tayo sa Lord, Adelina ha? If need mo ng extra, magsabi ka lang.”

Biglang lumapit pa ulit ang ate niya at bumulong, “Don’t worry mayroon na akong sahod.” 

Napangiti na lang si Adelina, dahil ngayon na alam niyang mauubos talaga ang sahod niya ay kailangan niya ng extra para sa gamot at panglabaratory.

“Maraming salamat, ate!” Masayang sambit ng dalaga. Inubos niya na ang pagkain na nasa harapan niya at naglakad na pabalik sa kwarto nito ang ate niya.

Napaubo ang babae dahil hindi pa ganon ka-epekto ang mga gamot. Gayunpaman, alam niyang mawawala rin ito at matatapos din ang kanyang kalbaryo.

***

Kinaumagahan, maagang umalis si Adelina at ang kanyang ina. Maglalakad sila sa isang lugar na maaliwalas, at tahimik ang paligid. Ngunit makikita mo ang mga nagsasayawang halaman at puno sa paligid. Kasalukuyang naglalakad ang dalaga sa kanilang lugar kung saan p’wedeng mapag-isa at makapag-exercise.

Pinili niyang maglakad-lakad upang mabawasan siya kahit papaano ng timbang at magkaroon ng sapat na lakas.  Hindi siya nag-iisa dahil kasama niya ang kanyang ina. 

Habang nag-iikot ang dalaga kasama ang kanyang ina, kita sa kanya ang simpleng pananamit. Nakasuot siya ng puting mask, black t-shirt,  gray na jogging pants at black rubber shoes.

“Sana sa araw-araw na paglalakad ko, makatulong ito na mabawasan  ang timbang ko,” wika nito.

“Makakatulong ‘yan anak. Huwag ka lang tamarin at sikapin mo, kung hindi man maganda ang panahon kahit kaunting pag-e-exercise sa looban natin.”

“Opo ma, tsaka unting pagkain na lang din po ang kakainin ko.”

“Oo anak, ingatan mo na kalusugan mo. Alam ko na sobra-sobra na ang ginawa mo para sa amin. Pero ngayon kahit magkautang pa kami, basta gumaling ka lang.”

Patuloy pa rin sila sa paglalakad,iilan lamang ang mga tao roon, wala masyadong galang aso o pusa. Kundi mga iilan na kambing. Bukod dito ang habol nila ay si Haring araw,  para maarawin na rin silang dalawa lalo na si Adelina.

Halos kalahating oras na ang lumipas, namasa na rin ang kanilang mga noo at likod sa kakalakad.

Sa likuran ng simbahan kung saan malapit sa kanilang paglalakad, ay pansamantala silang umupo at binuksan ang dala nilang tumbler. Uminom ang dalaga, at kita sa kanya ang paghahabol ng hininga dahil sa ilang kilometro na rin ang kanilang nalakad ng kanyang ina na si Mrs. Sanchez.

Pagkatapos uminom ng tubig. Tumingin ang dalaga sa kalangitan habang ang ina niya ay simpleng sumasayaw sa gilid na para bang may zumba session na nagaganap.

“Lord, salamat sa panibagong araw! Nawa’y kayanin ko pa sa susunod na araw. Alam kong kasama kita, at may mga taong gagabayan at tutulungan din ako.” 

Ngumiti ang dalaga, dahil para bang sa biglang paghangin,  ay isang senyales na hindi nga siya nag-iisa. Sa bawat laban na haharapin niya ay may katuwang siya, mabigat man o mahirap ang mga ito.

Lumapit ang kanyang ina at nagsalita. “Nak, uwi na tayo maya maya ah? May gagawin pa ako sa bahay at para makakain at inom ka na rin ng mga gamot mo.”

“Opo ma.”

Nag-stretching muna ang dalaga bago sila umuwi. Makalipas ng sampung minuto, napagpasyahan na nilang umuwi. Nagsimula na ulit sila maglakad papunta sa kanilang bahay.

“Sasamahan kita palagi anak, basta lang tulungan mo ang sarili mo, okay?”

“Yes po ma! Thank you!”

Habang naglalakad ang sila hindi maiwasan ng dalaga na mapangiti, dahil nakita niya na God is working in her life. She is now ready to face the big problems.

“Anyway Adelina, napayagan ka na ba mag-leave ng TL mo?” takang tanong ng kanyang ina habang naglalakad pa rin sila.

“Yes po ma, kahapon po nagreply naman na. Nagsend lang ako ng Health Matter letter at yung mga documents na need para ma-confirm nila yung rest ko muna ng isang buwan.”

“Buti naman anak, sige na tara na!”

Tumawid na ang dalaga at ang kanyang ina. At sa iilang hakbang pa na ginawa nila. Napatunayan ng dalaga, na iba talaga ang alaga at pagmamahal ng isang ina.

Hanggang sa makarating sila ng ligtas sa kanilang tahanan. Nadatnan nilang nagpapahinga pa ang ate niya kaya umupo muna siya sa sala at uminom ng tubig.

Hindi na siya ganon kaingay, kumalma na rin kahit papaano ang kanyang lalamunan. Kinuha niya ang cellphone niya to check messages. Then, there is a notification pop-up. It was so unexpected but related to Adelina.

“You are not alone. The battle is yours but every tomorrow is a new day.- Unknown.

Napangiti muli ang dalaga at minyday ito sa kanyang account. Ngayon, dala niya ang ngiti ng pag-asa at kapayapaan.

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro