Story #9 Potion
"Isang patak, magkakaroon siya ng munting pagka-crush sa iyo. Dalawang patak, gugustuhin ka niyang gawing nobya. Tatlong patak, gugustuhin ka niyang pakasalan," ani ng matandang ale na may inaabot sa aking maliit na botelya.
Nanatili lang akong nakatitig sa bagay na ibinibigay sa akin ng ginang na kaharap ko.
Kakulay iyon ng mga bote ng gamot. Sa aking pagkakaaninag ay may laman 'yong mantika o anumang liquid na hindi ko mawari kung ano. Ang sigurado lang ako ay may maliliit na ugat na naroon.
"Sige na, ineng. Kuhanin mo na."
Napakamot ako sa likod. "Naku, Manang. E wala naman ho akong paggagamitan niyan. Iba na lang ho ang alukin ninyo."
Ngunit hindi siya nagpatinag. Hinawakan niya ako nang malumanay sa braso at pinakatitigan. "Kakailanganin mo ito, maniwala ka."
I sighed in defeat. Sa huli ay kinuha ko na rin ang botelya. "E paano kung sakaling ibuhos ko ang lahat ng laman nito sa pagkain o inumin ng taong gusto ko?"
Nginisian niya ako. "Mababaliw siya sa iyo."
Napahawak ako sa dibdib sabay bend nang bahagya sa katawan. "Weh, di nga, Manang?"
"Masasabi mong tama ako sa oras na magamit mo na iyang potion." Pinukulan niya ng sulyap ang hawak kong botelya. "Mauuna na ako."
Sinundan ko na lamang ng tanaw ang matanda habang naglalakad palayo.
When she is totally gone, nalipat ang tingin ko sa main entrance ng Quiapo Church. Nagsisipaglabasan na ang mga tao. Ibig sabihin ay palabas na rin sina Ofelia at Gertrude. Nagsimba sila.
Catholic din naman ako. 'Yon nga lang e hindi ako aktibo sa simbahan at madali akong ma-bored sa Misa kaya napagpasyahan kong magpaiwan na lang sa labas habang nagsisimba ang dalawa kong kaibigan.
In just a matter of few seconds, natatanaw ko na ang mga kaibigan ko. Nagkayayaan na rin kaming idiretso na ang paggagala. Minsan lang kaming magkasama-samang tatlo.
---
Ala una na ng umaga ako nakauwi sa apartment. Kahit antok na antok na ako e hindi ko pa rin nalilimutang mag-skincare. At siyempre, hindi puwedeng hindi ako magpatugtog ng Westlife songs. Favorite boyband ko sila!
Kinikilig na sinasabayan ko ang pagkanta nila. Okay lang naman. Mag-isa lang naman ako sa apartment e. Bakante rin ang unit sa kabila. Wala akong mabubulabog.
Last year ko lang nadiskubre ang Westlife. Siguro noong kalalabas lang ng Where We Are album. Nang narinig ko ang kanta nila e hindi ko na sila tinigilan. Nakakabaliw maging fan nila!
Hay naku, kung puwede ko lang silang asawahin e inasawa ko na sila e.
Speaking of asawahin, pumasok sa isip ko 'yung botelya na ibinigay sa akin ni manang. Kinuha kong muli iyon at pinakatitigan.
Kanina kasing nasa labas ako ng simbahan ay nilapitan na lang ako no'ng ale. Kinuwento-kuwento hanggang sa ayun, na-open topic 'yung tungkol sa gayuma hanggang sa binigyan na nga niya ako noon.
"If given a chance, sa Westlife ko gagamitin 'to kaso sobrang labong mangyari 'yun."
Natatawang-naiiling ako sa kapilyahang naisip ko. I was joking of course. Bakit ko naman gagayumahin ang Westlife? Ganda lang, sapat na 'noh?
I hid the potion inside my bag. Afterwards, I fell asleep.
Weeks and months passed by. Nakalimutan ko na nang tuluyan ang tungkol sa potion.
I work as a Fine Dining server in a five-star hotel restaurant somewhere in Manila. Sa tagal ko na sa trabahong ito ay marami na akong na-meet na artista at sikat na personalidad. Gustuhin ko mang magpa-picture ay hindi ko magawa. Bawal sa trabaho e. Sayang nga.
Isang araw ay nagpatawag ng meeting 'yong manager namin. Nagtipon-tipon kami sa banquet hall.
"May special guests tayong i-a-accommodate next month. We're expecting each and every one of you to treat them professionally. Lahat magkakaroon ng chance na makapagpa-picture sa kanila pero iyon ay kapag tapos na mismo ang event."
Lagi naman tayong may special guests. Gaano ba kaespesyal 'yang mga 'yan at nagpa-meeting pa itong manager? Casts ba 'yon ng Boys Over Flowers? Hindi naman yata.
"Eh sir, sino po ang darating?" tanong ni Phil na isa rin sa mga server.
"Sana hindi muna ito makalabas. Baka kasi dumugin tayo ng mga tao."
Nagbulong-bulongan ang lahat.
Napatigil lang ang lahat ng magpatuloy si sir. "Westlife ang nagpa-book sa hotel natin."
Commotion filled the entire room. Papatalo ba ako? Siyempre hindi!
Imagine? May chance na maka-face to face ko sila.
Shems!
Hindi ako makapaghintay na ma-meet sila lalong-lalo na si Nicky, ang pinaka-crush ko sa grupo.
Iba ang aura niya. Parang gusto kong magpalahi sa kaniya nang bongga!
Why not? Single naman siya. Sila na lang ni Mark ang wala pang asawa sa boyband. Sina Kian at Shane naman ay kasal na.
Baka ako lang talaga ang hinihintay ni Nicky. Naks. Haha.
---
Para bang napakabagal lumipas ng araw at oras. Gusto ko na agad mag-July 17. Gusto ko na silang makita.
Nilibang ko na lang ang sarili ko. Hindi ko namalayang dalawang araw na lang ang hihintayin ko bago ko sila makita.
This is it, pancit.
Nag-shopping ako ng mga bagong make up at pabango. Dapat kaaya-aya at presentable akong tingnan. Kailangan angat ang ganda ko para madali nila akong mapansin.
The night before the big day, I prepared everything. Aagahan ko ang tulog ngayon para fresh na fresh ako bukas.
I emptied my bag. Gusto kong i-organize ang laman noon para madali ko lang na mahugot ang mga kailangan kong pampaganda.
Habang itinataktak ko ang mga nasa bag ko ay napukaw ang pansin ko ng maliit na botelya na nahulog mula roon.
'Yung gayuma!
Hinawakan ko iyon at pinaikot-ikot sa mga palad ko. Walang label. Parang kami ni Nicky. LOL
What if lagyan ko ng isa o dalawang patak 'yong food na ise-serve kay Nicky? 'Cause why not?
Napahagikhik ako sa kapilyahan kong naiisip. Iniayos ko ang botelya sa bag at pagkatapos noon ay tumulog na ako.
---
Two hours before the shift e nasa work na ako. Westlife will be here by noon.
At heto na ang oras na pinakahihintay ko.
Habang inaabangan namin ang pagpasok ng Westlife ay humanay kaming magkakatrabaho.
Hindi mapagkit sa pinto ang mga mata ko. Nakaabang sa pagbukas noon.
At hindi nga nagtagal ay nagsipagpasukan na ang media, kasunod noon ang apat na members ng Westlife.
Kung puwede lang sanang tumili, sana ay ginawa ko na!
Dumaan sila sa harap ko. Shems, ang gaguwapo nila. Parang gusto kong magpaampon.
At ang amoy nila? Sobrang babango. Nakakaadik!
Nang nakalampas sila sa amin ay umalis na kami sa pagkakahanay. Ako naman ay dumiretso sa kusina kung saan nandoon na 'yung food na ise-serve.
Pagdating ko roon ay walang tao. Pasimple akong pumunta kung nasaan ang pagkain. Kumuha ako ng isang plate.
I pulled the potion from my pocket. Lumingon-likod muna ako bago ko pinagtuunan 'yong plate na hawak ko.
Buong-ingat kong nilagyan ng isang patak 'yong pagkain. Hindi pa ako nakuntento ay ginawa kong dalawa hanggang sa maging tatlo. E kung totoo man itong gayuma e di lulubusin ko na. Magte-trenta na ako. Road to expiration na ang matres ko kaya dapat mag-asawa na ako. Aasawahin ko si Nicky Byrne. Hehehe!
Napangiti ako nang makita kong humalo na ang ikatlong patak sa pagkain. Ngiting-ngiti ako.
"Ay!" Napapitlag ako nang umungot ang pinto ng kitchen. May papasok!
Sa taranta ay hindi ko namalayang naitaktak ko lahat ng laman ng botelya sa pagkain. Di ko agad napansin iyon kasi dali-dali kong isinara 'yung botelya.
"Cyrusha, nandito ka pala. Tamang-tama, tulungan mo kaming ihatid ang mga pagkain sa Westlife."
Dagling kinuha ko ang pinggang hinaluan ko ng gayuma. "Ako na ang maghahatid nito kay Nicky."
Wala namang pagtutol ang ka-work ko kaya nagdire-diretso na ako sa restaurant.
----
Magkahalong kaba at excitement ang nasa dibdib ko habang humahakbang palapit sa Westlife.
When we approached the table, they all greeted us nicely. Maikli lang iyon dahil bumalik ulit sila sa pag-uusap.
I made sure na ang hawak kong pinggan ay kay Nicky talaga mapupunta.
I smiled in victory as I watched Nicky dig in to the pasta.
--
Tapos nang kumain ang Westlife. Sabi raw, one week silang mananatili rito. May charity daw kasi silang a-attend-an sabi ng manager namin. Hindi na lang nabanggit kung saan kasi confidential. Same reason. Baka dumugin ng tao.
Two hours na lang bago matapos ang shift ko nang dali-dali akong lapitan ng manager ko. Hinahanap daw ako ni Nicky.
Siyempre kinabahan ako. Baka kasi imbes na nagayuma ko siya e na-food poison siya ng inihalo ko tapos inirereklamo ako. Juice colored, huwag naman po!
Kabado kong nilandas ang daan papalapit sa kuwarto niya.
--
Nakakadalawang katok palang ako nang bumukas na agad ang pinto. Napaawang ang bibig ko nang bumungad sa akin ang matipunong katawan ni Nicky na walang kadamit-damit... at ang... wait, napa-swallow ako ng laway.
At ang pambaba niyang natatapisan lang ng tuwalya!
O.M.G.
"Finally, you're here, dear!"
I was left dumbfounded when he pulled me inside his room. The next thing I knew is he is drowning me with his kisses.
---
Three hours have passed. Heto at nakatulala ako sa ceiling ng kuwarto ni Nicky habang walang kasaplot-saplot ang katawan. At sa katabi ko ay mahimbing na natutulog ang binata habang nakayakap sa akin.
And yes, he took my virginity.
Nilingon ko siya at pinagmasdan. Shems, napakaguwapo niya! I am too damn lucky that he's my first. At dahil iyon sa gayumang ibinigay sa akin ni manang.
Para bang nakaramdam na may nakamasid sa kaniya ay nagising na si Nicky. He gave me the sweetest smile ever.
"Hi," he said.
Shems, kinikilig ako!
"I still don't know your name. But can I call you my baby?"
Kulang na lang ay malaglag ang panty ko kaso naalala kong wala nga pala akong panty. Nginitian ko na lang siya ng pagkalaki-laki.
"Of course." Wala eh, landi e.
"We just met but I can't get enough of you." He leaned closer to me and planted another kiss on my lips.
"I want you to be by my side always. I think I'll die if I don't see you."
Naghuhuramentado na ang puso ko. Quota na ako! Woooh!
----
"Bro, are you kidding us? You just met her twelve hours ago. And you said you want to marry her? Are you out of your mind?" Mahina man na sinabi iyon ni Kian pero sapat pa rin para marinig ko.
Nasa bathroom ako ng suite ni Nicky. Nasa may lamesa sila. Nag-uusap usap silang apat.
"You don't understand, Bro. I love Cyrusha. She's driving me crazy!"
Disappointed na nagtinginan sina Shane, Kian, at Mark.
"Bro. You must be kidding. Is it a prank?" tanong ni Shane.
Nagpakawala ng buntong-hininga si Nicky. "Do I look like I am joking?"
Umiling-iling si Shane. Si Mark, tahimik lang sa isang tabi.
"I can sense there is something wrong. I don't know what it is but I'll find out."
Napakagat ako sa pang-ibabang labi. Shuta. Papaimbestigahan ni Shane ang nangyayari kay Nicky. Baka mabuking na nilagyan ko ng gayuma 'yung pagkain niya. Patay.
Pero bakit nga ba gano'n? Tatlo lang naman ang ipinatak ko sa pagkain niya e bakit parang nauulol siya sa akin?
Kinuha ko ang botelya sa bulsa ng pants ko. Gayon na lang ang panggigilalas ko nang makita kong walang kalaman-laman 'yung bote.
Ibig sabihin ay na-o-obsess sa akin si Nicky dahil sa gayuma!
Talagang patay na ako nito!
---
Napagdesisyunan kong umamin kina Shane. They got mad at me at first pero na-explain ko naman nang maayos. Sinabi kong hindi ako naniniwalang mabisa 'yong gayuma. Na out of curiosity lang kaya sinubukan kong patakan ng gayuma yung pagkain ng kaibigan nila.
We immediately brought Nicky to Quiapo. Nagbabaka-sakaling mahanap si Manang.
Habang nasa daan kami e todo lingkis sa akin si Nicky. Ayaw akong pakawalan. Sinabi na namin sa kaniya ang tungkol sa potion pero ayaw pa rin niyang paniwalaan. Pinagdidiinan niyang mahal na mahal daw talaga niya ako.
---
Matapos ang mag-iisang oras na paghahanap kay Manang ay natagpuan namin siya. Napahinga ako nang maluwag nang malaman kong may paraan para i-reverse ang potion. Mabuti na lang talaga.
Nicky was cured. In just 24 hours, nawala na ang obsesyon niya sa akin. He got mad of course but he understood naman. Na kung intensiyonal ang ginawa kong paggayuma e sana hindi ko sila sinamahan na maipagamot siya.
Nicky and I had an awkward goodbye. Di naman siya galit pero siyempre nakakailang kasi alam mo na, nag-anuhan kami. Basta, 'yon na 'yon.
----
Labing isang taon ang mabilis na lumipas. Heto ako ngayon sa loob ng Quiapo, binalikan ang nakaraan. Kung noon ay nagpapaiwan ako sa labas ng simbahan, ngayon ay kasama na ako nina Ofelia at Gertrude sa pagsimba.
Kasama ang inaanak nilang si Nicole.
Yes, si Nicole. Siya ang sampung taong gulang na anak ko kay Nicky. Siya ang bunga ng isang gabing pinagsaluhan namin sa hotel.
"Mommy, are we going home?"
Iniluhod ko ang isang tuhod ko para maging kalebel ng aking anak. "Not yet. May hinihintay pa tayo."
Pagkasabi ko noon ay nakatanggap ako ng tawag. I answered it immediately. "Okay. Okay. We'll be there."
Nagpaalam kami ng anak ko kina Ofelia at Gertrude bago namin lisanin ang Quaipo Church.
A red car was waiting for us outside. My lips formed a smile.
"Baby, I'm sorry if I didn't go with you today."
Hinalikan ko sa pisngi ang nagsalita. "Okay lang 'yon, Baby. Alam kong busy na kayo pagpe-prepare for the Wild Dreams concert tomorrow. We'll go to church all together next week na lang."
"You're really understanding, Baby," he said. "And that what makes me fall in love with you."
"Mom! Dad! I'm still here, okay?" pagmamaktol ni Nicole sa passenger's seat.
Nicole's dad and I looked at each other while surpressing a laugh. Few seconds later, we both burst into laughter cause we can't control it anymore.
Yes, happily married na ako kay Nicky. Siya rin ang nakatuluyan ko. Pagkatapos ng kakaibang pagtatagpo namin several years ago e hindi na natigil ang komunikasyon namin lalo pa at nalaman naming nagkaroon ng bunga ang nangyari sa amin.
We started from being co-parents hanggang sa naging magkaibigan na kami and eventually, natuloy din sa pormal na ligawan stage. After three years of dating, nagpakasal na rin.
Oy, legit na ito ha? Wala akong ginamit na gayuma. Ito 'yung literal na ganda lang ang puhunan. Haha.
I still can't believe that my life will turn like this. Nang dahil sa gayuma, nakatuluyan ko ang iniidolo kong boyband member- walang iba kundi si Nicky Byrne.
End
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro