Story #5 Wish Upon the Boyband Stars
Pinilit kong ngumiti sa kabila ng hindi maampat na pagluha na kanina ko pa ginagawa.
"Y-You're all here." Sa wakas ay naiusal ko rin ang kanina pang nais kong sabihin. Isa-isa kong tiningnan ang apat na lalaki na pawang nasa kuwarenta ang edad. Nakatayo sila malapit sa kinaroroonan ko.
"How are you, Kyla?" Napalingon ako sa lalaking mayroong kastanyong mga mata. Si Shane.
"I feel better." Sa wakas ay huminahon na ako kahit papaano. Kanina kasi e parang naninikip ang dibdib ko sa pagkagulat na naramdaman ko nang pumasok sila sa pinto ng kuwartong kinaroroonan ko.
Sa wikang Ingles ay sinikap kong sagutin ang mga katanungan nila. Paanong hindi e isa itong pambihirang pagkakataon... na hindi ko akalaing mangyayari..
...at alam kong hindi na mangyayari pa.
Isa lamang akong ordinaryong babae. Walang nakakabit na pangalan o titulo. A nobody.
Isang araw e wala sa loob akong nag-i-scroll down sa newsfeed ko nang may makita akong isang post. Isang Irish band na binubuo ng apat na miyembro ang nag-reunion.
Pawang hindi ko kilala ang mga miyembro nito. Ani ng mga nasa nag-comment, 90's boyband daw ito. Sikat na sikat daw ito noong kapanahunan.
Westlife? Pamilyar... pero hindi ko talaga sila kilala.
More on Western music kasi ang kinahihiligan ko. Mga kanta nina Shawn Mendes, Charlie Puth at Justin Bieber ang gustong-gusto ko.
Doon umusbong ang kuryosidad ko kaya nag-research ako ng tungkol sa Westlife. Nakakaintriga kasi yung dami ng tao na nagbubunyi sa pagbabalik ng grupong ito.
Nang unang beses ko silang iginoogle ay pagkamangha agad ang puminta sa mukha ko. Bumagsak ang panga ko na para bang nag-aanyaya yun na mapasukan ng langaw.
Ang gaguwapo.
Lalo na noong kabataan nila! Shems. Hindi ko akalain na may ganito pala kaguwapong nilalang dalawang dekada na ang nakalipas.
Noong araw ngang yun ay idineklara ko ang sarili ko na maging fangirl ng Westlife. A late bloomer fan na maituturing 'ika nga nila.
I've collected almost all merch nila. Kahit iyong rare items pati Japanese CDs. Name it. Meron ako ng mga yun. Wala namang pagtutol ang mga magulang ko kasi pera ko naman daw ang ibinibili ko ng mga 'yun. Ang swerte ko dahil biniyayaan ako ng parents ko ng supported sa pagiging fangirl ko. Idagdag pa roon na si mommy ay lowkey fan din pala ng Westlife. Tumigil lang daw siya sa pagiging fan noong umalis sa grupo ang bias niyang si Brian.
Ako naman ay torn between Shane and Nicky. Sila ang pinakapaborito ko sa grupo. It is not that ayoko kina Kian at Mark. Mahal ko rin sila. Yun nga lang ay lamang lang nang kaunti 'yung dalawang nabanggit ko noong una.
Palagi rin akong updated sa Instagram nila na para bang nagiging parte na ng daily routine ko ang pag-check ng accounts nila. Wala e. Fan e. Lagi ko silang m-in-emention sa IG stories ko kahit never pa nila 'yun nasi-seen. Masakit. Pero naiintindihan ko. Sa dami naman siguro ng fans na minemention sila sa story e baka abutin sila ng siyam-siyam sa pag-view sa mga 'yun.
Na-attend-an ko rin 'yung concert nila noong 2019. Yun yung una... at.... at huling concert kong na-attend-an nila.
Alam kong kahit kailan ay hindi ko na magagawa 'yun.
Tumingala ako para muling kumbinsihin ang sarili kong nasa realidad ako at hindi nananaginip lang. O hindi naman kaya parte ito ng hallucinations?
Nakaramdam ako ng kaba. Maaaring sintomas ito ng paglala ng kondisyon ko.
Mayroon kasi akong pituitary tumor which is considered inoperable. Mataas sana ang survival rate ng mga pasyenteng nagkakaroon nito kaso nga lang, sa kondisyon ko e malabo na 'yun. Huli na kasi naming nalaman. Parang two weeks ago lang.
Masakit sa akin na malamang hindi na ako tatagal sa mundong ito. Para bang sa pagkakataong sinabi ng doktor ang malagim na balita sa amin ay parang namatay na rin ako.... kasabay ng pagkamatay ng mga pangarap ko.
Gusto ko pang bumawi sa mga magulang ko. Gusto ko pang mapagtapos ang mga kapatid ko. Gusto ko pang mag-travel sa buong mundo... at gusto kong makita ang Westlife.. sa huling pagkakataon.
Kaya ngayon ay nag-aagam agam ako kung totoo bang nandito ang Westlife o isa lang itong bunga ng halusinasyon.
Kung halusinasyon man ito ay ayaw ko nang bumalik sa realidad.
Iniabot ko ang kamay kong walang nakakabit na IV fluid sa kanila.
"A-Am I not dreaming?"
Nagtinginan ang apat at sabay-sabay silang umiling.
Napatingin ako sa taong nasa may bandang likod lang ng Westlife. Mayroong may humahawak ng camera.
Isang babaeng nakapormal ang lumapit sa akin.
"Hi, Kyla. Ako nga pala si Dianne Caballero. News anchor ako sa LMN Network." May ipinakita siyang ID.
Kaya pala siya pamilyar e may programa siya sa TV.
Umupo siya sa may tabi ko at doon niya ipinaliwanag na nag-viral 'yung post ng kapatid kong si Camille, garnering 1 million likes and 300,000 shares. Hindi ako aware doon kasi hindi naman ipinapakita sa akin 'yun ng sinuman sa pamilya ko kaya gulat na gulat ako.
Sobrang sakit sa puso na malaman namin na hindi na namin makakasama nang matagal si Ate Kyla... I need your help netizens. Baka puwedeng pa-share nitong post? Baka pwedeng makahingi kahit isang video mula sa Westlife na binabati ang ate. She's a big fan at gusto ko sana na kahit sa ganitong paraan e makita kong muli ang ngiti niya. Mahal na mahal ko ang ate ko. :(
My heart shattered into pieces to know that my sibling is in pain because I'm in pain. Mas lalo akong nahihirapang iwan ang mundong ito. A tear shed from my eye.
Sabi ni Dianne, nakarating daw agad sa Westlife yung post ni Camille. Nagplano silang puntahan ako rito sa Pilipinas imbes na birthday greeting lang ang ipadala.
Labis ang kaligayahang nadarama ko. Tunay nga, at hindi hallucination lang ang lahat ng ito. Totoong-totoo.
Nagsipag-alisan na ang ibang mga tao sa loob ng kuwarto ko. Ngayon ay lima na lang kami rito.
Kinausap nila ako na parang matagal na nila akong kakilala. And that gave me a warm feeling. I do not usually talk kasi madalas e sina Nicky at Kian lang ang salita nang salita. Sina Shane at Mark naman ay patawa-tawa lang pero nagsasalita naman paminsan-minsan.
Every second that I have with them feels like it's worth more than a ton of gold. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala.
Hanggang sa dumating na ang oras na kailangan na nilang magpaalam. Pero bago yun ay hinandugan muna nila ako ng limang kanta.
Puro masasaya ang beat. Uptown Girl, World of Our Own, Starlight, When You're Looking Like That at I Lay My Love on You.
Ang saya-saya. Ibang-iba pa rin talaga kapag nasasaksihan mo silang kumanta mismo. Lalo't higit iba ang feeling dahil ikaw ang mismong kinakantahan nila noon.
Sa panghuling kanta ay hinayaan nila akong magrequest.
Umiba ang ekspresiyon ng mukha nila nang banggitin ko kung ano ang gusto kong ipakanta sa kanila. They look at each other na para bang nagtatanungan kung itutuloy ba nila yung pagkanta o hindi.
Sa huli ay tumango si Shane, ang tumatayong leader ng grupo. "Let's do this, lads."
Pumailanlang ang katahimikan sa paligid habang iniintay nila ang instrumental music...
Everytime I close my eyes
You're all that I can see
I requested them to sing Too Hard to Say Goodbye. Track nila sa Gravity album.
I hold you in my heart
And know you're watching over me
Napangiti ako habang umiiyak. Atleast, nabigyan ako ng chance na mapakinggan ang funeral song ko. And it not just an ordinary one.... because it is very special.
Standing by your side
It felt like I could fly
If I could be half the man that you are in my eyes
And I could face the darkest day
And fight the tears inside
I can't turn the page or hold back the time
It's too hard to say goodbye
It's too hard to say goodbye
Pinuntahan ako ng lads pagkatapos nilang kantahin yun. Without a word, I received a hug from them. Tears may not be seen from their eyes but I can sense the sympathy.. the sadness that they feel towards me.
"Thank you for visiting me, Westlife. I will never forget how you made my life special before I leave..."
Pinilit kong umupo mula sa pagkakahiga. Inalalayan nila ako at muli ay nagrequest ako ng hug mula sa kanila.
Sa pagyakap ko kay Nicky ay dumilim na ang paningin ko. Hindi na nagliwanag pang muli iyon. But it's okay. I'm ready to cross the other side without a heavy heart.
All thanks to my sister who wished upon the boyband stars...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro