Story #16 The Consequence
Buong ingat na ipininid ni Cassandra ang main door ng kanilang tahanan. Nang matagumpay niyang gawin iyon, gusto niya sanang maglulumpat ngunit pinigilan niya ang sarili. . .
. . . dahil hindi pa siya tuluyang nakakaalis.
Dahan-dahan ang naging paghakbang niya palayo. Binuksan pa niya ang lente ng flashlight upang masigurong walang anumang bagay ang haharang sa daan na magdudulot ng anumang tunog.
Pinakawalan niya ang kanina pang pinipigil na paghinga nang makalampas siya sa isang kanto ng kalsada.
Sandali siyang pumunta sa may waiting shed kung saan may nagliliwanag na poste ng ilaw. Nagpalinga-linga muna siya bago niya hugutin ang cellphone sa suot na shoulder bag.
“Ash, nakalabas na ako. Kitain mo 'ko sa may 7-Eleven.”
“Hoy, Cass Tutuloy ba talaga tayo? Gaga ka. Kapag may nangyar—”
“I’m good,” sansala ng dalaga sa kaibigan. “Katawan ko ito. Alam ko kung may nararamdaman ako o wala. Hindi naman ako magpupumilit kung hindi ko kaya.”
Sadyang pinarinig ni Ashley ang pagbuga ng hangin sa kabilang linya. “O sige na. Pumunta ka na rito. Nilalamok na ako rito sa labas.”
Nang maputol na ang tawag ay muling ibinalik ni Cassandra ang cellphone sa pinagkuhanan. Napasinghap siya. Sinimulan na niya ang paglalakad.
Patungo sa Westlife concert ang dalawa. Kung tutuusin, malapit lang naman ang pagdarausan pero kinailangan nang lumabas ng bahay ni Cassandra nang alas tres ng madaling-araw. . .
. . . dahil tumakas lamang siya.
Cassandra considers herself to be an avid— most avid fan of Westlife as she claims. It was year 2018 when she discovered this Irish boyband, panahon kung kailan nag-reunion ang apat na miyembro nito, mula sa halos anim na taong hiatus. She ultimately fell in love with this boyband nang marinig niya ang new hit single ng mga ito noon na Hello My Love. Mula nga noo’y sinimulan na niya ang pagiging fangirl sa Westlife.
Tulad ng ibang tagahanga, palagi siyang updated sa mga ganap ng Westlife. She follows their social media accounts. Hindi rin siya magpapatalo sa pagbili ng official merchandise ng grupo. Bumili siya kahit iyong mga nai-release noong nagsisimula pa lamang ang boyband dalawampung taon na ang nakaraan.
Nang mag-announce ng world tour ang Westlife noong 2019, laking tuwa ni Cassandra nang mapabilang doon ang Pilipinas. Isa siya sa mga unang nakabili ng ticket pagkabukas na pagkabukas pa lamang ng ticket selling. Iyon nga lamang, laking panlulumo niya nang i-deny ng supervisor niya ang vacation leave sa mismong araw ng concert kaya hindi siya nakapunta. Wala siyang choice kundi ang ibenta sa kakilala ang nabiling ticket.
She regretted her decision that time. Ipinangako niya sa sarili na sa susunod na konsiyerto ay hinding-hindi na niya palalampasin iyon. By hook or by crook.
Pagsapit nga ng 2022 ay heto na ang kaniyang pinakahihintay. Sa kabutihang-palad ay kabilang muli ang Pilipinas sa mga bansa kung saan idaraos ang Wild Dreams concert ng Westlife. Walang kapares ang kaniyang kasiyahan!
Siniguro niya na maaga pa lang ay nakapagsabi na siya sa kaniyang supervisor na magli-leave siya. Binigyan naman siya ng assurance ng huli na sa pagkakataong ito ay ma-a-approve na ang kaniyang inuungot na isang araw na bakasyon.
Sumapit ang araw ng ticket selling. VIP ticket ang napiling bilhin ni Cassandra. Row 3 sa may bandang gitna. ’Ika nga ng mga naka-attend na sa nagdaang concert, isa iyon sa pinakamagandang upuan dahil kitang-kita ang Westlife saanmang parte ng bulwagan sila pumiwesto.
Nang saktong isandaang araw bago sumapit ang pinahihintay niyang araw ay nag-umpisa nang mag-countdown si Cassandra. Sumisigla siya sa tuwing may naeekisan siyang araw sa kalendaryo.
Eksaktong tatlumpung araw bago ang concert, habang nasa trabaho ay nakadama ng kakaibang sakit sa puson ang dalaga. The pain is unbearable to the point that she passed out in front of her computer. Nang magising siya ay nasa loob na siya ng ospital, maraming nakakabit na aparato sa kaniyang katawan.
“May mayoma ka sa kanang obaryo, Miss Vitangcor. Masyado na itong malaki kaya kailangan na itong tanggalin sa lalong madaling panahon.”
“P-Po?” Sinubukan ni Cassandra na iangat ang likod pero nanakit ang kanang bahagi ng kaniyang puson. Napahiyaw siya sa labis na sakit kaya agad siyang dinaluhan ng doktor.
“Doc, baka puwede pong i-reschedule na lang? February 22 na lang po.”
Napasulyap ang doktor sa kalendaryong nakasabit sabay umiling-iling. “Maaari mong ikapahamak ang pagpapaliban ng operasyon, Miss Vitangcor.”
Lumambong ang mga mata ni Cassandra. “P-Pero . . . ’Yong concert.”
“Huwag matigas ang iyong ulo, Cassandra. Makinig ka kay doc!”
Napatingin ang dalaga kay Aling Corazon, ang kaniyang ina, na kapapasok lamang ng pinto. May bitbit itong ilang supot na may lamang groceries at prutas.
“Mama . . .”
Nagpaalam muna ang doktor sa dalawa. Nang masigurong wala na ang huli ay binalingan ni Aling Corazon ang anak.
“Tigil-tigilan mo muna iyang kawe-Westlife mo, Cassandra. Buhay mo ang pinag-uusapan dito.”
Gustong sansalahin ng dalaga ang ina ngunit hindi niya magawa. Para bang siya ay hinang-hina.
Sa huli ay nanaig pa rin ang kagustuhan ng kaniyang ina. Kinagabihan din ay sumailalim siya sa tatlong oras na operasyon para tanggalin ang bukol sa obaryo. Matagumpay naman iyon.
Dalawang araw ang itinagal ni Cassandra sa ospital. Nang makauwi ay hindi pa rin siya nakakikilos. Damang-dama pa niya ang epekto ng operasyon na kasasagawa lang. Meals are being served to her in the bedroom.
“Mama, siguro ho ay puwede na po akong manood ng concert. Bumabalik na po ang lakas ko.”
“Kapag hindi, ay hindi.” Nilingon siya ng ina. “Iyang tahi mo nga e hindi pa natutunaw. Aabutin pa raw ng anim na linggo sabi ng doktor. Gusto mo bang duguin ka? O e buti nga kung duguin ka lang, eh, kung tuluyang masira iyang right ovary mo? Paano ka na magkakaanak?”
“Si mama naman, advance mag-isip,” himig-biro ni Cassandra kay Aling Corazon.
“Talagang advance.” Medyo tumaas na ang tinig ng ginang. “Sinasabi ko lang ang posibleng mangyari kapag hindi mo ako tinantanan ng pangungulit sa Westlife mong iyan.”
Hindi na nakipagtalo pa si Cassandra sa ina. Sa tono ng pananalita ni Aling Corazon ay alam na niyang buo na ang desisyon nito. She will never get a blessing from her mother to go to the concert.
Kaya naman isang desisyon ang nabuo sa utak niya. Tatakasan niya ang ina sa araw ng concert. Ang pag-uwi ay hindi pa niya pinoproblema.
“Huy, Cass!”
Napalingon si Cassandra sa kaibigan nang bahagyang hampasin nito ang kaniyang braso.
“Bakit?”
“Anong bakit? Kanina mo pa hinahaplos ang tiyan mo. Sumasakit ba ang post surgical wounds mo?” usisa ni Ashley.
“Gaga. Gutom lang ako noh! Palibahasa’y ni hindi man lang natin naisip bumili kahit ng hotdog sa 7-Eleven kanina.”
Lumiwanag ang kanina ay nag-aalalang mukha ni Ashley. Nakumbinsi sa eksplanasyon ng kaibigan. “O sige. Mamaya pagbaba e kumain muna tayo. Puwede ka na ba mag-solid food?”
Umiling ang tinanong. “Magki-creamy mushroom soup na lang ako or mashed potato.” Muling itinuon ng dalaga ang pansin sa bintana.
Ang totoo niyan, hindi pa talaga siya gutom. Nakararamdam lang siya ng panaka-nakang parang turok ng karayom sa may bahaging naoperahan. Napalabi siya. Isang bahagi ng utak niya ang nagsasabi na parang may mali pero iniignora na lang niya.
Mga bandang alas otso ng umaga ay nag-book ng room sa isang hotel ang dalawa. Halos labindalawang oras pa naman kasi bago ang concert. Marami pang oras ang puwede silang ipahinga.
Tatlumpung minuto bago mag-concert ay nasa Araneta na sina Ashley at Cassandra. Bitbit nila ang lightstick na ipinasadya pa nila sa isang pagawaan.
“Namumutla ka.” Kinalabit ni Ashley si Cassandra.
“H-Ha?”
“Okay ka lang ba?”
Isang pilit na ngiti ang isinukli ni Cassandra sa kaibigan. “Sobrang okay na okay!”
“Magsabi ka lang kapag may kakaiba ka nang nararamdaman, ah?”
Isang tango ang itinugon ni Cassandra at pagkatapos noo’y ibinaling na niya ang tingin sa stage.
She lied. Ang totoo niya’y hindi siya okay.
Mas madalas na ang pananakit ng kaniyang puson. Mas tumindi rin iyon. Tolerable pa naman kanina pero nang makapasok sila sa Araneta ay tila ba mas sumama ang kaniyang pakiramdam.
Sandaling nawaglit sa isip ni Cassandra ang iniindang sakit nang lumantad sa stage ang mga iniidolo–sina Shane, Kian, Mark, at Nicky. Halos maluha siya sa sobrang katuwaan. Napakalapit niya sa apat!
She sings her heart out. Lahat ng nasa set list ay memoryado niya ang lyrics. Ganoon siya kapreparado.
Nadala rin siya sa enerhiya ng kapwa fans niya, to the point na napalukso rin siya nang magluksuhan ang mga ito.
“Ouch!” Napahawak sa may puson si Cassandra. Hindi maipaliwanag na sakit ang bumadha sa kaniyang ekspresiyon. Akala niya, lilipas lang ang nararamdaman niyang iyon but she was wrong. The pain gradually increases. . . until she passes out.
Pagmulat ni Cassandra ay nasa isa siyang pamilyar na silid. Nag-iiyakan ang mama at ang papa niya. Kararating lang ng huli mula sa trabaho sa Visayas.
Hindi maunawaan ng dalaga kung bakit ganoon ang kaniyang mga magulang.
“Pa? Ma? B-Bakit po kayo umiiyak?”
Kumalas sa pagkakayakap sa isa’t isa ang dalawa para makalapit sa nag-iisang anak. Tiningnan muna ng mga ito ang anak, na tila ba tinitimbang kung tama bang sabihin na ang nalalaman sa dalaga nang ganito kaaga.
“Tinanggal na ang kanan mong obaryo, anak,” si Raul ang nagsalita, ang kaniyang ama. “Nag-bleeding iyon na kaninang umaga pa pala nagsimula kaya hindi na nila naagapan. Wala silang choice kundi ang alisin iyon.”
Napatango-tango si Cassandra. “Ahh, iyon lang pala. May left ovary pa naman po ako, eh. Puwede pa akong magkaanak.” Tuloy-tuloy niyang sinabi iyon para pakalmahin ang mga magulang.
Nagkatinginan sina Aling Corazon at Mang Raul, dahilan para umusbod ang kaba sa dibdib ni Cassandra.
Napalunok nang ilang beses ang dalaga. “B-Bakit po?”
Kinuha ni Aling Corazon ang isang kamay ng anak at dinala iyon sa bibig para hagkan. Sinabayan niya iyon ng pagpisil. Isang malalim na paghinga ang pinakawalan niya bago nagpatuloy. “Hindi ka na magkakaanak, Cassandra.”
Tumaginting ang sinabing iyon ng ina sa mga tainga ng dalaga.
Hindi ka na magkakaanak, Cassandra.
Hindi ka na magkakaanak, Cassandra.
Hindi ka na magkakaanak, Cassandra.
“A-Ano po?”
Muling nagpatuloy si Aling Corazon. “Ipinakita ng gynecologist mo ang ultrasound. Hindi nangingitlog ang iyong kaliwang obaryo, anak. Ang kanang mong obaryo sana ang huling pag-asa para magkasupling ka pero ngayon ay wala na rin ito.”
Tila gumuho ang mundo ni Cassandra sa rebelasyon ng ina. Ayaw tanggapin iyon ng kaniyang sistema.
Hindi na siya magkakaanak dahil sa katigasan ng kaniyang ulo.
Hindi na siya magkakaanak dahil hindi siya nakinig sa kaniyang ina.
Hindi na siya magkakaanak dahil inuna pa niya ang pag-attend sa concert kaysa ang sarili niyang kalusugan.
“Hindi!” Umalingawngaw sa buong silid ang sigaw ng dalaga. Sinundan iyon ng panaghoy na abot hanggang sa mga katabing kuwarto.
Kung nakinig lang sana siya . . .
Wakas
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro