Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Story #13 - The Shooting

"Good morniiiiiing!" Halos mapuno ng boses ko ang lawak ng aming dining room.

"Ang ganda ng gising ng anak ko, ah," ani mama na may hawak na plato. May laman iyong pancake, bacon, at dalawang sunny side up na itlog. Inilagay niya iyon sa harap ko.

"Sobrang ganda talaga, 'Ma." I faced her while wearing a wide smile on my face. "Nag-announce ng concert ang Westlife sa February 20, 2023. Hindi puwedeng hindi ako uuwi niyan sa Pinas."

Umupo si mama sa tapat ko. "Wow, parang dalawang linggo lang ang nakaraan, ang bukambibig mo e hindi ka na uuwi kahit kailan sa atin. Na sabi mo kamo e—"

"Na sobrang fucked up ng resulta ng eleksiyon kaya ayoko nang bumalik? Yes, ’Ma. Nothing will change." Tinusok ko ng tinidor ’yong pancake na binudburan ko ng maple syrup. "Pero para sa Westlife, I'm willing to make an exemption." Napatawa ako nang marahan.

Naiiling na natatawa lang si mama habang nakatingin sa akin. "O sige na. Bilisan mo na ang pagkain diyan. Baka ma-late ka na sa school."

Isang tango ang itinugon ko kay mama.

Kinse minutos lang ang ginugol ko sa pagkain. Pagkatapos noon ay nag-shower na agad ako. Wala pang isang oras e nasa sasakyan na ako papunta sa school.

I work as an elementary teacher in Uvalde Elementary School in Texas. Eight years na akong nagtuturo dito. Gusto ko nga sanang sa Pilipinas na lang i-practice 'yong profession ko kaso nga lang hindi ko mabubuhay ang mama ko at walo kong kapatid sa kakarampot na sahod doon. Ayun, mabuti na lang e natanggap agad ako rito sa America. So far, okay naman na ang pamilya ko. Tatlong kapatid ko na ang napepetisyon ko at ang natitirang lima ay for approval pa.

Kaunti na lang at mabubuo na kaming muli. Magkakasama na kaming lahat dito.

Avid fan ako ng Westlife. Kinalakihan ko 'yang mga kanta nila. Kagabi, alas onse rito, at alas dose naman ng tanghali sa Pinas e nag-announce sila na magkaka-concert daw sila. Sobrang nakakangarag, as in! Sabi ko, hindi puwedeng hindi ako a-attend this time. Hindi kasi ako nakauwi sa Pinas noong nag-concert din sila three years ago. Kulang kasi ang teachers noon sa school.

Nakausap ko na si Timo, 'yung pang-anim kong kapatid. Siya 'yung napakisuyuan kong pumila para sa ticket ko. Baka kasi ma-hassle kapag online ako magbabayad e. Mabuti na ang sigurado.

Siyempre, VIP ako. Minsan na nga lang makapunta sa concert, lulubusin ko na. Sayang eh.

Hayyy. Nakaka-excite. Ano kaya ang itsura nina Shane, Mark, at Kian sa malapitan? Lalo na si Nicky? Siguro mas lalo silang guwapo!

Napangiti ako. Siyam na buwan na lang naman ang hihintayin ko. Mabilis na 'yun.

***

I finally reached the school. I was greeted by multiple students and co-teachers. Ako naman, todo ngiti. Good mood eh.

Pagdating ko sa faculty, sinalubong ako ni Reese. Napansin niya agad ang mood ko. Siyempre ako, todo kuwento naman. Hindi raw siya pamilyar sa Westlife. Ang alam lang daw niya e NSYNC. So ang ginawa ko, I tried my best to introduce Westlife to her in summary. Pinarinig ko pa nga sa kaniya 'yung Starlight na kari-release lang last year. She loved it!

Marami pa sana akong ikukuwento sa kaniya kaso time na. Dumiretso na ako sa advisory class ko. Grade five students.  Mababait sila. Hindi sila iyong bully na sobrang kukulit as compared to the stereotypes being shown in movies. Madadali lang silang pasunurin.

***

Natapos na rin ang buong umaga ng pagtuturo ko. I'm prepping to go home pero magpapahinga muna ako. Medyo maalinsangan ang panahon e. Hindi ko alam kung bakit.

Papikit na sana ang mga mata ko nang mapatingin ako sa corridor. Nagsisimula nang dumating ang mga estudyante na panghapon ang klase. I spent few minutes just looking at their innocent and happy faces. Lahat excited pumasok at makakita ng kaibigan.

"Helen, wanna join us? There's a new resto three blocks away." Si Krissy iyon, kapwa ko guro.

"Let's try it next time, Krissy. My stomach's not yet grumbling."

"Alright. Take care, I'll head my way out!"

I just nodded using my two eyebrows then went back to my position. Sinalpakan ko ng earphones ang mga tainga ko. Magpapaantok ako habang nakikinig ng Westlife songs.

***

Hindi pa ako nakatatagal sa pagtulog nang gambalain ako ng tila ba hiyawan at palahaw sa labas ng faculty. Napatuwid ako ng upo at tinanggal ko ang earphones sa mga tainga ko. Noon mas naging malinaw ang komosyon sa labas.

What's going on?!

Ibinulsa ko ang phone ko at dali-dali akong lumabas. Halos mawalan ng kulay ang mukha ko nang makita ko ang ilan sa mga estudyanteng nakahiga sa ground... at naliligo sila sa sariling dugo?!

Halos sumabog ang puso ko nang may marinig akong sunod-sunod na putok ng baril. Galing sa isang classroom??

Isa lang ang naiisip ko. May mass shooting!

Gusto mang pumanaw ng ulirat ko pero mas nanaig ang utak ko. Teacher ako. Kailangan kong iligtas ang mga estudyante sa paaralang ito.

Lakad-takbo ang ginawa ko palapit sa pinagmumulan ng putok ng baril. Gano'n na lang ang sindak ko nang makita ko kung paano barilin ng isang teenager na lalaki ang isang estudyanteng nakasiksik sa desk. The girl was shot in the head.

"No..." Medyo napalakas iyon kaya napalingon sa akin ang salarin. He grinned and pointed his gun at me.

Mabilis nag-respond ang reflexes ko. Agad akong nakaiwas. Tumakbo ako nang tumakbo. Hindi ko nililingon ang salarin.

I bumped with a group of eight students.

"Ms. Dela Cruz," they cried in unison.

"You shouldn't be here, kids. Let's find a place to hide!"

Dali-dali ko silang iginiya papunta sa science lab. Bahala na.

"Quiet, kids. Don't make any noises," I told them as low as possible. Bagama't naiiyak ay naunawaan naman ng mga bata ang sinabi ko. Mayamaya ay napakalma na rin sila.

We stayed inside for a couple minutes. Ang sigawan sa labas ay unti-unti nang naparam.

Tapos na ba?

Ewan. Hindi ko alam.

Mayamaya ay may narinig kaming pagkatok sa pinto. At first, I was hesitant but the person introduced himself as a police officer.

I was relieved. Siyempre, pulis eh.

I instructed the kids to go to the comfort room inside the lab. I told them to lock it from the inside. Mas mabuti na ang nag-iingat.

Nang makapasok sila ay saka lang ako nagkalakas ng loob buksan ang pinto.

"Mr. Offi—"

Napatigagal ako. Hindi pulis kundi ang shooter ang kaharap ko!

Hindi pa lubos ang gulat ko. Napatungan pa iyon ng emosyon nang itutok niya ang baril sa noo ko.

H-Hindi!

"Get out of the way, you cunt!"

"N-No!" Iniharang ko ang katawan ko sa pinto. Hindi siya puwedeng pumasok. May mga bata sa loob!

He pushed me so I stumbled. Papasok na sana siya pero pinatid ko ang paa niya kaya natumba siya. Bumagsak siya una ang mukha. Tumilapon ang baril niya ilang metro mula sa puwesto niya.

I didn't think twice. Gumapang ako papunta sa baril. Uunahan ko na siyang patayin kaysa kami ng mga bata ang mapatay niya!

Maaabot ko na 'yung baril nang may umapak sa kamay ko. Napakadiin noon. Sobrang sakit na para bang nadudurog ang mga buto sa loob noon!

Tumingala ako. 'Yung shooter ang umaapak sa kamay ko.

"Ahhhhhhhh!"

Ngumisi siya na para bang demonyo. Tuwang-tuwa pa siyang nasasaktan ako.

Narinig kong bumukas ang pinto ng CR. May sumilip na ilan doon.

"Get back inside!" I shouted. Sinunod naman nila ako at narinig kong sumara ang pinto.

"So that's where y'all are hiding," ani ng lalaking mamamatay-tao.

"D-Don't you dare lay a finger on them. I'll drag you down to hell!" Hinawakan ko ang kaniyang binti gamit ang isang kamay na hindi niya inapakan.

Sinipa niya ako. Napaigik ako sa sakit. Umupo siya in a frog position. "Hey cunt. Say hi to my viewers. We're live!"

I gave him a dagger look. "I will not let you hurt the students. You'll pay for this!"

I attempted to get up but next thing he did shocked me.

Binaril niya ako sa magkabilang balikat.

Di maipaliwanag na sakit ang nararamdaman ko noon. Sobrang sakit.

"Don't hurt... the.. students..." I tried my best to say that kahit hirap na hirap na ako.

He fired another bullet to me. Sa pagkakataong iyon ay tumama iyon sa may tiyan ko.

Unti-unting lumabo ang mga mata ko. Sa pagkakataong iyon ay kapakanan ng mga estudyante pa rin ang naiisip ko.

Nararamdaman kong nauubos na rin ang paghinga ko. Sa puntong iyon ay naalala kong bigla ang Westlife.

Isang mapait na luha ang kumawala sa isang mata ko.

Akala ko makikita ko na ang Westlife.

Akala ko makaka-attend na ako ng concert nila.

Hindi na pala.

Ginawa ko ang aking makakaya para hugutin ang aking cellphone.

Gusto kong pakinggan ang Westlife.

Nababahiran na ng dugo ang screen ng phone ko.

Pinatugtog ko ang End of Time mula sa Wild Dreams album.

Unti-unting dumidilim ang paningin ko pero bago iyon ay narinig ko ang sunod-sunod na putok ng baril. Gusto kong umiyak pero wala akong kakayanan.

Ang mga bata.

Pero may bumagsak na katawan sa ibabaw ko. Noon ko napagtantong ang shooter pala iyon.

Siya ang nabaril, hindi ang mga bata.

Isang ngiti ang kumawala sa mga labi ko bago ko ipikit ang aking mga matang kailanma'y hindi na bubukas pang muli.

The End

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro