Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Story #11 My BFF is My Surrogate Partner

Nakaupo sa stainless steel waiting chair ang magnobyong sina Cailean at Mark. Nasa ospital sila ngayon. Wala naman silang sakit na nararamdaman. Naroon lang sila para sa regular check up.

Ikalabing-apat at ikalabinlima sila sa pila. Habang naghihintay ay nag-uusap muna silang dalawa para malibang.

"Hon, tingnan mo sila, oh." Itinuro ni Cailean ang LGBTQIA+ couples na may kasamang toddler na sa wari nila ay dalawa o tatlong taong gulang. Ang bata ay nakakalong sa isa habang nakikipag peek-a-boo sa isa.

"Ang cute naman nila," tugon ni Mark.  Pinisil niya ang isang kamay ng katipan sabay tiningnan ito. "Nakakainggit."

Isang ngiti ang itinugon ni Cailean. "Pag-usapan natin ito nang masinsinan pag-uwi sa bahay."

•••

Pag-uwi nga nila ay nabuksan nilang muli ang topic ng pagbubuo na ng isang pamilya. Pangkaraniwan naman na para sa LGBTQIA+ couples na tulad nila ang pagkakaroon ng anak sa paraang surrogacy o iyong magha-hire sila ng isang babae na magdadala ng magiging anak nila. At iyon ang napag-usapan nina Cailean at Mark.

Kapwa thirty years old na ang dalawa. Their hearts only beat for the same sex yet they still dress up as a man.

Nagkakilala sila sa isang party sa Sligo limang taon na ang nakaraan. Nagkagustuhan sa una palang at hindi nagtagal ay naging magkasintahan sila. Nagsama rin sila sa isang bubong pagkaraan ng ilang buwan.

"Hon, sino kaya ang puwedeng magdala sa magiging sanggol natin? Mahirap na ang magtiwala sa panahon ngayon," ani Cailean.

Napatingin si Mark sa labas ng bintana. "May kilala ako, Hon."

•••

"Ano? Gagawin mo akong paanaking baboy? Taena mo naman, Mark," ani Marjorie na hawak-hawak ang cellphone. Kausap niya sa kabilang linya ang childhood bestfriend. Mas matanda ito sa kaniya ng limang taon.

"Hoy, hindi biik ang magiging anak ko 'noh. Dali na, para namang hindi ka bestfriend eh."

Itinigil muna ni Marjorie ang ginagawang explosion box. Ito 'yung kasalukuyang pinagkukuhanan niya ng kita, ang tumanggap ng kliyente na nagpapagawa sa kaniya nito. Minsan, gumagawa siya pang-debut, pang-Valentines, pang-graduation, o pang-monthsary. Subok na siya ng mga taga-Taguig kaya siya ang pinupuntahan ng mga tao kapag naghahanap sila ng pagawaan ng explosion box.

"Para namang humihingi ka lang ng candy e. Ayoko nga. Ni sa hinagap ayaw kong magbuntis. Alam mo namang babae rin ang gusto ko e."

Tama. Part din ng LGBTQIA+ si Marjorie at plano niyang mag-transition into a man anytime soon. Pera na lang talaga ang pinoproblema niya.

Iyon ang rason kaya naging mag-childhood bestfriends ang dalawa. Noong mga panahong takot pa silang magladlad sa kanilang mga magulang ay silang dalawa ang nagdadamayan. Sa isa't isa sila kumukuha ng lakas ng loob.

Si Marjorie ay agad natanggap ng mga magulang niya ngunit sa kasamaang-palad ay iba ang kapalaran kay Mark. Itinakwil siya ng mga magulang nito kaya walang nagawa si Mark kundi ang lumipad papuntang Ireland.

Likas na Irish ang mga magulang ni Mark. Dangan lamang e nag-settle ang pamilya nito sa Pilipinas nang maipanganak ng nanay niya si Mark. Sa Pilipinas kasi nakadestino ang asawa nito.

Nang maglayas ang binata ay napadpad ito sa piling ng lola sa Ireland at doon na nanirahan mula nang itakwil siya ng sariling mga magulang.

"I know, best. Pero I'm just trying to help you. Di ba kailangan mo ng pera para maging tunay ka nang lalaki? Kapag pumayag ka sa alok ko, magkakaroon ka na ng budget for transition, tapos kami naman ni Cailean ay magkaka-baby. It's a win-win situation, right?"

"Ewan ko sa iyo. Ayoko pa rin."

"Wala ka nang magagawa. Papayag ka pa rin naman, best."

Halos mabitiwan ni Marjorie ang cellphone nang mapagsino ang bumukas ng pinto ng sala nila. Si Mark.

"Potek ka, Mark!"

Napatawa naman nang malakas si Mark na hindi pa rin inaalis ang cellphone sa may bibig.

"Hello, best. Nice to see you!" Nilapitan nito ang gulat pa ring si Marjorie.

"Gulat ka noh? Pumunta talaga ako rito all the way from Ireland. Alam kong mas mapapapayag kita sa personal. I know you." Kinindatan ni Mark ang matalik na kaibigan.

•••

Nadala rin sa mahabang pakiusapan si Marjorie. Ngayon nga ay magkasama na ang dalawa sa isang surrogacy clinic.

Pagkatapos ng isang oras ay natapos na rin ang orientation nina Mark at Marjorie. Oo, napag-usapan na kasi ng tatlo na semilya muna ni Mark ang gagamitin sa panganay. Kung sakali mang mapag-uusapan na magkaroon uli ng pangalawa ay semilya naman ni Cailean ang gagamitin.

Nag-leave muna sa trabaho si Mark para matutukan ang kalagayan ni Marjorie. Hindi kasi nagtagumpay ang unang artificial insemination.

Pansamantala munang inihabilin ni Marjorie ang negosyo sa kapatid. Inilipat kasi siya ni Mark sa isang condo para daw maganda 'yung environment. Para less stress sa pagbubuntis.

Sa ikalawang artificial insemination ay bigo pa rin silang makabuo ng bata. Nakaramdam na ng frustration ang dalawa.

"Gusto ko lang namang magkaanak... para sa amin ni Cailean..." ani Mark na lango na sa alak. Nasa living room sila ng condo. Balak nilang magpakalasing.

"Geh, shot na 'yan!" ani Marjorie na pinuno ng emperador ang shot glass.

Nang maghahatinggabi na ay natapos na silang dalawa sa pag-iinom. Parehas silang lugmok dahil sa tama ng alak. Nakatulog sila nang magkatabi sa kama.

Nang maghahatinggabi na ay nagising si Marjorie. Para bang may humahalik sa kaniya!

Pagmulat niya ng mga mata ay si Mark pala iyon.

"M-Mark."

"O-Ohh shit. A-Akala ko si Cailean." Agad napatigil si Mark at humiga sa katabi ni Marjorie. "I'm sorry, best. I'm sorry."

Napahawak si Marjorie sa mga labing hinalikan ni Mark. Tila ba nagustuhan niya iyon!

Natagpuan na lang niya ang sarili na inaangkin ang mga labi ng kaibigan.

Hindi nila akalain na ang halik na iyon ay may mas ilalalim pa pala!

•••

Magtatanghali na nang magising sina Mark at Marjorie. Kapwa sila walang saplot sa katawan.

"Ahhhhhh!" sigaw nilang dalawa nang mapagtanto ang nangyari sa gabing nagdaan.

"Paanong... Bakit....?" tanong ni Mark.

"Ewan. Wala akong matandaan!" Hinigit ni Marjorie ang puting kumot para itakip sa kaniyang katawan.

"A-Ako meron." May panggigilalas na sabi ni Mark na di na maitsurahan ang mukha. Mayamaya ay napatingin siya sa ibabang bahagi sa pagitan ng kaniyang hita. "Pumasok ito sa vajayjay mo, best."

Nagtinginan ang dalawa at sabay tumili.

•••

Pinilit nina Mark at Marjorie na kalimutan ang nangyari.

Tuloy pa rin sila sa deal na napag-usapan. Ilang linggo na rin ang lumipas mula nang may mangyari sa kanila.

Tahimik lang ang dalawa sa sasakyan. Papunta ulit sila sa clinic. Sa ikatlong pagkakataon ay susubukin nilang muli ang artificial insemination.

Mayamaya ay binuksan ni Mark ang air freshener na agad kumalat sa loob ng sasakyan.

"Mark, bakit ang baho naman niyan?" reklamo ni Marjorie na namumutla na ang mukha. Pilit niyang tinatakpan ng towel ang ilong para hindi masagap ang amoy.

"Anong mabaho? Ang bango-bango kaya."

Marahas na umiling si Marjorie. "Itigil mo... ang sasakyan." Nakahawak na siya sa leeg.

Dali-daling itinigil ni Mark ang kotse.  Walang pinalipas na sandali si Marjorie dahil agad siyang lumabas.

Sumuka siya.

"Anyare sa 'yo? Ano ba ang nakain mo?" tanong ni Mark na may pag-aalala.

"Wala. Di 'to tungkol sa pagkain. Masyado lang talagang mabaho 'yung air freshener."

"Ang arte mo best ha?" Inismiran siya ni Mark. "Sige na nga, isasara ko na ulit 'yun para hindi ka na masuka."

Nang mahimasmasan si Marjorie ay muli silang bumalik sa sasakyan. Male-late na sila sa appointment.

•••

"We cannot push through with the insemination, Mr. Feehily and Ms. Davila," ani ng doktor sa surrogacy clinic.

"But why?" may pagtatakang tanong ni Mark.

Nagpalipat-lipat ang tingin ng doktora sa dalawa.

Mayamaya, ang seryosong mukha nito ay napalitan ng saya. "You're pregnant, Ms. Davila!"

Kapwa nagulat ang dalawa. Isa lang ang ibig sabihin noon. Nagbunga ang isang gabing pagtatalik nila!

"Hindi nga rin ako makapaniwala. Kasi base sa huling records, talagang nag-fail iyong huling artificial insemination. Baka nagkamali lang kam—"

"Yes, Doc. Siguro namali lang kayo," pagtutuloy ni Marjorie sa sasabihin ng doktora. "Sige po, doc. Uuna na kami. Sumama po ang pakiramdam ko."

•••

Simula nga noon ay ipinagbubuntis na ni Marjorie ang anak nila ni Mark, na lingid sa kaalaman ni Cailean ay nabuo sa natural na paraan. Buong akala ng huli ay nagtagumpay talaga ang artificial insemination.

"Kailan mo balak sabihin kay Cailean?"

Humugot ng paghinga si Mark. "Soon, not now. Intindihin muna natin ang paglabas ng bata."

Tango lang ang itinugon ni Marjorie.

Sa buong panahon ng pagbubuntis ng kaibigan ay kinakitaan ng pagiging maalaga si Mark, hindi lang sa batang nasa sinapupunan ni Marjorie kundi maging kay Marjorie din mismo.

Hindi nagkukulang si Mark sa pag-provide ng maternity milk, mga prutas, at vitamins na kailangan ng kaibigan.

Lingid sa kaalaman ni Mark ay nagkakaroon na ng kaunting pagbabago kay Marjorie. Tila ba nagugustuhan na niya ang pagbubuntis. Ang pangarap na maging transman ay para bang nawaglit na sa isipan niya.

Unti-unti na ba niyang niyayakap ang pagiging babae?

•••

Sa kabilang banda naman ay ganoon din si Mark. Marjorie's pregnancy changed his perspective as well. Para bang ang sentro ng atensiyon niya ay napunta na lang sa mag-ina niya. Ang pag-update sa nobyo niyang si Cailean ay napapadalang na.

Hindi maintindihan ni Mark ang sarili niya.

•••

Isang araw ay magkasama sina Mark at Marjorie sa mall. Nasa shop sila ng mga gamit na pansanggol.

"Ano kaya ang gender ng magiging anak natin?" dire-diretsong tanong ni Mark kay Marjorie.

Kapwa sila napatigil dahil sa tanong na iyon.

Natin. patuloy iyang umaalingawngaw sa isip ng dalawa.

"I mean, ni baby," pagdudugtong ni Mark. Sinundan niya iyon ng pagngiti para alisin ang awkwardness sa pagitan nila.

"Siguro babae. 'Yun ang pakiramdam ko," kaswal na sagot ni Marjorie.

"Ako rin. Pero mas mabuti na ang makasiguro. Magpa-ultrasound na tayo sa isang linggo."

Tango ang itinugon ni Marjorie.

Naghiwalay muna ang dalawa. Si Mark ay nagpa-assist sa mga ibinebentang stroller samantalang si Marjorie naman ay dumako sa books tungkol sa parenting.

Nangingiti niyang tiningnan ang mga iyon. Kukuha sana siya ng isa ngunit hindi natuloy.

Bakit nga naman niya kakailanganin iyon e ibibigay din naman niya ang sanggol kina Mark at Cailean pagkasilang niya sa bata?

Nakaramdam ng paggibik sa lalamunan si Marjorie.

•••

Pagkaraan ng isang linggo ay nagpa-ultrasound nga si Marjorie. Kasama niya pa rin si Mark. Labis ang saya ng dalawa nang makita ang bata
Sa 5-D ultrasound. Babae ang gender.

"Kamukha ko si baby," ani Marjorie.

"Hindi ah. Ako kaya."

Ayaw magpatalo ni Marjorie. "Ako noh?"

"Tingnan mo kaya. Ako." Pagtingin nila sa monitor ay para bang gumalaw ang kamay ng bata. Tila ba sumasang-ayon ito na kamukha siya ni Mark.

"Oh see?" Napasuntok sa hangin si Mark sa saya.

Nag-roll eyes si Marjorie. "Okay fine." Sa loob-loob ay masaya siya sa nakikitang reaksiyon ni Mark.

•••

Sa mga sumunod na araw ay may bulto ng mga gamit na kulay pink ang d-in-eliver sa condo. Order iyon ni Mark.

"Andami naman nito," reklamo ni Marjorie. "E mabilis lang naman lumaki ang mga sanggol."

"Hayaan mo na. Kapag nalakihan agad ni baby, puwede pa namang magamit ng susunod na baby—"

"Baby ninyo ni Cailean," sagot ni Marjorie na may pilit na ngiti sa mga labi.

Hindi naman agad nakasagot si Mark. Wala siyang nagawa nang talikuran siya ni Marjorie. Hindi niya magawang sundan ang dalaga. Hindi niya alam kung bakit.

•••


Kabuwanan na ni Marjorie. Dalawang linggo bago ang due date niya ay dumating si Cailean. Ngayon ay tatlo na sila sa condo.

"Marj, thank you for accepting the offer to carry Mark and I's child."

Isang tipid ang ngiti ang isinagot ni Marjorie. "Wala iyon. Kaibigan ko naman si Mark kaya hindi ko siya mahihindian." Nagsulyapan ang dalawa. Madali lang iyon pero puno ng emosyon.

"By the way, I already transferred two million pesos in your account. Please let me know kung kulang pa iyon sa gender reassignment surgery mo."

Napatungo si Marjorie. Ang pagpapabago ng gender niya ay matagal na niyang iwinaksi sa isip. Kung ano ang gagawin niya sa pera ay hindi pa niya naiisip.

"Salamat," ang tanging itinugon ni Marjorie.

•••

Mula nang dumating si Cailean ay ginawa ni Marjorie ang lahat para umiwas sa dalawa. Nasasaktan siya.

Matagal nang ginugulo ni Mark ang isip niya. Pilit man niyang itanggi sa sarili na unti-unti siyang nahuhulog sa bestfriend niya ay nagkukusa ang puso niyang ihiyaw ang tunay na nararamdaman. Wala siyang balak aminin iyon sa kaibigan. Natatakot siyang masira ang kanilang samahan.

•••

Sumapit ang araw ng panganganak ni Marjorie. Nagsilang siya ng isang napakagandang sanggol. Pinangalanan iyong Layla Esmeralda Feehily. Si Marjorie ang nagpangalan, hango sa larong Mobile Legends kasi adik siya sa larong iyon.

•••

Isang araw pagkapanganak kay Baby Layla ay nagpa-discharge si Marjorie sa ospital nang walang paalam, bagay na nagpaalala nang labis kay Mark.

Nag-iwan ng note si Marjorie para kay Mark.

Mark,

Patawarin mo ako kung umalis ako nang walang paalam. Hindi ko na kaya pang magpanggap at umakto nang normal sa harap mo gayong ikaw ang isinisigaw ng puso ko.

Oo, Mark. Mahal kita. Mahal na mahal kita. Patawarin mo ako. Sinubukan ko namang pigilan ang sarili ko e pero habang pinipigil ko, lalong lumalakas ang nararamdaman ko sa iyo.

I'm sorry kung hindi ko masabi ito sa personal. Ayokong makita mo akong nasasaktan. Hindi puwede.

Magpapakalayo-layo ako. Huwag kang mag-alala. Hindi darating ang panahong ipahahanap ko sa KMJS ang anak natin. Hindi ko na kayo guguluhin.

Sana alagaan mo nang mabuti si Baby Layla.

Mahal na mahal ko kayong dalawa.

Nagmamahal,
Marjorie

Kung ilang balde ng luha ang pinakawalan ni Mark ay hindi na niya nasukat. Masakit ang paglayo sa kaniya ni Marjorie. Alam niya sa sariling hindi lang dahil iyon sa itinuturing niyang kaibigan o nanay ng anak niya ang dalaga.

May mas higit pa.

•••

Limang taon ang mabilis na lumipas. Nasa Australia na ngayon si Marjorie. Isa na siyang asensadong graphic designer ng isang sikat na magazine doon. Dito siya napadpad nang napagdesisyunan niyang magpakalayo-layo pagkapanganak kay Baby Layla.

She's a totally changed person now. Babaeng-babae na siya ngayon. She is now wearing designer clothes. Idolo niya si Heart Evangelista. Sinusunod niya ang fashion style nito.

Marami nga ang nagtatangkang manligaw sa kaniya pero wala siyang napupusuan. Hindi pa siya handang magmahal. Mamahalin muna niya ang sarili niya.

One day, she went to a mall after a long tiring work. Nakasanayan na niyang bumili ng Spiral Tutti Frutti lollipop tuwing hapon ng Biyernes. It is to remember her daughter that she once bore.

"Mahal na mahal kita, Baby Layla at patuloy kitang mamahalin habang panahon. Sorry, kailangang lumayo ni mommy."

Every time that she thinks of her daughter, she can't stop herself from crying. Natural naman siguro talaga iyon sa bawat ina.

•••

Ngayon ay nasa loob na ng candy shop si Marjorie. Napangiti siya nang makita ang hinahanap.

She grabbed one. Papunta na sana siya sa cashier nang mapatigil siya. May humihigit kasi ng laylayan ng damit niya. Isang batang babae na may asul na mga mata at kulot na blonde na buhok.

"I want lollipop."

Iniluhod ni Marjorie ang isang tuhod para makalebel ang bata. Ngayon ay mas kita na niya ang itsura nito.

Hindi niya alam kung bakit kumislot ang puso niya nang pagmasdan ang bata.

Ah, baka naalala lang niya ang anak niya. Halos kaedad lang kasi ni Baby Layla ang batang kaharap.

"Who's with you, little girl?"

"Daddy." Nag-pout ng lips ang bata. Napadako ang tingin nito sa lollipop na hawak ni Marjorie. "I want lollipop."

"Okay, I'll buy you a lollipop. We'll pay it first then we will look for your daddy after. Okay?"

Tumango-tango ang bata.

Ganoon nga ang ginawa nila. Dalawang lollipop ang binili ni Marjorie. Isa ay para sa batang kasama niya at isa ay para sa kaniya.

They waited outside the store. Wala pang limang minuto silang naghihintay ay bumitiw sa pagkakahawak ang bata.

"Uy, saan k—"

"Daddy!"

Napatingin si Marjorie sa dako na pinuntahan ng bata. Ganon'n na lang ang pagkagulat niya nang makita ang ama ng bata!

"Mark/Marjorie," magkapanabay na sabi ng dalawa.

A minute of silence came in between them. It was broken when Mark spoke.

"Layla, greet your mommy... mommy Marjorie."

Nilingon ng bata si Marjorie at nagpakawala ito ng pinakamatamis na ngiti na nakita ng dalaga sa tanang buhay niya.

"A-Anak..."

Bumugso ang luha ni Marjorie sa mga mata sa sandaling nagyakap sila ni Layla. Pinagtitinginan man siya ng mga tao ay wala siyang pakialam.

Nang mahimasmasan ay hinarap ni Marjorie si Mark. Noon ay naalala niya ang pag-aming ginawa sa lalaki sa pamamagitan ng sulat.

"I-I'll go ahead."

Akmang maglalakad si Marjorie nang pigilin siya ni Mark.

"Marjorie. I've been looking for you for a long time."

Napakunot ng noo si Marjorie. "H-Hinahanap mo ako?"

Mark nodded. "Pagkatapos kong mabasa ang sulat mo, noon lang ako nagkalakas ng loob na aminin sa sarili ko na mahal talaga kita. Natatakot lang ako kasi baka hindi tayo parehas ng nararamdaman. But the letter changed everything. I broke up with Cailean. Nagparaya siya. I looked for you everywhere. A-And I am glad that my heart brought us here to you accidentally..."

Mas naglapit ang dalawa, hanggang sa parehas na nilang nararamdaman ang paghinga ng bawat isa.

"Mark..."

"Marjorie..."

Mark cupped Marjorie's face. "Will you give us a chance? Alam kong too risky ito. Hindi ako sure kung may nagmamay-ari nang iba sa puso mo but I'll take a cha—"

"Ikaw lang, Mark. Ikaw lang ang namumukod-tangi kong minahal noon pa man. At wala na akong ibang mamahalin pa." Marjorie tiptoed as she seal Mark's lips with full of love. "I love you."

Napuno ng kislap ang mga mata ni Mark. Gusto niyang maiyak. "Mahal na mahal din kita, Marjorie."

Akmang hahalikan ni Mark ang dalaga pero may matinis na sigaw sa baba nila.

"Ouchie! I'm squeezed!"

Napatingin sila kay Layla na nasa pagitan nila.

Mark and Marjorie looked at each other. They both chuckled.

Mayamaya pa ay binuhat na ni Marjorie ang anak habang nakaakbay naman sa kaniya si Mark. They both headed inside the mall to enjoy their first family bonding.

The End

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro