Story # 1 The Camping
The Camping
Sakay ng 20-seater transit van ang magtotropa patungo sa Bundok Tralala. Ngayon ang nakatakda nilang camping na pinagplanuhan na nila sa loob ng ilang buwan.
"Malayo pa ba tayo?" tanong ni Karen na nakaabrisyete sa nagmamanehong si Nicky.
Sinulyapan ng binata ang katabi. "Malapit na." Dumako ang tingin nito sa kamay ng babae na nakahawak sa kanyang braso. "Karen, pakialis muna ng kamay mo. Nahihirapan akong magmaneho."
Paasik na tinanggal ni Karen ang mga kamay at padabog siyang sumandal sa inuupuan.
"Hoy, Karencita. Palit naman tayo. Kanina ka pa r'yan e. Quota ka na! Patabi naman kay Nicky," reklamo ni Ecka na nasa may likuran lang ng dalaga.
Lumingon si Karen. "Makikipagpalitan ka pa talaga? Malapit na raw tayo, e."
"Oh, tama na! Basta girls, babakuran namin 'yan si Nicky. Baka pasukin niyo 'yung tent e. 'Wag niyo kasing pag-agawan."
"Manahimik ka, Shane. Mag-focus ka riyan sa jowa mong si Rea. Inggit ka lang e. Di ka kasi pinag-aagawan 'di tulad ng bebe my loves ko," ani Karen. Akma niyang hahawakang muli ang braso ni Nicky.
"O-Oy!" Iniwas nito ang braso. "Nagda-drive pa ako, o."
"Ay, oo nga pala." Nag-peace sign si Karen. "Sorry naman!"
''Wag mo riyang guluhin si Nicky. Gayahin mo 'to sina Katryn at Kian sa likod. Ang himbing ng tulog," untag ni Mark. Itinuro nito ang magkasintahan na tulog na tulog. Nakasandig si Katryn sa dibdib ng katipan habang ang lalaki naman ay nakayapos sa nobya.
"Sana all," saad ni Nyssa.
Tinapik ni Mark ang ulo ng katabi. "Itong baby girl namin, naiinggit. 'Lika, yakapin nga kita."
Akmang yayakapin ni Mark si Nyssa. "No!" Bumaling si Nyssa sa katabi ni Mark. "Magagalit si Ate Shirley, sige ka." Ang girlfirend ng lalaki ang tinutukoy nito.
"Ano ka ba, Nyssa. Okay lang 'no? Itinuturing ka na namin ni Mark bilang adopted daughter kaya okay lang na yakapin ka niya." Kinindatan ni Shirley ang dalagita.
"Awit sa adopted daughter. Hay naku, makakanta na lang ng 'Paubaya' ni Moira." Kinuha nito ang earphones at ipinasak sa tainga. Nagtawanan naman ang mga nasa loob ng van.
Mayamaya pa ay nakababa na sila sa van. Kasunod din nila ang isa pang van na kinalululanan nina Fer, Carlos, Christine, Brian, Jam, Shara, Vivian, Jem, Jenelyn, Ehrica, Marjorie, Edriel na pawang mga kasama rin nila.
Ilang metro pa ang nilakad nila at sa wakas ay narating na nila ang paang-bundok ng Tralala. Naging abala ang mga lalaki sa pag-set up ng tents na tutuluyan nila sa loob ng tatlong araw at dalawang gabi samantalang ang mga babae naman ay nagsisimula nang magluto ng kakainin nila para mamayang gabi.
Habang nagse-set up ang magkakabarkada ay nagkayayaan sina Rea at Shane na pumunta sa kasukalan ng gubat.
"Hoy! Hoy! Hoy!" pagsita ni Shara na nakapamaywang pa. "At saan kayo pupunta?"
"Sa paraiso," sagot ni Rea. Humagikhik ang magkatipan. "Sama ka?"
"Gagi! Sige na. Enjoy, have fun!" Hilaw na tumawa si Shara.
"Kuuu. Wala nang pinatawad na lugar 'yung dalawang 'yun," saad ni Nicky na napakamot sa batok. Nagkatawanan sila.
Lumapit si Analisa kay Nicky at hinawakan ito sa braso. "Gusto mo rin bang pumunta sa paraiso?"
Namutla ang binata. Hindi pa ito nakahuhuma nang lumapit sina Karen at Ecka.
"Ako ang magdadala sa kanya sa paraiso!" ani Karen.
"Anong ikaw? Ako!" ani Ecka.
Lalong lumakas ang tawanan ng magkakaibigan dahil sa nakikitang senaryo. Alam naman nila kasi na pabiro lang ang pagtatalo ng mga dalaga na pawang may crush kay Nicky. Wala kasi sa kanilang tatlo ang gusto ng binata. Na kay Georgina na kababata nito.
Ngunit hindi siya makapagtapat dahil may nobyo na si Georgina. Si Keith na isang hunk at heartthrob ng kanilang campus.
Sa 'di-kalayuan ay may narinig silang pumagaspas na halaman. Wari ba ay may tao roon na kanina pa sa kanila nagmamasid.
"Putangina! Ano 'yun?" bulalas ni Brian.
Naalerto naman ang magkakatropa kung kaya kinuha nila ang mga baong itak at armas sa loob ng tent.
"Pota! Umalis na tayo rito kung ayaw niyong matulad sa mga tatanga-tangang bida sa Wrong Turn!" saad ni Marjorie. "Mag-Netflix na lang tayo sa condo!"
"Mabuti pa nga," segunda ni Shirley. "T-Teka. Sina Rea nga pala!"
Banaag sa mukha ng magkakaibigan ang pag-aalala.
Nang walang ano-ano'y may narinig silang pagsigaw sa 'di kalayuan.
Nagkatinginan sila. Hindi maipinta ang kanilang mga mukha.
"Si Rea!"
----
Hangos ang magkakabarkada patungo sa lugar kung saan nila narinig ang sigaw. Bawat isa sa kanila ay sumisikdo ang damdamin dahil sa pag-aalala sa mga kaibigan.
"Shane, enebe. Nakikiliti ako! Ihhhhh!"
Lumaylay ang balikat ng magkakaibigan sa nakikita. Naghaharutan lang pala ang magkasintahan.
"Walang'ya. Akala naman namin may pinapatay na sa inyo e!" saad ni Kian.
"H-Huh?!" Napatigil ang dalawa sa ginagawang MOMOL. "Gagi, may audience pala kami, hindi namin alam!" palatak ni Rea.
"Ang haharot niyo! May nagmamanman na sa atin, wala pa kayong kaalam-alam. Alam niyo, 'yang mga ganyan 'yung unang namamatay sa movies!" ani Christine. "Tara nang mag-impake."
"Hmp! Sige na. Susunod na kami." Binalingan ni Rea si Shane. "Munch, paki-clasp nga ng bra ko!"
Wala namang pagtutol na ginawa iyon ni Shane.
Natatawang-naiiling lang ang mga kaibigan nila na noo'y bumalik na sa campsite.
Mayamaya ay lulan na sila sa mga sasakyan pabalik ng siyudad.
The End
[02-28-2021]
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro