Firefly 4 | Sandalwood
L O R I E
Maaga pa rin akong nagising sa sumunod na araw. Hindi man tulad noong nakaraang gabi ay hindi agad ako dinalaw ng antok.
Pagkatapos naming maghapunan nina Martin at Yosef kagabi, nagkulong na agad ako sa kuwarto at nagbasa-basa ng libro upang magpalipas ng oras. Hindi ko na rin inabot ang alas diyes kung saan ay mawawalan ng kuryente, siguro bago pa iyon mangyari ay nagsisimula na ang paghimbing ng tulog ko.
Nag-inat muna ako pagkatapos ayusin ang aking higaan saka nagtungo sa tapat ng salamin at pinagmasdan ang aking sarili habang sinusuklay ang haba ng aking buhok. Pagkapusod ko ay napansin ko si Yuyu na natutulog sa may doormat. Pinakain siya ni Teren kagabi, ano kaya ang sinabi no'n sa pusa? Perwisyo ang idinulot ni Yuyu sa kanya, 'tapos nagawa niya itong pakainin?
Pagkalabas ko sa sala, gusto kong gumawa nang gumawa sa loob ng guesthouse, isang bagay; ang maglinis. Magtanggal ng mga alikabok, magpunas ng mga bintana o magligpit. Gusto kong diligan ang mga halaman o tumpukin ang basura at ilabas. Iniisip ko pa lang, nalilimitahan na agad akong pagkaabalahan ang lahat ng iyon dahil kay Martin. Ayon sa kanya, wala akong kahit na anong dapat na gawin maliban na lang kung iutos niya o ipakiusap. Kung mayroon mang lugar na libre akong makialam, iyon ay sa kusina at ang kusina lamang. Itinuturing niya akong bisita at hindi gawain ng isang bisita ang maglinis o magsilbi gaya nang gusto kong mangyari.
That early in the morning, Martin prepared a cheese tray and cooked a pumpkin flower omelet. Hindi ko na inaasahang sasabay sa amin si Teren dahil hindi pala iyon madalas mag-almusal. Ang sabi ni Martin, kung hindi pa iyon tulog, malamang ay nasa paanan na ng bundok ang lalaking iyon upang maglakad-lakad o maglibot. Kahit gaano pa raw kalamig ang panahon, hindi alintana iyon para kay Teren.
Dalawa lang kami ni Martin na pinagsaluhan ang agahang inihain niya. Ako na ang nagboluntaryong gumawa ng mainit na black tea upang maging sapat ang lakas sa maghapon. Wala si Yosef dahil may sinat na agad ko namang pinuntahan sa kanyang kuwarto pagkatapos mag-almusal. Payapa siyang natutulog habang akap-akap ang elephanteng laruan na binili ko para sa kanya kahapon. Sinubukan na ni Martin na painumin siya ng gamot upang bumaba ang mainit na temperaturang namumuo sa katawan ng bata. Sakitin daw talaga si Yosef, mabilis dapuan ng sipon at ubo dahil sa mahinang resistensiya. Sanay na si Martin kung paano asikasuhin ang bata, kung may indahin man ito, kabisado na niya ang gagawin.
Gusto ni Martin na manatili na lang sa guesthouse at huwag na munang buksan ang lumang rentahan ng mga damit dahil kay Yosef. Nanghihinayang lang ako sa maaaring kikitain niya kung kaya ko namang bantayan ang bata.
"Sigurado ka, Lorie?" Tumingin sa akin si Martin.
Tinanguan ko siyang may maliit na ngiti sa mga labi. Hindi na bago sa akin ang mag-alaga ng may sakit, madalas ko nang alagaan si Emma noon, walang pinagkaiba 'yon kung ako ang magbabantay. At hindi na niya kailangang ibilin sa akin iyon dahil anu't ano pa man, ako na ang titingin kay Yosef. Wala naman akong ibang gagawin bukod sa libutin ang paligid ng guesthouse at ipamilyar ang aking sarili sa labas.
Sa loob ng ilang saglit ay nagising na si Yosef, medyo nanghihinang napabangon ng upo sa kama. Agad akong nagtungo sa kanya.
"Hello..." kumaway ako sa kanya at sinubukang ipanghawa ang malapad na ngiti ko.
"Ate, nasaan si Martin?" Luminga-linga ang bata at sinuri ang labas sa nakaawang na pinto ng kuwarto na tila hindi pa ganoon kagising ang diwa.
"Nagpunta na siya sa shop. Ako na muna ang mag-aalaga sa 'yo hanggang sa makabalik siya. May gusto ka ba?"
Humigpit ang kapit niya sa elepanteng stuffed animal. "Si Kuya Teren," banggit niya. "Ate, puwede bang papuntahin mo rito si Kuya?" Yosef sounded frail in his voice. Pumupungay ang mga mata niya.
Sa lahat ng maaari kong gawin, iyong bagay pa na hindi ako sigurado kung magagawa ko. Saan ko ba mahahanap si Teren? Napakamailap pa naman no'ng lalaking 'yon, hindi ko rin alam kung saan madalas mamalagi 'yon lalo na sa mga oras na ito.
"Okay, sige, tatawagin ko siya. Dito ka lang sa kuwarto mo, ha." Hinimas ko ang ulo niya saka lumabas.
Sa pagkakatanda ko, hindi gaanong nababanggit sa akin ni Martin kung saan madalas si Teren. Kung natutulog pa, paano ko naman iyon gigisingin? Kung naglilibot na 'yon sa taas ng bundok, sa lawak at sukal ng madadaanang gubat, saan ko naman iyon hahagilapin?
Nanatili akong nakatayo sa may sala habang pinagmamasdan ang hagdan pataas kung itutuloy ko pa bang panhikin ang ikalawang palapag at katukin ang kuwarto niya. Naglakas-loob na lang ako, ngunit bago pa ako makahakbang sa unang baitang, napalingon ako dahil narinig ko ang makina ng sasakyan sa labas papasok sa garahe ng guesthouse. Malamang si Teren na iyon.
I ran outside and found Teren sorting some hand-made pots in the garage. Then, sensing my presence nearby, he turned to look at me over his shoulder.
"May kailangan ka?" tanong niya, malagong ang kanyang boses saka ipinagpatuloy ang pagsasalansan.
"Gusto ni Yosef na puntahan mo siya sa kuwarto niya," medyo naiilang na sabi ko.
"Umiiyak ba siya?" aniyang hindi lumilingon.
Umiling ako habang pinanonood siyang abala sa mga palayok. "Hindi maganda ang pakiramdam niya."
Nang matapos siya roon ay naglakad siya patungo sa akin, saka kaswal lang na nilampasan ako. Pumasada sa akin ang natural niyang bango, parang amoy ng kahoy na may pinaghalong tamis at anghang. I rarely smell anything like it, especially when I left the forest where I grew up. A musky, woodsy smell... dry and earthy aromatics of sandalwood.
Pagkapasok niya sa loob ng guesthouse ay nakasunod lang ako. Wala akong inaasahang kahit na anong pagbati kay Teren, pinakikisamahan ko lang siya dahil kay Yosef.
"Kung may kailangan ka, nandito lang ako sa sala." At naiwan na lang ako roon nang pumasok na si Teren sa loob ng kuwarto ni Yosef.
Pagpatak ng ilang sandali ay lumabas na ang dalawa. May makapal nang suot na damit si Yosef habang nakapasan sa likuran ni Teren. Napatayo ako mula sa silyang kinauupuan ko. Lumapit ako sa kanila. "Okay lang ba siya?" nag-aalalang usisa ko.
Huminto si Teren sa pagsalubong ko. May napansin ako, bagay sa kanya kahit gulu-gulo ang ayos ng kanyang buhok at ang ilang hibla ay laglag sa parteng noo. Bahagyang lumipat ang tingin ng magkaibang kulay niyang mga mata sa akin. Napasulyap ako nang mabuti sa mga iyon. Hindi ko mawari kung bakit namangha akong makita ang pares no'n. Iyong kaliwa ay parang kulay ng dagat at 'yong kanan naman ay tulad ng tuyong dahon na nalaglag sa lupa. Ganoon pala ang ganda ng mga iyon mismo sa malapitan. Nahagip din ng paningin ko ang pisngi niyang may kakaunti at natural na pekas.
"Ako na ang bahala sa kanya. Maiwan ka na muna rito," aniya.
Kumalas ang tingin ko sa mukha niya at hindi sinang-ayunan ang gusto niyang mangyari. "Hindi pupuwede. Nangako ako kay Martin na ako ang titingin kay Yosef habang wala siya."
Napapikit si Teren at mahinang bumuntong-hininga. "Doblehin mo ang suot mong panglamig. Hihintayin kita sa garahe." Pagkatapos ay naglakad na siya palabas, habang tahimik lang si Yosef na nakaaba sa kanyang likuran.
I hesitated for a brief instant. It was easier than I had anticipated to clinch. Alam kong matagal na niyang kasama sina Yosef at Martin, pero hindi ko basta-basta kayang hayaan na lang, lalo pa't sa akin ipinagkatiwala ang bata.
Pinatungan ko na lang ng makapal na cardigan ang suot kong sweater saka ipinaikot ang scarf sa aking leeg. Nagdala lang ako ng maliit na bag at naglagay roon ng tinapay at termos na may mainit na tubig para sa gatas dahil hindi pa nag-aagahan si Yosef. Hindi ko alam kung saan dadalhin ni Teren ang bata, gusto ko ngang itawag iyon kay Martin sa telepono, ngunit mas nanaig sa aking pagkatiwalaan ang lalaking may-ari ng guesthouse.
Tahimik lang na naghihintay si Teren sa driver's seat habang kasado na ang seatbelt sa katawan ni Yosef sa likurang bahagi ng kotse.
Nang maupo ako sa tabi ni Teren ay alam kong sinimplihan niya ako ng tingin bago niya paandarin ang sasakyan. "Marunong ka bang magmaneho?" tanong niya saka minaneho ang kotse palabas ng garahe.
Tapat ko siyang sinagot ng hindi. Hinila ko ang seatbelt at isinuot sa akin iyon. Sa totoo lang, medyo naiilang ako sa tabi niya. I suddenly felt uneasy. Tila ba nakaabang lang ako kung sakaling magsasalita siya o may itatanong sa akin.
Lumunok muna ako at bumuwelo bago ko basagin ang katahimikang nagbabadyang balutin ang loob ng sasakyan. "Saan mo pala dadalhin si Yosef?" malumanay ngunit usyoso kong tanong, medyo kunot ang noo.
"Sa paborito niyang lugar dito sa bayan," tugon niyang hindi ako nililingon, "hindi mo naman na kailangang sumama. Saglit ko lang namang ililibot si Yosef doon, 'tapos ay babalik na agad kami sa guesthouse," patuloy ni Teren. "Hindi makatutulong sa kanya kung ikukulong mo lang siya sa kuwarto. Kailangan niya ng nakalilibang na kapaligiran upang mapawi ang pananamlay ng kanyang katawan."
Hindi ko inaasahang papansinin niya ako sa mga tanong ko. All I knew was that silence would cloud us, but I was wrong about it. Iyong pag-uusap namin habang nasa byahe ay hindi pilit para lang may matalakay.
Paglipas ng ilang minuto, nakaidlip na si Yosef sa aming likuran. Pagkatapos ay naalala ko bigla ang mga bagay na pinagpapatung-patong ni Teren sa garahe kanina nang saglit akong sumulyap sa kanya.
"Ikaw ba ang gumagawa ng mga palayok na sinasalansan mo kanina sa garahe?"
Ang atensiyon niya ay nasa daan lang, abala sa pagmamaneho. Tumango siya. "Noon gusto ko lang gumawa ng mga palayok para may pagkaabalahan ako. Nang magustuhan ng mga taga-Jericho ang mga gawa ko, hindi ko inaasahan na maaari pala akong kumita at makatulong sa kanila. My pastime developed into a passion, leading to a living as a local potter." Dahan-dahan niyang kinambyo ang manubela. "Ikaw, nandito ka ba para magbakasyon lang?"
Panandalian akong natigil sa tanong niya. Bakit nga ba ako nandito? Bigla akong hindi makasagot at malalim na inisip kung ano ba talaga ang tunay na dahilan kung bakit ako nagtungo sa isang maliit na bayan sa kabundukan ng Chrisford.
"Hindi mo kailangang sagutin ang tanong ko kung ayaw mo—"
"Sa Fawnbrook, nawalan ako ng trabaho at nasunog ang tinitirhan ko. Si Martin, malapit na kaibigan ng aking ina, siya ang nag-iisang daan kung bakit ko piniling magtungo rito sa bayan ng Jericho. Sa totoo lang, wala sa plano ko ang magpunta rito ngayong taon. Maybe I had no choice but to seek refuge in a place where I could be free, away from everything... O baka nandito talaga ako hindi lang para sa isang bakasyon." Nagkibit-balikat ako.
May napansin akong maliit na keychain ang dumuduyan sa harap, sa kalagitnaan ng pag-uusap namin, sa ilalim ng rear view mirror. Bukod sa mga palamuti, napansin ko ang isang maliit na metal, hugis buwan kapag hindi buo, kulay pilak. Pasimple kong siningkit ang aking mga mata upang mabasa ang mga letrang naroroon; IRENE.
Labinlimang minuto lang ay narating na namin ang lugar. Mayroong madamong daan papasok ang sinuyod ni Teren hanggang sa marating namin ang napakagandang hardin na tila nagtatago sa likod ng mga talahib. Pagkababa namin ng sasakyan ay napapigil ako ng aking hininga habang inililibot ang aking mga mata. Isang hardin na nababalot ng mga puno't halaman. Parang paraiso. Ang buong paligid ay mistulang senaryo sa napakagandang panaginip. Ang presko sa mga paningin at nakakagaan sa pakiramdam.
The breeze tousles my hair that was tucked behind my ear. Tumingala ako upang basahin ang nasa arko.
Compasia.
Lumibot na si Yosef sa loob. Naiwan kami ni Teren sa tabi ng sasakyan. Sa gilid ko, maikli siyang lumingon sa akin. Pinagmamasdan niya siguro kung paano ako namamangha sa ganda ng hardin. Ito iyong mga uri ng pagkakataon na gusto ko. Buhay sa isang luntiang kapaligiran. Hangin ay banayad lang para sa umagang kay ganda.
"Ito ang Compasia. Dating talahiban na ginawang hardin limang taon na ang nakararaan."
My eyes were riveted on Teren, wind in his hair. He really has a pretty country face. His charm also lies in his mystery.
"Teren, naligaw ka yata," anang lalaki na lumabas mula sa maliit na kubo, na nasa bukana ng hardin. "Nakita ko si Yosef sa may bintana, ang akala ko si Martin ang nagdala sa kanya rito—" Lumipat ang tingin ng lalaki sa akin, nagulumihanan nang kaunti. Kung ipagpapalagay ko, base sa hitsura at kilos, lampas apatnapu hanggang limampung taon ang agwat nito sa akin. Parang nahihilera sa edad ni Martin. Nakasuot ito ng makapal na sweater, khaki na pantalon na nakapasok sa itim nitong bota. "Sino itong kasama mo?"
Ngumiti ito pabalik sa akin nang kumaway ako bilang pagbati.
"Si Lorie, bagong bisita sa guesthouse, taga Fawnbrook. Ilang araw na siyang naririto sa bayan ng Jericho. Kakilala ni Martin ang magulang niya—"
"Tumatanggap ka na ulit ng bisita?"
Mabilis na lumingon sa akin si Teren saka sumenyas. "Pumasok ka na muna sa loob. Mag-uusap lang kami," kalmante niyang turan sa akin.
I gave him a nod and entered Compasia. May kung anong tanong ang sumagi sa akin na hindi ko maintindihan. Bago pa man ako pukulin no'n ay tumakbo patungo sa akin si Yosef at hinila ang kamay ko upang mas makita pa nang lubusan ang loob ng hardin.
"Ate, halika, doon tayo sa may balon!" magiliw na wika ng bata, ngunit mababanaag pa rin sa mukha niya ang pagkakaroon ng sinat. Masyado lang nalilibang sa paligid.
Huling beses ko pang nilingon si Teren kaharap ang lalaking iyon... hanggang sa matakpan na sila ng mga halaman sa bakod dahil patuloy akong hinihila-hila ni Yosef.
Sa dulo ng hardin, sa tabi ng nakatagilid na kariton na may mga halaman sa paso, naroroon ang lumang balon. Sa tapat, tumigil muna kami nang higitin ni Yosef ang kamay ko para lumuhod at pumantay sa laki niya.
"Ate, ang sabi nila kapag sinilip mo ang balon at nakita mo ang sarili mong repleksyon sa ilalim, mapagkakalooban ka ng isang hiling." Napatingin ako kay Yosef. Itinaas niya ang kanyang hintuturo pahiwatig bilang isa.
Masyadong malikot ang imahinasyon kapag bata ang kasama, pero ipinakita ko pa rin sa kanyang interesado ako, na naniniwala ako.
"Talaga? Kahit ano puwede kong hilingin?" Sinakyan ko lang ang sinabi niya.
Malapad ang ngiting tumango si Yosef. "Hm-hm."
Sinubukan ko ang sinabi niya. Naglakad ako palapit at dumungaw sa balon, pero wala akong kahit na anong repleksyon na nakita sa madilim na ilalim. Tila natuyuan na sa tubig ang balon.
Pinihit ko ang aking ulo pabalik kay Yosef na umiiling. "Wala akong nakikita."
Lumabi ang bata. "Kung wala, sa susunod puwede ka ulit sumilip sa balon, hanggang sa makita mo na ang sarili mo at mapagkalooban ka ng hiling."
Naglakad ako patungo sa kanya at hinimas ang ulo niya. "Ikaw Yosef, napagkalooban ka na ba ng hiling noong sumilip ka sa balon na 'yan?"
Mabilis siyang sumagot. "Isang beses pa lang, Ate Lorie. Bago ako mag limang taon noon, sinama ako ni Martin dito para hatiran ng mga bagong tahing damit si Rocco, iyong lalaking nagbabantay nitong hardin." Nagawa pang ituro ni Yosef ang kubo sa bukana ng Compasia. Rocco pala ang pangalan ng lalaking iyon. "Mag-isa kong sinilip ang balon at nakita ko ang sarili kong repleksyon sa tubig. Ang kuwento sa amin nang ginang sa may aklatan, mahiwaga raw ang balon kaya napagkakalooban ng hiling ang kahit na sinong sumisilip sa ilalim," kuwento niya. Hindi ko mawari kung bakit ako ganoon katutok sa sinasabi ni Yosef, kinikilabutan din ako nang kaunti.
Nakatukod ang tuhod ko sa damuhan at ibinigay ang aking buong atensyon kaharap ang bata. "Pagkatapos? Ano ang hiniling mo?"
"Na sana bumalik na si Kuya Teren." Pinagmasdan niya ang halamang nasa kamay na pinitas niya. "At nagkatotoo ang hiling ko makaraan ang isang buwan, bumalik siya."
Nakatitig lang ako sa mga mata ni Yosef, nakikita ko sa kanyang mukha ang pagmamahal at pag-aalala para kay Teren. Dahan-dahang nagsalubong ang mga kilay ko.
"Bumalik? Saan ba siya nagpunta?"
Nagtaas-baba ang balikat niya. "Hindi ko alam," ngumuso siya, saka nagpatuloy, "siguro sa malayo. Sa malayung-malayong lugar..."
I took a moment holding my breath. I was too engrossed in the story of this child.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro