Firefly 15 | Nightscapes
T E R E N
Ilang gabi nang nagpapakita sa panaginip ko ang puno ng sycamore sa gitna ng gubat. Ipinagwawalang-bahala ko lang iyon, ngunit tila ba napapadalas na yata akong pinupukol ng alaalang mayroon ako at ng punong iyon. Ang kuwento sa akin ni Martin noon, tumatayog ang puno ng sycamore sa pinakamataas nitong laki tatlumpu hanggang sa limampung taong edad nito. Tumataas na rin ito kahit mura o bata pa ang puno, ngunit mas lumalapad, dumadami at tumitibay ang matatabang mga sanga nito habang lumilipas ang mga dekada.
I was too fascinated as a child about what it was like to climb the tree. Dahil sa lahat ng puno sa bundok, iyon siguro ang pinakamataas. Noong bata pa ako, sa aking palagay, kung maaakyat ko ang punong iyon, tiyak makikita ko ang buong mundo. Masisilayan ko siguro ang kabouan ng napakagandang pagsikat ng araw sa umaga o ang paglubog nito sa hapon. O 'di kaya ng malawak na tanawin kung hanggang saan naaabot ng tingin o ang maliwanag na kulay ng langit. Hanggang isang araw ay nabanggit ko iyon sa aking ina, kung saan naglilibot-libot kami sa gubat noong hapong iyon. Itinanong ko sa kanya kung ano ba ang tunay na makikita o mapagmamasdan kapag naakyat ng isang tao ang tuktok ng puno ng sycamore. At dahil sa marunong namang umakyat ang aking ina sa pangunguha ng mga bunga sa mga puno lalo na sa kahitikan ng mga ito tuwing tag-init, nagprisinta siyang akyatin iyon kinabukasan pagbalik namin sa mismong tagpuan.
Bago pa tuluyang sumikat ang araw ay naroroon na agad kami kung saan nagsimula muna siyang mag-inat saka akyatin ang puno. I was both excited and curious as I watched her climb the tree, wondering how the world could look so high. Malapad lang ang aking ngiti noong mga oras na iyon na nakatingala sa kanya. Kapit sa isang sanga, apak sa isa paitaas na kinakailangan ng sapat na lakas. Kitang-kita ko sa kanya ang kasanayan sa pag-akyat, doon pa lang ay napapanatag na ako. Wala pa man siya sa kalahati, ngunit dama ko na ang magagandang mga salitang ilalarawan niya sa akin pagdating niya sa tuktok.
Napuno at binalot ang puso ko ng saya sa bawat sandali. Nagmadali akong pumikit upang palawakin pa ang aking imahinasyon. Ang sabi niya nang maliwanagan ng sinag ng araw ang kanyang mukha, na maganda ang tanawing mapagmamasdan sa itaas. Maaliwalas at nakabibighani. Halos kita raw ang lahat, pati na ang ganda ng bayan ng Jericho, ang mga kabahayan sa tabi ng bundok, ang obelisk sa sentro, ang guho o ang lumang kastilyong malayu-layo sa dulong bahagi. Lahat daw ay abot-tanaw mula roon at makapigil-hiningang masilayan. Banayad lang din daw ang hangin noong mga sandaling naroroon siya.
Sa ganda ng pagkakalarawan ng aking ina, tila ba nakikita ko kung ano ang nasasaksihan ng kanyang mga mata mula roon. Nabanggit niya rin sa akin na sa paglaki ko, kapag kaya ko nang makaakyat ng puno, mismo raw na ang mga mata ko na ang makakasilay sa ganda ng tanawin na mapagmamasdan sa tuktok. Pinanghawakan ko iyon, paglaki ko, araw-araw akong aakyat, hihintayin ko ang pagsikat o paglubog ng araw. Hinding-hindi ako magsasawang gawin iyon. Sa ngayon, kung ano ang mga nakita ng aking ina, iyon muna pansamantala.
Sa paglipas ng panahon at pagdaan ng mga taon, hindi ko inaasahang lalaki ako't tatandang takot nang umakyat ng puno, hindi dahil sa nalulula ako sa matataas kundi dahil sa isang hindi malilimutang pangyayaring nangyari sa aking ina.
Magkasabay kong dinampot ang makapal at mahabang coat sa rack nito pati ang susi ng sasakyan ilang minuto nang makauwi ako. Padilim na ang paligid sa labas, halos gabi na. Hindi kami natuloy ni Lorie noong nakaraang ayain ko siyang susunduin upang puntahan ang lugar kung saan ninanais ko siyang dalhin. Ngayon na siguro ang tamang pagkakataon para doon.
Nagtungo ako at kumatok sa kuwarto niya saka binuksan ang pinto nang walang sumagot. Wala si Lorie doon. Napansin ko si Martin kanina na pumasok sa sariling kuwarto nila dahil mukhang masama na naman ang pakiramdam ni Yosef, kung kaya'y hindi nito maiwan ang bata.
"Teren... may kailangan ka?"
Lumingon ako kay Lorie, umusli ang tipid na ngiti sa gilid ng aking labi. "Isasama sana kita, may ipakikita ako sa 'yo."
Gaya ng inaasahan ko, sa pagkakaalala ko, hindi pa tumanggi sa akin si Lorie. Masaya lang siyang tumango. Hinayaan ang lugay ng kanyang buhok at nagdoble ng damit—kombinasyon ng mahabang kardigan na may saklubong na pinalamanan ng makapal na blusang panloob, paldang lampas ng tuhod, itim na tights at loafers panlaban sa lamig—saka sumama sa akin.
Nagdala kami ng makakain kung sakaling magutom kami pagdating ng Florence o sa gitna ng biyahe.
"Teren, sa'n tayo pupunta?"
"Sa hilagang talampas, sa nayon ng Florence. Isa't kalahati o hanggang dalawang oras ang biyahe patungo roon," sagot ko nang magtanong siya kung saan kami papatungo.
"Teren, kung isa akong bakasyonista rito sa bayan ninyo, sa tingin mo, ilang mahahalagang pook pa ba ang dapat kong makita at personal na mapuntahan?"
Mabilis akong sumulyap sa kanya bago ibinalik ang atensyon sa kalsada habang patuloy na nagmamaneho. "Marami... marami ka pang dapat puntahan. Marami pa akong ipakikita sa iyong magagandang lugar na alam ko," aking tugon. "Sinusulit ko lang ang bawat pagkakataong naririto ka pa, kaya sana hayaan mo ako." I attempted to inform her as firmly as I could.
Bumaling sa akin ang tingin ni Lorie. "Hindi pa naman ako aalis. Magsasabi naman siguro ako at magpapaalam sa inyo kung sakali. Kahit ilang lugar pa, Teren, hahayaan kitang isama ako."
Kahit papaano ay naibsan ang pag-iisip ko patungkol sa bagay na iyon. Batid kong darating din ang araw na lilisanin niya ang bayan, pero sana hindi pa ngayon. Huwag muna. Ayoko pang putulin itong sayang nararamdaman ng puso ko 'pag kasama siya.
Mas dumilim at lumamig pa ang panahon nang makarating kami sa Florence, lalo na noong binagtas namin ang kakahuyan patungo sa talampas ng nayon.
"Hindi ba masyadong malamig?" pangungumusta ko sa kanya nang makababa kami ng sasakyan habang umiihip ang saktong hangin.
Umiling siya. "Hindi naman gaano."
Kapuwa namin inilibot ang mga paningin sa mahinahong paligid. Prominente na ang huni ng mga kuliglig.
"Talampas o lupang dalata ang karaniwang uri ng lupain dito sa hilagang bahagi ng Florence, mga kapatagan sa ibabaw ng bundok," paliwanag ko sa kanya.
Nasa babang parte kami, sa gilid ng lawa na nalilibutan ng iilang mga puno kung saan perpekto ang gabi upang pagmasdan ang mga bituin sa madilim na langit. May kalayuan iyon ng kaunti sa mga kabahayan.
"Madalas ka rito?" aniya.
Sapat ang liwanag ng buwan upang makita ko ang kanyang ganda. "Ngayon na lang ulit."
Pinagala-gala niya ang mga mata sa paligid habang humahakbang pasulong. Pagkamangha agad ang namutawi sa kanyang mukha nang masilayan ang repleksyon ng buwan at mga bituin sa hindi gumagalaw na tubig ng lawa. Ang kapaligiran ay tila ba isang panorama. Parang isang napakagandang imahe o sining na ipininta pa noon.
"Sobrang ganda rito, imposibleng hindi puntahan ng kahit na sino tuwing gabi." Naglakad pa siya malapit sa lawa.
Nakasunod ako sa kanya. "Tago ang bahaging ito kaya hindi gaanong napupuntahan ng mga tao."
Bumalik ang kanyang atensyon sa akin. "Liblib man ngunit masyadong espesyal ang lugar na ito kung ganoon. Bakit mo pala ako dinala rito?"
I stood for a moment. The time between my breaths felt like seconds. "Dahil gusto kong makita ulit itong lugar na kasama ka," walang pag-aalinlangang sagot ko.
"Sina Martin at Yosef, nakarating na rin ba sila rito?"
Mabilis akong umiling. "Hindi pa. Tanging ikaw pa lang."
"Kahit isang beses?"
"Kahit isang beses."
A soft smile appeared on her face. Bakas sa kanya ang kalahating saya at hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"Mas may igaganda pa ang lugar na ito kung masasaksihan mo ang pagdaan ng mga bulalakaw sa langit mula rito." Hindi ko malilimutan ang gabing iyon. Ang mga bulalakaw na tila ba kinang ng ulan sa madilim na gabi.
"May masasaksihan tayong dumadaang mga bulalakaw mula rito? Ang galing! Tuwing kailan?" She seems so excited getting to know about it.
"Nangyayari ang pag-ulan ng mga bulalakaw sa kalangitan isang beses kada limampung taon. I've last seen it a decade ago. Kung susumahin, apatnapung taon o sampung firefly festival pa ang hihintayin sa muling pagbisita nila malapit sa mundo."
"Apatnapu? Sobrang tagal naman."
"Yes, but the wait is worthwhile. Mabilis lang iyon."
Umatras siya nang bahagya at pumantay sa kinatatayuan ko. "Paglipas ng apat na dekada, babalik tayo rito 'tapos sasamahan mo ulit ako para masaksihan nating dalawa ang pagbisita ng mga bulalakaw sa langit."
Unti-unting nawala ang ngiti ko habang napatulala sa lawa. Tahimik lang ako. Hindi naman ako kinulit ni Lorie tungkol sa bagay na iyon. Hindi sa ayaw ko. Ayoko lang na sumang-ayon sa kanya at mangako dahil hindi ako sigurado. Hindi ko gusto kung aasa siya sa wala. Nang dahil doon, inulap ang dibdib ko ng agam-agam. Sinubukan kong balewalain na lang iyon.
We were momentarily enveloped in silence. Nararamdaman ko ang marahang pagkiskis ng mga braso namin habang pinagmamasdan ang repleksyon ng langit sa lawa.
"Teren, iyong mga bituin sa langit, kapag pinanonood ko sila, pakiramdam pinanonood din nila ako. Kumikinang din kaya tayo pagdating sa kanila?"
Konektado man iyon sa tagpo kung nasaan kami, ngunit hindi iyon ang inaasahan ko mula sa kanya. Minsan kung magtanong si Lorie ay parang si Yosef, hindi ko maunawaan kung ano'ng ideyang nais nilang iparating sa lalim.
"S-siguro..." nag-aalangan kong tugon.
"Noong bata ako itinanong ko rin iyan kay Emma. Parehas lang kayo ng isinagot sa akin." Mahina siyang ngumisi.
"Baka pareho rin kaming hindi sigurado ang isasagot sa 'yo."
Nagkibit-balikat siya. "Baka nga."
Sa ilang minuto naming pananatili roon, bahagyang nawala ang bagabag sa akin. Dahan-dahang ibinalik ako sa mismong kasalukuyang saglit na mayroon kaming dalawa ni Lorie ngayon. Lalo na noong hindi naging alintana sa kanya nang gagapin ko ang palad niya.
"Teren, maraming salamat pala."
Marahang kumunot ang noo ko. "Salamat tungkol saan?"
"Sa pagdala mo sa akin dito. Pati na sa pagtanggap sa akin sa guesthouse mo."
Naramdaman ko ang paghigpit ng palad niya. Hindi ko mawari kung bakit bigla-bigla na lang lumalaktaw ng tibok ang puso ko. Nag-uusap lang naman kaming dalawa.
"W-wala iyon," sambit ko. "Hindi ka na rin naman iba dahil kilala ka ni Martin. Isa pa, masaya rin naman akong nakilala ka."
Nanatili lang kaming nakatayo sa tabi ng lawa. Nang ipasok ko ang magkakapit na mga kamay namin sa malalim na bulsa ng aking coat ay roon ding umilig ang kanyang ulo sa gilid ko.
Mahina akong napahinga. This is the most unusual feeling I've ever had. Napapakalma niya ako. Naiibsan niya ang pangamba sa akin hanggang sa maging katiting na lang ito. Ibang-iba si Lorie sa lahat. She's the therapy I'll be needing and the drug I didn't expect would work. Para bang binubuo niya nang dahan-dahan iyong mga kalas-kalas na pirasong nawala sa aking pagkatao.
"Lorie, nakikita mo iyong hanay ng mga bituing 'yon?" Itinuro ko ang mga iyon sa langit. Inilapit niya ang kanyang mukha sa tumuturo kong kamay. Sana nakikita niya ang konstelasyong binabanggit ko.
"Saan? Iyong parang saranggola?"
"Oo, pero big dipper ang konstelasyong iyon." Lumiing ako sa kanya at hindi na napansin ang agwat ng mga mukha namin. Masyado na pala iyong malapit sa isa't isa. "Kung hindi mo naitatanong kaya kong dakutin ang mga iyan para sa 'yo."
Nalukot ang ekspresyon ng kanyang mukha. "Teren, nagpapatawa ka ba? Kahit yata si Yosef ay hindi mo magagawang mapaniwala riyan sa sinasabi mo."
"Halika rito."
Dahan-dahan ko siyang hinila malapit sa lawa. Hinanap namin ang repleksyon ng big dipper mula sa tubig. Kapuwa kami lumuhod upang mapagmasdang maigi. Pagkatapos ay saka ko roon sinalok ng palad ang mga bituin kung saan napatakip siya ng bibig at nagpigil ng tawa. Bahagyang gumalaw ang tubig ng lawa.
"Bakit ka natatawa? Hindi ba't sinabi ko sa 'yong kaya kong dakutin ang mga bituin? Nagawa ko naman," depensa ko.
Naihilamos ni Lorie ang palad sa mukha. "Bakit ko ba kasi niliteral ang sinabi mo?" Ngayon bumubungisngis na siya.
"Literal man o hindi, naroroon pa rin 'yong ideya na nagawa ko iyon para ipakita sa 'yo."
Mahina niyang hinampas ang kanang braso ko. "Kung biro man iyan, napangiti't napatawa mo naman ako. Iyon ang mahalaga."
Hindi ako ganoong nakakapagbiro sa kahit na sino, maging kay Martin. Pero sa isang babaeng halos isang buwan ko pa lang na nakikilala at nakakasama ay nagagawa ko na... ano ba ang ibig sabihin nito? Irene and I have never been this so quickly. Naghahabol ba ako at sinusulit ang oras para kay Lorie?
"Teren, nakikita mo itong mga bituin?" Bago pa ako tuluyang matulala ay sinilip ko ang repleksyon ng mga bituin sa lawa na tinuturo ni Lorie. "Kaya ko rin 'yang dakutin."
Ginaya niya ako. She scooped the reflection of the stars into her hand. Namilog ang mga mata ko nang isaboy niya ang kapiranggot na tubig na iyon sa akin.
I stepped one back trying to avoid it "Hoy, hoy! Wala iyan sa usapan, ha," reklamo ko. Pagkatapos ay inulit niya iyon ng isa pang beses.
Napuno ng tawanan ang paligid nang dahil sa amin. Kung may mga tao sigurong naroroon 'di kalayuan, malamang sinita na kami.
Tumakbo si Lorie kung saan nakahimpil ang sasakyan.
"Hoy, Lorie, bumalik ka rito. Gaganti pa ako sa 'yo!"
Hinabol ko siya. Nagkatagpo kami sa loob ng sasakyan. She hid in the backseat when I cornered her. Alam niyang gagatihan ko siya ng kiliti. Tawa siya nang tawa. Kumikislot na para bang bulate dahil pinupunto-punto ko ang baywang niya kung saan doon ang pinakamalakas niyang kiliti.
"Teren, tumigil ka nga! Nakikiliti ako..." Panay ang pigil niya sa akin at tatawa-tawa sa ginagawa ko.
"Madaya ka. Wala sa usapan ang mambasa ng tubig. Gumaganti lang ako."
Nang matapos ko siyang biruin ng kiliti ay nawalan ako ng balanse nang subukan kong tumayo kaya napaibabaw ako sa kanya. Nagkatinginan kami. Naging tesyonado ako. Ang mga mata namin ay magkatutok. Kung nabibighani man siya sa magkaibang kulay ng mga mata ko, mas lalo na siguro ako pagdating sa kanya ngayong malapitan ko nang napagmamasdan ang mga iyon. Nakahiga lang siya, dilat ang mga mata, tikom ang bibig at hihingal-hingal. Ako naman ay nakaharap sa kanya, sapat lang siguro ang espasyo ngunit para sa akin, sobra ang lapit namin sa isa't isa. Hindi ko maipaliwanag ang kabog sa dibdib ko. Hanggang sa wala sa sarili kong kinintalan ng halik ang labi niya. Mabilis lang, ngunit kahibangan iyon nang mapagtanto ko.
Ilang segundo rin kami sa ganoong posisyon hanggang sa kapuwa kami natauhan. Naging tahimik ang loob ng sasakyan lalo na noong bumiyahe na kami pabalik ng Jericho dahil doon.
Habang nagmamaneho ay sumagi ulit sa akin ang nangyari kanina. It's no big deal, to be honest. Hindi naman iyon naging kabawasan sa pagiging malapit namin sa isa't isa. Just a random awkward moment, I guess.
Pumukol na namang muli ang kanyang magagandang mga mata sa isipan ko at sa nakakahiyang sitwasyon namin kanina. But why has her stare and mere presence suddenly given me a sense of relief? Why does everything with her become the most soothing experience ever?
Iyong tungkol naman sa halik? Hindi ko alam kung bakit ko ginawa ang bagay na iyon. Nababaliw na yata ako.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro