
Firefly 10 | Wheelbarrow
T E R E N
Mag-isa at palihim akong nagsasanay na tumugtugtog ng plauta sa loob ng toolshed. Lahat ng libreng oras na mayroon ako noon ay isinantabi ko muna upang matutunang muli ang ritmo, tamang paghinga at tiyempo ng pag-ihip. Hindi nga madali gaya ng inaakala ko. Ilang taon na simula noong huli. May karanasan ngunit pumurol na sa haba ng panahon. Kung minsan ay tumutugtog ako sa tabi ng mga puno o sa saliw ng kagubatan. Madalas hindi ipinaririnig sa iba ang aking pag-eensayo kung saan doon ako pinakakomportable.
Ang unang dalawang araw ng aking pagsasanay ay naging sakit sa ulo ni Martin. Bigo ako sa muli kong pagsubok. Masakit sa tainga ang lumalabas na tinig sa plauta dahil hindi lumalapat ang nota sa tamang tono—ultimo piyesang madalas kong tugtugin noon ay halos hindi ko na kabisado. The melody sounds surprisingly agitated, with harsher-than-usual notes that are strangely off-key. Hindi ko naman minamadali ang sarili kong makabalik sa dati, sa pagiging bihasa ko, ang importante ay natututunan kong muli kung paano.
May lampas isang linggo pa ako bago sumapit ang pasko, natitiyak ko namang makakaya kong makabalik agad sa pagtugtog kung itutuon ko ang sarili sa bawat oras na libre ako.
Kung minsan ay pati oras ng pagtulog ko ay ipinagpapaliban ko na. Pakiramdam ko kasi ay kukulangin ako sa panahon, kaya nagpupursigi akong mag-ensayo nang todo.
"Kinukulang ka sa hangin, Teren," puna ni Martin. "Subukan mo ulit."
Pang-apat na araw na simula nang magsanay akong tumugtog ulit ng plauta, ngunit magpahanggang-ngayon ay parang wala pa ring improvement sa muling pagsubok ko.
Nasa tabi kami ng lawa noong hapong iyon. Maagang isinarado ni Martin ang shop at hindi na muna gaanong tumanggap ng customer upang hindi siya matambakan sa pananahi.
Mayamaya ay lumapit sa akin si Martin. Hinawakan niya ang balikat ko saka inayos ang tindig ng aking pagkakatayo. "Hindi dapat naninigas ang katawan mo habang tumutugtog. Relaks ka lang," aniya saka umatras at muli akong pinanood na sumubok.
Sa kalagitnaan ng pag-ihip ko sa parte ng mahaba at tuluy-tuloy na magkakasunod na nota, sumigid ang sakit sa magkabilang sentido ko. My head feels so light which I can barely see straight. Napayuko ako. Nangiwi habang mariing naipikit ang mga mata.
Dinaluhan agad ako ni Martin. "Teren, ayos ka lang?" Inalalayan niya akong makaupo sa damuhan.
Tumingin ako sa kanya. "Ayos lang ako. Wala ito," matamlay na sagot ko saka sinubukang tumayo upang ipagpatuloy ang ensayo.
Hindi ako hinayaan ni Martin na tumayo. "Hindi mo kailangang gawin ito. Gustuhin mo man, ngunit kung hindi na kaya ng katawan mo, balewala pa ring magsanay kung maaapektuhan lang ang kalusugan mo."
Kinawag ko ang aking ulo ko. "Hindi ako puwedeng tumigil. Nangako ako kay Lorie, panonoorin niya akong magtanghal sa plaza ng Vanessa, sa araw ng pasko," nasaad ko sa kanya.
It's obvious that I'm pushing myself to the limit. I am considering honing a piece that I have never performed before. It's terrible. I sucked. And I do not want this frustration to ruin me.
"Kahit si Lorie hindi matutuwa kung makikita ka niyang ganyan," nag-aalalang sambit ni Martin. "Maiintindihan niya panigurado kung hindi kaya ng katawan mo ang maghabol ng ensayo para sa tanghalan. Siguro namang hindi lang ang pagtugtog mo na nadiskubre niya ang dahilan kung bakit hindi siya tuluyang umalis." Iyon lang ang alam kong dahilan ni Lorie. Ano pa ba bukod doon? "Baka dahil iyon mismo sa 'yo," dagdag niya.
Natigilan ako. Iyong sinabi ni Martin. Dahil sa akin? Hinayaan ni Lorie na maiwanan siya ng tren biyahe pabalik ng Fawnbrook dahil sa akin?
Si Martin ang nagmaneho ng sasakyan at bumalik na kami ng guesthouse maaga-aga kumpara kahapon na halos ginabi na kami dahil sa pagsasanay ko.
"Ayokong pigilan ka sa kagustuhan mong tumugtog ulit, Teren. Magpahinga ka, iyong sapat at mas mahaba upang mabawi mo ang kakulangan sa tulog. At kapag kaya na ng katawan mo bukas, saka natin itutuloy ang ensayo."
Sumang-ayon ako sa sinabi ni Martin. Inabuso ko lang siguro ang katawan ko at ipinagpaliban ang pahinga. Kahit na maibalik ko ang dating ako sa pagtugtog ng plauta, kung hindi naman nakakondisyon ang katawan ko, wala rin iyong silbi.
Pagpasok ko sa guesthouse ay nalingat ng aking mga mata sina Lorie at Yosef na kapuwa abala sa pagbuo ng jigsaw puzzle sa maliit na mesa sa sala. Nagkalat ang bawat piraso roon at pinagtutulungan nilang dalawa ang tamang paglapat ng kada piraso sa isa't isa.
Sumulyap sa akin si Lorie, napansin ko iyon. Mas lumapad ang ngiti niya nang magtapo ang mga paningin namin. Tumaas ang dalawa kong kilay saka ngumiti pabalik sa kanya bilang sagot.
Nang makarating ako sa aking kuwarto at ihinagis ang katawan sa kama, doon ko naramdaman ang pagod. Doon nagsimulang dapuan ako ng antok kung saan tila ba naging ulap ang kamang hinihigaan ko at ihinele akong makaidlip.
Sa madilim na gabi, pinagmasdan ko ang sulo na aking hawak. Malaki ang apoy sa ibabaw noon ngunit maliit lang ang liwanag na tinataglay para sa paligid.
Nag-angat ako ng tingin sa maitim na langit. Ang pulumpong ng makakapal na ulap sa gabi ay tila ba mapapansin dahil sa patay-sinding liwanag sa loob noon na susundan ng kulog.
Wala akong ideya kung ano ang ginagawa ko roon. The entire scary, dark atmosphere is beginning to terrify me. Nagtayuan ang mga balahibo ko, dulot na rin siguro ng ginaw na aking nararamdaman at pangambang pinamamahayan na ako.
Hindi ako makahakbang, para bang sinemento ang aking mga paa sa lupang kinatatayuan ko.
Muli, sa haba at layo ng direksyon sa tapat ko, lumitaw roon ang isang malaki at matayog na puno. Naisarado ko ang aking mga mata nang panandaliang masilaw sa kidlat na tumama sa tuktok niyon. Nang dumilat ako, mababanaag na roon ang nagningas at namumuong apoy sa loob ng katawan ng puno. Nalukot ang pagitan ng mga kilay ko dahil sa kakatwang pangyayaring iyon.
Pagkatapos ay unti-unting dumami ang nagliliyab na mga puno at pinagliwanag ng mga ito ang kaninang madilim na kapaligiran ko. Huli ko na nang mapagtanto na nasa gitna na pala ako ng nasusunog na kagubatan kasabay ng papalakas nang papalakas na tunog ng natutupok na mga sanga.
Umalingawngaw ang isang boses sa kalagitnaan noon. Hindi pamilyar. Para bang hindi rin boses. Ang tinig ay tila ba nasa utak ko lang na binubulungan at inaabisuhan ako.
"Teren, tumakbo ka na, umalis ka na... hayaan mo na sila... iwanan mo na ang bayan..."
‧⋆.*ೃ༄₊
Dalawang araw matapos kong mapanaginipan ulit ang tungkol sa nasusunog na kagubatan, magpahanggang-ngayon ay inuusig pa rin ako ng bangungot na iyon at tila ayaw na akong tantanan. Iyon din ang dahilan kung bakit nahuhuli ko ang aking sarili minsan na tulala sa malayo at hindi mapigilang isipin ang tungkol sa bagay na iyon.
Maghapon akong nasa toolshed. Pahinga muna ako sa ensayo. Ang sabi ni Martin, bukas ay maaga kaming magpapatuloy dahil sarado ang kanyang shop at wala siyang trabaho. Sumang-ayon ako sa gusto niyang mangyari dahil ayaw niyang pilitin kong magsanay nang magsanay, kaya binigyan niya ako ng araw ng pahinga.
Hindi ko gaanong nakikita si Lorie nitong mga nagdaang araw, bukod sa abala ako sa ensayo, namasukan na siya bilang katuwang ni Mr. Lemery sa tindahan nito ng mga regalo. I am aware that she has been very busy lately, sorting and wrapping gifts for the store. Malapit na ang pasko, inaasahan na ang mga mamimiling dadagsa sa shop ni Mr. Lemery.
Kung trabaho ang iniisip ni Lorie, kapuwa na namin siyang inalok ni Martin, subalit pareho niya rin kaming tinanggihan. Walang kaso iyon dahil balido naman ang dahilan niya. Iniisip na ayaw niyang abusuhin kami, lalo na ang pagtulong ni Martin at pagpapatuloy ko sa kanya sa guesthouse. Maayos naman ang negosyo na gift shop ni Mr. Lemery at mabuti naman itong tao kaya palagay rin akong nasa mabuting kamay si Lorie. Isa pa, magkakilala sina Martin at Mr. Lemery noong nagkasama ang mga ito bilang representante ng bayan ng Jericho sa nayon ng Florence para sa isang pagtitipon.
Pagbalik ko ng guesthouse ay natigil ako mula sa front porch habang nagdidilig ng mga halaman sa maliliit na paso. Nang maulinigan ko ang mahinang takbo ng kabayo sa sementadong kalsada sa malayo ay roon ding palakas iyon nang palakas habang lumalapit. Ilang saglit pa ay dumating ang pamilyar na kabayo—isang matikas at kayumangging kabayo. Sa ibabaw noon ay naroroon si Vance na suot ang riding habit nito habang sakay sa likod nito si Lorie na may dalang maliit na kahon na nakabalot sa tela.
Sa lugar kung nasaan ako, kitang-kita ko kung paano unang bumaba si Vance pagkatapos ay maingat na inalalayan nito si Lorie na hawak ang kamay. Naalala kong naikuwento sa akin ni Martin noong nakaraan na si Vance din ang naghatid kay Lorie noon at mukhang napapadalas na iyon ngayon.
Hindi ko na hinintay na madatnan pa ako ni Lorie sa front porch ng guesthouse kaya habang nag-uusap pa sila ay pumasok na ako sa loob.
My eyes never meant what it seemed; they simply captured moments. Since I was a child, my sense of sight has taught me the art of noticing where I allow myself to be in the moment. Hindi naging maganda ang nakaraan ko, ngunit sa tulong ng mga kasalukuyang sandali, tulad ng magandang kapaligiran at payak na pamumuhay sa probinsya ay nahahayaan ko ang aking sariling ilayo sa mga nakaraang iyon.
Nang pumanhik ako sa ikalawang palapag patungo sa aking kuwarto, narinig ko pa ang boses ni Lorie na unang hinanap si Martin kay Yosef, pagkatapos ay ako. Bakit niya kaya ako hinahanap? 'Tapos sumagot naman si Yosef kay Lorie na kapapasok ko lang sa loob at umakyat sa aking kuwarto nang dumating siya. Sinabi naman ni Lorie na hihintayin na lang daw niya akong bumaba dahil may ibibigay siya sa akin.
Kinabukasan maaga akong nagising. Nadatnan ko sa kusina si Yosef na nakaupo sa silya habang naglalaro ng kanyang mga laruan sa ibabaw ng mesa. Si Martin ay abala sa pagpapakulo ng talbos at nagsasalansan ng mga bungang-kahoy.
Hinanap ko si Lorie. Wala siya roon.
"Hindi ka na naghapunan kagabi. Kumain ka na muna bago ka umalis," alok ni Martin saka niya ako ipinagtakal ng sabaw na madalas ihain niya sa akin na parang tsaa.
"Si Lorie? Hindi pa ba siya lumalabas ng kuwarto niya?" tanong ko saka naupo kasalungat ni Yosef na nginitian ko.
"Kuya, may ibibigay sana si Ate Lorie sa 'yo kagabi, iyong tinapay na gawa sa taro saka mga paborito mong butterscotch na nakalagay sa magandang garapon." Tumingin sa akin si Yosef at giliw na giliw sa sinasabi niya.
Inabot ko ang ulo niya at ginulo ang buhok. "Talaga? Bakit hindi mo ako tinawag?"
Lumapad ang nguso ni Yosef saka nagkibit ng mga balikat.
"Maagang umalis at nagpaalam sa akin si Lorie kanina patungo sa pamilihan at mukhang didiretso na rin sila ni Mr. Lemery upang samahan itong magtungo sa lumang press printing para sa karatulang ilalagay sa bukana ng gift shop," sabad ni Martin saka inilapag ang mainit na sabaw sa tapat ko. Nagbaba siya ng tingin sa akin. "Pinaiwan niya sa akin iyong kahon ng taro bread at maliit na garapon ng mga butterscotch at para sa 'yo raw iyon. Mukhang alam na ni Lorie ang paborito mong mga pagkain," masaya nitong kuwento.
Kompiyansa si Martin. Tama siya, ang taro bread at butterscotch ay mga gusto ko, pero paano kaya nalaman ni Lorie na iyon nga ang mga paborito kong kainin?
Pagkatapos kong mag-almusal kasabay nina Martin at Yosef ay nagtungo muna ako sa toolshed at nag-ensayo ng ilang oras bago ko iparte ang mga palayok at paso na ihahatid ko sa sentro mamaya. Tutulungan ko rin pala si Aling Marietta na magbungkal ng lupa para sa mga bago niyang pananim, kaya dapat maihatid ko agad ang lahat para makatulong ako sa pag-aayos niya sa mga bagong halaman.
Dinaanan ko ang lahat nang naalok ko ng palayok noong nakaraang linggo, 'tapos bago magtanghali ay huli kong pinuntahan si Aling Marietta at tinulungan siya.
Malawak ang lupain na nasasakupan ng tahanan ni Aling Marietta kung saan nakatirik ang maliit na kubo na gawa sa kombinasyon ng mga bato, pawid at kahoy. She is clearly transforming her house into a cottage garden. Mag-isa lang si Aling Marietta sa buhay, nagka-edad ng walang asawa o anak, tanging ang pusa lang nitong puti ang kasa-kasama nito.
Her front yard grass had been mowed to a good, clean length. Nang mapasok ko pa ang loob ay agad ko siyang tinawag na abala sa pagkakarit ng mabababang damo sa tabi ng greenhouse.
Lumingat siya sa akin. "Mabuti naman at naririto ka na, Teren," anang matanda, nilapitan ako habang pinupunasan ang mga butil ng pawis sa noo.
Nakasuot si Aling Marietta ng damit na kalimitang sinusuot ng mga hardinero na nakikita kong nagtratrabaho sa hardin ni Rocco. Pusod ang buhok niya habang bakas sa mukha ang pagod ngunit hindi naman niya iniinda iyon dahil gusto niya ang ginagawa.
"Dala ko na ho ang lahat ng paso na gagamitin n'yo sa bago ninyong mga halaman."
Masaya si Aling Marietta sa pagdating ko. Hindi na ako naghintay pang sabihan niya dahil nagkusa na akong tulungan siya sa paglilipat ng mga bulaklak at halaman sa mga pasong dala ko. Gamit-gamit ang karetilya niya, inilipat ko ang iba sa loob ng greenhouse, sa paligid ng bukana ng kanyang bahay saka isinalansan naman ang ilan sa bakuran.
Masasabi kong alam na alam ni Aling Marietta ang gusto niyang mangyari sa kapaligiran ng kanyang bahay, wala akong masabi sa pagtutugma ng mga bulaklak at halaman sa isa't isa—mula sa kulay, lago at pagkakaiba-iba ng mga ito. She has already blueprinted everything in her head, which I admire as she directs me.
Sa kalagitnaan ng pagbubungkal ko ng lupa habang nasa tabi ko siyang nagbubunot ng mga bagong sibol na damo at ligaw na halaman, biglang naitanong ko sa kanya ang isang bagay, "Aling Marietta, may ibig bang sabihin kapag madalas kang makatanggap ng mga bagay na gusto mo mula sa isang tao?"
She craned her head to me. Nangiti siya. Tumango. "Lahat naman ng bagay ay may dahilan at ibig sabihin. Binibigyan ka siguro ng taong iyon para makaganti siya sa kabutihan o kabaitang ginawa mo. Kung palagian, lalo pa kung kilala na niya na iyon ang gusto mo, malamang isa lang ang ibig sabihin noon, na pinahahalagahan na niya kung ano ka sa kanya."
Natigil ako sa pagbubungkal dahil sa tugon ni Aling Marietta habang nakatitig lang ako sa labas ng greehouse at nakikinig sa sinasabi niya. Ano man sa binanggit niya ay tama, baka nga dahil pinahahalagahan ni Lorie ang mga bagay sa akin dahil pinagmalasakitan namin siya ni Martin. She's just giving back the favor in her nature.
"Bakit mo naitanong? May madalas bang magbigay sa iyo ng mga bagay na gusto mo?"
Nangisi ako bigla at natatawa na lang sa sarili. Itatanggi ko lang ang tungkol sa bagay na iyon. Wala lang siguro iyon.
"Wala ho Aling Marietta, naitanong ko lang," naiilang na nasabi ko.
"Madalas sabihin ng mga tao na mas maganda ang magbigay kaysa ang tumanggap nang tumanggap. Kung sinusuklian lang niya ang kabutihan mo, maaari mong subukang gumanti rin ulit sa kanya; mag-alok ka, tapatan mo siya, baka sakaling malaman mo na ang tunay na ibig sabihin niya para sa 'yo."
Noong dumating si Lorie sa guesthouse, iba ang pakiramdam ko sa kanya, kumbaga para lang siyang bisita na dumatal at agad ding aalis. Ngunit nang makausap ko siya, makapalitan ng interes at kuwento, ganoon na rin kabilis na nagbago ang tingin ko sa kanya. She's to me feels like I lost something I'm yet to know. Ganoon na lang ang pagmamalabis kong makilala pa siya nang lubusan.
Bago ako umalis ay isinabay na ako ni Aling Marietta na mananghalian sa munti niyang tahanan. Pumitas pa siya sa mga malalago niyang bulaklak at ginawang tungkos. Iwinika niyang ibigay ko raw iyon sa taong laman ng usapan namin kanina. Hindi niya alam kung sino, pero isa lang ang tinutumbok noon. Si Lorie.
Ilang sandali pa ay nagpaalam na ako kay Aling Marietta at saka sumakay nang sasakyan at umalis. Hindi muna ako babalik ng guesthouse, dala-dala ko naman ang plauta kaya maaari pa akong makapagliwaliw ng saglit sa sentro saka mag-isang mag-eensayo sa may burol, kung saan pansamantalang mamamalagi muna ako sa lilim ng puno habang nakatanaw sa guho—ang tawag ng bayan sa maliit at abandunadong kastilyo. May sasakyan naman ako, kalahating oras lang ang byahe patungo roon.
Habang nagmamaneho, nasulyap ang mga mata ko sa pulumpong ng pulang-pulang mga rosas sa tabi ko. Hindi ako makapaniwalang pipitasin ni Aling Marietta ang mga iyon para lang ibigay sa akin. Gayunpaman, miski ako rin ay hindi nakikita ang sariling personal na maibibigay ko iyon kay Lorie nang harapan. Iniisip ko pa lang, nahihiya na ako. Kung sakali, ano kaya ang magiging reaksyon niya? Mag-iisip kaya siya ng ibang bagay?
Nang makarating ako sa burol ay naramdaman ko agad ang banayad na hangin, panghapon ang tinataglay na init noon, saka ko pinagmasdan ang kastilyo sa dulo ng bayan habang lumalakad. Noon, gusto kong dalhin si Irene sa guho, pero bago pa mangyari iyon ay bigla na lang siyang umalis at hindi na bumalik. I had so many wonderful plans for her that day, but fate intervened.
Kinawag ko ang aking ulo at kinalimutan na iyon. Maganda ang gising ko, masaya akong nakatulong kay Aling Marietta kanina at ngayon ay maaliwalas at maganda ang panahon, hindi ko hahayaan iyong masira nang dahil lang sa isang alaalang bumabalik ilang taon na ang nakalilipas.
Huminga ako nang malalim. Itinaas ang plauta, pumuwesto at tila ba ineengganyo aking sariling magsimula na. Ito na ang oras, kaya ibinigay ko sa pagsasanay na ito ang buong atensyon ko. Tutugtog ako, mag-eensayo at hindi hahayaang maapektuhan ako ng mga alaala ko kay Irene.
Kalmado akong umiihip at sinasabayan ang kumpas ng hangin. Napapikit ako habang kasalukuyang dinadama ang sandaling mayroon ako kasama ang tono ng piyesang aking kinakabisa. Sa simula pa lang, maganda na ang rehistro ng tunog; tumutugma at nagkakaisa ang musika sa agos ng nagsisikap kong emosyon, makulay at banayad na lumalapat sa bugso ng aking damdamin. Ibang-iba iyon kumpara sa mga araw na nagsisimula pa lang akong magsanay. Ngayon, tila ba iisa lang ang landas na tinatahak ng ritmo sa bawat pag-ihip ko.
Pagkatapos ng ilang beses ay nahiga ako sa lambot ng damuhan at natingin sa itaas ng puno saka napikit. Ang gaan-gaan sa pakiramdam. Nag-uumapaw ang kasiyahan ng aking puso. Palagay na palagay ang dibdib ko. Unti-unti ko nang nakukuha ang piyesang halos hindi ko maitugtog nang maayos nitong mga nagdaang araw. It's mind over matter. Perhaps I just have to fill the emptiness in me, and everything follows through.
Ilang minuto pa akong nanatili roon hanggang sa masabi kong maghapon na akong nakapag-ensayo sa may burol. Siguro uuwi na ako sa guesthouse at kung may pagkakataon, iparirinig ko kay Martin ang natuklasan kong mabisang paghinga at tiyempo sa epektibong pagtugtog ng plauta.
Nagmaneho na ako pabalik. Sa gitna niyon ay bigla kong naalala si Lorie dahil sa bungkos ng mga rosas na nasa tabi ko. Pupuntahan ko siya sa shop ni Mr. Lemery, susunduin ko siya. Kaso nang makarating ako roon, ayon kay Mr. Lemery ay nakaalis na raw si Lorie halos kalahating oras na ang nakalipas. Bago raw ito umuwi, didiretso pa raw si Lorie sa pastulan, malapit sa tindahan ni Mrs. Sierra.
Nagmamadali akong nagmaneho papunta roon at nagbaka-sakali. Nang makarating ay nakita ko si Lorie kasama si Vance sa bungad ng pastulan at kapuwa nila katabi ang kayumangging kabayo nito. Sa pagkakataong iyon, hindi ko na hahayaang panoorin na lang sila kaya naman ay bumaba na ako ng sasakyan at tinungo sila.
Lumingon sa akin si Lorie. Hindi ko binitiwan ang ngiti sa aking mga labi nang makalapit ako.
"Teren? Bakit ka nandito?" salubong ni Lorie.
"Katatapos ko lang maghatid ng mga palayok at paso sa sentro, pauwi na sana ako kaso bigla kitang naalalang daanan sa shop ni Mr. Lemery. Ang sabi niya rito ka tutungo kaya rito na ako dumiretso. Kaya ako nandito para sunduin ka, may iba ka pa bang pupuntahan?"
Napatingin si Lorie kay Vance. "Teren, a-ano kasi, ihahatid ako ni Va—"
Iminuwestra ni Vance ang kamay nito sa akin. "Sige na, Lorie, sumabay ka na kay Teren. Kita na lang tayo bukas." Malapad ang ngiti nito saka lumipat ng tingin sa akin. "Ingat sa pagmamaneho," anitong tumango habang hawak ang dulo ng riding hat nito.
Wala namang naging problema sa pagitan naming tatlo nang hilahin na ni Vance ang renda ng kanyang kabayo saka kami iniwang dalawa.
"Maraming salamat pala," banggit ko kay Lorie bago ko pa makalimutan. Nakatitig ako sa mga mata niya.
"Salamat saan?"
"Sa taro bread at butterscotch na binigay mo."
"Hinihintay kita kagabi, kaso hindi ka na yata lumabas ng kuwarto mo kaya itinabi ko na lang. 'Tapos maaga akong umalis kaninang umaga kaya ibinilin ko na lang kay Martin. Nagustuhan mo ba?"
Para akong batang nakangiti na tumango-tango. "Oo, masarap. Nagustuhan ko."
Pagkatapos ay naglakad na kami patungong kotse. Pinagbuksan ko pa si Lorie ng pinto saka ko pinaandar at minaneho ang sasakyan.
Habang nasa biyahe, doon ko ibinigay sa kanya ang mga rosas na itinago ko sa backseat. Her eyes brightened the moment I handed it to her. She sniffed it appreciatively.
Pumilig ang ulo niya sa akin. "Saan ito galing? Masyado pa itong sariwa, halatang kanina lang pinitas."
Alam ni Lorie ang kalidad ng mga halaman at bulaklak, nakita niya iyon base sa ganda, lutong at amoy ng mga talulot. Ang mga paningin ko ay nasa kalsada at dahil doon ay nalingon ko siya.
"Sa totoo lang, ibinigay iyan sa akin ni Aling Marietta, iyong maghahalaman na suki ko sa mga paso. Ang sabi niya, ibigay ko raw ang mga rosas na 'yan sa taong gusto kong pagbigyan. Ikaw lang ang nasa isip ko noong tinanggap ko iyan mula sa kanya, kaya sa 'yo talaga 'yan mapupunta." Malapad akong ngumiti.
Bakas na bakas sa mukha ni Lorie ang saya at giliw na giliw na pinagmamasdan ang sariwang mga rosas sa harap niya. I'm not entirely sure if it touched my heart, but I was moved by her reaction when I saw it.
'Tapos ilang segundo parang unti-unti nang tinatambol ang puso ko saka bahagyang nag-init ang aking mga pisngi. Dahil ba iyon sa kanya?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro