Kabanata 7
"WHAT are they? Bakit nila ako sinugod kanina? Akala ko ba mga mababait ang mga lobo rito? At saka bakit sila nakinig sa 'kin? Hindi ko maintindihan!"
Kanina pa dada nang dada si Erienna tungkol sa mga itim na lobong nakaharap nila. Nakabalik na sila sa palasyo at nakapagbihis na rin si Midnight.
Nasa kuwarto sila ngayon ng dalaga.
"Will you calm down a bit?" Midnight said. Inilapag muna nito ang tray ng pagkaing dala sa side table at umupo sa kama.
Pinagkrus naman niya ang mga braso at hinintay na makapagsalita si Midnight.
"They are Havocs," panimula ng lalaki kaya inangat niya ang kaniyang tingin. "They are black werewolves who traveled in packs. Wala silang ibang pinakikinggan kundi ang kanilang pinuno."
Kumuha ng tinidor si Midnight at itinusok sa karne bago ibigay sa kaniya. Kinuha naman niya agad ito at nilamon.
"Pinuno nila? Hindi ba ikaw ang pinuno nila?" tanong ng dalaga habang ngumunguya.
Umiling si Midnight. "Hindi ko sila kasapi and I don't have any idea kung sino ang leader nila."
"E, bakit nakinig sila sa 'kin? Akala ko ba pinuno lang nila ang pinapakinggan nila?"
Napaangat naman ang tingin ni Midnight dahil sa tanong niya. Bumuntonghininga ito. "I'm still not sure pero mukhang ikaw nga ang taong binanggit sa propesiya."
"Propesiya?" Napataas ang kaniyang kilay.
"Not a very long time ago, Matilda--an ancient wolf who was cursed--showed up and told us about the prophecy. She said that the Havocs would take its revenge and by that time, a human who could tame them would appear."
"At ang taong 'yon ay ako?" sabi ni Erienna habang nakaturo sa kaniyang sarili.
"I guess so."
Ilang beses na napakurap si Erienna habang nakaturo pa rin sa kaniyang sarili.
"Ha!" Hindi niya mapigilan ang sariling humagalpak sa tawa habang napapalakpak pa. Weeks ago, k-in-idnap siya ng isang lobo and now sasabihin sa kaniya na parte siya sa isang propesiya?
Napatigil siya sa pagtawa nang mapansin ang masasamang tinging ipinukol ni Midnight sa kaniya.
"Binibiro mo ba ako, Midnight?" ani niya at marahas na tinusok ang karneng nasa plato.
"Do I look like I'm joking?"
Napangiwi naman siya at kinagat ang karne. Kahit na itanggi niya ay kitang-kita mismo ng kaniyang mga mata kung paano ito nakinig sa iniutos niya.
Kahit na ipinaliwanag na ni Midnight sa kaniya, may mga tanong pa rin siya sa kaniyang isipan. Bakit siya sinunod ng mga ito? Because of the prophecy? And why was she involved about this? Bakit nasali siya sa problema ng mga lobo?
"Pagkatapos mong kumain, matulog ka na," saad ni Midnight at tumango lang siya.
"Hay!" Napahiga siya sa kama habang iniisip ang nangyari kanina.
Biglang sumagi sa isipan ang lalaking may kakaibang mga mata. Sa tuwing naiisip niya ang pagmumukha ng lalaki, nalulungkot siya at hindi niya alam kung bakit.
Nagiging weird na yata ako.
Ilang araw na niyang hindi maintindihan ang nararamdaman lalo na kapag malapit sa kaniya ang lobong may peklat sa mata. Sinulyapan niya si Midnight na nakaupo lang sa gilid ng kama at nahuli niya itong nakatingin sa kaniya.
Biglang sumakit ang kaniyang ulo kaya pumikit muna siya at hinayaan ang sariling makatulog. Maybe she was just exhausted.
"Midnight, come here!"
Napalingon si Erienna sa batang babaeng nakaupo sa isang sofa. Inikot niya ang kaniyang tingin at pamilyar ang buong silid. Hindi siya puwedeng magkamali, nasa salas siya ng bahay nila. Nasa kanilang bahay siya.
"Stop treating me like your pet! I'm not a dog!" singhal ng batang lalaki habang naglalakad papalapit sa babae at umupo rin sa sofa.
Nasa harapan lang siya ng dalawang bata pero mukhang hindi siya nakikita ng mga ito.
"Yes, you are!"
"I'm a wolf!"
"No, you're a dog!"
"Wolf!"
"Dog!"
"Wolf!"
"Dog!"
Pinakatitigan niya ang dalawang bata na ngayon ay nagtatalo. May kahabaan ang buhok ng babae at kayumanggi ang kulay ng mga mata nito. Katulad na katulad ito sa kaniya. Ibinaling niya ang tingin sa lalaking nakasimangot at bahagya siyang natigilan.
Napamulat si Erienna at wala sa sariling sinambit ang pangalan ng lalaki. "Midnight?"
"Yeah?"
Napalingon siya sa kaliwang bahagi ng kama at nasilayan ang lalaking nagmamay-ari ng bughaw na mga mata. Agad siyang napabangon at tinitigan ang pagmumukha nito. Ikinumpara niya ang batang lalaki sa panaginip at kamukhang-kamukha nga ito ni Midnight pero ang tanging kaibahan lang, wala pang peklat sa kanang mata ang batang napanaginipan niya.
It was just a dream but why does it feels so real?
Napakunot ang noo ni Midnight nang mapansing nakatitig lang si Erienna sa kaniya.
"Will you stop staring at me?" bulyaw nito. But instead of answering, Erienna stretched her hand and coped Midnight's face.
Ramdam niyang natigilan ang lalaki pero hindi niya iyon pinansin at hinaplos ang peklat nito. She really wanted to know about his scar. Erienna felt the urge that she must know about it.
Pakiramdam niya'y maraming nakapaloob dito na mga istoryang dapat niyang malaman upang mas makilala niya pa si Midnight.
"Saan mo 'to nakuha? Anong nangyari dito?" she desperately asked.
Tinanong na niya ito rati kay Midnight at nabigo siyang malaman ito at pakiramdam niya'y mabibigo na naman ulit siya nang tinanggal ni Midnight ang pagkakahawak niya sa mukha nito.
"Hindi mo gugustuhing malaman," sagot nito at tinalikuran siya pero bago pa man ito tuluyang makatalikod, napansin niya ang mga iba't ibang emosyong naglalaro sa mga mata ng lalaki.
Napabuntonghininga siya at napaisip kung paano niya magagawang pakuwentuhin ito.
"I was eight when my mom and dad passed away. Kasama nila ako no'ng maaksidente sila but I miraculously survived. Pagkatapos sa insidenteng 'yon, si Tiya na ang kumupkop sa 'kin at akala ko magiging okay na ang buhay ko, pero hindi. Walang araw na hindi ako nagkakaroon ng pasa dahil sa pambubugbog ni Tiya. Gabi-gabi, kinukulong niya ako sa kuwarto at palagi siyang umaalis. Hindi ko alam kung saan siya pumupunta pero pagbalik niya sa umaga, pambubugbog na niya ang sumasalubong sa 'kin," kuwento niya. She was hoping that by sharing her life, Midnight might open up to her.
"Binubugbog ka?" tanong nito at nilingon siya.
Tumango siya at sinalubong ang mga tingin nito. Nagtaka siya nang mapansin ang kakaibang titig na binibigay ng binata sa kaniya. Like his eyes were saying 'sorry'.
"Nag-share na ako about sa life ko now it's your turn. Tell me about your scar," sabi niya habang nakaturo sa peklat nito.
Inalis ni Midnight ang pagkakaturo niya. "Hindi naman ako nagtanong tungkol sa buhay mo."
Napairap siya. "'Wag ka ngang magsungit d'yan!"
Hindi sumagot si Midnight at nanatiling nakayuko.
"Ang unfair mo naman!" bulyaw niya rito nang hindi ito nagsalita.
"Unfair?" sambit nito at hinawakan ang peklat. "Life isn't fair, Eri."
Tumayo si Midnight at nakapamulsang tumalikod sa kaniya.
"This scar resembles my loss. I lost most of my everything. Almost," Midnight uttered.
"Almost? So ibig sabihin may naiwan pa?"
"Yeah," said Midnight and locked his eyes on her. "I guess life has its own purpose for being unfair."
Hindi sumagot si Erienna at tinitigan lang din si Midnight. Her heart was beating fast like it wanted to get out.
"Matulog ka na ulit," utos nito na ikinakunot ng kaniyang noo.
"Ha? Pero hindi mo pa nga nakukuwento--"
A kiss landed on her forehead, making her stopped from talking.
"Sleep," pag-uulit nito at naglakad na palabas ng kuwarto.
Napasimangot siya at pabagsak na inihiga ang sarili sa kama.
"Good night!" sarkastiko niyang sabi at nagtalukbong ng kumot.
"Good night, Eri." Narinig niya ang pagsarado ng pinto at kasabay no'n ang pagkalungkot ng kaniyang sistema.
Ayaw pa niyang umalis si Midnight. She wanted him to stay until she would fall asleep but the moody werewolf already walked out from the door.
---
NANG makalabas ay agad na nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Midnight habang naglalaro sa isipan niya ang mapait niyang nakaraan. Mas lalong nagdilim ang kaniyang mukha nang maalala ang nangyari kanina.
Those fucking Havocs.
"Uno." Sumalubong sa kaniya ang nababahalang mukha ni Fenrys na para bang may masama itong balita.
"Spill it."
"Blaitheria." Napakuyom ang kamao ni Midnight nang marinig ang lugar kung saan naninirahan ang mga Havoc.
Ang Raeon at Blaitheria ay magkaibang kaharian na nakahiwalay sa isa't isa. Crafts are Raeon's forte. Habang ang Blaitheria ay nangunguna pagdating sa labanan. Ang mga lobo sa Raeon ay hinubog sa paggawa ng mga iba't ibang kagamitan habang ang mga lobo naman sa Blaitheria ay dinisenyo upang maging isang mahusay na mandirigma. Kahit na magkaiba ang pagpapalaki sa kanila, nanatiling mapayapa at magkasundo ang dalawang kaharian. Ngunit nagbago ang lahat ng iyon nang umalis sa trono ang hari at reyna ng Blaitheria at pumalit doon ang isang panibagong pinuno.
Napapikit siya habang inaalala ang nangyari.
"Run, Midnight! Run!"
"No, Mama! I won't leave you!" mangiyak-ngiyak na sabi niya.
Sampung taon pa lang si Midnight nang mangyari ang labanan. Nagtatanong ang kaniyang isipan kung bakit sila sinusugod ngayon ng mga Havoc. Akala niya'y kaibigan nila ang mga ito pero bakit nakikipag-away ito sa kanila?
Hinawakan ng kaniyang ina ang mukha niya at hinaplos ito. "Listen to me. You need to live, Midnight. Ikaw lang ang kaisa-isang anak namin at ang tagapagmana ng trono. The werewolves need someone who could lead them at ikaw 'yon, Midnight Ares! You will be the next king, that is why you need to live. Live for them, Midnight." Hinalikan siya ng kaniyang ina sa noo. "Let me and your Papa handle this." Ang huling salitang narinig niya sa kaniyang ina.
Napaangat ng tingin si Midnight at nakita niya ang isang napakalaking Havoc na nakangising nakatingin sa kanila.
Nanginig ang kaniyang mga tuhod.
Bago pa siya makapagsalita ay agad na nagbago ang anyo ng kaniyang ina at buong tapang na sinugod ang itim na lobo. He witnessed how her mother fearlessly fought against the Havoc just to save him. At wala man lang siyang ibang nagawa kundi tumayo at manood. Manood kung paano bumagsak ang kaniyang ina sa lupa, kung paano ang abo nitong mga balahibo ay natakpan ng mga pulang likido.
"Mama!" Napatakbo siya sa kaniyang walang buhay na ina pero bago pa man siya makarating, isang matulis na kuko ang dumapo sa kaniyang mukha. Napaupo si Midnight habang nakahawak sa mata niyang natamaan. Hindi niya magawang imulat ito dahil sa sakit at hapdi. Unti-unti siyang nahilo.
He heard a loud growl before his vision went black.
Sa pagmulat ng kaniyang mga mata, nasilayan niya kung gaano kagulo ang nangyaring labanan. Kung paano ang mapayapang Raeon ay nagmistulang lugar na inabanduna. Amoy na amoy niya ang malansang dugong humalo na sa putik. Wala na ang mga Havoc ngunit naiwan naman doon ang mga katawan ng mga lobong nasawi sa labanan. Kasama na roon ang kaniyang ama at ina.
Ang ina na prinotektahan siya at ang ama na siyang nagsakripisyo ng sariling buhay para mapatay ang pinuno ng mga Havoc. It was his father's growl before he lost his consiousness. Thanks to his father, the Havocs retreated because of their leader's death.
Napaluhod si Midnight habang iniinda ang sakit sa kaniyang kanang mata at ang mabigat na bagay na nakadagan sa kaniyang puso. Durog na durog si Midnight at hindi niya alam kung paano pa siya makakatayong muli. Napahagulgol na lang siya habang iniisip ang mga katagang sinabi ng ina.
Napabalik sa kaniyang diwa si Midnight nang magsalita si Fenrys.
"Alam natin na marami pang natirang Havoc pagkatapos ng labanang nangyari dati pero hindi ako makapaniwala sa nakita ko kanina. There are thousands of them, Uno. Hindi ko inakala na ganoon sila karami. I think they're planning something from us."
Napatiim-bagang si Midnight matapos marinig ang sinabi ni Fenrys.
Kaya pala naging tahimik sila sa mga nakaraang taon. Ang buong akala ni Midnight, kaya sila nananahimik dahil nasawi sa labanan dati ang kanilang pinuno na siyang pumalit sa trono. Pero mukhang may pumalit na naman rito at may pinaplano itong masama sa kanila. Nagpaparami sila. They're trying to overtake Raeon by increasing their numbers.
"But I think we have the advantage," said Fenrys and he was pertaining to Erienna.
"No, we can't just rely on her."
It was true that they got the advantage but Erienna was still confused. Nalilito pa ito at halatang hindi pa nito kayang tanggapin ang nalaman. Ayaw rin naman niyang mapahamak ito.
Hanggang ngayon, naiwan pa rin sa kaniyang puso ang kirot at hinagpis. Galit siya. Galit siya sa mga Havoc at gustong-gusto niyang gumanti sa mga ito noong panahong iyon pero isinantabi niya muna ang kaniyang emosyon at inuna ang bilin ng ina.
Inipon niya ang mga natitirang lobo ng Raeon at pinangunahan ang mga ito. Muli niyang itinayo ang Raeon mula sa pagkalugmok nito at pinangako sa sarili na hindi niya hahayaang masira ito ulit. He would not let them destroy Raeon again. Hindi sa pagkakataong 'to na natuto na siyang lumaban at maging matapang alang-alang sa mga nasasakupan niya.
"Call the Knights," he commanded.
He could smell war. It was time to make a move.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro